watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413267 times)

itcha123

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #460 on: July 25, 2012, 08:40:59 pm »
yap sis, try mo sa quiapo dun sa gilid ng simbahan sa may bandang likod.medyo sariwa pa yung iba, ibilad mo na lang sa araw para matuyo mabuti. try mo rin mag-lagay ng asin at bawang sa may bintana mo sa kuwarto.

cutiemom5775

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #461 on: July 30, 2012, 10:37:55 pm »
katakot naman itong thread na ito  :-[

pero honestlyn naniniwala ako sa tiktik dahil narin sa kwento ng mom ko lalo na sa province and based on my expirience narin... when i was pregnant on my first baby last 2005 sa malabon kami nakatira that time with my parents everynight may kumakaluskos sa bubong namin akala ko pusa lang then parang may naglalakad lakad. Nung una di naman namin alam ni hubby na possible pala na may ganun pa specially sa city at marami namang bahay, until one night may nagsabi na kapitbahay namin na meron daw silang nakitang super laking aso na kulay black sa labas ng bahay namin na paikot ikot, nung lalapitan na daw nila biglang nawala na lang na parang bula alam kasi nila na wala kaming alagang aso na ganun kalaki at pati narin yung ibang neighbors namin kaya nagulat or nagataka sila kung saan galing yung dog na yun.Mula non lagi ng naglalagay ng bawang at asin ang mom ko sa may bintana at pintuan natutulog na rin kami na open ang ilaw.

now pregnant ulit ako second baby na namin, dito na kami sa caloocan nakatira pero so far wala na akong na expirience na ganun  :)

indigo.tulle

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #462 on: July 31, 2012, 05:15:41 pm »
so far, hindi na bumalik. puro asin na rin sa house namin at walis tingting na naka baliktad. 

toothfairytales

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #463 on: August 05, 2012, 07:58:46 pm »
Sabi ng matatanda malalaman mo daw sa sound nung tiktik kung malapit sya. pag malakas daw yung "ik-ik" malayo pa daw, pero once daw na humina yung sound nila, papalapit or malapit na daw yun sa prey. totoo kaya? katakot. sana pag ako nabuntis hindi ako makaexperience. baka mapuyat kami ng baby ko. hehe

princessrio

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #464 on: August 25, 2012, 04:55:25 pm »
sa province ng father ko, sabi pag may tiktik sa taas, may aswang sa baba.

i remember nung medyo bata pa ako. sa taas ako natulog, tabi ng bintana. yung tita ko was pregnant that time. nung madaling araw, may kumakaluskos sa side ko, sa may window. dinig na dinig ko kasi kahoy lang yun eh. tapos kahol ng kahol yung mga aso sa baba. then i heard a big splash of water.

pagdating ng umaga, sinabi ko yun sa mga kasama ko sa bahay. at yun nga, may tiktik daw sa window. we even saw the scratches that it made. yung splash of water, tito ko pala ang may gawa non. naririnig nya kasi yung mga aso, and when he went outside to check on it, he saw a very big dog daw na nakabantay sa bahay namin. ayun! sinabuyan nya ng tubig para umalis.

megansmomma

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #465 on: August 25, 2012, 04:58:48 pm »
TRUE!

Samin nung preggers ako, meron :( scary nga.. gang ngayon na me buntis din meron din...

enash29

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #466 on: August 28, 2012, 01:20:21 pm »
Hello everyone.. I'm new here.  i just want to share my story.  I don't usually believe sa mga tik tik or aswang. i live in tondo, manila.   I am 6 months pregnant now.  nung friday ng gabi sa sala ko ntulog kasi di makakauwi si hubby.  laging bukas  pintuan ng terrace namin kasi mejo mainit sa place n tinutuluyan namin.. around 3am- 3:30 am I heard a sound like "tiktiktitktitktitk.. " super napabangon ako tpos ginising ko kagad si tatay ko na natutulog  din sa sala together with my mom and my little sister.  later on napansin ko na  t-shirt na suot ko mejo nakaangat hanggang sa may pusod ko! natakot ako!!hindi na ko makatulog nun so kwenento ko sya sa family ko after i arrived from work that day.  mejo nkampante na ko ng saturday night kasi umuwi na  asawa ko at nung sunday night dun kami sa kanila pero what happened to me ang my brother kagabi was really scary.  Narinig ko c mama q around 1:30 am na tinatawag ako  so ako naman eh nagising pero di na ko lumabas ng kwarto. pero bago ko twagin ni mama something weird happened to me and hubby.  alam ko tulog siya pero hinawakan nya  kamay ko tpos inuugoyugoy nya sa wala naman kadahilanan tpos inalis ko kamay ko kasi mejo nairita ako. ngayong umaga tinananong ko mama ko bakit nya ko tinatawag kninang madaling araw. sabi nya kasi kapatid ko na natulog sa sala din may nakita daw  na batang nakatayo sa may pintuan ng kwarto nmin ni hubby batang pangit daw.. pinapaalis daw niyang pilit ayaw daw umalis tpos ginising ng brother ko tatay ko bigla daw nawala yung bata.  natakot  ako kasi naalala ko bumangon pa ko ng 3 am para mag cr dahil super naiihi na ko.. we're occupying the second floor ng isang malaking bahay tpos may terrace kaya naman hindi ko iniisip na titiktikin  kasi wala namang bubong bale may third floor p naman kasi..  hubby called me just now kasi pinuntahan niya pla  kakilala nilang albularyo tpos kinuwento daw nya  nkita ng brother ko.. and sad to say sabi ni hubby sabi dw nung albularyo magpapakita at magpapakita dw  sakin un at mapapaanak  ng wala sa oras.. I'm 6 mos. pregnant plang at natatakot  para sa baby ko.. suggest ni hubby dun muna daw kmi saknila pero may mababago ba kung sabi nga nung albularyo eh magpapakita at magpapakita daw skn un ..pagkatapos ng work ko today I will immediately go to church and ask for god's guidance.. has someone experienced this before? or any advices.. thanks
« Last Edit: August 28, 2012, 01:30:57 pm by enash29 »

prix

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #467 on: August 31, 2012, 11:52:08 am »
sis ako din from tondo, i didn't realize na mangyayari ang mga ganitong bagay sa lugar natin kasi sobrang dami na ng tao sa tondo.. ;D

Sabay kaming nagbuntis ng asawa ng tito ko last year, kabuwanan nya na & 7 months naman yung tyan ko that time. Bali magkatabi lang yung house namin at sa di inaasahan halos magkatabi lang yung room namin then ako natutulog ng bukas ang window kasi sobrang init nung month na yun i think katapusan yun ng april, yung asawa ng tito ko first time na nag-open ng window kasi nga naiinitan din sya. We didn't know what happened that night yung kapitbahay namin sa tapat ang nagsabi na last night daw ay mayrong maingay sa bubong nila & palakas daw yun ng palakas hanggang sa nagising yung anak ng kapitbahay namin & ginising yung nanay nya tinanong kung ano yung maingay sa bubong nila kasi meron silang bubong na yero na parang nabubuksan, sabi ng nanay nya tiktik daw yun ang ginawa ng anak nya binugaw or kinalampag yong yero na bubungan nila hanggat hindi umaalis yung maingay nung tumahimik yung nasa bubong nila dun lang lumabas yung anak nya para silipin yung bubong nila & wala na syang nakita. Kinabukasan kinuwento nila iyon kay mama kasi naisip nila na kami lang ng asawa ng tito ko ang buntis that time kaya pag uwi ko galing work sinabi sa akin ni mama iyon.. :o  after that di na ako nagbubukas ng bintana as in sarado pati kurtina lahat binababa ko tapos open yung mga lights & patagilid ako matulog na may unan na nakapatong sa tyan ko, sila papa naman naglagay ng walis ting ting na nakabaligtad dun sa gate namin. Ang sabi ng iba mabango daw kasi sa pang-amoy ng mga tiktik ang buntis lalo na pagkabuwanan na & sabi ng mama ko na huwag mo daw pahahawakan yung tyan mo sa mga di mo kakilala. Naexperience nya kasi iyon nung binubuntis nya ako nasa labas daw sya ng bahay & nakikipagkwentuhan nung may dumaan na matanda pero di nya kilala, binati daw sya and sinabihan daw sya na ang laki na ng tyan mo tapos nung hahawakan na yung tyan nya iniwas daw nya kagad.. woooh! kung nagkataon baka di ko nasilayan ang mundo.. ::) hehe.. ;)

design21

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #468 on: August 31, 2012, 01:53:56 pm »
enash29: hindi naman ata effective ang sinabi ng albularyo sayo matatakot ka lang lalo. dapat may cure siya binigay. kung naniniwala ka naman maglagay ka sa bulsa mo ng red na sili and asin. yan kasi napanood ko sa show ni aga sinabi ng albularyo sa siquijor i think Capiz. mga bintana lagyan mo din asin wala naman mawawla. pati entrance sa mga pintuaan lagi mo dinadaanan sa bahay. salt drives away bad spirits. palitan mo nalang every now and then.

update ko lang bihira na yung tiktik sa amin. hindi ko na sha napapansin pero mga kapitbahay naririnig padin. basta sinabit ko lang buntot ng pagi sa bintana at kapag naririnig ko yung tiktik hinahampas ko sa bintana nawawala na.

mikhaila_12

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #469 on: September 04, 2012, 04:24:31 pm »
hi mga sis... i just want to share my story... i experienced this when i was 6 months pregnant with my baby. natutulog kami ni hubby and bigla akong nagising around 3-4 am. i heard something sa roof. it sounded like someone was scratching the roof directly above me. hindi naman daga coz nasa isang spot lang and hindi tumatakbo. i tried to go back to sleep pero ang likot2 ni baby sa tummy ko. so i waited nalang until mkatulog ulit ako. medyo matagal tagal din akong naghintay hanggang sa na idlip ako. i woke up again, it was still a little dark pero the sun was slowly rising. may scratching noise pa rin sa same spot tapos bigla nalang huminto and may narining agad ako na parang ibon na lumipad from the roof.  i got scared... i told my yaya about it so she pud a lot of garlic doon sa window tapat ng bed namin ni hubby. ayon hindi na bumalik yung ibon/daga.

megansmomma

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #470 on: September 05, 2012, 09:15:15 am »
naku yes its true. my neighbourhood can attest to this. I even saw one when i was 7 mos preggy. nakita ko pa syang lumipad. katakot! lahat na ng pangontra ginawa namin, i slept pa with my lagyanan ng asin para anytime pwede ko sabuyan. ingat nalang sa mga preggers dito...

Madelskie

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #471 on: September 12, 2012, 03:15:17 pm »
Hi sisses! I'm currently 14 weeks pregnant at kahapon lang nung sinoli ko yung hiniram ni hubby na measure tape sa Tita nya they revealed what they were hearing for the past few nights.

At around 12-2am daw nakakarinig sila ng mga kalampag sa bubong ng bahay between our house. We're staying kasi in a new house, yung old house na tinitirhan namin, wala ng nakatira ngayon tapos the next house is yung house na ng Tita ni hubby. So parang naririnig nila yung annoying sound sa old house. They were thinking kung ano kaya yun, sinasabayan pa kasi ng malakas na alulong ng aso. Nung lumabas naman daw yung husband ni Tita bigla naman daw nawala yung kaluskos. Tapos dumating nga ako and then bigla na lang nila nasabi na "Naku buntis ka nga pala". I was like, "Huh?Bakit?" Then na-kwento nga nila yung naririnig nila every night. I remember my Mom told me na nung pinagbubuntis nya ko, may tiktik nga daw sa bahay namin and that is an indication na may aswang. May mga kwento kasi na gustong kainin nung aswang yung baby but the truth is gusto lang talaga nila yung amoy. Depende pa daw sa pregnancy yun. May term sila na sinasabi na mabango kang magbuntis pag lapitin ka ng aswang. We're here nga pala in Bulacan and neighborhood namin is a public elementary school. Siyempre laging wala ng tao sa school at night at scary talaga kasi sobrang tahimik. Taguan pa naman daw ng mga bad spirits ang mga schools since wala nga tao during nights and vacations.

Hindi ko naman naririnig yung mga kaluskos during wee hours kasi nga concrete yung bahay, high ceiling tapos naka-aircon kami kaya hindi rin masyado rinig yung mga nangyayari sa labas. Pero cyempre nakatakot din pag bigla ko nakita, wag naman sana  ;D

france0220325143

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #472 on: September 14, 2012, 03:56:31 pm »
pashare na nga din mga sisses... I live in Las Pinas so i never thought about tik tik and aswangs.. I'm 3 months preggy and it's only me and my 2 yr old baby in the house everyday. yung house namin eh 1-story sya with 2 rooms, pero the other room is vacant. tabi lang kami ni baby sa isang room. hubby is working in pampanga so bihira syang umuwi. Kagabi, or I should say kaninang madaling-araw around 4am, bilang buntis eh nagising ako dahil sobrang naiihi na ako. And at the same time may malakas na kaluskos sa ceiling namin sa tapat mismo ng room na tinutulugan namin ni baby. I was scared and never thought of tiktik at that time. I was thinking baka magnanakaw. Iniisip ko, since secured yung gate namin and yung windows, baka dumaan sa bubong at baka bigla na lang mahulog sa loob ng bahay namin galing sa kisame. eh yun, after kong magcr, malakas pa rin iyong kaluskos talaga... imposible namang pusa kasi may sound din na parang may nilalapag sila sa kisame na parang blocks of wood, lam nyo un. and parang nilalagare na hindi ko maintindihan. nakaupo lang ako sa bed for 15 mins siguro. I turned on the lights pero wala naman ako nakitang butas sa kisame. nkatulugan ko na lang din yung ingay. Palagay nyo maga sis, posible kayang tik tik na yun?

abuanddiego

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #473 on: September 20, 2012, 02:39:53 pm »
holy sh^t! takot na takot ako habang binabasa ko stories nyo. ganyan din kasi mga kwento sakin, kaya feeling ko totoo talaga sila. pero ako wala pa namang experience kasi never pa ako nagbuntis. pero alala ko nung mga bata pa kami 24 na ako ngayon, nakakarinig kami nung ik-ik-ik na sound na malakas so ibig sabihin malayo pa sila ;D so bata pa lang kami may alam na kami about tiktik.

Pero yung mga kuya ko ang madalas makaexperience ng ganito. Yung bahay kasi ng parents ko na minana pa sa lolo namin, nasa mapunong lugar, near UP, typical old house na gawa sa kahoy at may sliding windows na gawa sa capiz. so pag gabi aninag mo yung nasa labas. marami silang kwento samin kahit noon pa, yung iba nga ayaw na nilang ikwento kasi baka daw matakot kami at di na kami bumalik sa bahay hehe. Pero sabi ng kuya ko, nakita na rin nya yung malaking pakpak sa bintana ng room nya. kala rin nya ibon pero nung narealize nya sinlaki ng buong bintana nasa 2meters siguro yun, natakot na talaga sya. buntis ata ate namin nun pero di pa namin alam. pati asong itim na malalaki nakakita na sila. kahit kapre, duwende, and other ghostly creatures nakakita sila. so kahit di pa ako nakakakita, at wag naman sana, naniniwala ako na may ganitong elemento talaga.

yung kumakaluskos din na parang pusa/asong malaki naexperience na ng mga kapatid at cousins ko nung bata pa kami. gabi na nun at naglalaro ata sila ng boardgame sa baba namin. Then bigla na lang may narinig silang kaluskos. sa may cr yun at aluminum yung door so malakas daw talaga yung tunog. sabi nila nung una daga lang yun, pero sabi nila di pwede kasi sobrang lakas daw ng pagscratch. tapos sabi yung aso ng tito namin yun, pero nung narealize nila na patay na yung dog eh takbuhan na daw sila paakyat. ang weird lang dun eh wala naman window yung cr na yun, nasa loob lang sya ng bahay at wala talagang dadaanan yung tiktik pero pano nangyare yun? takot na takot kami nung kinuwento nila yun kinabukasan, tapos wala ng nagpuyat kahit bakasyon pa yun.

dito rin sa current house namin may nabalitang may aswang some years ago at may nakakita pa na nasa bubong sya pero di daw nahabol kasi ang bilis nawala. di na rin ata bumalik pagtapos nun. ang itsura is yung maatim nga na lalaki. so yun kahit di ako mismo yung nakaexperience, mga kasama ko sa bahay ang nakakita kaya naniniwala ako na meron talaga.
« Last Edit: September 20, 2012, 11:20:29 pm by abuanddiego »

skrumian

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #474 on: September 20, 2012, 09:28:17 pm »
ang dami dami kong naririnig na "kaluskos" kwento kapag buntis pero wala pa akong nakikita o nabalita na namatay kase kinain ng tiktik ang baby nila sa tyan.
« Last Edit: September 21, 2012, 12:45:49 am by skrumian »

abuanddiego

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #475 on: September 20, 2012, 11:28:00 pm »
^hindi naman ibig sabihin na pag may kumaluskos may mamamatay na agad, pwedeng naagapan ng buntis or ng family nya or nabubulabog yung kumakaluskos kaya di nya na natuloy ang balak nya.

ako kahit wala pa akong nakikita naniniwala talaga ako na may aswang. napakarami ko ng narinig na kwento mula sa mga kapatid ko at di naman nila kami lolokohin ng basta-basta para lang matakot. kahit sila takot na takot eh. sa qc rin kami, pero sa rosario batangas may naramdaman din sila, bukid kasi dun at hindi matao

skrumian

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #476 on: September 21, 2012, 12:45:11 am »
that's the point. hindi ibig sabihin may kumaluskos ay aswang/tiktik na agad. siguro naman kung meron talagang tiktik/aswang ay may mapapabalita na namatay kahit isa man lang.

abuanddiego

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #477 on: September 21, 2012, 03:01:45 am »
^wala din naman nagsabi dito na pag may kumaluskos automatically may aswang na ;D at tingin ko hindi rin laging nagwawagi ang mga yan sa plano nila, at hindi rin lahat ng kwento alam natin kaya wag natin iassume na tama lahat ng iniisip natin. nagshashare lang naman yung mga tao dito ng stories nila, at kung nabasa mo lahat from page 1, may namatayan din ng babies. at yung iba nakita mismo yung nilalang na yun. mapapansin mo rin na halos lahat nung nagshare dito may similarity sa experience nila--maraming buntis ang nakaramdam. pero sa buong thread wala naman nagpilit na may aswang/tiktik talaga ;D puro sharing lang pinost. nasa readers pa rin talaga kung maniniwala sila o hindi.

slovy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #478 on: September 21, 2012, 05:30:13 am »
sabagay, to see is to believe naman talaga. even my hubby didn't believe it at first until he heard it, ang nakakahiya sa province pa namin. backread ka sis skrumian, marami ako share dun based on personal encounters na rin. maraming ganito sa province namin kasi. at true talaga, buntis ang pinakagusto nila..

mama_ni_kuykuy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #479 on: September 21, 2012, 07:44:39 am »
na-experienced ko yan ng buntis ako.kapag nauwe ako sa house ng hubby ko every night may parang lumalakad sa bubong pati yung mga aso and pusa ay maingay.  at dahil self confessed mangbabarang (o kung ano man tawag sa kanya) ang step mother niya, lahat ng klaseng pang-kontra ginawa niya.. bawal daw ako sa malapit sa bintana, takpan ng itim na tela or damit yung tiyan ko para di maamoy ng tiktik.. maglagay ng matu2lis na bagay at bawang sa harap ng bintana, pati magtabi ng kutsilyo or anything na matulis sa kama habang tulog. sabi pa niya, kapag daw naamoy ng sobra ng mga tiktik yung tiyan ng buntis nadudurog daw un inunan kaya daw namamatay ang baby. alam daw niya un kasi ganun daw nangyari sa panganay niya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close