watch now

Author Topic: Nahulog na ba baby niyo sa kama?  (Read 163878 times)

mikey_mouse_219

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #160 on: January 25, 2011, 03:33:06 pm »
hay buti na lang hindi pa to nangyari sa baby ko...mahirap na din nakakawindang!

rons_little_bb

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #161 on: February 10, 2011, 01:42:58 pm »
my baby just fell from our bed... nahulog siya pahiga, kaya nakita ko na tumama un head niya sa sahig na may double mat. umiyak sandali then ok na. naiinis ako sa sarili ko... kumuha lang ako ng tubig pampunas sa kanya kasi kakatapos lang niya kumain, which is sa tabi lang ng bed, tumalikod lang ako sandali ayun... this is the 2nd time.

yun 1st time, nun 11 month old siya, natutulog ako then iniwan ni hubby si baby with me sleeping then nakaharang lang ng pillow. pero bigla nalang ako nagising dahil nahulog na siya, super iyak niya nun. hindi ko agad pinatulog uli.

2x na siya nahulog, pangit ata yun taon na to, or super pagod na ako sa pagaalaga, kaya naging pabaya ako? or kampante? hay... asar... sana ok siya :(
« Last Edit: February 10, 2011, 02:16:07 pm by ron's_little_bb »

anneG

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #162 on: February 10, 2011, 01:53:09 pm »
my baby fell when she was 3mos old padapa naman bagsak niya sa wooden floor namin buti nothing happened to her & buti rin her body is fit hindi siya payatot.

simple_elegance

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #163 on: February 10, 2011, 02:13:07 pm »
Both my kids fell off the bed, mga tig two times sila. The eldest fell pagapang when he was mga 6 to 7 months and fell on a carpeted floor. Thank God wala namang nangyaring masama. The youngest naman fell off the bed at 6 months and then at 11 months. He fell naman on a narra flooring at bukol ang inabot on both instances. Inis na inis ako with myself kasi feeling ko sobrang pabaya ko. My dad who was with us at the time galit na galit sa akin. He had to go downstairs and stay away from me for a while. In a way I thank God na din na during the times na nahulog mga kids ko, ako lahat may kasalanan kasi kung ibang tao nakalaglag sa kanila, I don't know how I could have controlled my anger.

mommy_irene

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #164 on: February 10, 2011, 02:22:32 pm »
3x na nahulog si baby sa kama.. actually, nung una is, padapa.. hindi ko nakita how he fell pero umiyak na lang siya kaya ko nalaman na nalglag na pala siya - siguro dahil sa gulat sa lakas ng sigaw ko.. i was cleaning his f. bottles, iniwna ko siya sa kama na tulog, kinukutuba na ko na parang gising na siya at baka malaglag, pero deadma ako.. tuloy lang ang linis ko until i heard something so dahan dahan ako, to my dismay, yun nga, laglag na padapa, super sigaw ako, dun siya umiyak.. karga ko siya agad then look if my bruises, wala naman..

2nd time, nung madaling araw.. kami ni hubby kasi, we make sure na ako yung naka straight ang higa siya sa may paa ko across/ vertical to us kaya kahit na gising si baby, mararamdaman namin na kikilos siya - mapreprevent yung paglaglag niya.. ewan ko ba, that night, sabi ko, baka hindi naman na malalaglag, tumabi ako kay hubby.. again to my dismay, ayun, laglag na naman, this time, patihaya.. sus, sobrang taranta ako na napatalon ako sa gulat.. hilot ko yung ulo niya, hindi ko siya pinatulog muna ng at least 2 hours.. dasal ako ng dasal na sana huli na ito..

3rd time and hopefully, last na lang (takot ako baka mag cause ng meningitis: LORD wag naman po!), ganun pa din.. nagising siya, naalimpungatan naman ako, ginising ko si hubby, sabi ko gising si baby, baka malaglag, check mo, tutulog ako ulit.. sabi ni hubby, ok sige, siguro dala ng antok, nakatulog siya, hindi niya nafeel na hinakbangan siya ni baby (7mos old), ayun, laglag na naman padapa.. hay, heto na naman ako, darna na naman, super talon sa kama.. hayz.. takot na takot ako.. pero nothing serious happen, active baby pa din siya.. sana [textspeak!] naman after effect yun in the future..

yapeegurl

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #165 on: February 11, 2011, 07:51:28 pm »
Hindi pa nahuhulog baby ko sa kama sa awa ng Dyos. He's 2yrs and 2 months now. Co-sleep sya with us from birth til 3rd month (maternity leave kasi ako). Sinanay ko sa crib from his 4th month til 15th month (kasi since I am working, ayaw ko na ang yaya nya ang maamoy nya while I'm out at work). Now he co-sleep with us again :) We're using a low-rise mattress. Ayaw ko yung elevated na meron stand kasi may possibility mahulog. Big boy na kasi.

rons_little_bb

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #166 on: February 14, 2011, 02:09:20 pm »
hay, pang 3rd time na. hindi siya nahulog sa kama, pero he's learning to walk alone, na out of balance napaupo then napahiga , naunog na naman un head... naiinis na ako. hindi ko na nga siya ipa-walk, or i'll use un lampin nalang around the chest. hindi nalang siya muna mag solo, lagi nalang nauuntog un head, naiinis na ako...

thebratinella

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #167 on: March 30, 2011, 11:32:30 am »
my baby fell from our bed earlier. i was working but she wanted to stay with me so i let her play in our bed. my lola just left the room without telling me. bigla tumunog ang skype sa laptop ko and nalingat ako sandali. just a few seconds then i heard na kumalabog. nashock ako when i saw her na nakahiga sa floor crying. i picked her up and checked. wala naman bukol. ok na siya ulit but we'll bring her to the doctor later. nagalit lola ko. sabi ko next time if she'll leave, sabihin sa akin kasi nagwowork ako. sobrang naawa at natakot ako because of what happened.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #168 on: March 30, 2011, 07:33:07 pm »
The other day muntik na mahulog sa bed yung daughter ko. I placed her in the middle of the bed and turned around to get diapers from her closet which was on the same room din. Pagtingin ko sa kanya nasa edge na ng bed yung legs nya! I was so scared!

switlass

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #169 on: March 31, 2011, 03:47:23 am »
Ambibilis naman kasi nila e. My daughter fell off the bed last week. I felt really bad because for some stupid reason I completely forgot that she can crawl and wasn't paying attention. Mega ayos pa ko ng cabinet and then when I realized it pag lingon ko nasa edge na sya ng bed and it was too late. I brought her straight to my mom and she was fine after a few minutes.

hunny_ally

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #170 on: June 15, 2011, 08:36:00 pm »
my 6mo old son fell off the bed this early am. I was up late last night preparing my hubby's things for an out of town. Then around 3 am, my baby woke up (we co-sleep) and gusto magpa-carry. after 10 mins, i had to put him on the bed cause i was very sleepy and was afraid i might drop him. I gave him a toy to play with and was watching him get busy with it. I guess the fatigue set in and before i knew it i dozed off. I was awaken na lang when i heard something fell off the bed. I thought at first it was just the toy but when i saw that my baby wasnt on the bed, i panicked. He cried for 5 minutes. I checked and wala naman siyang bukol.

kimebies

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #171 on: June 15, 2011, 09:26:57 pm »
My baby fell off the bed around 3 weeks ago. We co-sleep din and masyado ako nahimbing sa pagtulog that I didn't notice that she was awake na and on the edge of our bed. She fell with her face facing the floor- her forehead ang tumama. Praise God at nothing bad happened to her head- no injury whatsoever. The Lord really sends out angels to watch over the babies.

rianne_mallows

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #172 on: June 15, 2011, 09:53:49 pm »
last week.. nahulog siya pero sa kama din bumagsak.. may pull out bed kasi.. pag gising ko nandun na siya sa pull out bed.. tulog na tulog pa din

after that incident dun na kami sa pull out natutulog para mababa then pinapalibutan ko ng unan at comforter yung paligid para maglikot man, malambot pa din babagsakan niya.. .. naulit ulit.. paggising ko nandun na siya sa comforter lagpas sa bed :P

ang ginawa ko naman after that, everytime na tulog na siya, yung 2 hita niya iniipit ko ng boppy pillow.. hindi na naulit.. hindi na siya makagulong habang tulog hehe..

j27

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #173 on: June 15, 2011, 10:24:52 pm »
yes, both of my daughters nahulog sa kama nung baby.

story nung eldest ko, around 5months siguro siya nung nahulog sa bed. pareho kaming nasa bed ni hubby and baby. e nakatulog kami, biglang may kumalabog, gumulong na pala sa baba. nakita ko nakadapa sa sahig pero hindi naman umiiyak. umiyak lang nung kinuha ko. buti nalang walang bukol.

story naman nung bunso, on her 4th month, gumagapang at gumugulong na din sa bed. nilalaro siya ng ate niya, kaya kumain na muna ako. tapos mayamaya may kumalabog na. tumakbo na ako sa kwarto. ang nangyari pala, gulong daw ng gulong si bunso sa bed, e malapit na sa gilid. tumayo si ate at tatawagin ako kasi hindi niya alam kargahin (8years old na siya). nung umalis siya, wala ng naging harang, ayun nahulog si bunso. buti nalang may rubber puzzle sa sahig. wala din bukol or pilay. pero pina checkup ko pa din.

swtgrl_bee

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #174 on: June 16, 2011, 01:04:24 am »
salamat naman at never pa :)

mariadj

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #175 on: November 23, 2011, 07:42:35 am »
Hindi hulog, but untog sa bedframe, that's why I am removing my bedframe and  leaving the cushion na lang, nakakaawa kasi pag may bukol eh

$ale... seeker!

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #176 on: November 23, 2011, 11:24:57 am »
my daughter fell off the bed when she was 7 months old... sobrang sama ng loob ko for i was in the office at that time. she was asleep and her grandad took a bath and naiwan mag-isa sa bed. thank God she was perfectly okay. her pedia advised us to monitor my baby for 48 hours to see kung nag-increase yung sleep, mag-vomit and said that babies are flexible enough kaya kahit mahulog, okay pa din sila (other notion: sinasalo ng guardian angel ;))

mariadj

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #177 on: November 23, 2011, 11:26:03 pm »
I already removed my bedframe...nakaya ko magisa tanggalin sa sobrang badtrip ko nung nakita ko yung bruise ng baby ko :P

mae_s

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #178 on: February 22, 2012, 01:22:37 am »
My 6 month old son fell off the bed kanina lang. Sa sobrang antok ko nauna akong nakatulog kesa kay baby. I can't remember if may narinig akong bumagsak kaya ako nagising or dahil sa iyak ni baby. Basta pagkakita ko nasa floor na sya nakahiga and umiiyak. :( Grabe yung taranta and takot ko. We rushed him sa ER just to be sure. The doctor checked him and wala naman daw bukol or pilay. He advised us lang to observe my baby if vomiting and maging antukin. Hay..sana talaga ok lang baby ko. I feel so guilty dahil sa nangyari. :( Sabi ng mom ko sinasalo daw ng mga angel ang mga baby pag nahuhulog. I really hope that it's true.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #179 on: February 22, 2012, 06:28:53 am »
My 8th month baby nabulog din 3x na. 2x sa asawa ko since nakaulog sya at di nya napansin na gising na si baby at nagcrawl na. Yung pang third naman nagcecellphone papa ko at di namalayan na nasa gilid na nga bed si baby.

Sobrang PRanoid tuloy ako kase yung officemate ko nakaron ng epilepsy yung 11 year old son nya. Sabi ng Pedia nila, possible din na because nahuhulog yung bata nung baby pa since wala naman salahi nila yun.
« Last Edit: February 22, 2012, 06:32:49 am by a_y_e_n »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close