sis kaiz and sis marose actually namana ko ito sa nanay ko. hahaha!

worse pa nga nanay ko kesa sa akin... as in yung mga gusto kong ipamigay na clothes ng asawa ko inuwi nya sa bahay nya kasi me pagbibigyan daw siya na mga nanghihingi like beggars, garbage collectors, etc. if i know nakatambak pa yun sa bahay niya!
she has a room filled with stuff! christmas decors dating back to my childhood days recently found it's way to our house kasama ng new ones she has collected. pero i mean kilala ko yung old decors, as in alam kong it was from our old xmas tree. kung di lang siguro nagkagutay-gutay na yung xmas tree malamang minana ko pa yun.

kasi 1st time namin mag-asawa maglalagay ng xmas tree, mainly for our son. pero okay din kasi hindi na ako bumili ng decor. idinagdag ko na lang sa decors ko.
one time i needed coffee cups (mugs kasi meron sa house namin, eh yung yaya nalulunod sa mug ng kape), tsaka bowls. pupunta sana akong SM to buy, buti na lang dumaan muna ako sa bahay ng nanay ko. ayun dun ako nag-shopping! inaawitan ko pa nga yung mga kaldero and kawali sets nya na never pang nagamit since binili nya years back. grabe sa pagka-horder ang nanay ko. di ko pa nga naimbestigahan yung kwarto nya kung ano mga pwede kong iuwi at magamit sa bahay.
and yes, we keep yung bucket na lalagyan ng chicken or yun ngang lalagyan ng take-out sa north park, max, etc. kasi nga magagamit pa naman at nakakahinayang itapon!

eh totoo naman kasi na nakakahinayang itapon di ba mga sis? parang nakaka-konsensya dumagdag pa sa kalat ng environment. sana nga me waste recycling centers na pwedeng pagdalahan imbes na itapon na lang.
kaya ayun, yung mga plastic containers nire-reuse namin talaga. lalagyan ng pagkain sa ref, lalagyan ng dry, sachet-packed items sa pantry para naka-group or hindi yung patumba-tumba o kung saan-saan napapasingit. yung containers ng ice cream ginagawang pakainan ng mga dogs.
pero yun nga sa bilis naman namin bumili ng mga nakalagay sa plastic containers na yun, nag-accumulate na. believe me mga sis, ang dami ko ng naitapon before.
sis marose naku binigyan mo ako ng idea... for sure hahanapin ko yang librong yan. isa pang "koleksyon" ko are books. i collect a variety na gusto ko sanang ipabasa / ipamana sa anak ko. wala na nga yung elementary - college books ko. yung natira sa akin kumbaga personal collection ko na, tsaka law books.