watch now

Author Topic: Nahulog na ba baby niyo sa kama?  (Read 163822 times)

DV

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #60 on: January 19, 2009, 08:29:09 pm »
I've been reading this thread since it started at sobrang praning ako na mangyari 'to sa baby ko so I'm really careful pag nasa bed sya at naglalaro.  She just turned 8 mos at sabi ng pedia sa check-up nung Saturday na be extra careful pag nasa bed si baby, wag na wag daw iiwan kahit for one second.  And the dreaded thing happened today, nahulog sya while I was calling our maid, nakita ko pa yung dive nya from the bed to the floor.  I picked her up immediately!  She cried for a few seconds tapos ngiti na at laro ulit!  Grabe, manginginig nga ang buong katawan mo!  She seemed fine but I took her to her pedia for evaluation na rin.  Everything's normal except for a bruise on her cheek (to which I placed a cold compress).  Her pedia said observe her within 24 hours.  I'm praying she's all right.


Mom_S

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #61 on: January 19, 2009, 09:27:25 pm »
my eldest fall off our bed mga 3x and was thankful that when it happened sa pillow siya bumabagsak. i think nauuna siguro nahuhulog ang pillow sa kalikutan niya buti na lang sa pillow din bagsak niya... maybe her guardian angel is always looking after her esp pagtulog na kami. :)

kaya with my second child, every night before we fall asleep, naglalagay na kami before nang sofabed na pangkids regalo nang ninang niya. para di diretso sa floor bagsak if ever mahulog man siya & luckily once lang nangyari.

babiebrat26

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #62 on: January 26, 2009, 07:48:40 pm »
me too..pag hi ko sa maid namin... biglang nahulog si baby sa gilid ng bed..so i cant pick him up kasi nga makipot un gilid..tinawag ko pa un maid namin...kasi natakot ako..after nun smile ulit si baby, twice na nahulog baby ko..sad

pinkpotato

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #63 on: January 27, 2009, 10:42:24 am »
thank God di naman nangyari to kay bembem, 10months old na sya. pag gumagapang sya sa bed at nasa edge na sya, lumiliko sya. haha. kakatawa.

pero nagtatakbo sya sa play pen nya, e di ko pala nilayo masyado sa wall ang crib, ayun natumba sya naundog. grabe iyak after 1 minute, yey na sya. ok naman sya.

iampennylane

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #64 on: January 27, 2009, 03:36:40 pm »
yikes dami dami naman! sabi ng lola ko ok lang naman daw kasi parang mga bola pa daw mga katawan ng mga babies nagbabounce pa daw pero syempre ingat pa rin daw kasi we cant risk. Dati daw siya, nung baby pa yung anak niya, nahulog daw yung eldest niya face first ata, so biyak yung labi kelangan tahiin, ayun hinimatay daw sya sa hospital nung tinatahi na. Kahit naman ako siguro mahihimatay din  :o

sumthingaboutlala

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #65 on: January 28, 2009, 03:31:18 pm »
nahulog na :) 6 months siya nun. sabi ng pedia, pag 6 months sa sahig na dapat matulog kasi sobrang likot na. di ako nakinig. nilagyan ko lang ng maraming unan sa side ng bed. ayun, nagising na lang ako na may BLOG! nahulog na si baby pero ang nakakatawa sleep pa rin siya nun. hay, sobrang natakot ako at na-guilty ng ilang buwan. :)

angel_eyes_2nite

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #66 on: February 01, 2009, 07:14:25 pm »
My mom said ganun daw talaga.  The guardian angel will catch the baby.  Kaya kadalasan nahuhulog ang baby pag di tayo nakatingin di ba.

Naniniwala din ako dito...

My son fell off the bed din mga 8 mos siya nun....e medyo mataas bed namin.
I left him kasi sa bed to go to the bathroom which is meron kami sa master's bedroom ...so 2-3 steps from the bed.i left him sa middle ng bed..playing with his toys...di ko na sinara yung door ng bathroom. then mali ko..sinilip ko siya...eksakto nakatingin siya...so he thought naglalaro kami ng peek-a-boo.. gumapang towards me..
mga sis,promise, di pa ako tapos mag pee tumayo ako to catch him..di ko lang talaga inabot...rinig ko yung galabog...buhat ko siya agad...then massaged his head...grabe iyak ng baby ko...iyak na galit...so hindi ako umiyak...kasi lalo siyang matatakot...we rushed him sa hospital..kahit ok naman lahat...just to make sure evrything is ok...tinatawanan pa nga ako ng mga nurse kasi parang o.a. ..naglalaro na kasi anak ko...
pero...sa isip ko kasi...iba pa rin yung sigurado...
binigyan na lang ako ng guidelines para to know when to bring yung child mo sa hospital in cases like this...
post ko tomorrow..kasi i don't have the list now...

utotmopink

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #67 on: March 25, 2009, 04:40:58 pm »
i can never forget this one specific accident.. nahulog ang baby ko sa kama nong 5 months pa lang sya.. buti nalang wooden ang floor namen, hindi mataas ang bed, at lumapag ang katawan nya na nakadapa sa sahig..

early morning un around 7 am, nakatulog ako ulit.. i thought sya den kasi pinadede ko sya.. bigla nalang narinig ko syang umiyak.. i looked for her pero andon na sya sa baba na nakadapa..

that same day buti nalang schedule den namen to visit the pedia.. we told her about it.. yung mga signs na sinabi ng doctor hindi naman nangyari (thanks GOD!) sabe ni pedia.. kaya lang pala umiyak si baby kasi nagulat den sya na nahulog sya.. super likot na kasi.. yun, namula lang ang baba nya.. ang baba lang ang nasaktan.. no pasa nor galos.. buti nalang po..

eto na sya ngayon.. super likot at super cute!

http://utotmopink.blogspot.com/2009/03/buying-baby-walker.html

Bash

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #68 on: March 26, 2009, 03:24:18 am »
last tuesday pag-dating ko sa bahay... karga ni mama si Waki. sabi ni mama.. nahulog yan sa kama. hindi ako masyadong nag-worry kasi mababa lang naman yung bed nila mama i think 1 foot from the floor lang. pero nakita ko yung right side ng forehead may parang pasa. sabi ni mama hindi daw bumukol kasi naagapan ng yelo. haaaayyy... sobrang nalungkot ako. guilty din kasi i was not able to personally take care of baby kasi i'm working.

mizhelle

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #69 on: March 26, 2009, 04:49:40 am »
si rob din nahulog once.. pero kasama yun malaking pillow namin.. buti nga eh.. nasalo siya nun..  kaya ayun dedma lang.. saka on her few mos without supervision natuto kasi siyang bumaba magisa sa kama eh..

Bash

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #70 on: March 26, 2009, 05:40:05 am »
^buti pa si Rob. Si Waki kasi parang nasanay na there's always someone there eh. parang tipong nagpapa-saway or nagpapa-pigel. minsan nga pag nasa kama, pag nakita nya na malapit na sa edge ng bed, titingin pa or haharap sya samin.

1LuvYsa

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #71 on: March 26, 2009, 07:41:30 am »
Yep, couple of times - buti na lang may rubber mat kami and yung bed nasa floor na para safe  :)

longing

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #72 on: March 26, 2009, 09:26:17 am »
kaninang morning, nauna kasi siyang nagising sa akin. good thing ang binagsakan nya is another bed na andun mom ko. pero nalaglag ang puso ko dun. :(

kim_trasher07

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #73 on: March 26, 2009, 11:10:38 am »
yung baby ko nung mga 6 months nahulog sa kama. We were both sleeping and di ko namalaya na nagising pala siya. Ayun nahulog. Laki ng bukol, nanginig talaga ako tapos iyak ako ng iyak. Wala pa naman ako kasama that time. Good thing, di naman masyado mataas yung pinaghulugan niya. kaso may bukol siya.I was so scared talaga.

annerella

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #74 on: March 27, 2009, 06:16:56 pm »
the first time, siguro less than a month palang si Em.
She was sleeping on my tummy, I dozed off, then napanaginipan ko pa si Dingdong Dantes, then I felt something falling, so nasalo ko agad siya before she fell sa wooden floor.

the second time, 2 days after nung first incident
We were going down the stairs, I was carrying her, then I slipped.
Buti nalang patalikod yung paghulog namin, so yung back ko ang tumama sa stairs and received nung impact and buti nalang hindi ko siya nabitawan, or else sa marble floor namin siya nabagsak.

the third time, last week lang, 6 mos na siya.
I left her sa bed to turn on the lights (mga 10 steps aways from our room)
I was to go to the washroom ng marinig ko na suminok siya
I went back in to find out nandun na siya sa pull-out bed namin
Again, buti nalang mga 1 dangkal ko lang yung height of the upper bed from the pull out bed and cushion yung nahulugan niya.

Nakakatakot talagang experience on my part.
:-[

amsalmo

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #75 on: March 27, 2009, 06:32:28 pm »
yung baby ko non 9 months old palang non my sakit sya nung time na nahulog sya sa kama sa sobrang antok ko dahil nag lalambing nga nung mapatulog ko nilagay ko lang sa gilid ng kama.Hindi ko namalayan nanalaglag.Hindi naman kasi umiyak.Siguro my angel na sumapo.Ganon daw yun e laging my angel na nakaalalay.

bibits

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #76 on: March 28, 2009, 09:06:39 am »
nahulog na si baby once, super bilis ng pangyayari,buti na lang yung bed namin nasa sahig lang so mga less than a foot lang ang di-nive nya, but still kinabahan ako kasi nalingat lang ako tapos may nadinig na lang akong ungol

utotmopink

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #77 on: March 29, 2009, 10:25:53 pm »
madami den pala talaga ang mga babies na nahuhulog.. akala ko, ang baby ko lang..
pero lesson talaga sa'ken yun nong mahulog ang baby ko..
mahirap kasi sa gabi putol-putol ang tulog modahil kay baby.. check mo sya kung naiinitan or else giniginaw.. baka natabunan ng unan or nadaganan ng braso mo.. tapos padede ka pa.. pagdating tuloy ng umaga, nauuna si baby ng gising.. mamalayan mo nalang nakagulong na sya so extra careful talaga..

hunny_ally

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #78 on: April 06, 2009, 12:37:52 pm »
at 20months old, my daughter have never fall off the bed. as soon as she started cruising (about 9-10 months), we thought her how to go down from the bed. nauna pa siyang matuto bumaba from the bed than walking.

lclanzaderas

  • Guest
Re: Nahulog na ba baby niyo sa kama?
« Reply #79 on: April 06, 2009, 01:55:00 pm »
hindi pa naman. at wag sana. nagwo-worry na ko kasi she knows na how to rollover and rollback tapos one direction pa, to her right lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close