watch now

Author Topic: tiktik -- true ba?  (Read 412907 times)

blabb

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #80 on: October 23, 2008, 12:13:15 am »
lola ko madaming experience na ganto..
dami niya anak,, (my tito's and tita's) 9 sila lahat,,

nung nag bubuntis daw siya
lagi daw may mga nag paparamdam,

anjan yung mga :

*nanggagaya ng anyo,(itchura, kilos ,boses)
*malalaking aso , baboy..
*nag lalakad sa bubong

basta madaming siyang kwento..
kaya may buntot kami ng pagie,, siguro someday ako naman gagamit non?
haha, joke, ayoko nga ma experience yun no..

betrayed_lass

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #81 on: October 27, 2008, 09:42:30 pm »
ako last year nung di ko pa alam na buntis ako laging humihilab ang tyan ko tapos every 12 to 3am yun..laging may naririnig akong babaeng umiiyak sa labas ng kwarto namin...scary yun. gusto ko sanang silipin pero may parang nagsasabing wag kong silipin..so nanunuod na lang ako ng outback jack..hahaha.

nung nalaman kong buntis ako..super praning ako..kahit na mahirap ang night shift na buntis pinangatawanan ko na..pasok ever ako from monday until saturday am...para 2 nights lang ang kalbaryo ko sa tiktik...that time..may naririnig pa akong naglalakad sa bubong..alulong ng aso..scary talaga

it only stopped nung mga 5 months pregnant ako.

teacherteacher

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #82 on: October 31, 2008, 09:06:37 am »
Question lang mga sis.

How come these things happens only in countries na hindi advanced? I doubt may ganito sa US... considering my cousin who's pregnant, by the way, who's always alone in her house (hubby is traveling salesman) ay di naman binibisita ng tiktik or whatever?

And have you noticed na even in our country, may ganitong stories lang as we go to the province? Where people are more superstitious?

Peace po. Just my take.  ;D

To be honest, I've never had ANY first hand experience to such things.  But lemme answer your question with other questions...

Bakit kaya ang Loch Ness monster sa Scotland lang napapabalita?
Bakit kaya ang Jersey Devil sa New Jersey lang daw lumalabas?
Bakit kaya sa Phils hindi uso ang vampires pero uso sa Europe?
   and many others?

My take is, baka parang animals din yan na endemic lang sa ibang lugar.  And just like animals,  they can't survive in the hustle & bustle of the cities.  Perhaps they find it more difficult to live in the cities.  Syempre ba naman kung manananggal kang lumilipad sa gabi, titira ka ba sa may The Fort or Makati wherein puro tao pa rin even in the wee hours of the morning?  ???

leela1025

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #83 on: October 31, 2008, 09:58:05 am »
taga-capiz (bayan ng mga aswang daw) ang tatay ko pero he has never seen, experienced, felt tiktik.

the idea of tiktik is just part of our mythological stories. parang mga gods and goddesses of romans and greeks.

babykat

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #84 on: November 02, 2008, 08:30:25 pm »
last year, a day after the wedding, we went home muna to my in-laws' house.  yung gf ng bayaw ko  at that time was about 5 to 6 months pregnant.  naiwan kami sa labas, inuman hubby ko with his siblings and bestfriend.  ayaw nya ako papasukin sa loob kasi gusto nya sa tabi nya lang ako.  pero yung gf ng bayaw ko, nauna na matulog, while bukas yung window nya.

around 1 am, may naramdaman kami malakas na hangin, sort of like yung pag may wing movement. madaling nagtakbuhan yung mga bayaw ko sa loob, to check on the buntis pero wala naman kami nakita.

maybe dahil we were outside sa backyard kaya di nagpakita. plus may paniniwala din sa mga inlaws ko na dapat murahin mo ng murahin yung tiktik. aalis daw yun kasi parang maiisip nya na kilala mo sya pag tao sya.

kakatakot talaga, pero with a strong faith in GOD, He will surely protect us.

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #85 on: November 06, 2008, 02:57:45 pm »
^^ sis teacherteacher, i definetely agree with you. iba iba lang talaga siguro sila.  ;)

adikako

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #86 on: November 10, 2008, 09:30:37 pm »
 Parang sa PH lang ang hehe

I got pregnant abroad, and flatmates ko are all Filipino, nagjojoke kami na d ako need mag lagay ng bawang while sleeping kasi nga naman sa Flat kami nakatira and walang bubong...mahihirapan sya butasin from seventh floor down to third hehe

airish_2

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #87 on: November 11, 2008, 05:49:05 pm »
naniniwala ako pero yung iba di talaga sabi gawagawa lang nakarinig na ako nito kasi yung tita ko buntis talagang maririnig mo pag malakas ibig sabihin malayo yun pero pag mahina ibig sabihin malapit lang sya.

b9qtmg

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #88 on: November 12, 2008, 05:51:22 pm »
Mommy ko, inaswang siya nung pinagbubuntis niya ako. Pero sa akin lang, ewan ko lang bakit hindi sa 3 ko pang kapatid.  ;D

Dito ako nakatira sa Mandaluyong, malapit lang sa VRPMC, pero nakakarinig talaga ako ng tiktik. Sa 1st pregnancy ko, 4-5 yrs ago, magkasama kami ng kapatid ko sa isang room, ginising niya ako, kasi meron daw kumakalabog sa roof namin, eh kami ang nasa 2nd door (nasa apartment kami nakatira), empty ang 1st and 3rd door. Naririnig daw niya na parang may naglalakad sa 1st door, and matagal na niyang pinapakinggan. Natakot ako sobra, naglagay lang kami ng garlic sa bintana hanggang nanganak ako.

Pero ngayon, w/ my 2nd pregnancy, wala na akong naririnig, sabi kasi ng kamag-anak namin, [textspeak!] dating kapitbahay namin na nakatira sa 1st door (apartment), may kamag-anak na nakatira sa same street sa amin, nababalitang aswang daw, tapos ngayon, lumipat sa ibang probinsya, baka kaya wala na kaming naririnig... ;D

stylista

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #89 on: November 13, 2008, 07:21:00 am »
i dont think its true...when i was pregnant too (in canada) ako lang mag-isa sa apartment, every night i always hear a howling sound. kinuwento ko sa mama ko sabi nya baka daw may tiktik LMAO..pano magkakatiktik nasa Canada kami tapos 2nd floor yung suite ko eh 4 floors yun haha patawa talaga mga oldies.

Mom_S

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #90 on: November 13, 2008, 09:49:00 pm »
i grew up up in a province where strories of this exist also. in fact, it was rumored that yun neighbor sa tapat house namin is aswang. but hanggan malalaki na kami, sa awa ng Diyos di naman kami naaswang. :) kasi matapang mom ko esp my lola so takot siguro yun neighbor na yun biktimahin kami. occasionally, may naririnig ako na sound of tiktik but since we were small lagi namin kasama sa room yun cousin ko who always say that hoy, kilala ka namin wag ka magkamali puntahan ka namin bukas. :) according to my lola, malalaman mo daw aswang if nakikita mo sa eyes niya namumula esp if gabi na or baliktad ka sa eyes niya.  ???

when i'm already in manila & was pregnant, my mom sent me a plant (forgot what it's called) kasi ayaw daw tiktik nun, also an oil na bigay nun albularyo & told me to put it in my bedside table. kasi the tikstiks will stay away from you, mangangati buong katawan nila kasi if maamoy or makita nila un oil. my manicurista also mentioned to i-cross ko yun pusod ko with an uling pra di nila maamoy baby sa tummy mo... true or not, i somehow believe in this. wala naman mawawala if maniwala, yun nga lang matatakot ka. ;D


pretty_cavitemom

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #91 on: November 14, 2008, 09:44:57 am »
Ewan ko kung tiktik, but I had the scariest experience of my life nang buntis pa ako sa aking only son. 2 storeys kasi ang old house ng family ko, dun kami nag-stay ni hubby dahil ayokong lumayo kay mommy ko while I'm on the family way. Wala na yung bahay ngayon, giniba na. Nagigising ako basta nag-strike ang 2 am, automatic napapa-wiwi ako. Ang bintana namin, may antique grills sa labas, wooden frame na may screen (para fresh air pa rin ang papasok without the mosquitoes), pwera pa yung pangsara na wooden frame with capiz shells na nasa loob mismo. Once magising ako (light off kami ni hubby), ang daming "ik-ik-ik" akong naririnig sa may bintana. Puro paniki yung nakasabit sa gilid ng bubong sa labas. Nagpapasama pa ako kay hubby sa CR dahil natatakot na ako at natatawa pa siya dahil wala raw siyang naririnig! Pero hindi ako maaring magkamali sa naririnig at nakikita ko dahil di nga ako naniniwala sa aswang, noh. Sabi ng sis-in-law ko (asawa ni brother), ganun din daw ang naranasan niya nang buntis siya sa kambal nephews ko. Yun daw ang tiktik kaya inaaswang daw kami ng baby ko, kaya nilagyan ng mga bawang churva yung bintana, haha! Nakakapagtaka dahil nang makapanganak ako, nawala na yung creepy sounds tuwing gabi. Wala na rin yung malalakas na pagaspas outside our window. So I guess meron talagang nage-exist na supernatural. Sabi nga yan daw ang mga fallen angels, iba't-iba lang ang tawag sa kanila. Pag naaalala ko ito, tumitindig ang balahibo ko. Kung mae-experience ninyo, pray. It's the best thing to do.

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #92 on: November 14, 2008, 10:00:55 am »
before I don't believe in this talaga. Pero recently lang when my housemate shared her experience with these supernaturals in Capiz. I started to believe since medyo religious yun. Since she encountered it during her mission trip in Capiz. She told us this evil and creepy creatures really exist pero you need to pray a lot. Kasi usually daw ng evil spirits would look for weakness ng isang tao to the point of harassing them.

Sa iba yung mga ganitong stories eh story of fiction at sa iba naman eh fact since they had encountered scary experience. Just have a strong belief / faith no matter what religion.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #93 on: November 16, 2008, 11:58:02 pm »
I think Tik-Tik is true, laging ganun pag may buntis dito sa kapitbahay namin, btw I also lived in QC area. Ang ingay lagi ng bubong namin, kala mo talaga naglalakad na tao. Also, my mom is from visayas, pag nababakasyon kami dun kala mo may malalaking ibon na maingay if may buntis sa paligid.

Re why mostly sa province nanggagaling ang stories is because it's province nga, the houses structure specifically. Ang mga tik-tik tao rin sila kumakain, naliligo, namamasyal etc. See kung tiktik ka you want to stay sa province. Pwede rin sila makarating sa ibang bansa, kung may anak sila at dinala sila dun dba. Yun nga lang wala na silang chance dun magawa yung mga sinasabi nyo kase advanced na ang mga lugar na yun so again they will stay na lang sa province. Also, why mga oldies lagi ang maraming kwento nito? As I've said tao rin sila, namamatay rin sila, nauubos yung lahi nila. Nung panahon nila lola at lolo, marami pa siguro sila nun eh ngayon hinde na sila makasabay sa technology di ba.

I hope I make sense. I just want to say na it's ok do something for the protection of your baby. You might be right you might be wrong pero dun ka na sa sigurado wala naman masama sa pag-iingat. Baka akalain nyo Tik-tik lahi ko ha  ;D

ceejhei

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #94 on: November 19, 2008, 01:33:23 pm »
I hope I make sense. I just want to say na it's ok do something for the protection of your baby. You might be right you might be wrong pero dun ka na sa sigurado wala naman masama sa pag-iingat. Baka akalain nyo Tik-tik lahi ko ha  ;D

make sense.. very well said sis.

jellyclock

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #95 on: November 19, 2008, 03:19:58 pm »
may tanong lang ako.  :D

pareho lang ba yung tiktik at aswang?

pink_candy

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #96 on: November 19, 2008, 03:30:47 pm »
^ yung tiktik is categorized as a type of aswang.

Marami pong klaseng aswang... meron din sila classification ;D

here's the link: http://en.wikipedia.org/wiki/Aswang ;)

interesting yan... :D
« Last Edit: November 19, 2008, 03:35:51 pm by pink_candy »

alone2nit

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #97 on: November 24, 2008, 06:10:19 pm »
Based on my experience, trueness ang tiktik. 2006, kasagsagan ni Milenyo (bagyo), 3 days na brownout. 5 months pregnant ako nun.

Uber dilim ang paligid, brownout kasi, umuulan pa. Meron akong narinig na "ik-ik-ik". Kinabahan talaga ako. I asked my dad if he heard what i heard. Wala naman daw. Hala! Hindi ako nakatulog magdamag.

The next day, my mom went to quiapo to buy "buntot-pagi". Naglagay siya sa room ko, sa terrace, pati sa main door namin.

Ayun, kahit anong dilim ng paligid kinagabihan, wala na akong narinig pang tiktik...

ellheym

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #98 on: November 25, 2008, 09:34:30 pm »
sabi ng tita ko totoo daw yon per never pa naman akong nakaexperience at wag naman sana. parang sa province ko lang to naririnig na may ganitong kwento kaya ang ginagawa nila naglalagay sila ng bawang sa bintana at pinto.

orange

  • Guest
Re: tiktik -- true ba?
« Reply #99 on: November 26, 2008, 12:10:31 am »
sakin naman, i was able to experience those on all my 3 pregnancies. we live in pasig. yung sa first two sons ko, sa bubong kada gabi. parang nagscratch, minsan mabagal tas biglang bibilis. sobrang takot ako nun to think na wala pang kisame nun yung bahay namin, yung yero talaga direkta makikita mo. ang gagawin ni hubby, sangkaterbang mura sasambitin nyan saka susundutin nya ng payong na me matulis na dulo yung bubong namin. i dunno but for some weird reasons, nawawala yung scratches and nananahimik yung bubong namin.

yung sa bunso ko, one time brownout, around 2am ata. nagbukas kami lahat ng bintana sa sala at kwarto. while i was lying sa bed inside the room, biglang me narinig lahat kami na ibon, eeekk-eekk yung tunog. nung una anlakas tas biglang humina. takbo sa kwarto namin yung maid and byenan ko. pinasara lahat ng bintana, me tiktik daw malapit samin. ganun daw kapag malayo na tunog nung eekk-eekk, malapit na yung tiktik, kapag malapit yung tunog, malayo pa daw. ay naku talagang natakot to the max ako nun.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close