^ naku sis than you so much for your offer... pero kahiya naman na i-bother ko pa secretary mo. pero i'm touched... really. siguro sobrang na-bother ka na sa gulo ng buhay ko.

ako din sobrang napagod sa pagliligpit.

ita-tackle ko na talaga yung shoes next. when we get a break, talagang marami pa akong aayusin. tumingin na nga ako ng shoe boxes na plastic. saw some sa SM, pero yun nga walang holes... me sis na nagsabi na me nakita siyang plastics na with holes. pero pwede nga siguro lagyan na lang ng dessicant kung wala akong makitang me holes. pero hindi kaya madagdagan na naman ang kalat ko pag bumili ako ng laksa-laksang plastic shoe boxes at yun naman ang kumalat sa bahay?

tinitingnan-tingnan ko na nga yung mga sapatos namin... pipiliin ko na talaga the ones i'd like to keep and give away / tapon na the rest. same with my bags. dapat talaga i-prune ko na mga ito. nakakahinayang lang kasi talaga yung tapon ng tapon.

kung kaya lang ng powers kong mag-garage sale... sana me mag-organize dito sa GT or sa subdivision namin ng garage sale... yung tipong sa basketball court tapos lahat pwedeng magbenta ng mga anik-anik nila. yoko kasi yung maraming labas-pasok sa bahay / garahe namin... naha-high blood ang mga aso ko tsaka feeling ko yung iba ini-scope out lang yung bahay, lalo na yung mga gustong magnakaw.
yung paper bags... ano ba suggestion mo sis? do you even keep the paper bags of the stuff you bought or tapon na din agad. ang gaganda naman kasi ng mga paper bags from malls, yung tipong pwede pa talagang i-re-use, kaya i keep them. kaso super dami na! inayos ko na nga kaso dapat yata i-dispose ko na kasi it's eating up space in our closet.
ang isa pang over-flowing sa bahay is yung mga microwaveable containers, pati yung mga sturdy plastic ones na pinaglalagyan ng delivery or takeout from north park, max, etc. ay punumpuno yung kitchen cabinets!
again, nakaka-hinayang kasing itapon kasi alam ko pwede pang magamit ulit like when we store leftover or kung magbabaon kami ng food. nare-recycle ba mga yun? ayoko ng dumagdag sa kalat sa environment by just throwing them away.
yung menu na ginawa ko... pinost ko pa sa ref, after a day tinaggal ko na din kasi hindi nasunod

... me instructions yun para ke yaya na pag natulog na anak ko eh magprep na siya ng iluluto, like magdikdik na ng bawang o maghiwa ng sibuyas... pero yun nga hindi din nasunod! hahaha. kasi nailuto na nung weekend yung ibang pang-weekday. tapos me days na antok na antok ako kaya di ako nakaka-luto. dapat ma-remedyuhan ko din 'to. iniisipan ko pa kung ano sa mga tips mo ang pinaka-applicable sa amin.
hirap nga akong gawin yung sinasabi mong i-double. ang takaw kasi ng asawa ko!

imbes nga na me mai-baon pa kami sa niluto ko for the day, aba ang natitira is yung sobra na lang sa isang tao. so alanganin na. basta natuwa siya sa ulam namin, naku for sure yung para sa yaya na lang matitira.
sa ginawa kong menu me "leftover day" pa nga sana ako na every saturday kasi dinamihan ko na yung niluluto ko, so i thought magkaka-leftover. aba from monday to thursday eh walang tirang food! ang menu ko from M-Th is chopsuey, daing na bangus paired with soup, tocino with egg, chicken nuggets paired with la paz batchoy. ayun, ubos! etong fri lang yata magkaka-leftover kasi medyo napa-asim yung adobong baboy with hard-boiled egg ko, so di gaanong bumenta sa asawa ko.
parang hindi ko talaga kaya yung everyday magluto. so siguro dapat pag weekend lutuin ko na halos lahat ng nasa menu. tapos freeze na lang or yung tipong nasa last stage na ng luto na kaya na ni yaya na siya ang magtapos, like kung need na lang i-simmer ng ilang minutes pa.
yun naman talaga balak ko sanang gawin nung nagka-4 day break kami, kaya lang sobrang napagod ako sa kaka-ayos ng bahay.

pero in fairness, like ko yung itsura ngayon ng sala at christmas tree / decors namin. medyo gumanda ng konti ang tingin ko sa buhay / bahay ko.

thanks so much
sis aquacharly! na-inspire ako sa 'yo. nag-wish tuloy akong maging parang hotel din yung bahay namin kahit half-star hotel lang. hahaha!

hindi lang talaga kaya ng powers ko lahat ng mga OC rules mo, lalo na yung manuals mo, pero konti-konti naia-apply ko siya. mino-modify ko na lang para mag-fit sa tulad kong hampaslupa na walang 6 helpers, a couple of cooks, drivers and gardeners... at taga-put up ng chrsitmas tree.

thanks din ke
sis marose nagka-idea ako sa mga recipes na madali iluto. ita-try ko yang mga steamed-steamed na yan.
pini-print ko yung mga tips nyo, kasi sobrang dami kong natututunan na pwede ko palang gawin para gumaan buhay ko. mabuhay kayong mga certified OC!
