watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 413246 times)

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #280 on: May 25, 2010, 03:38:46 pm »
i also watched that episode sis. while watching nga i remember this thread kase yung kwento ng mga sis natin dito same sa kwento nung mga naka-experience ng tiktik na ininterview nila. scary naman magbuntis

iYaMoTo

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #281 on: May 25, 2010, 03:57:33 pm »
sis totoo yon. totoo rin na marami sa caloocan. Caloocan din ako. naka experience na ako ng ganon. PALAGI! nag umpisa yon nung bata ako hanggang pag tanda na. normal na sa caloocan yon. nakakatakot nga lang pag pumapagaspas talaga yung pakpak sa bubong. sis ganto. pag mahina yung tunog ng "ek ek ek" nya. (sigaw yon ng tiktik na parang sumisipol) ibig sabihin malapit lang yon sa bahay nyo o kaya nasa bubong nyo lang yon. pag malakas yung "ek ek ek" nya malayo pa yon sa bahay nyo. ang ginagawa don ng lolo ko before nung nabubuhay pa sya yung talim nung kutsilyo (yung pinakang dulo ng kutsilyo) kinukoskos nya sa pader o kaya minumura nya. kasi pag minura mo at sinigawan mo sila umaalis naman sila pag yung sa kutsilyo naman matining sa pandinig nila yon kaya umaalis sila. malaking ibon yon sis pero hindi aswang yon. nag aanyong aso din yon sis o kaya pusa.. kaya ingat ingat sa aso o kaya pusa na hindi kilala. pwede mo rin ma-experience yung may pupuntang aso o pusa sa bahay nyo na hindi mo kilala.

 ang magandang gawin don sis.. lagay ka na lang bawang palagi sa bulsa mo pag may nararamdaman kang kakaiba pisil pisilin mo ng kuko mo yung bawang yung mag aamoy talaga sya.. tapos kung may tiktik parin sa bubong nyo sa caloocan gabi-gabi mag saboy ka ng asin na maw halong bigas sa bubong saka bintana. mas mabisa rin yung buntot paging. isasabit mo yon sa kwarto na pinagtutulugan mo. :)

chaucer19

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #282 on: May 30, 2010, 04:54:26 pm »
had an experience din nito pero high school pa ako nasa tapat ng bintana yata namin yung tiktik kasi rinig na rinig namin ng sister ko yung "ek ek" as in ang haba parang di nahinga yung nagawa ng ingay na yun, medyo maaga pa yun wala pang 12am imagine... noong una ang lakas-lakas ng sounds hanggang unti-unti tumigil sya pero past midnight na sya nun.  Buntis yung kapitbahay namin at medyo dikit ang bahay nila sa amin...
« Last Edit: May 30, 2010, 04:57:30 pm by chaucer19 »

iYaMoTo

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #283 on: May 30, 2010, 11:21:20 pm »
^sis pag malakas tunog ng "ek ek" ng tiktik medyo malayo sa bahay nyo yon. baka nandon sa kapit-bahay nyo.  ;D

chaucer19

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #284 on: May 31, 2010, 12:26:36 am »
^ nung time na malakas yung ek ek maaga pa yun 8-9pm pa lang ng gabi may 2-3 hours yata yung ek ek bago tuluyang nawala.

marish

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #285 on: May 31, 2010, 02:18:51 am »
pasali po...

whenever i want to read some creepy stories, i can even get it here in gt...  ;D

i just want to share my mom's experience, kakabasa ko lang din kasi ng mga post nyo... our place is like apartment style, 2 house sya, samin yung isa then before when my tita was still single pinapaupahan yung house... critical magbuntis yung nagrent before as in bed rest talaga, na as much as possible di sya pwede tumayo. my mom told me every middle of the night, nakakakita daw sya palagi ng malaking asong itim na para daw laging may inaabangan sa gate. Hindi naman mabugaw ni mama kasi nga naisip nya baka nga engkanto/tiktik kasi may buntis sa kabilang bahay. sinabihan nya na lang yung buntis. hindi kasi namin alam kung pano ba ginagawa pag ganun. then pinagtanong nya sa kapitbahay kasi kahit sya di nya kilala yung aso pero wala nagclaim na aso nila yun. every night lang siya nalabas na halos araw araw.

ngayon ko lang nalaman bawang or asin pwedeng tumaboy sa kanila and nagpapalit din pala sila ng anyo. akala ko lagi lang silang parang malaking paniki. sabi nila sobrang bango daw ng mga pregnant, yung baby inside sa mga tik tik kaya wag daw talaga ipapahawak sa kung kanikanino yung tummy lalo na sa di kilala...

rianne_mallows

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #286 on: May 31, 2010, 12:34:11 pm »
pasali :D

yung dati naming maid maraming kwento sa ganito.. sa lugar nila kasi island malapit sa bicol tapos talagang gubat pa at walang electricity.. so sobrang paniniwala pa din nila sa mga tiktik and aswang...

sabi sa akin, yung tiktik daw kapag malakas ang tunog malayo pa daw yun pero kapag mahina na yung sound malapit na..

sabi niya pa daw, dapat daw may pangontra ka kasi hindi lang sa tiktik malapit ang buntis at babies kaya lahat daw ng taga doon nagpapasadya ng pangontra.. ewan ko nga kung ano laman eh. ayoko buksan yung bigay niya sakin kasi baka mawala yung magic hehe.. 3 days daw ginagawa yun per piece tapos inoorasyon ng manggagamot tapos papagawa ka lang kapag buntis ka na..

naexperience ko naman, siguro mga 3 weeks ago nakarinig ako ng "sound".. hindi ko kasi sure kung tiktik yun eh.. ang tunog niya "tik,tik,tik .... tik,tik,tik"
ganun... tatlong tik tapos may interval.. tapos mejo mahina..

una hindi ko pinapansin kasi nagdi-ds ako then parang hindi nawawala.. ginawa ko in-off ko muna yung ds tapos in-off ko din yung electric fan kasi nga tinitingnan ko kung saan nanggagaling yung sound.. andun pa din yung sound hindi nawawala.. iniisip ko nga baka butiki yun eh kasi diba yung butiki may sound din? pero iba kasi yung sound niya.. nun ko lang narinig..

mejo natakot na ako kaya binato ko yung kisame namin ng tsinelas saka mga plastic bottles ng mineral tapos pinagmumura ko na..
nawala naman..  pero hindi na ako natulog then nung morning na sinabi ko sa nanay ko.. then ang ginawa ng nanay ko nag-insenso tapos yung mga palaspas sa bahay nilagay sa bintana ng kwrato ko saka mga rosary

ang nagtataka lang ako, hindi naman tumatahol yung aso..eh 4 aso namin na bantay eh...  wala ngang maingay kaya dinig na dinig ko yung sound.. diba dapat tinatahulan ng aso yun? o hindi?

tapos nakwento ko din sa dati naming maid kaya pinadalan niya ako ng pangontra..

hindi pa naman naulit mula nun..

iYaMoTo

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #287 on: May 31, 2010, 02:01:21 pm »
^sis rianne, pag meron parin sabuyan mo ng asin at bigas sa bubong nyo tuwing sa hapon kahit isang salok lang ng pinaghalong asin at bigas. mawawala din yon.

@sis marish oo nagaanyong hayop din yon aso, itim na pusa minsan nga baboy pa. mas nakakatakot nga yong baboy eh. tapos tumatakbo ng mabilis. may na- encounter na kaming ganon na biglang may tumakbong baboy sa likuran namin habang nagkwekwentuhan kami sa labas ng bahay namin. nakakatakot kaya. e wala naman nag aalaga ng baboy sa lugar namin. tapos hindi namin alam kung san na nag punta yung baboy. maraming buntis sa lugar namin that time. mumurahin lang yon pag ganon. walang masama kung bubugawin mo sila takot sila sa itak/pantaga. lalo na pag kinikiskis mo yung itak o kutsilyo sa pader. matining yon sa pandinig nila aalis sila. hindi naman nananakit yung tiktik pero totoo na nangunguha sila ng baby. hindi yung tipong hihigupin nila yung baby sa puson mo gamit ang dila hah. hindi totoo yon. ang mangyayari lang kapag hindi mo naagapan yon or wala kang pangontra papatayin nila yung baby mo sa loob ng tyan. yung parang makukunan ka. ayon.

kaya sa mga preggy na mommy dyan. mag ingat sa tiktik at laging panatilihing may dalang pangontra o kaya sa bahay dapat may pangontra palagi. hindi masamang maniwala sa tiktik. mas maganda lang yung maagap ka para kay baby.  :)

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #288 on: May 31, 2010, 11:53:34 pm »
when i was pregnant, naghahagis lola ko ng salt and garlic sa roof before nightfall. may garlic and salt din sa window ko. nakalagay sa plastic. yung blanket ko naman color red. sabi nila pag ganun daw di nakikita yung baby eh. kuwento lang ng isang friend ko pero i followed it. wala naman mawawala eh.

after manganak, napansin ko na may nagmeow na pusa on a certain time at night near our room and super iyak ang baby ko. one time nga di ko napigilan nagparinig ako. sabi ko, 'ano ba yan. bakit ka iyak nang iyak? inaaswang ka ba?!' then nung ilang nights na ganun baby ko, i placed garlic sa window namin.

nung hindi pa masyadong malaki tummy ko, sumakay kami sa jeep. grabe yung isang girl kung makatingin. sama talaga. parang galit na ewan. nakatitig sa akin. gusto ko nga sana tanuning kung aswang ba siya eh. weird naman na sama ng tingin sa akin hindi ko naman inaano.

a few weeks ago, nagkuwento brother ko na may naririnig siya sound sa window. parang bird daw na di maintindihan. kinutuban daw siya na parang tiktik. sinigawan daw niya. nawala naman. pag punta niya sa kitchen to drink water, nandun daw yung sound near the window. kinilabutan daw siya.

hay naku, subukan lang niya pagtripan baby ko. naku, sasabuyan ko siya ng maraming asin at bawang. baka mataga pa namin siya dahil maraming itak dito galing sa province.
« Last Edit: May 31, 2010, 11:56:51 pm by thebratinella »

boogieston

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #289 on: June 01, 2010, 10:26:53 am »
^and they say women are weak and cowards! ayan proof! super mommy to the rescue! haha!

pasali din! Nagkwento yung teacher ko samin, when she was still living in the province with her family, nabuntis yung kapatid niya. The guy was living with them and kasal na sila. Every night daw, may big black dog dun sa tapat ng house nila. Pag tinataboy daw, gagalaw lang ng konti then babalik sa pwesto, as in, hindi natitinag. Tapos dumalaw yung lola ng teacher ko. May pagka-psychic daw yung lola and very knowledgable about sa mga engkanto, aswang, etc. Sabi niya, aswang nga daw yung dog. So pinrepaare niya yung house nila. Naglagay siya ng walis ting-ting sa may door na nakabaliktad, [textspeak!] flat end on the ground. Hindi daw makakapasok yung aswang pag ganun. Then naglagay din ng garlic sa mga pwedeng pasukan nung aswang and nilagyang ng cross yung forehead nung kapatid niya using lipstick. Basta red daw, i don't know why, pero yun nga daw, red. haha! kasi daw pwede din magsama ng engkanto para makuha yung baby nung kapatid. o diba? bongga! nagtutulungan yung mga aswang at engkanto. haha! tapos yun. That night daw, dumating yung dog, pinapanood nila, it was sniffing in front of the house, tapos nag-yelp yung dog, parang nasaktan daw, tapos nakita nila yung lola, parang nagchachant with the buntot ng pagi in her hands. tapos yun. Nakita nila parang natakot yung dog. biglang sumigaw si lola ng "hoy!", sabay hampas nung buntot floor. Nag-yelp ng malakas yung dog, parang siya yung hinampas. Sumigaw ulit si lola "Hindi ka aalis?!" sabay hampas ulit sa floor, nag-yelp ulit yung dog, tapos tumakbo na palayo. Tapos yun akala nila tapos na, pero sabi ni lola, babalik daw yun, and sure enough, bumalik nga. hindi nila nakita, pero may naririnig silang "ek-ek" na mahina outside the house. Tapos may narinig silang may kumakaripas dun sa mga trees. Nagorasyon ulit si lola. tapos kumuha ng knife. tinaga niya yung knife sa wall tapos pinaghahampas niya yung handle ng knife with the buntot ng pagi. Lumakas yung pagkakaripas dun sa may labas. Sinigawan ulit ni lola yung aswang "Wag kang babalik dito!" sabay hampas sa knife, sa wall and sa floor, as in hampas ng hampas si lola parang nagwawala! biglang may narinig silang kalabog sa labas, parang may nahulog from the roof, sumilip sila sa bintana, wala na yung aswang. the next morning, nagorasyon si lola around the house habang nagsasaboy ng bigas at asin dun sa labas ng bahay nila. Tapos yun. nagstay dun si lola about a week or two, walang nagpaparamdam. Nung umalis si lola, [textspeak!] paring nagpaparamdam na aswang.

cool noh! ang cool ni lola! ang dami pa naexperience yung teacher kong yun eh. taga Siquijor eh. haha!  ;D

marish

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #290 on: June 06, 2010, 03:42:41 pm »
another story pa... this is from my neighbor na lola na, her experience when she was pregnant... previously may sis dito na nagkwento about a guy na gumusto sa kanya nung buntis. ganun din yung sa neighbor namin. every night whenever she's looking outside the window, may napapansin syang guy na nakatayo at nakatingin ng matalim sa kanya, medyo maanino kaya di nya mamukaan eh, nung malimit na napapansin nya yun sa labas ng house nila, tinatawag nya agad tatay nya tapos yun magbubuhos na sya ng asin sa paligid ng bahay. tapos bigla yun mawawala... siguro natyempo sila to attack...

napakapowerful naman ng asin sa kanila... so pag buntis wag magpapawala ng asin at bawang sa kitchen...  ;D

lil.ms.alex

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #291 on: June 08, 2010, 11:31:52 am »

based sa mga stories, kahit pala nasa city, may tiktik/aswang? :o
kala ko sa mga liblib na provinces lang sila. ;D

jmeangeL

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #292 on: June 08, 2010, 01:01:34 pm »
actually, i experienced this ikik phenomenon when i was a child... when my cousin was pregnant with her first child... matagal na, konti pa lang ang bahay sa subdivision namin at madalas brown out kasi panahon ni cory... hahaha

every night we would hear and see a large bat circling atop their roof.  wala pang GI roofs nun, mga yerong 'di kalawang pa!
and every night her father (my tito) would circle the house holding a big scythe (karet) to ward off the ikik...

then when i was pregnant, 2 times, inaantay ko ito. kasi 4 kami sabay-sabay na buntis that time sa kalye namin... kaso walang dumating!  :-\
lugi ang thrill tripping ko!

i don't actually believe na aswang ang ikik... it looks like a bat, then it's probably just a bat.  marami pang bayakan (big bat) dati sa lugar namin kasi marami pang punong malalaki at wala pang gaanong bahayan

and fyi... there's a bat known as the lesser vampire bat that can be found in the philippines. unlike its cousin the vampire bat which is a native in south america (and really sucks blood from any warm blooded creature), the lesser vampire bat only preys on insects and small animals... as to the connection of whether they like to smell blood... i can't say for sure

greyish

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #293 on: June 08, 2010, 01:19:09 pm »
^^ oo nga sabi sa city meron na din.

ask ko lang, baka active pa ang sis natin na nagshare na sa sta mesa manila daw meron...im preggy kasi and i lived in sta mesa...gusto ko lang malaman kung san exactly sa sta mesa, baka sa area na pala namin. although naglagay na kami ng buntot pagi sa harapan ng house at sa may pinto..

angel_eyes_2nite

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #294 on: June 10, 2010, 01:03:46 pm »
just heard one last night!
HAy sus! Di kasi me makatulog kasi naka adjust na ako sa night shift so gising na gising ako last night (rest day ko). Nasa guest room kasi yung sis in law ko na 8mos preggy. I was reading a book ng mga around 3-330 I heard the tiktik sound sa may balcony. Nagdalawang isip ako lumabas kasi baka magkagulatan kami nung aswang...hehe! I just opened the lights na lang.. yun tumigil yung tiktik sound. Buti na lang nagbukas kami ng A/C instead of opening yung sliding door going to the balcony. Kung hindi, super easy access sana yung aswang.

neyvillones

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #295 on: June 16, 2010, 01:54:33 pm »
ako naman mga sis i don't hear anything pero there were times at night, especially nung mga 2-3 months pa lang tummy ko, bigla lang ako magigising ang hatinggabi tapos sumasakit or parang naninigas yung tiyan ko. it happens parang 1 week din. tapos nakwento ko sa sister ko sabi nya baka daw inaaswang ako. so she suggested that i carry salt with me pag matutulog. naglagay ako sa pocket ko tapos that night sobrang himbing ng tulog ko at hindi na sumakit / tumigas yung tiyan ko. buti naman up to now okay na kami.. in 2 weeks time malalaman ko na ang gender ni baby  ;D

teacherteacher

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #296 on: June 20, 2010, 09:04:08 pm »
3 months preggy mommy here with 1st baby :)

Last night napuyat ako sa kaka-worry kung inaaswang ba ang baby ko.  Kasi super nahihirapan akong maglihi, e may naamoy akong hindi ko gusto sa room namin.  si hubby sa floor natutulog kasi naaamoy ko yung pheromones niya (ganyan ako ka-sensitive).  anyway, last night may naamoy nanaman ako so i opened our french windows (our bedroom is on the 3rd floor) and turned the airconditioning off.  after a while, i started having cramps that lasted for a long time.  i got scared and closed the windows and woke my husband up.  i asked to sleep beside me on the bed.  i cant sleep talaga!  when i finally did, i dreamt (?) that a strong force was seeping my lower body and i was struggling talaga.  buti i woke up.  it felt so real.  i told my husband about it, then he said "What a coincidence; napanaginipan ko naman na nawakwak yung tiyan ni ***** (yung pug namin na sa room namin dati natutulog, pero sa labas na sa may door namin natutulog ngayon kasi nga sa naglagay kami ng mattress sa floor, e ang hilig nun sa kuchon).

what do you advice sisters?  i can't stand garlic!

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #297 on: June 20, 2010, 09:22:03 pm »
^you can ask your husband to buy buntot ng pagi or that bottled oil to ward of aswangs that are sold in quiapo. in the meantime, puede niya sabuyan ng salt and garlic yung roof niyo. is it possible for him to put salt and garlic outside your windows. yung hindi mo sobrang maamoy? then maglagay kayo ng walis tingting na nakabaligtad beside the window and door. i hope you and your baby will be all right, sis. ingat.

teacherteacher

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #298 on: June 21, 2010, 10:27:41 am »
^Hay naku sis my husband does not believe in these sort of things.  Kahit sa multo hindi yun naniniwala.  Very scientific ang mind nun.  Kagabi nga pinagtatawanan ako nung kumuha ako'ng asin.  I guess I'll ask our helpers to do it; I think sila naniniwala.

Garlic is out of the question talaga.  Masusuka ako.  Maybe yung salt and walis tingting.  Yung buntot ng pagi, sa Quiapo lang ba?  We live in Laguna eh, ang layo.

I'm really scared kasi kagabi humilab uli tiyan ko.

thebratinella

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #299 on: June 21, 2010, 09:22:43 pm »
wala naman mawawala, sis if you try di ba? ask your helpers na nga lang na sabuyan ng salt and garlic ang roof niyo. wag ka na lang maglagay sa room niyo if you feel sick because of the scent.

i don't know kung saan pa makakabili ng buntot ng pagi, sis.

sana maging okay si baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close