^takod ang term namin sis. meron din sa amin nahawaan, namatay din kasi di nakayanan. tapos iyong nahawaan na iyon kelangan ipasa iyong power na iyon kasi di daw sila namamatay pag di maipasa kaya naisipan sa pusa ipasa, ayon after mabawian ng buhay iyong nahawaan iyon mga ipin nagkalagasan tapos naging wild iyong pusa.
-ito pa:
ate ko that time is 4 mos preggy, sa bahay ng lola namin iyon, taong bahay kami kasi si lola nasa ospital. nasa sala pa kami non nood ng TV ng may marinig kami ek-ek sound. Actually "wakwak" term nito sa amin. nong una malayo naman iyong tunog, kami lang dalawa ng ate ko, pareho kaming matakutin. kaya pasok agad kami sa kuarto ng lola, nagkumot agad at nagpailalaim kami sa higaan. jusko naman akala namin nakaligtas kami, hindi pala lalong palapit ng palapit iyong tunog until parang nasa bintana na ng kuarto.. hindi namin agad naisip ang asin-asin at bawang na iyan. sa halip pinasoot ko na lang ate ko ng itim, buti na lang din may mga itim na palda ang lola ko na nakita ko sa cabinet. pero iyong ek-ek nandon pa rin, full moon pala non. nagtext pa ako sa isa kong kapatid na inaswang nga kami at si ate yata ang purpose, nag text back naman agad younger sis ko na ipakimkim ng asin si ate at maglagay ng bawang sa bintana.. ang problema naman e walang gustong pumunta ng kusina at kumuha ng asin at bawang kasi baka nandon iyong ek-ek. alam nyo po iyong tunog na "eeeeeeeeekkkkkkk.......... eeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkk.. eeeeeeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkk..." nakakatakot talaga. kaya sa ref na malapit lang din naman sa room naghanap kami don ng bawang, buti na lang may nakita kaming dalawang pirasong buo. iyong ek-ek nandon pa rin talaga sya kaya balik kami sa kuarto agad, may baso don na babasagin, iyon ginamit pag pound nong bawang at kinalat namin sa bintana tapos sabay sabi na "umalis ka kilala kita tuos tayo bukas, walang hiya ka" tatakot daw mga iyon eh. so far naman nawala din pero di na kami nakatulog. kawawa iyong ate ko, napuyat.
ito pa: friday non, iyon daw araw nila.
galing ako dito manila, umuwi ako sa province namin, surprise na uwi ko iyon, walang nakakaalam sa pamilya ko, mga 10pm ako nong dumating e lumampas ako, sa may tulay na ako nakababa medyo malayo na sa bahay namin, buti wala ako masyadong dala non, tahimik na iyong lugar, pagbaba ko, may nakita akong tao sa may waiting shed banda malapit sa kung saan ako bumaba, I think mga 4 mtrs away from me, naglalakad, babae, mahaba ang buhok na ang gulo, nakaputi. di ko na lang pinansin nasa isip ko baka lang baliw iyon kasi marami din ganon sa amin eh mga galang baliw. pero nong makailang steps na ako, out of curiousity lumingon ulit ako, pagkalingon ko laking gulat ko halos himatayin ako sa takot, ang panget kasi nong babae, tayuan ang buhok, dilat na dilat ang mata, sabi ko iba na to, takbo na ako, hinabol pa ako kaya sigaw ako ng sigaw, ang lakas, sabi ko "jusko, tulong mga kapitbahay, may wakwak!" sa di kalayuan may nag-inoman pala sabi nila "oy ano nangyari sau, ba't ka nandito?" sabi ko naman, "hinabol ako ng wakwak" sabi nla, "nasaan na patayin natin". pero nakatakas na iyong babae. grabe un..
marami pa ako isishare sisses, pero susunod na lang ulit.