watch now

Author Topic: Nahulog na ba baby niyo sa kama?  (Read 163856 times)

sugar n spice

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #140 on: September 28, 2009, 06:38:59 pm »
Uu naku. Nilagay ko sya sa dibdib ko, tapos napikit lang ako ng konti paggising ko wala na si baby sa dibdib ko, nasa sa sahig na. Pero me katabing unan malamang dun sya nahulog saka mababa lang naman yung kama.  Taranta talaga ako pero tulog pa rin sya nung kunin ko. Super worried ako as in mangiyak ngiyak talaga ako nun.

Tapos yung pangalawa, one year old na sya. Pagpasok namin sa kwarto nasa sahig na pero tulog din hahah.

Totoo kaya yung sinasabi nila na sinasalo daw ng angel :)

sheilathevamp

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #141 on: September 30, 2009, 02:11:12 pm »
yep kasi i was busy looking at birthday parties sa multiply since im planning for her bday party na. DI ko namalayan she crawled fast to the edge na pala. Bad mommy. hehe.. after that brain wash ko sya na if she will go near the edge she will fall kaya ngayon pag sabi ko ng hala ka edge ka na she will crawl back to the center of the bed. hehe...

mommy_she

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #142 on: October 05, 2009, 11:05:38 am »
just yesterday, nahulog sa kama baby ko... He was sleeping beside his dada, while im surfing the net. Nilagyan ko naman sya ng makapal na pillow pangharang sa bed. Si dada nya kasi natutulog beside the wall (di ko na ginising kasi sarap ng tulog)...Tapos, ayun, bigla na lang akong nakarining ng kalabog... nakita ko si Miko, nakaupo... Im so worried and inis sa sarili ko... He did not cry naman and I checked every part of his body, wala naman akong nakitang kakaiba... Buti na lang paupo syang bumagsak..  :-[

Obachan

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #143 on: December 19, 2009, 12:55:57 am »
nahulog na rin baby ko when she was 7mos old...
sobrang likot matulog
at sobrang antok ko naman
nakarinig n lang ako ng BLAG!!! ayun hulog n si baby
iyak sya ng malakas at namula un noo nya buti n lang sahig un binagsakan nya at hndi semento

lynebadillo

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #144 on: December 21, 2009, 11:12:30 pm »
yes.nahulog din baby ko.when she is 4mos old.sobrang antok ko rin nun tapos my harang naman na unan sa tabi nya tapos nakarinig nalang ako ng kalabog at iyak nya.ayun, nahulog na pala sya.buti rin at hindi semento binagsakan nya.hindi rin alam ng husband ko na nahulog yung baby namin sa kama.ngayon, she's already 2yrs old.sobra kulit din kahit girl.

pinkpotato

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #145 on: December 22, 2009, 04:12:33 pm »
yesterday, almost na. kung di nahawakan ng dad nya sa kamay bumagsak talaga sya.

Ncolette

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #146 on: December 28, 2009, 05:25:12 pm »
Nung 5 mos old. Sobrang antok ko na rin tas sleepy na rin sya. Pero una akong nakatulog... naalimpungatan na lang ako wala na akong katabi. Napabangon ako bigla at yun she was lying on her back sa rubber mat. Nanlalaki yung mata napatingin sa akin. Kinuha ko agad at tsinek. Sobrang kinabahan talaga ako.
Pero parang for sometime na rin siguro sya nahulog. Wala lang akong narinig na kalabog or iyak kasi pasag lang sya ng pasag nung nakita ko.

angeljulienne

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #147 on: December 30, 2009, 09:15:59 am »
nahulog din ang baby ko nung ika six months old nya....until now, I still have panic attack pag we are sleeping..lagi ako napapabangon, thinking na nahulog uli yung anak ko...grabe guilt feeling ata yun..tuloy kawawa si hubby kc bigla sya nagigising kc napapasabi ako si baby.

Ginny22

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #148 on: February 04, 2010, 12:35:50 am »
yeah...when my baby boy was 6 months old...grabe sobrang nataranta ako nun pati si hubby speechless...first baby kc namin..I woke up earlier than usual one morning kc i felt hungry before i went downstairs nilagyan ko muna ng huge pillow sa gilid ng baby ko then my hubby is on my baby's other side...just when i opened the fridge..may lakas na "blog" then another "blog"...takbo talaga ako sa taas..i think [textspeak!] hakbang ko siguro eh naka-over [textspeak!] mga tatlong steps...pagbukas ko ng bedroom door..si hubby nakaupo sa gilid ng kama buhat-buhat si baby..umiiyak..[textspeak!] un palang unang blog si baby then pangalawa si hubby na sobrang nagulat din kaya [textspeak!]pagbagsak ng paa niya sa floor ang lakas ng impact...sobrang nataranta haaay...we checked if there's something wrong, head, bones, kahit saang parte ng katawan good thing wala namang impact pero after nun..naglagay na kami ng harang sa kama...nadala na si hubby..
« Last Edit: February 04, 2010, 12:38:18 am by Ginny22 »

sweet25

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #149 on: February 04, 2010, 01:16:35 pm »
Naiyak ako kagabi [textspeak!] baby ko nauntog sa pinto. She is 3 months old... grabe galit na galit [textspeak!] asawa ko. Ako naman umiiyak kasi iyak ng iyak [textspeak!] baby, Im afraid baka may side effect un  paglaki nya. Sana naman god wala.. kasalanan ko talaga. After the incident back to normal naman activities ni baby... pag dede, pagtawa,. Ill bring her sa pedia this coming weekend.

lovelynewmom

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #150 on: February 04, 2010, 05:09:33 pm »
si baby nahulog nung december, 4 and half months sya. nagfa-frog leap na si baby that time. every 6am morning ako unang bumabangon, same time rin ng gising ni baby then ibibilin ko na sya kay hubby. one morning when i got up, sarap pa ng tulog ni baby. didnt want to disturb hubby, so i just put pillows na lang sa edge ng bed. while preparing the breakfast downstairs, i heard hubby cried my name so loud. when i reached our room, hubby was crying na while hugging our baby. i was so scared! hubby said he heard a big "blag" on the floor and found there our son. but when i grabbed my son, he looked at me with his smiling face. ohhh... thank God he's okay. hubby said baby could have frog-leaped and nasama nya yung pillow sa paghulog. my mom said sinalo daw sya ng angel. :)

ninavelyn

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #151 on: February 07, 2010, 12:39:01 am »
6 months si baby ng mahulog sya sa kama pero may pillow naman. nagcr lang c lola nya kc akala himbing na tulog ni baby ayun pala hindi pa. nalaman ko lang nung tumawag ako sobrang iyakan kami ng mader ko sa phone dahil sa pag-aalala. naguilty [textspeak!] mader ko kc iniisip nya magagalit kami ni hubby which is hindi naman kami nagalit kc d naman maiiwasan. on that same day, dinala na agad ni mader si baby sa pedia nya just to make sure na ok c baby. sabi ng matatanda sinasalo dw ng angel ang mga baby natin.  :)


candyzire

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #152 on: March 08, 2010, 11:35:08 am »
kanina lang nalaglag din sa kama baby ko she's 7mos...natutulog din ako naman nasa pc. nakarinig nalang ako ng "blag"  naiiyak ako sa takot...kawawa naman, laminated floor yung binagsakan nya. nakapada sya sa sahig, sobrang lakas ng iyak, nung kinarga ko tumahan na.

tama ba wag muna patulugin after ng fall?

momai

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #153 on: March 08, 2010, 01:38:10 pm »
^ yes sis. wag muna patulugin ang mga nahulog or nauntog. wag din pakainin or painumin. ako mga 15-30 mins bago ulit pakainin or painumin. pero matagal bago ko patulugin kasi takot ako eh. basta pag sumuka siya, dalhin agad sa pedia. observe din natin kung maging antukin.

chikababe

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #154 on: March 09, 2010, 04:15:29 pm »
Anak ko nahulog na rin siguro mga 9months na siya nun. Malikot kasi. Di ko namalayan na pumunta na sa paanan namin. Mga 5am, bigla nalang may narinig kaming blag...tapos iyak. Ang bilis kong nagising pati si hubby. Buti nalang pagkahulog niya, dala niya yung kumot at unan so hindi masyado nauntog. Tapos kahoy pa yung floor.

PINKAHOLIC

  • Guest
LOVE MY HUB =]
« Reply #155 on: January 18, 2011, 01:27:38 am »
Yes, many times.
Lumaki nga shang puro laglag / bukol e.

I blame myself for being ''pabaya'' huhu.

I promise to my babies and to myself na magiging good mom na ako.

LovingWife

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #156 on: January 18, 2011, 11:54:55 pm »
Nahulog siya na hindi ko nakita, dahil nakatulog ako at nauna siyang nagising sa kin, pero hindi siya umiyak, nagulat lang siya dahil sumigaw ang Niece ko (na natutulog din) dahil akala daw niya nahulog yung pillow niya, ngayon si Baby nasa baba na pala. *^_^*

mishmish

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #157 on: January 19, 2011, 05:04:34 pm »
prone ata talaga sa ganun mga babies lalo na kung di pa marunong maglakad.. di ko na mabilang sa sobrang daming beses na nahulog sa kama, one time pa nga sa high-chair nalaglag sa sahig si baby,yung pinaka-last naman nahulog sa stairs kasama yung toy car niya pero thank god, wala naman nangyaring masama sa kanya.. basta everytime na nahuhulog siya, observe lang kung super haba ng tulog, o kaya vomiting, o pagtatae..
« Last Edit: January 24, 2011, 08:28:38 pm by mishmish »

ckay

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #158 on: January 24, 2011, 06:28:18 am »
yes nahulog din my daughter when she was 8 months old. kasama nya is yun yaya nya at that time. I even brought her to Er since [textspeak!] ma explain nun yaya yun nangyari or alin yun tumama so para sure dinala namin ng kuya ko. Thank God wala masama nangyari.

I wanted to share lang what happened to my niece. It is a miracle. She fell of a dining table. Morning nun nasa graco rocker sya, iniwan sya ng mom ko to make a coffee. Me i was preparing my daughter food. So nun pupunta na ko pwesto namin nun anak ko i saw the rocker rocking really fast eh i cant barely see inside kc nakatalikod sakin. Pag silip ko nakita ko wala na pamangkin ko. Naihagis ko yun food na dala ko sa taranta. I saw her lying on the floor parang nakahiga lang on her back. She was not crying. Nun kinarga ko then I shouted at my mom na nahulog si pamangkin ayun umiyak na sya. Tiles and cement yun nahulugan. Nothing happened to her, my kuya brought her to the hospital din. She cried  for less than a minute. My mom cried like an hour and almost brought to the hosp din kc she have hypertension and she blames herself for what happened. Me seeing what happened definitely convinced that our babies do have angels who protects them when no one is looking.

apreal

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #159 on: January 24, 2011, 09:41:44 pm »
si baby ko din ilang beses na nalaglag sa kama..pero mga 5 months na sya.

share ko lang last friday may naka sabay kami sa ER yung baby  nahulog sa kama and guess how old..... 1 month!!!! naawa ako dun sa baby,sana lang maging ok sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close