watch now

Author Topic: All about Laundry Shop Business  (Read 293842 times)

rhumbafrapp

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #520 on: February 23, 2015, 07:14:25 am »
gusto ko dim into, kasi sadly, slave to the grind kami sa work ng mga kapatid ko. sayang, lapit namin sa university area and may malaking space. malapit pa naman kami sa UE, ceu, arellano, and um.
:( sana makapsok kami sa ganitong business o kaya maparentahan man lang namin for this kind of business

freiavida

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #521 on: February 23, 2015, 07:43:12 pm »
Sis gora!
Hindi mo naman need tutukan for the rest of your life kailangan lang tutok for first 3 months and mga loyal staff

bautista396

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #522 on: February 25, 2015, 08:50:15 pm »
hi question lang po.. ano pong dryer na gnagamit na pagkalabas nya ready to fold na agad?
kase ang gamit ko spin dryer lang.. plan ko kaseng bumili ng tumble dryer my budget is 15-20k meron kya akong mabibili.. any tips will help po. thank you

RAC

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #523 on: February 28, 2015, 07:27:58 pm »
nasa mga 40k ang dryer. unless you buy secondhand na lang.

sugar n spice

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #524 on: March 01, 2015, 11:35:46 pm »
actually, I suggest kung meron kayong masasampayan, mas better para makatipid kasi malaki din magagastos mo sa kuryente and gas. pero wag naman sa labas ng shop hahah medyo turn off sa customers pag nakita nila na yung mga damit nakabalandra. Yung sa tita ko, yung shop nya may second floor. dun sya nagsasampay, in just a couple of hours tuyo kagad sa sobrang init. yun nga lang matrabaho.

Though I don't practice this sa shop ko kasi wala naman ako masampayan. Saka sobrang sikip na sa sobrang dami nagpapalaba samin.

rhumbafrapp

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #525 on: March 05, 2015, 07:32:32 am »
Thank you sis! I pmd you :)

gcarrie

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #526 on: March 11, 2015, 01:27:05 pm »
sis rhumbafrapp and freiavida, pm me your email address...

freiavida

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #527 on: March 14, 2015, 05:39:28 am »
Mga sis, about sa press magkano WDP nyo?
Tsaka anong gamit nyong plantsa?

gcarrie

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #528 on: March 18, 2015, 01:39:44 pm »
hi ladies, just emailed you the seminar materials.

^sis freiavida, wdp namin is 70/kilo. gamit namin plantsa sis yung Philips, magaan saka yung dulo niya payat/patusok kaya ideal sa mga sulok sulok ng damit.

sugar n spice

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #529 on: March 19, 2015, 11:57:06 pm »
gusto ko dim into, kasi sadly, slave to the grind kami sa work ng mga kapatid ko. sayang, lapit namin sa university area and may malaking space. malapit pa naman kami sa UE, ceu, arellano, and um.
:( sana makapsok kami sa ganitong business o kaya maparentahan man lang namin for this kind of business


sis, maganda yang location mo but you better learn muna yung pasikut-sikot ng business. hindi ka lang basta maglalaba, magpa-plantsa, magtitiklop at tatanggap ng bayad. yung kakilala ko na dorm ng college students (cant remember anong school) ang market, akala nya ganun-ganun lang. actually, sinalo nya lang yon. binitawan kasi nung laundry shop na nagse-service. e nakikita nya yung amount ng pera mula sa nga estudyante na nagpapalaba kasi dun sya sa dorm nagwo-work. sabi ko pumunta sya sa shop ko para makita nya kung pano nagwo-work at para makita nya rin yung overhead/expenses para may idea sya. Hindi nya ginawa. Masyado syang nasilaw sa laki ng pumapasok na pera, pero hindi nya na-consider ang management, operations and expenses. Ayun arya ng arya. Yung kinuha nyang tao, ang bayad nya parang upahang labandera sa bahay ang rate. arawan ang bayad. dun pa lang talo na sya.  yung WM nya automatic pero maliit. hindi ko alam kung may dryer sila. after non hindi ko na sya nakausap kasi naka-banggaan ng biyenan ko, kasi bf nya yung bayaw ko. ginagawa nyang alilla sa shop tapos sinisigaw-sigawan daw. akala nya kasi por que minimal supervision lang yung ginagaw ko, ganun lang kadali. hindi nya alam tinutukan ko muna yung mga tao ko at nag-create ako ng maayos na sistema bago ko, hinayaan.
« Last Edit: March 19, 2015, 11:59:16 pm by sugar n spice »

cjb

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #530 on: March 20, 2015, 09:18:06 am »
Hi mga Sis, I had a laundry shop before. Yup, HAD. Hehe maganda naman kita, basta location okay. Yung target market namin noon was puro students and condo unit owners, so medyo maganda kita. Pero dapat talaga may budget ka, mga 350k okay na yun, covered na dun yung mga unexpected expenses, siyempre pag nagsisimula, medyo negative muna yung income for the next two to three months. Ginive up ko lang yung shop noon kasi may business pa kaming isa, so dun nalang muna kami nagfocus kasi medyo kailangan talagang tututok ka pag service business, nawalan ng time and sobrang mahal ng rent namin nun, parang 12k tapos 12sqm lang.

Compute din if yung space niyo is enough. Ginawa ko noon, ilang machines kasya, tapos dun niyo malalaman capacity ng shop niyo. Get trusted people (I know this one is hard), maraming nagdadagdag kilo and bigla nalang may nilabhan tapos hindi sasabihin sainyo.

Overall, I suggest kayo muna maglaba, pick up, and deliver for the first month para makuha niyo takbo nung business mismo. Goodluck!

gcarrie

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #531 on: March 21, 2015, 07:13:33 pm »
i agree, sis sugar n spice and sis cjb. ako i have a full time office job, dropby lang ako sa shop sa morning or evening and weekends, pero kahit hindi ako dun buong araw, in a way tutok pa rin ako. swerte rin ako sa staff ko kasi masisipag saka OC kaya hindi bara bara ang laba. nag iinventory ako every week, kalkulado ko rin mga supplies maaaverage mo naman sa mga tanggap. true sis in the first few months halos walang income pero now ok na rin shop ko. nakabili na rin ako ulit ng isa pang dryer from the shop's income. hopefully magtuloy-tuloy na siya lumakas  :) :)

freiavida

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #532 on: March 22, 2015, 05:15:38 am »
^sis thanks sa mga sinend mong mga documents.
normal plantsa ba gamit mo? Iniisip ko kasi kung OK bang maginvest dun sa steam press? yung parang sinasandwich yung damit. :)

cjb

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #533 on: March 23, 2015, 10:36:16 am »
i agree, sis sugar n spice and sis cjb. ako i have a full time office job, dropby lang ako sa shop sa morning or evening and weekends, pero kahit hindi ako dun buong araw, in a way tutok pa rin ako. swerte rin ako sa staff ko kasi masisipag saka OC kaya hindi bara bara ang laba. nag iinventory ako every week, kalkulado ko rin mga supplies maaaverage mo naman sa mga tanggap. true sis in the first few months halos walang income pero now ok na rin shop ko. nakabili na rin ako ulit ng isa pang dryer from the shop's income. hopefully magtuloy-tuloy na siya lumakas  :) :)

Ay Sis blessed ka sa staff mo talaga kung ganun. Wishing for the success of your business. :) Ganyan din ako, ang ginagawa ko noon, punta muna shop before going to work (on the way naman), then work 8 to 6PM, then balik shop to compute how much pumasok lahat for the day. As for inventory, medyo strict ako doon kahit consumption ng tubig kino-compute ko kasi sa ikod lang ng shop nakatira yung tao namin. May tao kami dati, pinapaigib niya mga tao na malapit na area namin. Nagulat siya na tinanong ko bakit mataas tubig e ganito lang yung pumasok na kilo sa isang bwan, etc.

Sa sabon, fab con, etc. I use pump (for fab con) and measuring spoon. Alam ko kung ilang spoon/ pumps para sa isang kilo. For example, sa isang bote ng fabcon, ilang kilo malalabhan dun, etc. Gasul, same din. Compute everything, even hangers, maraming staff parang namimigay ng hanger. hehe nakakaliumtan isoli. Gawa rin kayo logs kung ilan pumasok, ilan nagbayad, at ilan lumabas.

I also always do spot check. For example, kukuha ako random Job Order sa Log Sheet ko, then titignan ko if nandun pa, pag wala, ask mo agad employee mo, bakit wala na yung damit. Kung nandyan, kini-kilo ko to ensure na tama yung kilo sa job order versus actual. Minsan naman tinitignan ko yung mga nakabalot na may names, tapos checheck ko sa logsheet ko. Pag wala sa log sheet ko, magququestion nanaman ako. Hehe Pakita niyo lang na di talaga kayo maloloko ng staff niyo, by doing spot checks. Ewan ko nalang if magloko pa.

eicia

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #534 on: March 25, 2015, 02:43:24 am »
hi mga sis. not sure if this reply will be deemed in-appropriate. for those who has laundry shops sa alabang/laguna/cavite area, we accept bulk orders/supply detergent powder, fabric conditioner, liquid detergent etc. pm me lang for details. :)

fidz

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #535 on: April 02, 2015, 10:46:30 am »
parang na miss ko tuloy yung laundry shop ko dati....

bautista396

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #536 on: April 09, 2015, 08:59:14 am »
Question lang uli, ok lang ba 16kilo capacity top load washing machine sa laundry shop ko?
nabili kase 16kg samsung top load washing machine with inverter motor na.. 32k price nya 1 year to pay.. ok lang ba un?
« Last Edit: April 09, 2015, 09:09:22 am by bautista396 »

freiavida

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #537 on: April 10, 2015, 01:28:49 am »
^yung sakin sis 10kg lang. Brand new siya? Bago palang ako sa biz na to pero tingin ko kung 2nd washer mo na siya ok siya para sa mga beddings and other bulky na items. Problema ko kasi yan ngayon wala akong pang spin ng comforters kaya patulo muna. Hehe

kolinetongue

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #538 on: April 25, 2015, 09:32:25 pm »

mahirap maglaba ng comforters kung wala kang washer ;D..kaya must have talaga yun.



sugar n spice

  • Guest
Re: All about Laundry Shop Business
« Reply #539 on: April 26, 2015, 11:57:38 pm »
Okay ang 16kg kasi mahirap kapag sobrang laki ng comforter. Though kelangan mo rin ng maliit for small washes lalo na kung hindi nyo pina-practice ang pagmi-mix ng clothes.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close