ako naman nagkaproblema sa bayantel. nung wednesday nagddownload kami ng drivers biglang na dc kami. imagine, one week pa lang yung dsl namin, nagkaprob na. so tumawag kami, may ticket, tech dispatch daw. so yung fiance ko nagstay sa bahay ng 3 days para hintayin yung technician na wala naman dumadating. tumatawag kami sa bayantel hotline, puro lang iuupdate daw nila. eh anong gagawin namin sa update na yan? come saturday (kanina umaga), ako naman ang nag off so ako yung tumawag sa bayantel, iuupdate lang daw. eh naiinis ako kasi wala akong magawa kelangan ko ng internet (GT syempre) so nagwala ako sa agent. sabi ko kelangan ko ng supervisor. engaged pa daw sa isang call. callback daw in 30 minutes. ok fine. one hour na, wala pa rin. tumawag ulit ako, girl naman nakausap ko hinanap ko yung sup na dapat na tumawag sa akin, aba, nag out na daw!!! sabi ko bigyan niya ko ng manager, director or kahit sino wag lang siya. sabi ko "wag kang bumalik sa akin na ikaw pa rin ang kakausap sa akin ha!" tapos nakausap ko yung sup na dapat tumawag sa akin, nagbreak lang daw ng one hour. ayun, naglitanya na ko... 30 minutes straight akong nagsasalita, tintry niya mag barge in pero d ko talaga hinayaan. i was very rude din. imagine mo naman kasi 4 days na kaming naghihintay, d kami pumapasok para maghintay ng tech. sabi ko "i demand that you handle this personally kasi sa totoo lang, sobra sobra yung binayad namin sa inyo eh one week pa lang namin nagamit yung dsl. it's not about the money na nawala kasi yung money kinikita yan. yung time ang hindi niyo kayang bayaran." ayun, callback daw siya ng 15 minutes.
nga pala, early this morning (10am) may tech na tumawag sabi niya check daw niya sa cabinet baka daw may nagalaw lang dun. tapos sabi ko ok, tawagan niya ko kung anong result kasi if ever ok na dun, sa modem namin hindi, mag eexpect ako ng tech. para naman makaalis kami ng bahay noh. ayun, walang tumawag. sobrang badtrip ako buti na lang may caller id kami, tinawagan ko yung mga tech. followup daw. kaya tumawag ako sa hotline sabi ko pagsabihan nila yung tech kasi nagbabayad sila dun tapos sabihin nila d nila macontact. sub contractors daw kasi yung tech. wala sila magawa. good think i have the numbers of the technicians. PWES, kung d niyo macontact, ako ang coco-contact sa kanila.
eto na. tinawagan ko na ulit yung mga technician. explain ulit ako. d daw kasi naka assign sa kaniya (yung nakausap ko) yung ticket namin. humingi ako ng manager, wala daw. sabi ko "ayusin niyo to ngayon. maghihintay ako ng technician kahit alas 7 ng gabi. kung di niyo maayos to, pagsasaksakin ko kayong lahat!!!!" ayun, after 3 minutes, may tech na tumawag asking may sync na ba daw ako, abah! meron na! sabi may loose wires lang daw sa cabinet. sabi ko "diyan lang pala sa inyo 4 days niyong d magawa. bababantaan ko pa kayo para gawin niyo." while trying to connect, after 2 minutes may isang tech pa na dumating sa bahay, sabi ko ok na connected na ko. sabi niya "ma'am check ko lang modem niyo baka luma na, palitan natin." sabi ko "kuya, one week pa lang yan. hindi sira yan. salamat na lang!"
hay naku, high blood talaga. namura ko muna sila and nabantaan tapos in just a matter of two minutes kaya pala nila ayusin. nabwiset talaga ako.