Author Topic: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??  (Read 108787 times)

cherrhys

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #200 on: August 19, 2010, 09:49:30 am »
about buffets naman, i ask the maid muna kung kaya nya makarami sa buffet table... minsan kasi we try new restos pero yung yaya di kasing adventurous namin... so, we just order ala carte for her/them.. sometimes, yung kiddie meal pa nga kasi yun lang yung usually kilala nyang pagkain...

This is also what we do if talagang di maiwasan na kumain kami sa buffet type restos, just order ala-carte or kiddie meals.

IMO, medyo off lang kasi talaga na tayong mga "amo" kumakain tapos sila nakatingin lang.  Usually naman ang mga yaya, mahiyain din at di mahirap pakainin, since simple lang nga ang mga taste nila.  Pansit, kanin, fried chicken mga ganun lang usual na hinahanap nila.  I remember nung isa pa lang anak namin at bago pa lang yung Cyma, kasama namin si yaya.  Naku!  Ayaw talagang kumain at di kilala yung food.  Pinaorder na lang namin sa fastfood ayun at tuwang tuwa.  Minsan naman sasabihin ko sige pag di ka kumain di rin ako kakain, lagot ka pag nagutom ako, yun titikim na.  :)

Now that madami na nga kami kapag lumalabas, we always choose restos that have big servings para mas sulit.  Pag naa Makati naman we love eating at Glorietta's foodcourt, masarap kasi sa Cucina.  All of us really enjoys the food there, especially my kids.

Gladz31842

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #201 on: August 20, 2010, 05:32:49 pm »
kasabay all the time, kahit saan...madalas kami nagbbuffet mag anak sa hotel, kasama pa din...mapa-5 star or 4 star hotel,kasama pa din..one sunday day off siya...kami naman nagsimba and planned to have buffet lunch sa isang hotel, i asked her kung gusto niyang magjoin for lunch then kahit lakwatsa ulit siya after, di nga lang sumama kase may friends siyang kasama nag day off...kaya ginagawa ko mula noon is before her day off and if plan namin kumain sa labas buffet or ala carte, i inform her and kung gusto niya magjoin, it's up to her...for me kase while may chance naman na iexpose sila sa ganun gagawin ko kase kung sila lang im sure di naman nila gagawin ang kakain sa mamahalin...yes, incentive na sa kanila yon. sabay-sabay pa din kami kain hindi yong nauna kami para pakainin muna niya anak namin, hindi ganun, sabay tapos kahit kami na pakain kay daughter or while kumakain kami lahat salitan sino magsubo kay daughter..basta one family :)

LovingWife

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #202 on: August 21, 2010, 12:07:09 am »
Sharing my own experience with my Yaya, kasabay din namin siya whenever we go out for dinner with my Family.  Kapag buffet, it's still the same, but we also ask her what she wanted to eat, not necessarily that we order for her, she gets the chance to order also what she wants, kasi baka nga ayaw niya yung food na oorder ko for her or allergic pala siya we may not know. :)

It's also a new and good experience with them since you get to know them more hindi lang puro sa bahay ang pinag-uusapan. :)
« Last Edit: August 21, 2010, 12:09:09 am by LovingWife »

simplykristine08

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #203 on: August 21, 2010, 02:09:08 am »
pa join po :)

Yes, kasaba ko si helper kapag kumakain. 3 lang kasi kame sa house, ako, helper and baby boy. when we go out or dine out, sa fastfood or sa medyo expensive na resto, i let her choose kung anong gusto nyang orderin. wag lang mas mahal sa kakainin ko :)

tsaris

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #204 on: August 21, 2010, 09:14:18 am »
Not anymore sa house. Sa mall, yes, and they get to choose what they want to eat.  We noticed kasi na yung mga kasama namin na isinasabay kumain had the tendency na lumaki ang ulo and nagiging abusado. Even pag maraming bisita na relatives or friends, may kasama kami na nging overconfident and feeling kapamilya and at certain instances nag-rereklamo out-loud infront of guests na bakit nagpuntahan pa sila sa house and madami siyang aayusin. Now, they eat immediately after us and on weekends eats before us. They eat the same meal that we have.

kimebies

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #205 on: August 21, 2010, 02:16:54 pm »
Sa house, hindi. They (there are 4 of them) would rather eat together na makakapag-kwento-kwento sila than eat with us. Although lagi namin sila sinasabihan na sumabay samin, lagi nila sinasabi na after na lang namin.

When we go out naman, yes, they eat with us and they get to pick the food that they want, too.

m

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #206 on: August 27, 2010, 12:43:45 am »
ako sa house hindi na. before when 2 lang kaming naiiwan sa lunch sumasabay siya kasi pinapakain ko din si baby so sabay kami pero now hindi na kasi umabuso several times inuunahan pa niya si hubby and hubby was watching over our sleeping baby. i was shocked when my mom and i are eating tapos biglang kumuha ng plates and then ayun kumain na without asking if my hubby and my dad ate na ba? i was hello sino kaya ang amo dito? from then on no no na. she should know her place. this is my first maid and super umabuso na maybe because hindi ko siya pinapagalitan, pinagsasabihan ko lang calmly.

LovingWife

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #207 on: August 27, 2010, 12:11:39 pm »
^oo nga sis agree ako, parang sana tanongin niya muna kayo if talagang nagugutom na siya, kung ok lang na kumain na siya, well maybe nahihiya siya na tanongin kayo, kaya ginagawa ko, I make sure sa breakfast, ayaw ko na coffee at bread lang kinakain niya, kelangan heavy breakast (rice) kasi madaming work kapag morning, lalo na for baby, kaya di pweding kaagad magutom, then kapag nakatulog si baby, pweding mag merienda ng around 10AM, para kapag lunch na, hindi mo sila gaano ni-woworry if baka hilo na sila sa gutom.

babymom20

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #208 on: September 02, 2010, 11:49:44 am »
no. pag gising ko, nakaligo at nakakain na sya. hawak na nya si baby. pag gabi naman, una akong kumain. then hawak ko na si baby, kain na rin sila. wala kaming oras sa pagkain. basta pag nagutom, kumain. mahirap naman kasi magtrabaho kung gutom. ang golden rule lang sa bahay, mapabayaan na ang lahat, wag lang si baby.

pag tanghali naman at wala ako sa bahay, palitan din sa pagkain si yaya at si cuz ko para palit din sila magbantay ki baby, unless tulog si baby baka sabay silang kumain.

pinkk

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #209 on: September 28, 2010, 08:14:54 am »
Not anymore sa house. Sa mall, yes, and they get to choose what they want to eat.  We noticed kasi na yung mga kasama namin na isinasabay kumain had the tendency na lumaki ang ulo and nagiging abusado. Even pag maraming bisita na relatives or friends, may kasama kami na nging overconfident and feeling kapamilya and at certain instances nag-rereklamo out-loud infront of guests na bakit nagpuntahan pa sila sa house and madami siyang aayusin. Now, they eat immediately after us and on weekends eats before us. They eat the same meal that we have.

My family experienced the same situation kapag feeling kapamilya na ang yaya, lalo na yung madaldal, umaabuso talaga.

hunny_ally

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #210 on: September 29, 2010, 01:52:07 pm »
at the house no bec of the ff reasons: 1) meal times are the only time we get to talk as a family. ika-nga nila bonding time. 2) i notice hindi sila relaxed when they eat with us. minsan type nilang mag-kamay pero nahihiya kasi nakaharap ang amo. 3) i'm a firm believer that familiarity breeds contempt. if you dont draw the line between you and the help from the very start, they'll start abusing you.

when we are out, yes they eat with us. BUT i dont let them order by themselves. i had once a maid who ordered a Php 600++ entree. nagulat na lang ako when the bill arrived; i didnt check how much was the entree before she ordered it. sakaling kami ni hubby tig-Php300++ lang. i just ask her preference if she wants chicken, pork, or beef and then order something for her.

also, i let them eat at the house before we leave (or let her buy food from outside) if we are invited out for dinner and we're not paying for the meal. minsan kasi even if you offer to pay for the yaya's meal, the host will say no need and they'll pay for it. nakakahiya lang cause hindi mo naman sure if bukal ba sa loob nila to pay for it or napilitan lang dahil nandyan na.

personally, i dont find it as a form of "pang-aalipin" if you dont let them take their meals with you. may iba nga kasama nga nila sa pagkain, pero binabantayan bawat subo ng katulong  ;)
« Last Edit: September 29, 2010, 01:58:13 pm by hunny_ally »

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #211 on: September 30, 2010, 11:53:34 pm »
hindi. pero minsan sinasama namin sila pag kumakain sa labas.

jaydeerpg

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #212 on: October 05, 2010, 09:58:12 am »
pag nasa house ang husband ko, hindi namin kasabay kasi inaasikaso nila yung kids, pag ako lang sa bahay, gusto ko sabay sabay kami with the kids para masaya.

same goes pag nasa labas kami, kung ako lang, magkakasabay kami, kung kasama hubby ko, hiwalay sila.

pero rule of thumb ko, whatever is convenient for us para maalagaan ang kids, super likot e hehe

candy_tone

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #213 on: October 09, 2010, 05:54:12 pm »
sa house hindi namin kasama yung yaya kasabay niya yung 3  other maids namin sa house. If we go out, syempre kasama namin si yaya she gets to choose what she wants... Pag sa driver naman, we just give him money for lunch and merienda  :)

aizen

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #214 on: October 11, 2010, 03:30:21 pm »
kakaloka talaga sila sis...buti hnd kayo ang pinalayas LOL
at nakatagal kayo ng 1month sakanya ha? hehehhe may yaya na akong ganyan dati super tiis ako for 2weeks pagdating ng tatlong linggo di ko na kaya promise...

bonggang natawa naman ako dito. nagswimming pa :)

kami ever since mula maliit ako kasabay sa pagkain mga maid maliban kung ayaw nila bahala pa sila :)

kreez

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #215 on: December 28, 2010, 09:54:31 pm »
this is a dilemma for us actually, yun kasing kinuha naming househelp from the Philippines na dinala namin dito to care for our baby nung napanganak yung baby namin close friend sya nung tita ni hubby, so parang family talaga ang turing sa kanya so that is how we treat her here.  when she arrived hindi ako satisfied with her housework pero wala naman akong masabi dahil mabait sya sa baby ko.  during mealtimes kasabay namin sya ang nangyayari ako ang nagpapakain sa baby pag during breakfast (minsan i have to pass the baby to her na dahil malalate nako) and dinner tapos kasabay namin sya ang nangyayari ako ang naiiwan sa table kasi makakakain lang ako after kumain ng baby... haay tama ba yun.  kunsabagay hindi ko naman sya sinabihan na paunahin na kami kumain or mauna na sya para pag kami na ni hubby kakain, pakainin nya kasabay namin [textspeak!] baby (gusto ko kasi talaga kasabay namin kumain si baby eh). 
« Last Edit: December 28, 2010, 09:59:25 pm by kreez »

ravena

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #216 on: December 28, 2010, 10:11:53 pm »
yup. she joins us in dinner and it's a sign of respect.

AnneMP

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #217 on: January 04, 2011, 04:15:35 am »
nope... kasi gusto nila sabay sabay daw sila sa baba.  Ayaw ako sabayan ;D

shinta

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #218 on: January 07, 2011, 10:23:13 pm »
yes, we don't trait our maid na ibang tao. kasabay namin siya lagi kumain. the only time na di siya nakakasabay is pag puno na yung lamesa at wala ng upuan.

when we eat out, kasama din siya. kung anong kinakain namin, ganun din kinakain niya.

grace24

  • Guest
Re: kasabay nyo ba sa pagkain ang yaya/maid nyo??
« Reply #219 on: January 08, 2011, 03:12:42 pm »
kasabay

 

Latest Stories

Load More Stories
Close