Grabe nasa page 5 pa lang ako, busog na ko sa tips! MORE!

Anyway, hindi naman extreme yung sa kin but ewan ko kung bakit minsan parang na o-o-Aan sa kin family and inlaws ko.

Like..
-CLEAN AS YOU GO! Simple lang naman di ba? Ano kayang OA dun!

-Bawal pumunta ng bed ng di bagong ligo pag galing sa labas..Si hubby kahit kaliligo lang at lumabas saglit kahit dyan lang sa garahe, basta nag step out of the house, hindi pwedeng hindi maliligo uli pag hihiga sa bed (feeling ko, meron at meron pa ding pollutants from air na dumikit sa kanya or something)
Even my babies pag bumaba, syempre magpplay sa sala, gugulong gulong sa floor, kahit malinis yun, hindi pa din pwedeng derecho sa bed ng di naliligo
(Bawal kargahin ang babies ko ng pawisan or galing sa polluted area..pag hindi talaga maiwasan..i either spongebath them after umalis ng bisita or shower agad kung hindi pa naman sila naliligo)
-ang floor ng room namin, linoleum..so any spills ng kids or any sign of dirt or feel of alikabok, papertowel agad and alcohol..(sinasabihan ako ng inlaws ko na masama daw sa kids ang punas ng punas ng alcohol sa floor..?)
-Stuffed Toys ng Babies wash every week (or less if may mga accidents)
Hindi pwede sa bedroom ang mga toys na galing sa labas (ex.pedia visit) kelangan i-wash muna..yung mga hard toys na pwedeng i-wipe ng wet towel with alcohol, nililinis everyday or wina-wash with Joy Antibac
-Super OA magwash ng hands or alcohol
-After maligo, pat dry my skin..kelangan iwash ko uli hands ko and NEVER touch anything til im done putting on face moisturizer
-Never ako humahawak sa phone/gadgets/remote pag feeling ko madumi kamay ko, kahit dry hands basta feeling ko may nadapuang madumi kamay ko..But still, i clean our gadgets/remote control pa din at the end of the day
-All surface must be sanitized all the time..
Lahat ng pwedeng sprayan ng Lysol inisprayan ko esp door knobs, Light Switch (incase may nag-click na madumi kamay) toilet area, diaper bins, walls, etc
-Yung mga nakahanger kong clothes are by colors
-iba iba sponge for:
babies kainan
plates and utensils
pots and pans
sink
ilalim ng pots
stove
After using the sponge, kelangang pigain mabuti and lagay sa lalagyan..hiwa hiwalay din lalagyan syempre and may cover na may holes na di kasya ipis
-iba iba din rags for floors, countertops, bathroom, kitchen and hindi pwedeng sama sama sila sa iisang lalagyan..i throw agad mga rags or doormat na hindi fully maalis ang dumi
-hindi pwedeng gamitin sa paglaba ng damit ang basin na panlaba ng rags..NEVER pwede maglaba ng rags sa sink where we wash our dishes and food!
-Floors must be scrub with Lysol AM and PM
-everything must be ironed..ultimo socks and bedsheets namin and pati towels ng babies
-Before magflush ng toilet, dapat nakababa ang cover para di tumatalsik mga invisible to our naked eye na germs..ewww!
-Ayokong nilalapag sa floor ang bags esp baby bag
-I always have Lysol sa bag..spray sa shopping cart before sumakay si baby, toilets, high chair, etc
-Change sheets and Towels 2x a week..Curtains Every Week..Sofa Cover Every Week..Wash blinds everyweek
-Aircon 2-3x a week linisin pati fans
-hindi pwede kumuha ng sampay ng pawis or madumi damit..syempre ididikit nila sa katawan nila yung sampay, edi narumihan din
-Sa laundry, hindi pwedeng sabay sabay wash..like if towels, towels lang, sheets..sheets lang and so forth.
Saka inuuna ko lagi gamit ng babies, then towels..clothes ko..clothes ni hubby..sheets..sofa cover..curtains, then CLEAN TUB na..basta before ko salang gamit ng babies, CLEAN TUB muna..or basta after ng linens, que damit ko next, run ko muna clean tub.
-Never pa ko nagpalaba ng damit ng babies..dito ako nasasabihang masyadong maselan but i have certain standards na erratic like minsan kelangan 2x sabunan and kelangan ganito kadaming sabon lang sa first wash and ganito kadami sa 2nd..or minsan 1x lang but may mga kelangan pa gawin etc.
Well marami pang arte "daw" na madalas hindi ko inuutos, kasi nga i have certain standards na minsan mas nakakapagod iexplain tapos madalas eh di rin ako satisfied so uulitin ko din..
Esp may mga helpers na discretely nag sskip ng ibang instructions like halimbawa, sabihin mo step 1 ganito, step 2 and so on..yung mga pwede nilang skip na di mo mahahalata, di mo naman malalaman esp hindi mo naman sila pinapanood habang ginagawa utos mo..So yung mga bagay na pwedeng ikainit ng ulo ko pag nagkamali or mas lumala pa..hindi ko na talaga inuutos, mas bawas stress sa akin ang ganun..Kaya nasstress ako sa mga inlaws ko pag sinasabihan ako na bakit hindi ko utusan katulong na ganito ganyan..Eh sa dito ako comfortable eh?? Feeling nila masyado ako maselan, kanya kanya lang naman preference yan.

BTW, wala ako yaya ngayon..So ako lahat, as in lahat! 2babies, hubby and me..and naaaply ko pa din mga gusto ko kasi di ako dependent sa helper..Like sis Aquacharly..maaga ako nasanay,. Though im not saying na madali my situation now but hindi ako takot sa mga yaya, so pag hindi kaya certain simple standards ko, di ako magtitiis kunsumihin sarili ko kaka-train kung ayaw talaga matuto.