Gaya ng iba naparegister ako dito ng wala sa oras hoho. But before I go further, LALAKI po ako. Around 2am kanina i was searching about "PANGONTRA sa ASWANG/TIKTIK, hanggang sa napunta ako dito sa forum. Nabasa ko po lahat ng stories dito, most of them I can say na narinig ko na, mostly from my parents and mostly ang biktima mga babae na buntis. Heto po kwento ko, nangyari lang po kanina July 4, 2011 around pass 12 midnight. Nakasanayan ko na kasing bumili ng pagkain sa labas ng gabi at nakasanayan ko rin na lagpas 12 midnight ako bumibili. Hindi ako taga rito sa subdivision dito sa Laguna, pero more than 6 months na rin ako dito, nakikitira ako sa tropa ko. I'm originally from Baguio City. Since ayaw lumabas ng bahay ang tropa ko at medyo naging anti-social (nanaba kase, nahihiya ng magpakita sa tao lols) ako na ang bumibili ng pagkain pag inuumaaga kami sa harap ng pc kakalaro ng online games, matagal ng ganito ang routine namin halos 12 midnight ang lunch namin dahil 5am kami nakakapagbreakfast, gawaing palamunin talaga kami hoho. Night shift kumbaga, balik sa kwento, bumili ako sa 7 11 ng pagkain kaninang pass 12midnight, I don't expect anything na may mangyayari kase naging routine ko na nga ang paglalakad at bumili ng pagkain sa labas pag nagugutom. Di ko alam kung gano kalayo ang 7 11 from the house pero halos katumbas na rin ito ng isa at kalahating yosi pagnaglalakad patungo doon. Nung pauwi na ako, normal pa rin naman hanggang sa makarating ako sa bungad ng bahay, binuksan ko na ang gate at ni-lock. Habang naglalakad ako papuntang side door since nakalock ang main door from the inside, at mahaba habang lakarin pa from the gate to the side door (ganun kalaki ang bahay) narinig ko na ang di ko dapat marinig. Isang mahaba at walang putol na ..ikikikikikikikikikikikikikikikikkkkkkkkkkk. From that moment on alam ko na kung ano yun, hindi ako maaaring magkamali, sa totoo lang hindi ko nagawang igala pa ang mata ko, hindi ko nagawang hanapin kung saan sya nakapwesto, basta ang alam ko tumayo ang mga balahibo ko. May dala pa akong ice cream, tig P15 sa 7 11, mix flavor sa sugar cone, ang balak ko sana tawagin sa labas ng pinto ang tropa ko para kumuha ng basahan kase tumutulo na ang ice cream at baka madumihan ang sahig at langgamin hoho. Pero dahil sa TIKTIK na narinig ko dumiretso na ko hanggang kwarto kahit nagkanda tulo tulo na ang ice cream. kinwento ko ito sa tropa ko at natawa na lang sya pero sinabihan nya ko na nood muna kami ng tv sa sala habang nagla-lunch kami sa ganung oras. Hindi pa rin ako mapakali, hanggang sa binuksan na ng tropa ko nag main door para tignan at pakinggan kung andun pa ang tiktik. Meron nga palang aso sa loob ng bahay, lumabas ito pero hindi naman tumahol, normal lang din yung behavior ng aso pag labas. Nung sinabi ng tropa ko na wala naman syang naririnig, pinapasok na nya ang aso sabay sarado ng pintuan, pero halata din ang kaba sa kanya na may halong curiosity at sinabihan pa ako na guni guni ko lang. Pero nagdecide tropa ko na wag na kami manood ng cable dahil boring daw mga palabas, mag online games na lang daw ulit kami. Sumunod na rin ako kahit alam ko sa sarili ko na tiktik talaga ang narinig ko. Hanggang ngayon 10 am na wala pa rin kaming tulog, hindi na kami makatulog. Kanina gising na tyahin nya at nakwento ko ang nangyari, sabi ng tyahin nya meron daw talaga dito sa subdivision nila. Ngayon iniisip ko kung nagbago na ba ang gusto ng mga tiktik? o aswang? Kung dati ay mga babaeng buntis ngayon ba ay wala na silang kasariang pinipili? HOHO curious talaga ko. ITO ang unang pagkakataon na nakarinig ako ng tiktik, pero hindi ito ang unang pagkakataon ng nakaranas ako ng di pangkaraniwan. Naranasan ko na rin dati ang masitsitan ng di nakikita, naranasan ko na rin makakita ng multo sa hagdan. Sa totoo lang malakas ang loob ko pagdating sa multo, hindi ako takot, pero sa aswang eh ibang usapan na lols. Sana ang naranasan ko kaninang madaling araw ay yun na ang una at huli sapagkat problema ko na naman pag nagutom kaming mamayang hating gabi, lols, kaya kelangan ko ng pangontra.
Salamat po at naway patnubayan tayo ng Poong Maykapal.