watch now

Author Topic: NZ peeps anyone?  (Read 195126 times)

vuzhia

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #220 on: January 27, 2009, 10:23:12 am »
Hi mga sisses, My sister is working sa Christchurch, uuwi sya sa August to attend my wedding. Plan nya isama mother ko pabalik NZ para mag tourist. Advise nya sa akin tulungan ko na daw mag ayos ng papers mother ko.

Sisses question lang, madali lang ba apply yung 59 days tourist visa? Advise kase ng sister ko kaunti lang daw requirements dun, no need na nga daw for medical at dahil nga ma edad na mother ko madali na daw ma approve.

Nag inquire na kami sa isang agency para magpaprocess, they ask fro Php5000 for processing fee, lahat na daw yun para sa Visa, syempre kami provide ng plane ticket, tapos ang dami pang hinihinging requirements sa mother ko, tulad ng Income Tax Return, Proof of Assets/Business pati SHOW MONEY. Sis kelangan ba talaga nun?

Ang advise kase ng sister ko kaunti lang requirements, mas okay ba mag direct na kami sa NZ immigration or dun sa Agency? Please help

Thanks in advance!!! :)

mrsjwatkins

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #221 on: January 27, 2009, 10:40:47 am »
sis mas ok sa NZIS na kayo diretso mg apply,at yung requirements na hiningi sa agency,provide nyo lang yun lahat,pati show money,at submit nyo

vuzhia

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #222 on: January 27, 2009, 11:16:04 am »
^ siguro nga sis try din nameng mag inquire sa NZIS, may call center din naman sila, try muna nameng mag call. Sabi kase nung isang agency, hindi na daw available ang 59 days tourist visa, 3 mos na daw ngayun ang minimun kaya daming hinihingi.

Ang alam kasi ng sister ko, no need na ng mga show money basta may proof sya na kaya nya isupport mother ko while mag stay dun, kelangan lang pakita yung accomodation pag dating dun at syempre yung ticket na roundtrip.

Nagdadalawang isip na tuloy mother ko, ayaw kasi nun ng mabusisi, ma edad na [textspeak!], hehe. :)

Ayaw nga nun mag process sa Makati kase nung nag pa authenticate sya NZ embassy, sya lang ang pwedeng umakyat sa taas, di ko pwedeng samahan tumaas sa elevator, eh natatakot daw sya at naguguluhan. hehe

mrsjwatkins

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #223 on: January 27, 2009, 01:52:56 pm »
lets put it this way sis,my hubby is a kiwi na deny parin yung visitor visa application ko,sis pag ok lahat yung requirements pwedeng wala nang interview,so d na nya kailangan pumuntang NZIS,at pwede mo ring ipa pick up yung mga docs mo through courier nila

vuzhia

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #224 on: January 27, 2009, 02:11:55 pm »
^thanks sis. Tumawag na ako kanina sa call center nila, hay naku nainis naman ako dun sa agency na nagsabi na hindi na daw available ang 59 days eh sabe naman sa NZIS ay available pa rin daw at kaunti lang talaga yung requirements na hinihingi. Kase nga daw kung walang available na mga bank certification/show money ang applicant, yun na lang daw sponsor ang magbibigay ng Letter of Support. Ganun naman talaga plan ng sister ko, ganung procedure ang gagawin nya.

Napapayag ko na mother ko mag inquire kami sa Immigration Via Centre. Open naman sila ng Sat., kaya masasamahan ko siya. Half day nga lang. Agahan na lang namen kase manggagaling pa kaming Cavite.

Gusto lang talagang maipasyal ng sister ko mother ko kase nga umeedad na, para ma enjoy naman na nakarating sya ng ibang bansa. :)




mikaela_trisha

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #225 on: January 29, 2009, 04:47:28 pm »
hello everyone! we're planning to go to auckland by july, ask ko lang kung magkano dapat bank balance for the bank statement requirement for tourist visa?
hope someone can help. thanks

quiet_angel18

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #226 on: March 22, 2009, 02:42:38 pm »
Right now im here in auckland its been 6 months already still haven't gotten a job, recession kasi and visitor's visa lang ako. I still hope that I get a job before my visa expires on June if not uwi na ako.

Medical yung line ko... Phlebotomist.
Baka meron kayo alam vacancy or where to apply? thanks

bruce_lyn

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #227 on: March 23, 2009, 06:21:55 am »
hi sis quite_angel i hope you can get a job na . ang pray ko din yun friend ko nakuha na kasi nya wtr nya. sad nga lang nag wrong timing nag recession. Me one month na sya dyan

mrsjwatkins

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #228 on: March 23, 2009, 09:57:40 am »
Right now im here in auckland its been 6 months already still haven't gotten a job, recession kasi and visitor's visa lang ako. I still hope that I get a job before my visa expires on June if not uwi na ako.

Medical yung line ko... Phlebotomist.
Baka meron kayo alam vacancy or where to apply? thanks


sis sa trade madami dyan or pm me your email add sis

_vavavoom_

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #229 on: March 24, 2009, 03:52:01 pm »
Hi there! I'm planning to visit New Zealand this holy week na!  We were originally planning to do the Milford Track but then my hiking mate backed out so i guess we'll just be visiting the cities.  What are the things to do in Auckland? and Wellington?  What places are a must-see??

michiko_888

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #230 on: March 29, 2009, 12:11:20 am »
Hello po! Just want to ask kamusta po ba dyan sa NZ? I want to go to Wellington.. OK po ba? :)

Ejaxene

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #231 on: April 13, 2009, 10:47:25 pm »
Hello NZ people! :) I just want to ask kung kailangan bang may referral para makasali sa PinoyztoNZ Yahoo Group? Medyo matagal na kasi akong naghihintay sa confirmation. Kailan ko ba dapat i-send 'yung email? After na ma-approve 'yung membership?

My ninang and I are planning to go to NZ. She, as a primary school teacher and me, as an international student (OZ first choice ko, pero ayaw ng tatay ko :()

Mayroon ba kayong kilalang primary school teacher na nakapunta agad ng NZ after ng NZQA assessment, registration and employment? :D

bruce_lyn

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #232 on: April 13, 2009, 11:14:31 pm »
sis madali lang mag member sa pinoy2nz. check mo yun site kasi alam ko pinoy2nz yun. member ako dyan. after nzqa me mga steps pa bago ka makarating sa nz, me mga EOI pa etc. medyo di ko kabisado di kasi ako masyadong nakakapag basa sa email nila sa akin.

helpful yun site na yan, as in lahat ng tanong mo masasagot nila. mga humble mga tao sa nz sa aking pag basa basa di uso pataasan ng ere.
« Last Edit: April 13, 2009, 11:16:02 pm by bruce_lyn »

Ejaxene

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #233 on: April 14, 2009, 02:43:30 pm »
^Nalilito ako kung ano pa 'yung mga terms. Mas familiar kasi ako talaga sa OZ migration kasi yun yung target ko/namin. HAY. Stepping stone lang tong NZ.

Kailangan ba yung EOI sa lahat ng klase ng paga-apply?

http://groups.yahoo.com/group/pinoyz2nz/ :)

Yan, member na pala ako eh. Thanks sis bruce_lyn.
« Last Edit: April 14, 2009, 04:10:47 pm by Ejaxene »

freeswan

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #234 on: April 14, 2009, 02:58:12 pm »
mas madali bang maghanap ng work sa NZ kaysa Australia?

Ejaxene

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #235 on: April 14, 2009, 04:09:22 pm »
^ Siguro depende 'yung kung gaano ka-wanted 'yung occupation mo.

Pero, as they say, mas maraming job opportunities sa Australia. Maraming NZ people ang lumilipad papuntang OZ taun-taon.

zaki

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #236 on: April 15, 2009, 12:38:32 am »
yun po bang fee for EOI non-refundable? medyo mahal din sya @ NZ$400 sayang naman pag hindi na pick ang EOI application. And, pag online application thru credit card lang pwede ang payment? tia.

bruce_lyn

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #237 on: April 15, 2009, 04:14:38 am »
Sa pagkaka alam ko non refundable. kaya before ka mag pasa dapat sure mo na. ang alam ko pag online credit card

ditdit

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #238 on: May 12, 2009, 05:16:00 pm »
Hello, may nakabasa na po ba nito? share ko lang, sana hindi totoo. dream ko pumunta ng NZ e --

Source: OFW Guide http://www.ofwguide.com/article_item.php?articleid=741

Email this | Email the Editor | Print |

READER'S FEEDBACK:

From: Mildred Hernando in San Pedro, Laguna, Phils
Sent: Saturday, January 05, 2008 4:04 PM

I just want to ask, kung saan n'yo po nakuha ang pay rate n'yo ng New Zealand. My husband, an engineer, went there last year, only to find out the real plight of Filipinos there.

Almost 2 years kami nag-apply ng visa naming pamilya and when we finally got our visas, my husband went there first.

Believe it or not, 9 days lang s'ya nakatagal dun and very disappointed s'ya at nalulungkot sa totoong condition ng halos karamihan ng Filipinos doon.

Hindi naman s'ya nag-expect kaagad na maging engineer dun at handa naman s'ya na magsimulang magtrabaho ng kahit ano pero ang 'di n'ya masikmura e may discrimination na nga e 'di ka pa makakaipon sa sweldo mo, sobrang baba.

Ang NZ gov't. puro modus operandi ang pinaggagagawa only to attract many aspiring immigrants lalo na from poor countries.

'Di lang kami ang nabiktima, marami kaming kakilala. Marami lang sa kanila ang nahihiyang ikuwento ang sinapit nila sa pagtatrabaho duon.

Maraming 'di makauwi dito dahil di makaipon ng pamasahe at ang iba wala ng babalikan dahil nabenta na ang mga ari-arian nila dito.

I doubt kung talagang may sumusweldo ng ganyan. Kung makakahanap lang sana kayo ng kahit isang accountant dun or engineer to attest na ang mga pay rates na 'yan e malapit sa katotohanan, masisiyahan ako para sa kanila. But the truth is, sa 9 days na nag-try mag-work ang husband ko dun, namulat kagad s'ya sa totoong New Zealand.

No wonder konti ang mga tao sa kanila. Even nationals nila e nilalayasan din ang bansa nila.

'Wag po sana n'yong masamain ang sinabi ko, concerned lang po kami sa mga kapwa Pinoy natin dun.

Marami po sa kanila ang nagugutom, nagtitiyaga sa mga pabrika, sa taas ng bilihin at taxes.

Totoo pong maganda ang bansa nila at mayaman pero ang mga tao lalo na ang mga Asian immigrants ay miserable ang buhay.

Kung me sinuwerte at gumaan ang buhay, sana po e mainterview n'yo, ganun din sa mga minalas sa pagpunta dun, para lang po lumabas ang katotohanan.

Misleading po kasi ang ibang pagpapabango ng gov't nila. 'Di po totoo ang mga sweldo na 'yan. Nagwo-worry lang po kami at baka maraming ma-mislead na kababayan natin pag nabasa ang pay rates n'yo.

Thank you po at sana sa isa sa mga shows n'yo sa GMA magkaroon ng investigative report tungkol po sa mga Filipinos na nagwo-work sa NZ.

Sigurado po akong maraming mag-aabang na mapanood ang inyong programa
pag tungol sa totoong condition ng Filipinos sa NZ ang inyong tatalakayin.

Marami po uling salamat.


ditdit

  • Guest
Re: NZ peeps anyone?
« Reply #239 on: May 12, 2009, 05:17:39 pm »
BTW, eto yung salary package na nabangit sa article ---

More and more Filipinos are expected to try their luck in New Zealand as the country opens its doors to skilled foreign workers. The following are in-demand jobs and expected pay rates.

Occupations
 Salary (in New Zealand Dollar (NZD) as of August 23, 2007)
 
Accountant (Chartered – Senior)
 NZD 100,000 – 140,000 or Php 3,310,644.913 – 4,637,396.393 per annum
 
Automotive technician
 NZD 10.25 – 18/hour or Php 339.547 -596.392
 
Architect
 NZD 30,000 – 80,000 or Php 993,936.653 – 1,986,060, 252
 
Butcher
 NZD 12-18/ hour or Php 397.463 – 596.392
 
Civil CAD
 NZD 30,000 – 60,000 or Php 993,936,653 – 1,986,060.562
 
Construction Manager/Technician
 NZD 47,000 – 60,000 or Php 1,555,747.440 – 1,986,060.562
 
Graphic Artist
 NZD 30,000 – 70,000 or Php 993,936,653 – 2, 316, 909.103
 
Hospitality Supervisor
 NZD 50,000 – 100,000 1,654, 935.074 – 3,310, 644.913
 
IT Specialist
 NZD 65,000 – 120,000 or Php 2, 151, 415.596 – 3, 972,123.871
 
Land Surveyor
 NZD 50,000- 74,000 or Php 1, 655,399.323 – 2,449, 476.387
 
Marine Engineer
 NZD 45,000 – 55,000 or Php 1,489,859.30 – 1, 820, 939.255
 
Medical Doctor
 NZD 65,000 + or Php 2, 151, 717.110
 
Montessori Teacher
 NZD 25,000 – 35,000 or Php 827,757.931- 1,158,861.103
 
Radio Frequency Technician
 NZD 28,000 -55,000 or Php 926,893,524 – 1,820,683.704
 
Refrigeration Mechanic
 NZD 17-26/hour or Php 562.519 – 860.264
 
Telecommunication Engineer Technician
 NZD 55,000 – 120,000 or Php 1,820,683708 – 3,972,123.871
 




 

Latest Stories

Load More Stories
Close