watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413327 times)

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #320 on: November 01, 2010, 02:06:47 pm »
^ang tawag dun sa panghahawa langgaw (antique) or yanggaw (iloilo). totoo daw yun sabi ng lola ko kasi may distant relative daw sila na sinubukan hawaan ng wife niya. lumaki yun tiyan pero nung pinatingin sa doctor, wala naman makita. sabi ng matatanda, may sisiw daw sa loob or something but doctors won't see it. namatay yung guy kasi di nakayanan. kahit saan na yata may sinasabing tiktik. lumilipat din kasi ng bahay.

yung yanggaw sa iloilo pwede ka hawaan either bulungan ka sa tenga or lawayan ka sa tenga. Yung lason papasok sa katawan mo hanggang maging ekek or aswang ka na

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #321 on: November 01, 2010, 02:17:56 pm »
^sis, naalala ko dati pag natutulog kami ng brother ko nakatakip pillows sa ulo namin kasi sabi ng lola ko yung aswang daw nanglalaway. takot ako mahawaan tapos brother ko naman takot makagat. feeling namin may papasok bigla habang tulog kami. totoo ba na pag naglagay ka ng oil or 'lana' sa house mo tapos kumulo pag pumasok ang isang tao, that means aswang siya?

may nakuwento din sa akin dati na experience ng late paternal grandfather ko and kasama niya. bumiyahe daw sila using a pumpboat at inabutan ng bagyo. nakarating daw sila sa isang place at nakisilong sa isang house near the seashore. pinayagan daw sila matulog dun. nagising sila in the middle of the night at pag silip ng lolo ko, may nakita siyang aswang sa bakuran. kumaripas daw sila ng takbo ng kasama niya at naghanap ng way para makaalis dun. kahit late uncle ko who was a pastor believes na may aswang. may nakita kasi siya dati na nakasilip sa kanya habang kumukuha ng food sa kitchen nung bata pa siya. pula daw na nanlilisik ang mga mata.

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #322 on: November 01, 2010, 02:32:20 pm »
i remembered this thread last night while watching korina's show. may feature dun about victoria and calauan, laguna. may buntis daw na nakakita ng malaking dog tapos hinabol ng husband niya after niya maghysterical. sa victoria nangyari. yung mga tanod daw nahuli yung isang guy na kakaiba yung itsura at hindi makatingin sa kanila. may interview dun yung mga nakakita. binantaan daw sila ng guy na pag sinaktan siya, babalikan daw niya yung mga tao. feeling nung husband ng buntis na yun yung malaking aso. nagtransform lang. pinakawalan nila tapos nagpahatid daw sa calauan. may backread ako and meron dito nakaexperience ng weird in those towns. kinilabutan naman ako.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #323 on: November 01, 2010, 04:20:40 pm »
^^ narinig ko rin yan sa lola ko sis. We're from Western Visayas at minsan naririnig ko yung mga snipppets of usapan na pag may oil ka nga na nilalagay sa bahay at may pumasok na tao at kumukulo may indication na aswang sya.

Meron pa nga sa province namin dati pag may patay di uso ang coffins so mostly sa mga malalayong barrio sa banig lang binabalot ang patay, kaya take turns daw sa pagbabantay sa patay kasi yung ibang aswang kinukinukuha yung patay tapos papalitan ng trunk ng saging. That was the old folklore bakit naging tradition yung dapat walang makakatulog sa pagbabantay ng patay.

FOURever

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #324 on: November 01, 2010, 08:11:18 pm »
sisses, paano ilalagay yung oil? Sa sahig? Or sa pinto? Nasa bote or lalagyan ba sya? Padescribe naman..ü thanks.

Yung mommy ko naman, kwento nya dati, meron din ditong aswang. Di ko alam kung tiktik yun. Basta nagtatransform daw into big black pig. Kilala daw nila eh. Tapos nawala na daw. Sabi ni mommy pinatay daw ng mga tao sa kanila yung pig. Nung naghihingalo, naging tao daw..

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #325 on: November 01, 2010, 08:23:14 pm »
lilmissprettydiva- alam ko din yung about sa saging, sis. dati nung namatay yung twin brothers ng mom ko kuwento ng lola ko na alam nila hindi na yun yung pinagluluksa nila sa house kasi napalitan na. saan ba province mo, sis? magkatulad kasi tayo ng alam na stories. hehe.

FOURever- sabi ng mga lola ko yung oil sa bottle tapos nakalagay near the door. yung dad ko may binili dati sa quiapo. dinala niya sa quezon kasi may naririnig daw sila pag gabi. parang protection din against aswang. kuwento ng dad ko na may tsinitsismis na aswang dati na di makapasok dun sa house ng kakilala niya na marunong manggamot. parang nangangati daw na kakaiba yung pakiramdam.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #326 on: November 01, 2010, 08:42:41 pm »
^ sa Iloilo sis. Although in my stay there wala naman ako na experience na scary dun. Usually naririnig ko lang sa mga elders at mga aunties ko. Tapos pag piyesta lagi rin kami pinagsasabihan na careful sa pinupuntahan na place at baka nga daw mayanggaw :P

Ikaw ba sis san province mo? same stories might be we're from the same place :D

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #327 on: November 01, 2010, 08:56:55 pm »
^from antique mom ko, sis. family naman ng dad ko lived in iloilo and guimaras. i lived in antique when i was young. naranasan ko nung about 3 or 4 years old ako na todo iyak one night. naalala ko lang di ako mapatahan ng grandparents ko. kuwento ng lola ko nung malaki na ako na that time daw may mga naglalaro ng mahjong sa house ng relatives namin next door and isa dun yung kilalang aswang sa town (same woman that my mom's cousin saw one night in my previous post). nakita siya ng lola ko na faith healer na kinakawayan ako from the kitchen window. sinabihan siya ng lola ko not to harm me or else sila magkakalaban. after that i stopped crying na daw.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #328 on: November 01, 2010, 09:02:36 pm »
^ same nga sis yung stories natin dahil same province :D

ako naman nung bata I never had any experiences with these entities. Naalala ko lang dati na meron kami napuntahan na burol sa malayong barrio tapos yung pinsan ko sabi sakin wag daw ako lilingon sa isang direction na patago nya tinuturo kasi daw dun daw yung bahay ng aswang. Saka lagi kami pinagsasabihan ng mga elders na as much as possible wag magpapagabi kung may pupuntahan sa malalayong barrio

Bash

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #329 on: November 02, 2010, 01:40:21 am »
i remembered this thread last night while watching korina's show. may feature dun about victoria and calauan, laguna. may buntis daw na nakakita ng malaking dog tapos hinabol ng husband niya after niya maghysterical. sa victoria nangyari. yung mga tanod daw nahuli yung isang guy na kakaiba yung itsura at hindi makatingin sa kanila. may interview dun yung mga nakakita. binantaan daw sila ng guy na pag sinaktan siya, babalikan daw niya yung mga tao. feeling nung husband ng buntis na yun yung malaking aso. nagtransform lang. pinakawalan nila tapos nagpahatid daw sa calauan. may backread ako and meron dito nakaexperience ng weird in those towns. kinilabutan naman ako.


may nakapag-kwento nga din sakin nung feature sa show ni korina last weekend. kinilabutan din ako... and I told my husband. kasi I had this wierd experience when I was pregnant, dun nga sa calauan. (i already posted it here). Sabi ko na eh... tama yung hinala ko...

pomegranate

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #330 on: November 02, 2010, 02:15:18 am »
Yung sabi ng friend ko na taga-Antique, meron daw talaga sa kanila na isang baryo lang na puro aswang kaya kahit sila di dun nagpapaabot ng gabi. Ang di raw totoo e buong Antique, medyo na oofend kasi iba kasi dun una na-aasociate.

Ang sabi-sabi naman ng matatanda sa amin, wag daw basta makikikain sa mga di kakilala kapag fiesta kasi daw yun daw ang isang way ng panglalalin.

Ang kwento ng tita ko nung nanganak daw ang lola ko, may malaking itim na aso na sisilip silip sa slits ng kawayang sahig (ganun yata uso dati). Nadaplisan daw ng baril yung aso. Kinabukasan, yung pinagdududahan nilang mag-asawang aswang, may tapal yung sugat nung lalake kaso sabi aksidente lang daw nasugatan ng kawayan so they let him go. Unless makita ng lahat na nagpapalit-anyo siya, wala talagang ebidensya.

Btw, kung tumingin daw ang aswang, matalim ang mata pero lampas tao kung tumingin. Yun ang sabi.

Based sa mga kwento dito at na experience (posted mine way back) natin, meron talaga e noh. Alangan naman nag hallucinate lang tayo e most of us are actually in denial from the start.

FOURever

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #331 on: November 02, 2010, 06:10:26 am »
FOURever- sabi ng mga lola ko yung oil sa bottle tapos nakalagay near the door. yung dad ko may binili dati sa quiapo. dinala niya sa quezon kasi may naririnig daw sila pag gabi. parang protection din against aswang. kuwento ng dad ko na may tsinitsismis na aswang dati na di makapasok dun sa house ng kakilala niya na marunong manggamot. parang nangangati daw na kakaiba yung pakiramdam.

thank you sis :) naging interested ako sa oil na ito :)

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #332 on: November 02, 2010, 07:59:35 am »
Actually, its not true that if you eat something that is tainted by them ay ma-affect ka IF you did the proper precautions.  That is prayer.  Sa mga may third eye I'm sure you can share some interesting stories as to what happens during meal prayers. 

It either totally neutralizes it or you expel it by coughing it out or ilabas mo as poop agad.  However, it is still strongly recommended that food and drinks be prepared and guarded by someone you trust.  Kaya get drinks na sealed ba sa bottle or sarado pa yun can.  Masama man sa katawan ay instant noodles or such kainin mo as at least you can ask hot water naman or boil one your own.

Some though do hypnosis or such - yun bang sa tingin ay you weaken.  This is why its very important, rin, na to pray before and at the end of each journey.

Maraming methods to counter such pero from what I learned from my professional experience what works here in Luzon isn't as effective if done in Visayas o Mindanao.  Naiiba a bit yun timpla.  May powerful methods that can transcend time and space pero hindi madali gawin and you have to be prepared.  As in kahit voodoo or what kaya kontrahin.  I do hope none of you though even become victims of such.

Dito sa urban areas mostly psychic vampires and kulam with some barang thrown.  Yun mga tiktik o wakwak usually sa mga quiet areas o subdivisions mo sila ma-encounter.  Kapag highly populated areas like squatter area mga demons naman na-encounter ko - ha ha, not those that make toma outside ha but a totally different version.

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #333 on: November 02, 2010, 08:23:43 am »
sis Cityhunter, what about the meals kapag nag ppray? im interested. ano bang nangyayari? im the thread starter and tama, nung una hindi namana ko naniniwala na may tiktik but now, ive experienced it myself. naniwala na ako pati sa mga entities..

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #334 on: November 02, 2010, 09:24:57 am »
Yung sabi ng friend ko na taga-Antique, meron daw talaga sa kanila na isang baryo lang na puro aswang kaya kahit sila di dun nagpapaabot ng gabi. Ang di raw totoo e buong Antique, medyo na oofend kasi iba kasi dun una na-aasociate.

Ang sabi-sabi naman ng matatanda sa amin, wag daw basta makikikain sa mga di kakilala kapag fiesta kasi daw yun daw ang isang way ng panglalalin.

Ang kwento ng tita ko nung nanganak daw ang lola ko, may malaking itim na aso na sisilip silip sa slits ng kawayang sahig (ganun yata uso dati). Nadaplisan daw ng baril yung aso. Kinabukasan, yung pinagdududahan nilang mag-asawang aswang, may tapal yung sugat nung lalake kaso sabi aksidente lang daw nasugatan ng kawayan so they let him go. Unless makita ng lahat na nagpapalit-anyo siya, wala talagang ebidensya.

Btw, kung tumingin daw ang aswang, matalim ang mata pero lampas tao kung tumingin. Yun ang sabi.

Based sa mga kwento dito at na experience (posted mine way back) natin, meron talaga e noh. Alangan naman nag hallucinate lang tayo e most of us are actually in denial from the start.

Same din sis in Iloilo or in Capiz. Hindi lahat ng bayan meron pero may nag eexist. Not only in Western Visayas pero kahit san part naman ng archipelago natin meron. Alala ko nga rin dati when we went to Marinduque to spend holy week sabi ng friend ko na taga doon mag ingat daw sa mga nakakasalubong especially na malakas ang powers nila during Holyweek, Tues and Friday accdg sa sinabi ng friend ko.

Saka yun nga bilin ng matatanda talaga samin noon na pag namiyesta siguraduhin na kilala talaga yung pupuntahan. Either kasi mabulungan ka sa fiesta or makakain ka ng food na may lason

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #335 on: November 02, 2010, 09:25:07 am »
lilmissprettydiva & pomegranate- totoo daw yun na may certain places na marami. my late lola told us that when we went for vacation 2 yrs ago. i saw a big black bird kasi on the way home. sabi niya dun daw sa dinaanan namin natsitsismis na marami. i was looking out the car when i saw the bird tapos nawala na lang from where it was perched. madalas associated sa aswang ang antique, capiz and iloilo in panay. i just tell people na hindi lahat ng tao dun ganun.sa capiz nga may aswang festival na to make light of the whole thing.

bash- naalala ko nga this thread and i checked after watching the show. kinilabutan ako kasi naisip ko hindi lang mga people from that place ang nakaexperience.

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #336 on: November 02, 2010, 09:43:24 am »
Yun sixth sense ko kasi is not that heightened like my wife but when the need arises I "see" them.  Ha ha, kaya hindi ko trip yun astral projection or such.

When you do the prayers right you will sense a different kind of feeling - this is for normal folks.  As in gumagaan or comfortable yun atmosphere.  If there is danger you become aware of it. 

Kapag may danger hidden sa food and/or drinks you will at least feel it.  Some would actually see it as black or bulok.  That the very act of reaching towards it mag-react yun hands mo and sometimes your whole body. 

Curious why silver is often gamit then lalo na on gatherings?  Pati na what the priest uses para sa mga items for the wine and bread?  May special significance yun that connects to what we are to digest.

I cannot be 100 percent on this yet but there is also a special significance why porcelain was developed and used by royalty then.  Have to re-research on that as thinking of going into the feng shui food business.  Hindi ko na i-expand as OT na.

Now, other experiences ay you will definitely see at least one form that gives you great peace actually blessing the food.  Ibang prayer nga lang yun but the effect would still be the same as long as it was said and done right.  As in kahit ano pa ilagay diyan sa kakainin mo it neutralizes it. 

Yun different forms that these turn into are usually associated with bad beings.  Pig, dog, dark birds, etc.  Notice all of these came out rin doon sa Amityville story.  Some can do take on the form of humans from young to old.  Remember yun Anak ni Janice?  OT na tayo but its also along this type. 

From what I do know from experience they adapt to the local where they are.  Kaya weaknesses and strengths nila are based on what works on the said area.  Some are hurt because of the iron on weapons.  Some naman due to the essence na nasa oil.  There are some rin who are warded off because of the strong belief in God in a certain area. 

Actually, yan mga yan low level pa.  Mga foot soldiers lang o scouts.  May master yan na waiting lang for the opportunity.  As they say, not unless sigurado sila then and only then lilitaw yun bad one.  That's why when infested na ang isang area with such ay bigla na lang it escalates into something worse not unless ma-remedy agad.

And yes, if you don't know how to take them down and you hurt them ay babalikan ka ng mga yan.  The best one can do is fortify your home.  Totoo kapag kinati ang isa sa house ng isang well shielded from such ay bad siya.  The same way if a good person enters the home of a bad person.  Some collapse to unconsciousness pa nga.

One remedy if infected by such is energy healing.  Ang condition nga lang dapat well-experienced in such ang healer.  Just like sa doctor may kanya-kanyang specialization.  She may know the basics but not unless she has experience ay she will get affected by it too.

Isang effective help pa would be exorcism.  All religions may it be local or yun established na have such naman from what I know.  Yun nga lang sa Catholic church they need to evaluate it first kaya matagal.  Alam ko sa Protestant they act on it agad but I'm not really privy to the particulars.  Inquire na lang ninyo sa priest or minister ninyo.

lilmissprettydiva

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #337 on: November 02, 2010, 09:48:54 am »
^^ isa rin yan naalala ko na reminder ng lola ko pag nabisita kami sa mother side ko sa province, wag na wag daw lumapit or hawakan yung mga scary-looking or weird looking na animal like naliligaw na pusa, ibon, aso at baboy na di naman taga doon kasi may iba daw na nagpapanggap na animal pero aswang pala.  :o

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #338 on: November 02, 2010, 09:53:33 am »
another kuwento din is pag nasugatan mo ang isang aswang while he/she is out prowling at night tapos the next day nakapunta ka sa house niya, mamamatay siya. that is if you know who that person is.

CityHunter

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #339 on: November 02, 2010, 10:04:00 am »
Hmmm.  No idea how true yun mamatay siya if you go to his place after injuring it.  Alam ko lang ala-Wolverine yan mga yan where their regenerative properties are better than ours. 

Yun weird animals may be rabid or what but generally if its something that is not native to the area ay yun na yun.  As in kung hindi naman madalas may black birds sa may tree ninyo and you see such ay something is checking on your place.  When you hurt this you may notice it isn't as affected as a normal one should be.  Kaya nga you hear minsan sa news yun mga bata na may binato or something are later affected.

Yun tulad naman ng rats o insects are usually familiars or pets ng mga yan or those who practice the dark arts. 

Ha ha, you should see me before na ang laman ng bag ko mostly baon kasi nga para makaiwas sa ganyan.  Had to upgrade my skills para less bitbit.  Mahirap lang kung dalhin ka nila sa twilight zone.  May lola suffered such before pero OT na tayo on that.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close