watch now

Author Topic: Mini-grocery  (Read 127454 times)

kolinetongue

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #100 on: June 22, 2011, 07:28:27 pm »
hanap lang kayo ng suppliers na consignment...madami dyan nagooffer....ganun kase sa Coop na kinasasapihan ko. Puro consignment kaya wala masyado cashout.


goodluck!

rons_little_bb

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #101 on: June 22, 2011, 07:38:34 pm »
Any recommendation?

rons_little_bb

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #102 on: July 18, 2011, 11:42:46 am »
Sis, ask ko lang saan kayo order ng nescafe 3 in 1? any idea kung saan makakuha ng list ng distributor ng coke? Divisoria area kami, may num kayo?

thefilipinoynetrepreneur

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #103 on: August 04, 2011, 05:04:42 pm »
I'm loving this site. I have seen most topics na helpful sa akin and for my family. Didn't know that okay pa rin palang kumuha ng supplies sa Puregold or Makro. Suy Sing pa lang kasi ang nirecommend ko kay Mama. Thought there might be others na mala-Suy Sing. XD

rons_little_bb

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #104 on: August 06, 2011, 11:04:51 am »
Saan kao nakahahanap ng mura na palaman? Like cheese wiz , dairy cream, liver spread etc

rons_little_bb

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #105 on: August 17, 2011, 09:39:08 am »
how about chichiria laik eoishi, jack n jills? saan kaya mura para i-resell

sachism

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #106 on: September 27, 2011, 08:31:07 pm »
matagal ng bakante yung isa commercial area sa may sa amin at si hubby kinukulit ako na magopen ng mini grocery. i have work right now alam ko kelangan tutok ka din dito. i dont think i am ready to give up my career para tutukan ito. sa mga may business nito for 1-3 years, ano ang ave daily net/gross sales nyo?

thanks a lot!

yAbmby

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #107 on: September 29, 2011, 12:04:16 pm »
how about chichiria laik eoishi, jack n jills? saan kaya mura para i-resell

hi sis try to contact po Liwayway Marketing Corp. (LMC) they are the maker of this products. search mo lang sa net po.
http://www.oishi.com.ph/about.asp

sachism

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #108 on: October 04, 2011, 12:58:14 am »
San pala kaya bumili ni PoS? Magkano to mga sis?

blouie11

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #109 on: November 22, 2011, 04:45:08 pm »
tagal na pala walang nagpopost dito sa thread na to.. sayang very helpful pa naman.

sa mga sis natin na sa palengke ang mini grocery ano ang set-up nyo like 7-11 or kayo na lang ang nagaabot? How much ba usually ang pwesto sa palengke? Diba madami na mga grocery sa palengke ilan ba minimum na competitors ang dapat meron sa isang area?

Also ano ba magandang location, residential sa mga subdivision or malapit sa mga dikit dikit na bahay? or sa palengke talaga since dun nagpupunta ang mga tao?

Sana may mag-update pa regarding sa mga mini-grocery business nila. TIA!

escapee

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #110 on: November 23, 2011, 01:14:49 am »
Hello po.

We had two retail stores in the past where we invested maybe P1 Million and I'll say kung hindi ka detail oriented or you don't have partner na may good experience sa retail, mahirap pasukin ito.

TIP: Kung ang isang location e matagal ng bakante that simply means hindi ito magandang lugar tayuan ng mini-grocery.

Think about it...

Maraming magagaling sa retail and they can see spot na papatok ang retail or mini grocery. At kung ok un, sigurado kinuha na nila un at hindi na nila bibitawan.




sachism

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #111 on: November 23, 2011, 07:10:21 am »
Thanks for sharingnthis sis. This was exactly my situation. Buti hindi ko tinuloy. Wala din kasing approval ni hubby based on his research

Janang06

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #112 on: March 22, 2013, 09:26:27 am »
Hello mga sises!

We are also in the process of putting up a mini grocery. Hingi lang po ng feedback regarding sa Suysing? Complete ba mga products sa kanila? Mas okay ba kumuha sa kanila keysa sa mga regional distributor ng mga manufacturers ng FMCG?

Maring Salamat. Sana maging active uli thread na ito.
« Last Edit: March 22, 2013, 07:53:00 pm by Janang06 »

super bratinella

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #113 on: October 29, 2013, 02:17:05 am »
I am interested to open up a mini grocery with bigasan, softdrinks dealer at mineral water na rin. Research muna before opening up.

yanmae

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #114 on: October 29, 2013, 12:39:29 pm »
tagal na pala walang nagpopost dito sa thread na to.. sayang very helpful pa naman.

sa mga sis natin na sa palengke ang mini grocery ano ang set-up nyo like 7-11 or kayo na lang ang nagaabot? How much ba usually ang pwesto sa palengke? Diba madami na mga grocery sa palengke ilan ba minimum na competitors ang dapat meron sa isang area?

Also ano ba magandang location, residential sa mga subdivision or malapit sa mga dikit dikit na bahay? or sa palengke talaga since dun nagpupunta ang mga tao?

Sana may mag-update pa regarding sa mga mini-grocery business nila. TIA!

Hi sisses, my husband's family may malaking tindahan.

average gross sales:
  weekdays: 11-14k/day
   weekend: 14k-17k/dat
   Holiday (xmas,new year) - 25-35k/day

How to spot good location sa ganitong business?
1st: if there's a need. ex. gaano kalayo ang grocery sa area?

2nd: target customer: papatayo ka sa village na puro class a and b, okay kasi may pang bili pero consider din mas bibili na mga yan sa snr or malalaking grocery mas andun kasi trip nilang kainin bibili lang sila sayo kung may kulang sa kanila na agadan mabili pero I guess sobrang minsan lang mangyayari yun.

3rd: competitor - kaya mo bang makipag sabayan sa presyo? gaano sila kalayo sa pagpapatayuan mo? anong lamang mo sa kanila? sa tingin mo bat sila mas bibili sayo?

tip:
 1. kung palengke ang plan mo pag patayuan - okay wholesale and retail dito. yung mga may ari ng tindahan ang target customers mo, lagyan mo ng tinging asukal, uling at mantika pati na din itlog o kung ano pa jan na pwedeng itingi para yung namamalengke pang ulam lang nila ma-attract mo din bumili.

2. mas okay na market ang class lower c and d. Most of the time kasi sa tindahan lang ang takbo ng mga yan ;)

3. kung may existing mini grocery na, d naman ibig sabihin d na pwede. Pwede nyong hatiin ang market. Relate nyo na din ang jollibee sa isang sm mall ilang branch ng jollibee ang meron jan dba? pero analyze nyo din po muna if there's a need pa ba ng isa pang mini grocery if halos d na magkanda ugaga si pioneer mini grocery then siguro its time na magkaron na din ng competitor.

4. tutok sa business ang kelangan dito unless meron kang inventory system at pamamalakad na gaya kay sm, mercury etc. Isipin mo kung kapatid o anak mo na nga kinukupitan ka pa what more yung d mo ka ano ano.

5. wag makipag laban sa pababaan ng presyo unless napaka dami mong pera para maagaw mo lahat ng customers ng competitor mo. maliit lang ang tubo jan, bababaan mo pa. Pero depende din pala sa market kung mostly lower c and d kaw padin pipiliin nila dadayuhin ka pa nila kasi mas mura ka. :)

hth ;)

axlrocksmyworld

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #115 on: November 22, 2013, 11:20:02 am »
gusto ko rin ng ganitong business.. ok pa kaya ang 100k na capital ngayon?

glacy_rein

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #116 on: December 14, 2013, 06:47:41 am »
^depende sis sa kung gano kalaki ang gusto mo, location, laman, salary etc

Lumaki ako sa gantong business and hands on kung sa hands on talaga. I don't recommend na kumuha ng PoS kung maliit lang naman (magastos)..

We opened a store sa bulacan we earn like 100k max sa isang araw kaso ninakawan kame plus the typhoons kaya sabe namen masyado na ang losses.. We filed bankruptcy nalang.

super bratinella

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #117 on: December 14, 2013, 06:55:14 pm »
^Ano name ng mini grocery nyo sa bulacan?

glacy_rein

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #118 on: December 14, 2013, 07:01:18 pm »
^pm'ed

mommy gwen

  • Guest
Re: Mini-grocery
« Reply #119 on: June 18, 2014, 09:57:57 am »
following. I'm thinking of putting up a mini-grocery or sari-sari store here in Malolos Bulacan.

sana if someone can share their suppliers dito sa area namin. thanks =)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close