watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413375 times)

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #380 on: November 25, 2010, 07:56:02 pm »
^scary nun, sis. kami nakakarinig lang ng yabag nun saka parang may maiingay na pusa lagi pag gabi. may time din na may tumunog sa window in the living room. ibon daw sabi ng brother ko kasi walang alam yun sa ganun. natakot lang daw siya kasi bigla narinig niya sa bandang kitchen na nung tumayo siya. grabe yung sayo. every night binibisita ka. yikes.

jindemi

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #381 on: November 26, 2010, 05:14:19 am »
@ thebratinella

oo sis,everynight walang palya...alarm clock ko pa sya!
naniniwala ako mahilig sila sa bintana..sabi nila un tiktik parang ibon daw yan, pero pag naglanding sa bubong mo mabigat sya ma kala mo kumakalabog or parang pusa na sobrang bigat.

the sound of tiktik is like kulisap...pero un kulisap masarap pakinggan, pero un tunog ng tiktik ibang klase..mas bilis at mataas ang tono, at nakakairita un tunog......at you can hear it sa labas lang ng bintana,di tulad ng kulisap nsa mga puno.

wala naman daw silang nagagawang harm sa mga buntis gusto lang daw nila yung amoy kaya lagi ka dadalawin...pero matakot ka daw kung napadaan daw ang aswang at narinig nya yung tiktik na nagiingay...kasi malalaman ng aswang na may buntis at sya ang dadalawa sayo.

sila daw ang delikado...dun ako natatakot!

sabi din nung matandang maid, yung tyanak din daw un delikado, un b4 ka daw manganak eh lagi mo sila naririnig sa labas ng bahay mo...kasi wala silang nanay so parang gusto nila i adopt mo sila o something, at pag manganganak kna hinahawakan daw nila un baby sa ulo at papahirapan lumabas...


pag nakarinig ka daw ng tyanak ang gawin daw dapat dun e sigawan mo na "hindi ako ang nanay mo!" hehe...nakakatawa kasi nurse ako at di ako naniniwala noon hanggang sa naranasan ko, sobrang takot gagawin mo ndin e. hehe

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #382 on: November 26, 2010, 11:42:20 am »
Mag comment lang ako a bit more on this so we can do away with what is wrong and keep what is right.

Yup, its true that just like predatory animals when these close in for the attack mas nagiging intense ang paramdam nila ng presence nila.  Thus, you do not let your guard down no matter what.  IF confronted with its presence - in whatever form it may be - never falter.  This is where the strength of your chi plays a big part.  And by connecting to God you increase further your resistance and protective shell.

Now, methods to defend yourself against such varies but it is very wrong to use anger and prayers you cannot properly pronounce.  What made it work is yun faith.  You can recite the prayer in Tagalog, Bisaya, English or whatever and it will still be effective provided your faith is strong and pure. 

When the baby arrives you are still not to let your guard down.  The threat is still in the air.  You shield your baby with strong prayers.  Erect defensive screens in the form of plants and religious items. 

Sa Chinese they attach special items to their children.  You often see this in the form of a red pouch attached sa clothing.  Actually, this is to deceive the unseen into thinking na hindi tao yun bata.  Some give gold bracelets na may special wards or such - but as a kid I kept taking it off.  Ha ha, only now did I realize the true importance - and syempre worth ng gold.

As for the effectiveness ng bawang its because of its cleansing properties.  Actually, salt is better as it disturbs the chi of these creatures more - and mas cheaper option for most of us Pinoys.

phurple0515

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #383 on: November 26, 2010, 11:51:02 am »
^ naalala ko sa province namin, pag me baby na bagong panganak, meron nilalagay na parang pulseras, yong nakukuha sa halaman na kulay red/black ang buto, at yon ginagawang pulseras.  pang-anti bad creatures ata yon at tska usog.

b9qtmg

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #384 on: November 29, 2010, 04:41:24 pm »
^ naalala ko sa province namin, pag me baby na bagong panganak, meron nilalagay na parang pulseras, yong nakukuha sa halaman na kulay red/black ang buto, at yon ginagawang pulseras.  pang-anti bad creatures ata yon at tska usog.

^ Naghahanap din ako nyan sis, buto ba yun or beads? Kaya lang natatakot ako kasi baka masira and lunukin ng bunso ko.  Bumili na lang kami ng bracelet, hindi sya yellow gold, silver lang kasi nakakapanghinayang if nawala ni bunso.  :(

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #385 on: November 29, 2010, 06:08:25 pm »
Hi, b9qtmg.  Correct ka na delikado using those seeds.  Per professional experience, such creatures will use their "powers" or minions to break those wards.  This is why prayers and strong energy shield is still the best.  A St. Benedict's cross properly blessed combined with a scapular is still more potent than local cures.

Yun silver is weak as compared to gold kasi.  Ha ha.  I remember yun akin ang kapal pa naman na gold bracelet yun.  Mabigat kaya inaalis ko palagi much to the frustration of my parents.  Pareho kami ng kid sister ko with that.  I wonder where that is na though :P

Not sure where one can get those red pouches that I often see kids in Chinatown with.  Hindi kasi ako into that and from what I recall I didn't wear one rin when I was a kid.

May one be Catholic or not, use protective prayers everyday before and after sleeping.  Believe me, yan tiktik is going to be the least of your worries if you lack in this department.

prettykhae

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #386 on: January 18, 2011, 02:55:42 pm »
I also watched the episode sa rated k last sunday, kinikilabutan din ako.

about don sa oil, napaka effective talaga na panlaban non, my pinsang buo kasi b4 is muntik mahawa ng wakwak, pinaalbularyo namin, binigyan sya ng oil 'a.k.a lana', at pinainom sa kanya ayun sumuka sya, greenish iyong sinuka nya na di mo maintindihan, ang feeling daw nya e sobrang kati ng lalamunan. sa awa ng Dios at sa dasal na rin, gumaling naman pinsan ko, nawala iyong kati sa throat nya. sabi nila pag nahawa daw, tapos magkakasakit at di mapapakali, it means hindi mo gusto, pag nanghihinaka naman daw tapos parang wala lang sayo, it means nagugustuhan mo. One of the signs daw na nahahawa ka is sobrang kati or masakit ang lalamunan kahit wala ka namang ubo. nakuha pala ng pinsan ko yun sa inumin, juice na serve ng hipag ng 2nd degree cousin ko naman. sabi ng albularyo, possible daw na mahahawa ka thru food, kaya wag na wag daw kumain ng kahit na ano na inaalok ng kahit na sino lalo na doon sa di mo kakilala at sa taong pinaghihinalaan na wakwak dahil maaaring nalalawayan na daw iyon. at di lang daw sa food, maging sa mga bagay din daw na nahahawakan daw ng taong ganon tapos ibibigay sayo at tinatanggap mo naman. kaya sa province namin ingat na ingat talaga kami kasi marami talaga mga wakwak doon.

RE oil, binigyan kami ng isang fate healer doon, para depensa nga sa amin kasi sa province meron kaming malaking grocery store at koprahan, maraming mga tao pumupunta sa bahay, at that time din preggy ang sister ko, totoo na pag may wakwak daw na pa enter o malapit sa bahay mo, di sya mapapakali at gusto agad umalis. To our surprise, isang beses, bumubula iyong oil as in bula sya tapos pumutok, tanggal iyong takip. tapos may isang matanda na tingin ng tingin sa sister ko, so lumabas ngayon ang mom ko, dala dala nya ngayon iyong oil tinabihan nya iyong matanda, after non grabe, karipas sya ng takbo(iyong matanda). after non si ate ko bukod sa garlic at salt, meron din syang oil sa bulsa nya.

iyong mga wakwak di lang din daw sa buntis sila nahuhumaling pati sa mga patay din at may mga malubhang sakit. way back year 2008, my lola died, during her wake, iyong neighbor namin na matanda nandon din(wakwak daw sya), we're outside the house non, playing mahjong. we didn't know na iyong bantay sa loob don sa patay, nakatulog. nagulat na lang kami dahil iyong pinsan ko, nagsisigaw kala mo may kaaway. so pumasok kami, iyon pala nahuli daw nya na iyong matanda naming kapitbahay, nakita daw nya na nakatingin sa coffin tapos naglalaway daw na kadiri daw tingnan. kaya pinagpapalo nya ng walis. ayun tumakbo iyong matanda palabas, di na bumalik.

ito pa malalaman mo daw na wakwak isang tao kung di dritso makatingin sayo, mata sa mata. kaloka!

sis, very effective yung LANA kasi...i can attest to that dahil form cagayan naman ako, marami rin dati nun bata ako mangkukulam naman. at takot sila sa LANA.  mababasag pa nga yung BOTE NG LANA PAG MAY PUMASOK SA HAUS NYO NA MANGKUKULAM E...

prettykhae

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #387 on: January 18, 2011, 03:09:40 pm »
sisses, paano ilalagay yung oil? Sa sahig? Or sa pinto? Nasa bote or lalagyan ba sya? Padescribe naman..ü thanks.

Yung mommy ko naman, kwento nya dati, meron din ditong aswang. Di ko alam kung tiktik yun. Basta nagtatransform daw into big black pig. Kilala daw nila eh. Tapos nawala na daw. Sabi ni mommy pinatay daw ng mga tao sa kanila yung pig. Nung naghihingalo, naging tao daw..


SIS, ILAGAY MO YUNG OIL SA BOTE. sa may door... para matakot ang mga ganun.

denxa_1

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #388 on: February 07, 2011, 05:28:02 pm »
grabe, backread talaga ako from the 1st page. andaming scary experiences dito, mga sis! anyway, share ko rin yung akin.

i was exposed kasi to the concept of "tiktik", "wakwak" and "ikik" ever since i was a little girl.
so anyway, when i was in grade 5, and a few months before umalis yung yaya ko sa house namin, may dumaang malaking shadow ng bird. as in defined yung shape ng wings nya. ang weird lang is may part na may bust sya ng tao. akala ko ako lang nakapansin and thought na imagination ko lang, pero biglang tumayo yaya ko from pagkakahiga at sumilip sa window sa uluhan namin, kasi doon yung direction papunta yung "winged creature" sabay talukbong ng kumot.
a few months after, nalaman namin na buntis pala sya at manganganak na. di agad namin nalaman kasi naka girdle siya all those times.

during those times rin, laging may faint "ik-ik" kaming naririnig na umaaligid sa house, pero never namang may kumaluskos sa bubong or sa walls. lagi lang akong pinapatulog ng mom ko nun sa room nila rather than sa room ko with my then yaya.

pero yung super traumatic na nangyari ay sa classmate ng yaya ko na neighbor namin (let's name her alma)

umuuwi kasi si alma around 10:30pm after evening class and those days, yung village namin is hindi pinapasukan ng trikes kasi hanggang sa block lang namin naka-semento yung road, the rest, puro baku-bako na ang lupa. nagtaka si alma, kasi a block before ng house namin, binaba na sya ng tricycle driver at sabi, "dito ka nalang, ha? ingat ka pala, may agila yatang nakawala" pagtingin nya doon sa tinitignan ng driver, may malaking ibon na nakapatong sa makeshift waiting shed tapat ng house namin. so naglakad sya ng mabilis. pero out of curiousity na rin, nilingon nya yung "agila" at nagkatitigan sila. the next thing she knew, tumatakbo na sya at malapit na syang makarating sa house nila na nasa dulo ng village. it took her a few days bago nakapagkwento at nilagnat sya for a month (binisita kasi namin). she described the creature as lalakeng maitim, madungis,  mahaba buhok at nakangiti.

ana mimi

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #389 on: February 07, 2011, 07:41:58 pm »
katakot, i am 19weeks preggy pa naman at malapit yung bed ko sa bintana. sometimes I hev nightmares na may mga engkanto sa dream ko. kapag nagising ako, parang may nakasabit na windchime sa kisame ng room ko. pero di ko alam kung dinilat ko yung mata ko. ang alam ko lang gising ako nun.. wala pa namang nakakaalam sa bahay na preggy ako... gabi pa naman ako nauwi ng bahay dahil til 12mn ang shift ko sa work.. creepy!

sweetsorrow

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #390 on: February 07, 2011, 08:10:11 pm »
naku sis kahit ako praning. Noong isang araw ko pa iniisip 'to. Mountainside kasi ang bahay ko at puro puno.. Sana naman walang ganitong mangyari.. pray to God nalang para bantayan tayo at ang baby natin..

ana mimi

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #391 on: February 07, 2011, 08:58:29 pm »
kaya nga ee. naku, nakakatakot talaga.. ayoko na madamay pa pati yung baby ko

almostpenny

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #392 on: February 20, 2011, 10:13:59 am »
opo totoo yun. parang pnapatunog nya yung kuko nya sa bubong. pag may sakit tas may buntis o may baby pumupunta sila. nrinig ko yun mismo tapos hindi sya umaalis ang ingay mga hanggang 4am ata yun andun sya. creepy.

phurple0515

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #393 on: February 21, 2011, 09:37:58 am »
^ Naghahanap din ako nyan sis, buto ba yun or beads? Kaya lang natatakot ako kasi baka masira and lunukin ng bunso ko.  Bumili na lang kami ng bracelet, hindi sya yellow gold, silver lang kasi nakakapanghinayang if nawala ni bunso.  :(

buto siya from a plant sis....

monina0426

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #394 on: February 21, 2011, 04:29:15 pm »
inviting all of you to check out my blog on tik tik:

[url]http://hubpages.com/hub/tiktik-the-filipino-supernatural-folklore#comment-499879[url]

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #395 on: February 21, 2011, 04:43:09 pm »
Oil and seeds are symbols of life kasi.  These are also able to mask or make us stealthy from the senses of these unnatural things.

Yet, as limited lang to low level ang effectivity niyan ay you are better off fixing the chi of your place.  That is done through prayers and strong faith.  Harmony within the home is also a must.

IF you want to get rid of the tiktik problem once and for all hindi dapat yun tipong sa parang 7-11 kayo pupunta for a solution.  You can go to a gun store and amass an arsenal like the Ampatuans but that will not help you much either.  Some of these cannot be affected by ordinary projectiles kasi.

What you need to resort to is ask Him to send His warriors to police your area.  It is that simple. 

Oy, this works with everyone as long as you believe in God regardless of your religion.

And if some think this only happens sa provinces better think again.  Kahit sa urban areas like Metro Manila may such cases ako. 

ana mimi

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #396 on: February 21, 2011, 04:48:43 pm »
yep.. I believe it too..

nakakatakot talaga yung ganito..
di nga lang talaga sya sa province.. kahit sa urban pwede na din.

snowyice

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #397 on: February 21, 2011, 05:33:26 pm »
totoo talaga ang tiktik mga katulong namin ang daming kwento pero hindi pa ako nakakakita

ana mimi

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #398 on: February 21, 2011, 06:01:00 pm »
same here.. madami lang nagkukwento pero wala pa din ako nakikita.. anyway, i don't like to see one din naman.

raven03

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #399 on: February 21, 2011, 06:22:53 pm »
In the 90's one of my elder cousins got pregnant (I was bout 7 years old) and all of us na pinsan na malapit nakatira sa kanila were asked to sleep beside her aside pa from her parents ha. HIndi ko naiintindihan nung una pero one time, magkakatabi kami nagising kami na may parang lumalakad sa bubong, yung preggy na cousin ko was so scared she was shaking. Tapos, nakiramdam lang kami lahat (there were 6 of us). Tapos may aunt said "sige, ilabas mo yung dila mo, puputulin ko yan'. Then it stopped. The next night, may naglalakad na naman tapos this time may matching na na kahig ng kuko, we all laughed it off sabi ng matatanda (my aunt and uncle said) "ay, ang laki ng ousa sa taas, itim ang balahibo". it just went on and on, tapos may tiktik na sound na. Wala ng natulog sa amin, and it stopped ng 5 am, medyo pa-araw na.  The next nights, natutulog na yung pinsan ko with a silver bolo in her pillow, tapos yun nga every night at least 5 kaming tao na katabi niya.
Personally, ayaw kong maniwala pero I really saw the roof (yero lang kasi yun and walang kisame) move according sa footsteps sa ibabaw niya, parang tao talaga yung nasa taas, and this happened sa Mandaluyong, the place was pretty progressive n that time.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close