watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 412886 times)

cocoysmom

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #100 on: December 01, 2008, 03:58:55 am »
i think dapat na ilipat itong topic na ito sa pregnancy and childbirth experiences... ;D

i'll share naman my story...

grew up with a yaya who loves telling these kinds of stories..never paid real attention to it until i lost my first and second baby to a miscarriage.  :(

after recovering from the 2nd loss, siguro due to desperation na din, i listened to the oldies and we went to a manghihilot. tinawas ako. nalaman nya may "umaamoy" daw kaya next time na mag-pregnant need mag-ingat. nagdasal lang sya sa harap ko.

after 4 months, i got pregnant ulit. we went to her and she gave me this oil that i should rub on to my tummy. then maglagay daw lagi ng bawang sa bulsa. OA noh? but i really did that and my 3rd pregnancy went really well. she also told me laging mag-pray para pati labor/delivery hindi mahirapan. i gave birth after 5 hours of labor lang... ;)

i don't remember if may instance na may kumaluslos sa roof namin, but what i do recall was...

-seeing a little "boy" outside our bedroom the night before spotting on my 1st pregnancy began, and...

-seeing a "man" on our neighbor's roof through a mirrored decoration that faced our bedroom window pero wala naman nung tumingin na ako mismo sa bubong...days after spotting on my 2nd pregnancy. this same window kung saan humaharap at parang may tinatahulan ang 1 sa 4 na dogs kong kasama namin matulog before...

maybe it was the bawang, or the oil or my extra prayers that did wonders, but i prefer to think they all worked to bring the great joy that we now have in our lives... ;D

prettylen

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #101 on: December 05, 2008, 06:59:33 am »
waahhhh.. scary  :o

tisay4476

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #102 on: December 09, 2008, 12:14:18 am »
YUng pinsan ko sa pandacan nakatira, buntis sya 3 months that time araw araw may kumakaluskos sa mga pinto nila tapos pagtitingnan nung husband nya nawawala naman, nung medyo nakatulog tulog na silang mag asawa bumalik nanaman ang kumakaluskos dun sa bintana naman nila malapit dun sa kama nilang magasawa nagmura na yung asawa ng pinsan ko sabi pag di pa daw tumigil yung kumakaluskos na yun iitakin nya kung sino man yun. Tumigil ang kaluskos for a week tapos bumalik nananaman, that time umuwi ang mama ng pinsan ko sa bahay nila para magbakasyon, una yung pinsan ko lang ang nakarinig na kaluskos na matinis ang tunog, at ginising nya yung mama nya, narining din ng mama nya yung kaluskos na yun at kumuha ng walis tingting at saka pinaghahampas ng mama nya yung pinto, dingding at bintana at saka nagmura ng nagmura at sabi na kung hindi lalayo sa anak nya eh uubusin nya ang lahi nung aswang, sinabi din nya na kilala nya kung sino sya. AYun biglang nawala yung kaluskos at hindi na bumalik pa. Kwento din nung mama nya nung ipinagbubuntis daw nya yung pinsan ko ganun din daw ang nangyari sa kanya, ganun din ang ginawa ng mama nung tita ko. Mabango daw kasi ang buntis kaya kahit daw malayo eh naaamoy yun ng tiktik. KAya ako nung buntis ako sa dalawang anak ko bumili ang husband ko ng walis tinting na malaki at itinabi sa bintana namin pati sa tabi ng kama, in case daw na mangyari din yung ganun. Thank God wala naman.

ms_pring

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #103 on: December 09, 2008, 11:25:47 am »
Nakatira din ako sa province sa cavite ang balita naman na aswang samin matandang babae nakatira sya sa resetlement area pero tatawid ng ilog para makapunta sa brgy namin. Bata pa ko naririnig ko na usapan na aswang daw yung matanda na yun kasi pag may buntis palagi sya napunta sa may amin nangangangkong sya tuwing hapon. Pero pag wala naman buntis hindi naman sya nadayo samin para manguha ng kangkong.

Tapos yung lolo ko na may sakit from bicol dinala nila dito. 2 days before namatay yung lolo ko pinatawag kami lahat. Tapos ayun napagusapan nga na nakita daw ng lolo ko yung matanda na sinasabing aswang na ngpanggap pusa. Minura daw ng lolo ko sabi daw ng lolo ko kakilala nya sya tapos lumabas daw yung pusa sa bahay ang kwento ng lola ko ang itsura daw ng pusa nagiging tao tapos nagiging pusa ulit papalayo.

Sunod naman fiesta dun sa area na yun pumunta kami. Yung pamangkin ng pinsan ko sa mother side matatas na bata 3 years old sya nun. Nagulat kami ngtanong sya sa Mama nya "Mama may tao ba na ganito kahaba yung dila?  tinuturo nya hanggang tyan nya. Sabi ng mama nya "Wala anak bakit?" ang sagot nung bata "Kasi si Aling ____(yung matanda) dinilaan ako hanggang sa pusod yung dila nya"  :o Gulat kami lahat.

Ganun din nung malapit na mamatay yung tatay ko. 1 week before sya namatay palagi may kumakaluskos sa bubong namin. At nandun nanaman yung matanda at palagi nanaman sya kumukuha ng kangkong.
Pagkamatay ng tatay ko lumipat kami ng bahay

Tapos nung nabuntis naman ako 5 years ago, madami kaming pusa 9 sila lahat. Pero may sarili silang kulungan sa labas ng bahay. 2 sa pusa namin kulang grayish black na tiger. Natutulog kami ng nanay ko bukas lang yung window pero may screen patay yung ilaw tapos may 2 itim na ngsscratch sa screen ng bintana namin. Pinagalitan ako ng nanay ko akala nya hindi ko kinulong yung mga pusa kaya gusto pumasok sinisira yung screen namin. Lumabas yung nanay ko tiningnan yung kulungan andun naman lahat ng pusa namin saka nakasarado naman. Tapos pag pasok ng nanay ko sa kwarto may parang bumagsak sa bubong namin ang lakas umakyat nanay ko sa taas. Nagulat ako pag balik ng nanay ko may dala syang palakol "axe" sabi nya nakakita daw sya ng ibon na kasing laki ng aso. Minura nya daw. Takot kami nun ngbuhos ng asin nanay ko sa bintana saka bawang. Kinabukasan tiningnan namin yung screen sa bintana may mga scratch talaga. After nun palagi ako may bawang at asin sa bulsa. Syempre ang pinagbibintangan ng mga tao samin yung matandang babae parin kasi nakikita nanaman sya aali aligid dun sa may amin.

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #104 on: December 09, 2008, 12:10:28 pm »
i think dapat na ilipat itong topic na ito sa pregnancy and childbirth experiences... ;D

yup, wrong thread nga eh. mods pa-move nalang po ha. thanks!

this happened to me, the third time around, im almost 8months preggy. i went back to my parent's place sa caloocan since baka kapag nasa house ako ni hubby at may emergency walang sasaklolo saakin, he works at night kasi.

Tuesday morning, my mom was cooking downstairs sabi ko, mommy! sarap ng tulog ko! and she was like, "oo nga eh, ako hindi ako nakatulog, may nagtitiktik sayo kagabi. binantayan kita.." heto pala ang nangyari...

it was monday evening, kakabili lang ng husband ko ng new matress for my bed. so ako lang ako nakahiga dun and my mom and dad also my niece sa lapag nalang natulog para may kasama ako. wala akong kamalay malay na natitiktik na pala ako, my mom woke up daw at may naririnig siyang ik-ik-ik tumayo daw siya para pakinggan ng husto, meron pa din daw, so she finally stood up to check, when she opened the curtains, biglang may pusang tumalon! We knew it was that animal na tiktik! ginigising daw niya daddy ko pero hindi magising so never mind.

...kinabukasan, several people advice us na dikdikin ang bawang at ilagay sa mga bintana at samahan ng asin, halos lahat ng pwedeng daanan at bintana ay may bawang. meron nga din pala akong pangontra na lagi kong suot suot anywhere i go, bala ng baril at maliit na santo na binalot sa small pouch at may rosary din. tapos kapag matutulog ako, may fresh bawang na dinikdik at ibabalot sa cloth at isasabit din somewhere near my tummy, ako sa shorts nakalagay. keber na mangamoy akong bawang basta maging safe ang baby ko, mahirap yata magbuntis noh! tapos kakainin lang ng tiktik! hay, magkakamatayan muna kami...  >:(


bump

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #105 on: December 09, 2008, 03:24:29 pm »
this happened to my ate & me. every night laging maingay sa bubong tapos biglang sa window. nakita na nga ng ate ko harap-harapan un tik tik sa umaga & gabi. kung wala un isang bro ko siguro dinugo un ate nung gabing un.

my story naman.i was a month preggy pa lang. my room has two windows. one sa may ulo ko tapos un isa sa my side ng paanan ko. my room is also located sa dulo ng house where may vacant area sa likod namin.

i was tired that night & easily fell asleep. my lights were on pa ha. nagising ako kasi may maingay. when i opened my eyes, nakita ko sa may window sa gilid ng paanan ko may malaking wings na kulay black & tapos may mukha pero un buhok magulo. my windows kasi are glass tapos may grills lang. grabe takot ko nun i ran to my parents which is front of my door lang. may halong sigaw un takbo ko. nagising un parents ko kaya they let me sleep sa gitna nila.

my mom checked my room and she could hear & see the flapping of the wings moving away from our house. nun bumalik siya sa room sabi niya may nang aaswang.

at that time my parents were clueless na preggy ako. when they found out lahat ng windows ko may walis ting ting & itak in my room. dun sa may grills may bawang & asin. and i always carry a bullet kasi takot dun tik tik.

it's hard to believe pero it happened and to think sa QC pa un.

pinkswirls12

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #106 on: December 11, 2008, 02:32:47 am »
nakakatakot talaga yung aswang.. nakarinig na kasi ako.. i'm not preggy because i'm single but sa street namin that time, 3 ang buntis... grabe, parang may agila sa labas ng bintana namin.. that was 2:30am... sa takot ko, napatakbo ako sa room ko coz i was still watching tv that time... hindi ko na binalak silipin... para siyang paikot ikot... pumapagaspas talaga yung wings nya... iisipin mo may malaking ibon na mababa ang lipad. haha.. my cousin also has an experience with aswang.... lalake raw ang aswang na yun... nakatira sa kabilang compound... Alabang area na, may aswang pa rin.. may asawa sya but wala silang anak kasi walang nabuo... ahem! before that man died, he said sorry to my cousin for no apparent reason... our conclusion, sa pangaaswang sa pinsan ko kahit na pag morning e chika chika pa sila.. haha!;D

cgirl

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #107 on: December 11, 2008, 06:32:56 am »
Just to break the ice.  ;D


Super kwentuhan ang buong neighborhood, may aswang nga daw na kumakalat sa lugar namin. Kasi daw palagi may naririnig sa bubong na parang naglalakad tapos mabigat daw sa pakiramdam.

Kinabukasan, may ninakawan na bahay.

Haha.

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #108 on: December 11, 2008, 08:59:08 am »
^ sis gamit inaaswang nun. LOL ;D

spitfire

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #109 on: December 11, 2008, 03:51:46 pm »
^^ intense ako sa pagbasa.. bigla ako natawa.. hahahah!

anne29

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #110 on: December 11, 2008, 04:26:53 pm »
natawa naman daw ako dun sa sinabunutan ng tik-tik... baka ex ng hubby mo yun sis... hahaha peace lang sis

~lovesick~

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #111 on: December 17, 2008, 12:40:24 pm »
katakot naman sis. sana hindi ko ma-experience ang ganyan.

frappysabz

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #112 on: January 09, 2009, 02:37:57 pm »
naku... naalala ko tuloy last week nakitulog ako sa house ng bf ko.. hindi pa alam ng parents niya na buntis ako. hahaah.. 12:30am.. sa window nila sa harap at likod ng bahay ang dameng pusa myaw ng myaw .. d namen lam kung bakit hahahaha.. [textspeak!] nga kaya yun..

anetski

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #113 on: January 09, 2009, 04:51:06 pm »
naniniwala ako sa tiktik/aswang na yan...

kasi nalaman ng mama ko na buntis ako dahil sa tiktik.

i was still in college then. lagi ako gabi umuuwi as in madaling araw. i already know that i was pregnant but i was hiding it cuz i dont wanna disappoint my parents--malaking gulo yun! 4 months preggy na ko kung nalaman ng mama ko na preggy ako dahil nga jan sa tiktik na yan na napaka-ingay sa bubong namin. at first, my mom thought it was the preggy neighbor(malapit na siya manganak nun), but tuloy pa rin yung kalabugan sa bubong after nya nanganak. so one time na umuwi ako ng madaling-araw, nagulat ako pagbaba ko ng jeep andun nanay ko at inaabangan ako! shempre nagtaka naman ako kung bakit nya ko iniintay sa labas, but when i asked her kung bakit(naglalakad kami papasok ng village), sabi lang nya wala lang hindi daw kasi siya makatulog kaka-worry daw sakin. biniro ko pa nga, sabi ko, para ka namang hindi na nasanay sa kin, ma! sabay tawa pa ko pero si mama, pilit na hehe lang ang sagot(pang-asar din nanay ko minsan eh) pagdating sa bahay, dun na nagkaalaman na preggy ako, and my mom learned that i was preggy because of that effing tiktik!

natawa lang ako kasi habang nag-uusap kami nung madaling-araw na yun sa bahay, bigla na lang siya sumigaw at pinagmumura yung tiktik, saying "kilala kita pareho tayong aswang, pag hindi mo tinantanan anak ko uubusin ko lahi mo!!!" as in na-shock ako nun(imagine my face nun as in hindi ma-describe). my mom's from aklan kasi and legend na yan sa family nila na may "kakaibang" strain ang DNA nila(i kid you not!). after that incident, nawala na yung weird sounds. at kahit madaling-araw ako umuwi, hindi na nagwo-worry si mama. sabi nya hindi na daw kami gagalawin(kaming magkakapatid) ng tiktik pag buntis kami. when i asked why, she didnt answer, kahit until now pag bini-bring up ko yun sa kanya. ayoko na alamin, super grateful na lang talaga ko sa nanay ko for taking care of us. lab na lab ko nga yun eh ;D

sa molino, cavite kami nakatira nun.
« Last Edit: January 09, 2009, 04:57:55 pm by anetski »

smoothie

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #114 on: January 09, 2009, 05:46:35 pm »
^sis, kung aswang mommy mo, eh di ikaw din? na-curious naman ako dun.

nahliana

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #115 on: January 09, 2009, 06:00:51 pm »
Naniniwala ako. My Mom kasi grew up in the province and siya ang panganay, sa lahat daw ng pinagbubuntis ng lola ko noon laging meron talagang umaaligid sa bubong. And meron time na talagang inaakyat ng lolo ko yung bubong na may dalang itak.

Nung magbuntis din yung Mama ko sa bunso namin, lahat ng bintana namin may buntot pagi.

Maraming kwento yung Mama ko tsaka mga tita and tito pagdating sa mga ganyan kasi they grew up in the province. Nakakita na din ako ng 'elemento' nung nagbakasyon kami, bata pa ko nun and tugma talaga yung mga description ng mga tita ko sa nakita ko.

Ngayon daw ang natitira na lang sa province namin yung mga 'mang babarang'. Nawala na daw yung mga tiktik.
« Last Edit: January 09, 2009, 06:05:07 pm by nahliana »

andreil_19

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #116 on: January 09, 2009, 06:30:38 pm »
nakakatakot naman ang mga experience nyo mga sis about tiktik pero sarap pa rin magbasa :)

here's mine. when i was in elementary bagong lipat pa lang kami sa province at wala kaming kapitbahay. Meron naman kaya lang malayo ang mga bahay-bahay almost di mo na matanaw. That was summer & less than a year old pa lang ang sister ko. Natutulog na kami nun nasa gitna ang baby sis ko and magkabilang sides ata kami ng bro ko. Around midnight heto na ang ingay ng roof namin di pa kasi tapos yung bahay namin that time wala pang kisame so talagang dinig na dinig ko ang ingay feeling ko talaga isang malaking ibon at parang babagsak na ang bubong namain, yung wings nya na iimagine ko while hearing the noise. Nagising ang bro ko asking me kung ano yun i told him hindi ko alam baka ibon or aswang. Pinakiramdaman nya muna. 'Yung kuya ko ang tapang lumabas may dala atang itak o walis, umakyat sa hagdanan para silipin yung roof namin tapos nung bumaba sabi nya wala naman daw. Nawala na yung ingay pakiramdam ko biglang lumipad papaalis bago pa man makarating sa bubong ang kuya ko. After nun wala naman na sumunod.

when i was pregnant naman my husband would advise me to put garlic around the house lalo na sa doors & windows daw and kapag matutulog daw ako maglagay daw ako ng scissor sa tummy ko or under my pillow. Sinunod ko lang sya about the scissor meron ako nun sa ilalim ng pillow ko lalo na kapag night shift si hubby. Kasi feeling ko naman walang asawang sa place namin,4 storey building apartment kasi yun at nasa first floor lang kami kako mahihirapan makapasok at magtiktik sa akin ang aswang ;) pero si hubby bumili rin ng buntot ng pagi para daw makasigurado.
« Last Edit: January 09, 2009, 06:50:51 pm by andreil_19 »

anetski

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #117 on: January 11, 2009, 07:44:54 am »
^^^i didnt say my mom is an aswang. i dont even know whether what she said was a confirmation of such or she was just scaring the tiktik off. and besides, she and our relatives didnt confirm nor deny the existence of such in their blood. as i said, it's just a legend in our family, and we dont talk about it nor discuss it in detail. it's a non-issue, not a big deal at all...for me, that is.

courtneylove

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #118 on: January 11, 2009, 04:38:10 pm »
^ ganon yata talaga yung mga panakot sa mga ganon sis..
sasabihin na kunwari kauri din, and kilala yung aswang para tumigil na.
naalala ko nung nasa probinsya ako, nakwento nung kapitbahay namin na grabe yung kaluskos sa bubong nila..
ganon din daw yung mga sinabi niya.

ganda ko

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #119 on: January 21, 2009, 04:28:27 pm »
I think so. Kasi when I was 5 months pregnant (1994), nagpunta kami nun ng Boracay, may narinig akong tiktik.. kakatakot talaga. Hindi natulog ang dad ko nun para lang bantayan ako. Sa ngayon, siguro wala na yung tiktik sa Boracay kasi lagi ng maraming tao.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close