-i still love disney cartoons and youth oriented shows
-i still find stuffs with heart and flowers designs cute hehe
-i love my stuff toys
-now that i'm a stay at home mom (preggy si yaya, tuluyan na akong iniwan) i ask for pasalubong from hubby , junk foods, ice cream, cake, chocolates... sabi ni hubby para daw syang may grade school na anak hehe
-i eat rice na may milk (powdered) and sugar,tapos namamapak ng milo
-i still read fairy tales and children's books
-natutuwa pa rin ak sa mascots, kung di ko sila malapitan hinahabol ko na lang ng tingin
-takot pa rin ako sa mga built in cabinets, mula nung mapanood ko yung shake rattle and roll noong bata pa ako (yung nagmumulto si judy ann kasi kinulong sya dun ng kuya nya)
-i love xmas! and xmas lights, para akong nahihypnotized
-pag may chicken alam ng buong pamilya na akin ang leg or thigh, ang mangelam sasamain! pag donuts naman akin ang bavarian
-i still get tensed when there's thunder and lightning, dati i would run around the house like a maniac to go to someone else's room and stay there
-di ako makatulog na walang extra pillow para gawing sandayan
-minsan gusto ko maligo sa ulan, kaso dyahe na, di na kaya ng powers ko kaya pag inaabot ako ng ulan sa labas maglalakad pa rin ako na parang hindi ako basa at wala akong payong
-tumatalon pag new year!
-nagcocoloring book din, niyayaya ko yung bunso namin magcolor dun sa mga coloring books nya, kahit ayaw nya magcolor go pa rin ako kahit 1 page lang
-pag may nakasinding kandila pinaglalaruan ko yung apoy
-pag nakakakita ng falling star nagwiwish ako, pag full moon tumatambay ako sa labas ng bahay tapos nakatingala at tulala sa buwan
-nagsisign of the cross bago maligo sabay mumur ng "sep(susmaryosep yata meaning nun), pwera sakit". ganun kasi ginagawa ng parents ko samin nung pinapaliguan pa nila kami, di ko na naalis sa sistema ko

ang childish ko pa pala...