watch now

Author Topic: TICKS! Please Help  (Read 286301 times)

Vain Jane

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #280 on: May 07, 2011, 11:25:23 pm »
^ wala muna goli for a week after a vaccine.

Inspect mo kung may ticks talaga. Kung wala, just use regular puppy shampoo. Like alpo puppy shampoo P200 sa sm.

Imo, bathing more than 1x a week is too much. Too drying sa skin. My pup stays indoor kaya monthly bath lang. He is mabango and malinis maski monthly lang sila magkita ng groomer. Bilib nga sya kasi pati tenga malinis. Hehe

ah wag muna pala ligo. thanks, ngayon ko lang yun nalaman. buti nalang  ;D
parang ticks sa tingin ko, pero super liit lang,
pag ba ganun, ano dapat shampoo? just to be sure, gamitan ko din muna siya bago ako shift sa reg shampoo.

bale 1x a week, i'll be follwing that nalang. pero kasi ang hilig niya sumuot sa mga silong-silung. and we're in the process of moving sa katabing house since tapos na gawin yung repair sa bahay kaya medyo magulo pa things and medyo maalikabok.

and what combs do you suggest for spitz?
super thanks mga sis sa infos! napaka informative ng thread na to for first timers like me  ;D ;D ;D

lee888

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #281 on: August 26, 2011, 07:21:10 pm »
hi! wanted to share lang about how to control this horrible parasite. for me, frontline is the answer. tick and flea shampoos will only kill the thing but no control over the spread or multiplication of the parasite. frontline with the right dosage should be used or applied properly to the dog coz if not, wala rin effect. sayang lang pera mo. para maka siguro, ask your vet nalang for the proper dosage and right application of frontline to our special friends. :)
« Last Edit: August 29, 2011, 07:49:01 pm by lee888 »

magnics

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #282 on: September 06, 2011, 02:18:55 pm »
i agree frontline is effective, we've been using it to our canine housemates :D

rjlottc

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #283 on: September 06, 2011, 03:31:20 pm »
my 2 tzus were on frontline before..(may ticks pa rin sila kahit ganun nung season talaga)
e nagkaearmites sila pareho kasi nahawa yung "panganay" ko sa bagong adopted (meron pala sya :( ) kaya sinuggest ng vet na advocate and revolution spot-on sila alternately.. okay naman na sila.. no ticks so far :)

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #284 on: September 06, 2011, 04:21:05 pm »
kung tick and flea lang ang problema, okay na ang frontline or advantix. Yung advocate okay din kasi marami syang sakop, pero tick prevention wala. Meron ng frontline revolution halos lahat sakop na nito tick, flea, mange, earmites, heartworm, deworm.

May nakasubok na ba dito na hati-hatiin ang largest dose ng frontline para sa mga aso nila? Kung titignan kasi natin yung range ng frontline, masyadong malaki yung gap ng isang dose. May nabasa ako, okay lang daw to split the largest dose into different dogs, onti lang kasi yung difference ng price ng small breed sa large breed, mas tipid pa.

calpy

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #285 on: September 12, 2011, 08:59:12 pm »
i use frontline spray and bayer soap... nahirapan lang ako kasi laging asa garden naglalaro.. kahit anong gamot ilagay ko di maiiwasan since tambay sa garden....

babyjapnurse01

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #286 on: September 12, 2011, 11:42:17 pm »
we dont let the dogs play in the garden anymore, hanggang loob ng bahay nalang muna sila or sa garage, kasi season ng ticks ngayon, naka-huli ako ng ilang ticks sa dogs ko last week, pero ngayon wala na, I used Bayopet shampoo, in fairness it worked naman.


snix

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #287 on: September 19, 2011, 12:07:03 pm »
my new lab puppy kating kati.. iniisip ko may fleas and ticks which i confirmed kasi may mga gumagapang..eh pinapatulog ko pa mandi sa kwarto ko so ayoko ngmayganun siya..besides ayoko rin na nagkakamot siya kawawa naman..

im switching his shampoo tsaka magtatanong na rin ako sa vet kung anong pwedeng gawin para hindi lumala gusto ko maagapan eh..how mch yung mga nababasa kong frontline at yung revolution? alin ba yung panglahatan na?takot din ako sa heartworm kasi dun namatay yung pupy ko dati nadala nako

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #288 on: September 19, 2011, 03:07:00 pm »
^frontline for ticks and fleas is around 350-450 depends on the size of your dog. Ang ginagawa ko, I buy the largest dose then I split it to my dogs, may natitira pa since 2.68ml ang laman nun, 0.5ml lang naman kailangan nila, so may magagamit pa kami for the succeeding months. I think yung frontline revolution ito yung all around na, is around 500-650 depende rin sa size ng dog.

snix

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #289 on: September 19, 2011, 09:28:21 pm »
^thanks sis, keri na rin yung price..isa lang naman gaamitan ko so ask ko na lang sa vet nya since wala ako alam dito tignan ko kung kayang gapan ng soap

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #290 on: September 20, 2011, 12:34:40 am »
you're welcome! Sis kung tick and flea lang naman ang problema okay na yung frontline plus, ito kasi ang pang pulgas at garapata talaga. Yung advocate and revolution okay naman sila kaso feeling ko di sya ganoon kaeffective sa ticks and fleas, more on mange prevention/medication ata ito eh. sa dami kasing sakop feeling ko nababawasan effectivity nya sa ticks and fleas haha!

snix

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #291 on: September 20, 2011, 09:56:17 am »
^frontline din nirecommend ng friend ko..ill also try yung asuntol soap pagdaan ko sa ace maya..spoiled baby hehe pero para sa health naman niya..post ko dito feedback about asuntol pag pwede na maligo kakavaccine lang kasi sana maagapan agad para hindi lumala..

sangayon puro flea powder lang gamit ko sa kanya dahil nga bawal pa maligo..

oo ngapala after using a flea or tick soap pwede ba gamitan ng moistutizing na shampoo after? para kasing nakakadry pag flea soap gamit

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #292 on: September 20, 2011, 04:13:03 pm »
^ganyan ang gawa ko dati inuuna ko yung tick/flea/anti-mange soap then yung moisturizing shampoo kasi nga ang dry ng coat nila sa anti tick/flea/mange soap. Pero sabi ng vet ihuli daw yun para mas matagal yung effect sa skin ng aso. Since may nauna ng moisturizing shampoo, hindi na naman magiging ganun katigas ang coat nila. Ganun na lang gawin mo muna habang wala pang frontline para malessen yung tick and fleas nya.

Regarding asuntol soap, personally I wouldn't advice na gamitan ng maraming medication unless natural soap against ticks and fleas ang gagamitin. Kung may frontline naman, stick ka na lang muna dito para malaman mo kung effective ba talaga sya. Mahirap din kasi yung madaming nilalagay sa skin nila, mahirap madetect kung ano ang culprit once magkaroon ng skin irritation. Mas okay pa rin kung one at a time lang sis, kahit kasi sabihin na safe ang frontline, considered pesticide pa rin yan, kung gagamitan ng another pesticide kagaya ng asuntol soap, kawawa naman ang dami ng chemicals sa system nila.

lordknight_aiz.18

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #293 on: September 20, 2011, 05:35:33 pm »
frontline user din dogs ko pero medyo bothering kasi smell palang parang poison na. matapang na chemical. yung papa ko, may kakilala sa DA and namention before yung Cedar Oil. pwede gamitng for fleas and ticks.. organic pesticide din siya. actually andaming use. ngayon yung na ang gamit ko sa pets  ko. :)

babyjapnurse01

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #294 on: September 20, 2011, 07:01:56 pm »
Since my dogs sleep in my bed, I dont use frontline too, di ko gusto amoy. When I spotted a few ticks on my dogs few weeks ago, ginamitan ko lang sila ng bayopet shampoo, its from Bayer, meron sa supermarkets and sa Ace Hardware, medyo hindi mabango pero it does a great job in killing the ticks, few days after ko sila gamitan nun napanin kong puro patay na ticks na yung nakuha ng helpers ko from my dogs. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #295 on: September 20, 2011, 07:08:27 pm »
^oo sis halos lahat naman ng pet products have chemicals in them, pinapaganda lang at hindi lang sinasabi sa atin ng manufacturer and vets kasi nga mawawalan sila ng income haha! Ang lagi pa nilang bukambibig ay safe ito for our pets, chuva chuva, syempre as owners maniniwala tayo sa claims nila kaya bibili tayo ng products nila. At kahit magkasakit naman ang pets natin dahil sa mga "safe products" na ito, kanino ba tayo babalik? eh di sa vets din, kikita pa rin sila diba haha!

Napansin ko nga nung nilagyan ko ng frontline yung tzu ko, nasugatan yung shoulder blades nya, I think nagkapus pa kasi may nakita akong stain sa coat nya kala ko nga natapunan lang ng vitamins, pero pagcheck ko may sugat nga. Frontline retains on their oil glands under their skin, and is distributed all throughout their skin and hair, then once kumagat ang parasites dun ito mamamatay, if we would analyze this, yung pesticide ay nasa system ng aso the whole time na inaapply natin to sa kanila. Scary isn't? But the manufacturer is firm in claiming that their product is completely safe, there could be side effects pero normal lang daw ito :o

Madaming organic/natural flea repelant kaso ang problema pag sobrang infested na, matagal na gamutan bago totally mawala, shortcut remedy kasi ang commercial pet products yun nga lang madalas chemicals ang laman nito. Ang naiisip kong gawin for now, ay to delay the effect on them na lang muna, magalternate nalang para kahit papaano nalelessen yung chemicals sa body nila.

snix

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #296 on: September 20, 2011, 11:01:03 pm »
^thanks sa advice sis! cant find asuntol soap rin naman..for the meantime im going to stick to an anti flea soap and his organic soap..two weeks pa kasi before we visit the vet ulit..

nalessen yung pagkati niyang ginamitan kong flea powder

btw anong pwedeng panglinis dun sa tinutulugan niya? yun din kasi purpose sana ng asuntol kaya ako bibili..im going to clean my room sa weekend at didisinfect ko sana para mamatay yung mga fleas and ticks kung meron man..dun kasi siya natutulog
« Last Edit: September 20, 2011, 11:15:22 pm by snix »

kathon

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #297 on: September 21, 2011, 12:24:24 am »
Sis, hindi nirerecommend sakin ng vet ko ang asuntol, kasi nga daw poisonous sya sa dogs.. E diba ang mga alaga pa naman natin mahilig dilaan sarili nila, kaya no-no yun.. Nalaman ko yun dati nakabili na ako, kaya ginamit ko na lang panlinis ng garage para malessen yung ticks and fleas. :)

abuanddiego

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #298 on: September 21, 2011, 12:58:06 am »
nakalimutan ko palang sabihin about asuntol, may nabasa na rin akong negative feedbacks tungkol dyan, kaya siguro madalang na rin sya makita sa market haha! Pati yung mga dip baths delikado din daw ang ganun, i think lahat naman may negative effect pero doon na lang tayo sa pinakaonti ang bad effect haha! Actually frontline is okay na talaga kung pulgas at garapata lang ang problema, linisin lang ang paligid at magdisinfect, malelessen na ang infestation. There was a time na pati sa bed ko nagkaroon ng infestation, pati ako kinagat ng mga pulgas na yan haha! Ang ginawa ko inuna kong lagyan yung aso ng frontline para mawalan ng host na kakapitan tapos naglinis lang ako ng room, ayun nawala na yung kumakagat sakin haha! Merong frontline spray pero kung buong room gagamitan mo, feeling ko di sya practical dahil onti ang laman nya. Pero kung may budget naman why not haha!

Personally ayokong gumamit ng kung ano-anong panglinis, lalo na kung alam kong toxic ito. As much as possible yung mga usual lang na panglinis like laundry detergents, lysol, etc para safe pa rin. Sis tingin ko kailangan talaga unahin yung host kung gusto natin mawala ang ticks and fleas, kasi once kumapit sila sa hair or skin ng dog, mapaparalize na sila then madededs na, even their eggs walang kawala. And it will last for a month kaya mas practical sya. You can buy frontline naman kahit walang prescription, bili ka na kung may makita ka. May label naman kung ano ang dapat bilin, alamin mo lang yung weight ng dog tapos kung san sya magfall na dosage yun ang bilin mo. Sisiw lang magapply ng frontline sis, kahit di ka na magpunta ng vet kaya mo yan ;)

kathon

  • Guest
Re: TICKS! Please Help
« Reply #299 on: September 21, 2011, 03:21:26 pm »
Meron din frontline na spot on, may mga aso kasi na takot sa spray.. You can apply it sa batok nila.. Kung tama nga ako ah.. Hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close