watch now

Author Topic: Canada thread 2  (Read 217848 times)

cassey14

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #520 on: June 29, 2009, 09:00:57 am »
mga sis tanx sa mga reply huh..  ;D tanong ko lang regarding sa online booking.. kasi dun sa japan airline may note na kailangan yung nagpabook online ipapakita pa yung credit card.. eh pano po kaya kung dito sa pinas nagpabook at nandito sa pinas yung gagamitin na credit card? sensya napo huh marami akong questions wala kasi talaga akong idea regarding sa online bookings..  ;D tanx in advance ulit!

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #521 on: June 29, 2009, 09:59:50 am »
baka naman tinawagan ng embassy ang employer to ask kung kelangan pa ba nila? recently lang ba to, sis?

last yr lang sis. november may LMO at contract na sya tas pinag medical na daw nasa embassy na yun papers nya. tapos ayun nga sabi kelangan ng culture tapos mga first wk ng feb yun result nun. yun ibang kasabayan nila na approve na mga 2nd wk ng jan lumabas yun result. yun sa kanila lang yun na pend gawa nun medical result. tapos mga 3rd wk ng january tumawag agency sabi nga denied daw sila at pinadala na nun embassy sa agency yun mga papers nila. kaya nga nag alala sya na baka napaaga yun resulta ng medical nya tapos may nakita kaya nadeny sya. pero nun tumawag sya sa clinic andun pa daw sa kanila yun medical kasi nga wait pa yun culture tapos nun nabasa nya yun refusal letter hindi naman insufficient docs yun reason na nilagay. :(

sinabi ko na lang sa kanya na itanong sa agency kung ongoing pa rin ba yun hiring at kung pwede pa yun LMO at contract nya para mag reapply na lang sya using yun ulit. kaso nga lang nakapag apply na daw sya sa ibang agency. tapos hinihintay nya ngayon yun panibagong LMO dun.

pano kaya yun sis, kung sakaling valid pa pala yun LMO at contract nya dati tapos kung mabigyan siya ulit ng LMO at contract sa bagong agency ngayon. di kaya magka problema yun pag nag apply sya ulit ng visa? baka mag verify yun consul ng record tapos makita bat 2 LMO at contract nya.  ???

^^oh i see. hindi ko alam na hindi pala natapos ng collge. hehe! sorry. maybe may kulang sa documents or funds.

sis, exactly same docs lang sila nun mga ibang na approve. pag temporary worker hindi naman kelangan ng funds di ba?  ???

paula17

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #522 on: June 29, 2009, 01:03:55 pm »
sis paula tanx sa reply ha.. talaga mura ang korean air and china airlines? I guess talagang kailngan nya ng connecting flights nalang para mas makamura pa sya.. and hindi na nya nga aalalahanin yung mga baggage nya.. :D mga magkano kaya ang aabutin ng pamasahe? pwede ba online booking sa nippon travel? hay medyo nahirapan kasi sya sa buhay dyan kaya napauwi ng maaga yun eh..  sorry sis dami kong tanong ha wala din kasi ako idea regarding sa mga online ticket sales lalo na sa ibang bansa..  :)

travel agency yun sis eh. wala silang online booking. pero pwede siya credit card ang gagamitin tapos thru fax na lang ang transaction. ganun lang ginawa ko eh. since di naman peak season ngayon, im guessing mga 1,100-1,200 ang range ng pamasahe ngayon pauwing pinas via korean air. pero kung may promo it can go lower pa. and syempre much better kung magbook siya ng maaga para mas makamura siya.

sydxoxo

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #523 on: June 30, 2009, 01:19:49 am »
Quote from: lakwatsa on June 29, 2009, 09:59:50 AM
sis, exactly same docs lang sila nun mga ibang na approve. pag temporary worker hindi naman kelangan ng funds di ba?  ???


^i think kelangan pa din. kasi u need to have funds para maka-survive ka sa first few months mo sa canada even if may work ka na. wala pa naman kasi salary sa una so paano na lang yung everyday expenses mo di ba?

abby2007

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #524 on: June 30, 2009, 04:14:47 am »
Kami sa Korean Air, June of last year lang its $1,349.00 roundtrip ticket sabagay from Toronto -Manila kami.

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #525 on: June 30, 2009, 08:56:28 am »
Quote from: lakwatsa on June 29, 2009, 09:59:50 AM
sis, exactly same docs lang sila nun mga ibang na approve. pag temporary worker hindi naman kelangan ng funds di ba?  ???


^i think kelangan pa din. kasi u need to have funds para maka-survive ka sa first few months mo sa canada even if may work ka na. wala pa naman kasi salary sa una so paano na lang yung everyday expenses mo di ba?

ahh. pero kasi yun sa kanila sagot lahat ng employer. pati yun accommodation at air ticket. kasi farm yun e tapos stay in dapat.

paula17

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #526 on: June 30, 2009, 04:27:53 pm »
^pag under foreign worker category hindi necessary ang funds. kelangan lang liwanagin ng employer kung ano ang ipoprovide nila.

prettypurple08

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #527 on: July 01, 2009, 12:53:16 am »
ano po ba mas in demand job sa canada ngayon between housekeeping and food attendant?

cassey14

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #528 on: July 01, 2009, 08:01:57 am »
tanx po sa lahat ng nagreply huh..  ;D atleast nagkaidea ako regarding sa flights and plane tickets.. anywei maiba po ako.. yan lang po ba indemand jobs dyan ngayon sa canada? and if ever po mahirap bang magapply dito sa pinas papauntang canada?

cheenniee

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #529 on: July 01, 2009, 03:38:42 pm »
ano po ba mas in demand job sa canada ngayon between housekeeping and food attendant?

gusto rin namin ng bf ko magwork sa canada kaso we don't know where to start.. yung mga agencies here sa pinas, gusto may experience. work kase namin ni bf call centre rep. we would like to apply as a food attendant or housekeeper for the mean time.. any advice or suggestions mga sis? ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #530 on: July 01, 2009, 03:48:58 pm »
ako rin iniisip kong mag migrate sa Canada. i've checked yun FSW, pasado naman ako sa assessment test even if wala akong arranged employment or relatives dyan - as in mag isa lang ako dyan pag nagkataon kasi single din kasi ako so wala rin ako bibitbitin papunta dyan if ever. :(

ang worry ko lang is baka mahirapan ako since ayun nga wala relatives at wala rin ako mga friends dyan. hehe. palagay nyo sis, malabo ba yun chances ko ma-grantan ng visa pag ganito? dagdag points kasi dun sa assessment test pag may relatives dyan e.

freeswan

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #531 on: July 01, 2009, 04:07:56 pm »
^ yes, dagdag points nga pag may relatives ka lalo na pag single ka. pero migrating itself to Canada, medyo tedious yung process. i remember a friend, family naman sila nun they applied for migration in Canada, pera talaga ang kelangan kasi you need to be able to assure their government you have enough money to start your life there. they prepared millions pero matagal yung processing, it took them 2 years bago sila nakapag migrate. i think the best thing to do is apply for work there and ask for permanent residency. ganyan usual ginagawa ng mga friends ko. tapos nakuha na nila asawa nila, then the kids, etc...

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #532 on: July 01, 2009, 04:15:09 pm »
^thanks sa reply sis. you mean temporary work visa na lang muna ang kunin ko tapos pa-PNP sa employer para maging legal resident/immigrant na? ganun ba yun?


freeswan

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #533 on: July 01, 2009, 05:29:30 pm »
^ yup ganun nga sis. kahit magtourist visa ka muna, tapos apply ka ng work there tapos given you found a work there, apply ka for working visa tapos hingi ka ng favor sa employer mo to extend your working visa (of course, with exceptional performance at work) or have a permanent residency na.

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #534 on: July 01, 2009, 05:38:21 pm »
^thanks sa tip sis.
it pays din talaga to have a relative or a friend there para in a way they can help you find an employer.

makapagbasa basa nga muna at magccollect muna ko ng infos hehe.  ;D

abby2007

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #535 on: July 02, 2009, 11:00:54 pm »
Share ko lang...
I have a friend, dalaga sya na nagapply under FSW, actually nakilala ko sya when she joined a forum and sent me a private message if I could help her find a place. And since then we became friends and later on kumare.
At first ang kalaban nya sobrang namimis ang family. She started to find new friends by attending bible study groups na sya lang ang naghanap. Naging masaya na rin at nalilibang...
Sa work naman nagapply sya sa agency and luckily after three months naabsorbed sya ng isang multinational insurance company where she is working in VP's office. Maganda ang carreer nya.
Kami din ni hubby nag-apply dito walang relatives and even friends..lakasan lang ng loob...And join forums na makakatulong ng malaki...

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #536 on: July 03, 2009, 09:21:52 am »
^sis salamat sa pag share.  kung pagka miss rin lang sa family e sa tingin ko naman kaya ko naman. may internet naman pwede webcam at chat. hehe.

saka nasubukan ko na rin ma assign abroad a number of times mga 3mos to 6mos max na ako lang mag isa. nakaya ko naman. pumayat nga lang ako. iba pa rin lutong bahay hehe.

na praning lang siguro ako kasi di maalis sa isip ko yun naexperience ko nun nasa HK ako. i went to the hospital for check up kasi nag clog yun ears ko gawa ng sipon. na aggravate ng pag landing ng eroplano that day. tapos while i was waiting for my turn may nakita ko na pinay na malamang DH sya tapos lupaypay talaga sya. i think may flu sya basta latang lata ang itsura nya tapos nakaupo sya sa wheelchair. wala sya kasama. mag isa lang talaga sya. at kita ko na hinang hina talaga sya. inisip ko nga kung pano sya nakapunta sa hospital e. naawa talaga ako tapos naisip ko sana wag mangyari sa kin yun ganun. :(

kaya ngayon everytime na naiisip ko yun abroad biglang sumasagi sa isip ko yun eksena na yun...  :(


mga sis, san ba sa Canada pinaka mabilis makahanap ng work at magandang mag settle? baka kasi may specific areas na pahirapan mag apply. gusto ko itry yun FSW lalo na't 2yrs na lang pala ang processing ngayon.  :)

abby2007

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #537 on: July 04, 2009, 02:50:34 am »
^sis depende kung saan in demand yung profession mo. first thing you should do is apply ka na...later on naman kahit nilagay mo sa application mo ang point of entry is toronto tapos naisip mong gusto mo pala magsettle sa vancouver it doesnt really matter,.walang problema doon.
mahirap sis dito kung wala kang relatives..one time nagkaroon ako ngallergic reaction sa alimango kinain ko, we were at the park kami lang ni hubby at two small kids, it was 7pm, sinugod ako sa hospital latang lata ako, and hubby nalilito kasi yung 2 kids namin nagtatantrums at ako halos di makausap, and we have to wait pa para lang matignan.. we were at the hospital for four hours worry namin mga bata, my youngest was 7 months that time, ubos na ang milk nya kasi galing kami sa park... walang pwedeng umalalay sa amin at almost 12mn na kami nakauwi.
meron pang isa nagkaroon ng infection yung tahi ko from c/s operation.since baby pa talaga si bunso nagpunta sila ni hubby sa mall para maghintay sa akin from 4pm to 9pm nasaraduhan na sila ng mall hindi pa rin ako nachecheck up.. nakiusap ako sa attendant kung pwede sila sa loob ng room sa hospital kasi winter nun..nagkataon kasi sobrang busy ng mga doktor, natapos akong icheck as in reseta lang naman for antibiotics past 9pm and birthday ko yun..hehe..kumain kami late dinner para lang macelebrate...
Yung mga ganung instances mapagdadaanan mo pero  kakayanin mo rin. marami pa... kung sa akin lang mas gusto ko sa pinas kasama parents ko, pero kailangan may magsacrifice para sa future ng mga kids namin at swerte naman si hubby sa work so kakayanin na rin.

lakwatsa

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #538 on: July 04, 2009, 09:16:41 am »
^sis, super thanks sa reply at mga tips. nabasa ko mga blogs mo, naiinspire talaga ako.  :) will read more from the net and other forums na rin.
btw ano nakuhang work ni hubby mo sa IT?

abie

  • Guest
Re: Canada thread 2
« Reply #539 on: July 04, 2009, 11:52:07 am »
hi sis abby2007! nakaka-relate ako sa experiences mo. mahirap talaga na walang family/relatives/friends dito sa canada, pero sa awa ng Diyos nakaka-survive naman kami. minsan parang gusto ko ng umuwi sa pinas, mas gusto ko roon, mas masaya kasi at mas panatag ang loob ko pag kapiling ang maraming mahal sa buhay. pero since maganda rin ang work ni hubby dito, wala kaming mabigat na dahilan para iwanan ang canada. but we still miss the Philippines so much. minsan nga naiisip namin na pag nakaipon na kami, babalik na kami sa pinas.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close