watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 412927 times)

frappysabz

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #140 on: February 04, 2009, 09:36:57 pm »
sabe ng mom ng hubby ko.. pag may pusa daw.. na maingay.. its either may buntis.. or mabubuntis..  ;D

angel_eyes_2nite

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #141 on: February 05, 2009, 10:51:50 am »
sabe ng mom ng hubby ko.. pag may pusa daw.. na maingay.. its either may buntis.. or mabubuntis..  ;D

bago to  ;D

ganda ko

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #142 on: February 05, 2009, 11:08:29 am »
Mga sis, ask ko lang po, tiktik din ba yung tawag sa mga napapanood

natin na mga pinoy horror movies? Yung nasa bubungan ng bahay kubo,

tapos sisilip sila kung saan may buntis then yung dila nila napakahaba na

parang sinulid... Thanks po!!

« Last Edit: February 05, 2009, 02:21:25 pm by ganda ko »

pretty_me123

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #143 on: February 05, 2009, 12:58:54 pm »
i love reading all your stories about the tiktik.
scary .

qtlouise29

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #144 on: February 05, 2009, 03:05:46 pm »
katakot!

kwento ng hubby ko dun daw sa province nila one time umuwi ng gabi yung neighbor nilang buntis. habang naglalakad sa kalsada may tumama daw na parang ibon sa tiyan nya tapos parang nawala.

pag-uwi sa bahay dinugo na siya tapos wala na yung baby, nakunan na.

kaya kahit kulob at mainit kwarto ko, lahat bintana lagi nakasara. napapagalitan ako ng parents ko pag naiwan na open yung windows. di rin nila ako pinapalabas pag gabi. i'm 4 months pregnant na pero wala pa [textspeak!] ako na-experience (sana wala nga)

frappysabz

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #145 on: February 05, 2009, 03:11:29 pm »
hahahaa ;D uu nga sis angel ang kulit no? kasi that time d pa alam ng parents nang hubby ko na buntis ako.. inisip nila kaya maiingay mdameng pusa sa labas kasi may buntis sa sa kapitbahay.. hahahaha.. d nila alam that time im pregnant na.. :D hayyss 4months preggy na din.. tagal pa!!! waaaaaaaaaaaaaaa  :o

kurdapya

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #146 on: February 12, 2009, 01:52:15 am »
Ako naniniwala ako .. i was brought up in the province normally i've been hearing stories like these all the time. I live in Batangas.

Andyan yun every 9pm, my mom knows na dadaan na ang ekeek (tiktik).. talaga nga naman me maririnig ka na "eek eeek" sounds. And she said she believe there is such thing as aswang kasi nga na experience nya. About 27 years ago.. She was walking to get to town around 10pm and was pregnant with my younger bro.. naiwanan kasi sya n last trip pauwi.. eh nun time na yun puro kawayan pa yun lugar namin.. she said she could feel there was somebody following at nagmamasid sa kanya. Then dire-diretso na lang daw sya ng lakad hindi nya pinansin.

My auntie naman who was dying and staying in one of our rooms, paglabas ng kapitbahay may malaking aso na nakadungaw sa bintana namin around 5am na parang inaamoy nya talaga.

Ang amoy daw kasi ng mga entity na ito sa buntis or me sakit eh kasing bango daw ng langka.

Ako naman I experienced with my cousins who used to hang-out outside our house. Then about 1am bigla na lang me malakas na hangin na parang maliit na ipo-ipo. yun older cousin ko na we thought na natutulog na tumakbong pababa .. nagising siguro.. at sumigaw na me aswang. Eh di takbuhan kami paloob ng bahay diretso sa kwarto at matutulog na. Yun pintuan kasi namin me screen.. kinakalampag nya parang galit na galit. Tapos humihingal. Alam mo yun parang pag me alaga kang aso na gusto makapasok sa loob ng bahay. Akala ko ako lang nakakarinig.. kinaumagahan nagkwentuhan kami ng mga pinsan ko narinig din daw nila. 

Meron din mga silly stories like.. kunyari pag naki-fiesta ka daw.. then nakakain ka ng laman ng tao.. magiging aswang ka. Para daw ma avoid mo.. magbaon ng calamansi.. at ilagay sa pagkain.. pagnagtalunan daw laman daw nun tao yon :D

grabeh nobela ang post ko
« Last Edit: February 12, 2009, 02:15:29 am by kurdapya »

queenkiss

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #147 on: February 12, 2009, 02:32:32 pm »
Mga sis ang ito naman kwento ng lolo ko. kasi that time daw buntis yun nanay nya at nasa tabi raw sya. nakabukas daw yun ilaw nila nun madaling araw i forgot the time. tapos nagising daw sya kasi may maingay sa bubong nila. kitang kita daw nya yun parang sinulid na bumababa papuntang tiyan ng nanay nya. napakabilis daw na di naabutan ng kamay nya. as in super bilis daw na seconds lang daw ang pagitan.

Kaya sabi nya sya raw talaga naniniwala na may aswang. sabi nila yun tiktik daw yun ang parang signal na may darating na aswang or may aswang na sa paligid. ibon daw yan.

ganda ko

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #148 on: February 12, 2009, 02:44:57 pm »
^Sis, di ba dapat magupit yung dila ng tiktik? Then kinabukasan kung sino yung nagiging pipi, yun ang aswang.

greenstrip

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #149 on: February 16, 2009, 02:19:37 pm »
True po yung ka pag may nag iingay na pusa its either my buntis or mabubuntis... Doon ako na huli ni mother sabi niya may buntis dito sa bahay na to.. eh hindi pa ako umaamin noon at tinatago ko pa... Gusto ko sana sabihin present hehe

freeswan

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #150 on: February 16, 2009, 02:33:19 pm »
^ sis, si sis anetski ganun din. nalaman na buntis siya dahil sa tiktk. kinwento ko kay bf 'to tawa siya ng tawa. pano kaya nakakapag tiktik yung mga aswang sa mga buntis sa mga condo? wala naman bubong yung mga units dba? (might be stupid pero im really wondering).

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #151 on: February 16, 2009, 02:38:30 pm »
^ sis baka kumabit sa bintana nung condo or baka nasa terrace ng condo. ;D


Bash

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #152 on: February 17, 2009, 06:45:00 am »
ngayon ko lang narealize na totoo nga...

I remember when I was pregnant, natulog kami sa house ng SIL ko sa Calauan, Laguna. There were times na nagigising ako na may naglalakad sa bubong (walang kisame yung bubong) tapos the dogs were barking. Hindi ko pinansin kasi there were instances before na may naglalakad sa roof nung house ng SIL ko (kapitbahay nila) kaso sa umaga naman yon. pero ngayon, naisip ko, yun na nga yun. kinwento ko kay hubby yung mga nabasa ko dito and he confirmed na totoo nga daw ang tiktik kasi na-experience na din nila yun before sa elder sister nya.

iyahkin

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #153 on: February 20, 2009, 04:41:18 pm »
nakakarelate ako dito, i experienced it thrice .  :o

hindi rin ako naniniwala before kasi sabi ko to see is to believe. ;)

The 1st encounter happened one summer a few years back pa .. I was 1month pregnant that time. The whole clan went to calamba laguna and rented a private resort for our reunion. We got there nightime, mejo freaky yung place kasi puro puno na yung paligid. When the caretaker welcomed us, may kasama siya na laging nakayuko. Binalewala lang namin kasi we're there to have fun. When we are preparing dinner, nakita ko yung woman na kasama ng caretaker na matalas ang tingin sakin. Sabi din ng yaya ng pinsan ko, aswang yang babaeng yan, iba pakiramdam ko jan. So i asked the caretaker kung nasaan na yung kasama nya kasi bibigyan namin ng pagkain, wala daw, hindi daw niya makita.  ???

11pm na, nasa pool kami ng mga cousins ko nung may narinig kami ng "ek-ek-ek", nagbiruan pa nga sila. Mejo malamig na nun kaya umayat na rin ako to take a shower. Nung nasa shower room na ko sa 2nd floor, i heard the same sound again pero mas mahina ng konti. Hindi ko na lang pinansin kahit aware ako na tiktik yun dahil sa mga nakwento dati. I went to our room to dress up, and sleep na rin kasi napagod ako sa byahe. Nung nakahiga na ko sa bed. Kasi parang dorm type yung room. I have a window sa tabi mismo ng bed ko. I heard "ek-ek-ek" ulit ng sobrang hina na. Maya maya may narinig na kong kumakaluskos sa wall ng room namin.
Kinabukasan paguwi namin ng manila, nagbleed na ko. I found out na i had a miscarriage nung nagpacheckup ako.

On my 2nd pregnancy naman, i was sleeping alone in my room kasi galit family ko because of me being pregnant outof wedlock. Like some of you, naranasan ko rin yung kaluskos sa window, mabibigat na steps sa roof, and yung malakas na pagfaflap ng wings. I even saw a big bird pass by my window. Ang nakakatakot na nagyari is yung may nakasilip sa window ko na lalaking parang taong grasa na red yung mata then parang binubuksan yung window ko. Tumakbo tuloy ako papunta sa room nila mama. Hindi kasi ako naniniwala dati sa mga pangontra. Yan tuloy.  Buti na lang concrete yung bahay. Kahit papano hindi nakapasok ;)

3rd encounter is nung nasa bicol kami. My lola died, so dinala namin siya sa province for the remaining 3days of wake. 2 rin yung buntis na kasama namin, mga wife ng pinsan namin. Nandun din yung super kaluskos sa mga window ng bahay, mabibigat na tapak sa roof, and isang nilalang na may malalaking itim na pakpak na dumaan sa mga bahay dun. Nakakatakot talaga.

ay ang haba na pala   ;D

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #154 on: February 21, 2009, 10:22:29 pm »
sis nakakatakot yung experienced mo, kinilabutan ako  :o

kurdapya

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #155 on: February 21, 2009, 11:17:32 pm »
^^sis dapat binalikan nyo yun resort hinanap nyo yun babae kunyari nakalimutan mo bigyan ng tip yun pala bawang ang bibigay mo. pag pumiglas guilty!!

freeswan

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #156 on: February 23, 2009, 12:40:27 pm »
^^^ sis, i forgot also to post here na pag ang eek-eek sound daw is mahina, meaning mas malapit siya sayo..pag mas malakas, meaning mas malayo siya.

anetski

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #157 on: February 23, 2009, 04:51:30 pm »
^sis, natawa naman ako sa react ni boyfie mo hehe =P i think walang tik-tik sa mga condo kasi nga naman condos are usually situated in densely-populated areas, tipong maingay, dami tao, maraming ilaw na nakabukas(think billboards-LOL). and, wala silang pagtataguan sa condos. tik-tiks are usually present in areas na tahimik pag gabi, mejo malalayo distance ng mga bahay, and may areas na madaling pagtaguan like maraming plants/trees.

imagine, kung may tik-tik sa condo, say, makati, lagot siya! dami makakakita at hahabol sa kanya =P

freeswan

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #158 on: February 23, 2009, 05:03:44 pm »
^ pero minsan sa hallway ng condo, tahimik. creepy. i think tambay na lang siya sa may fire exit.

sabi ni bf sis, brad trip ba daw na tiktik pa nagbuking sayo.

anetski

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #159 on: February 23, 2009, 05:26:19 pm »
^pwede!

onga eh. badtrip talaga. pampasira ng buwelo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close