watch now

Author Topic: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?  (Read 165499 times)

lilsaintsm0m

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #280 on: April 03, 2015, 04:30:17 pm »
Our neighbor is super pakialamera, chismosa, inggitera. She always asks us where we're going.  We always go out everyday dahil we dont cook in the house we always dine out. Parang sila "Aalis na naman kayo? Kakain na naman kayo sa labas?Di kayo mapakali sa bahay ah" Naiirita ko lagi yan walang mintis kahit magpapaload lang ako ganyan sila.
There was a time na we bought a sofa. She came out of her house just to ask the delivery how much we paid for it. Then tells her DIL na bayaan daw at pag nakaalis na sila sa kanila na daw yung sofa nila. Parang ako anong meron ? We never brag things sila lang lagi nagtatanong. Just days after we bought a TV naisip ko to buy it really early in the morning the next day, dahil that night open ang tindahan nya sa harap ng bahay namin. Maraming tao at naiimagine ko na naman ang bibig ni ate. Nalaman na lang nya na nakabili kami ng tv nung kakabitan na ng cable. "May tv na pala kayo sa taas" Sa loob ko Lady i just saved your ass from being envious Lol. Lahat ng bitbit ko papasok ng bahay tatanungin nya kung ano. Nakakairita na. Pinagkakalat pa nya pag wala si hubby sa bahay at kami lang ng son ko. She is seriously putting our lives in danger. Simula noon di na namin pinapaalam if out of town ang hubby ko, di niya mapigilan bibig nya. Di ko na talaga siya pinapansin pag ineenterrogate nya ako nagmumuhkha nakong bastos. Hayyay ang buhay.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #281 on: April 04, 2015, 08:33:15 am »
^ ganyan na ganyan ang family ng sister ko! My gulay! Kasi, like you sis, my mom doesnt want to cook anymore. So we just dine out. Etong MIL ni ate.." O, aalis pala kayo, anong oras kayo babalik?" One time my sister and hubby went out of the country. Mom ko tinawag para mag stay for the kids. Abah! Ang MIL!! Katok ng katok sa may laundry area. Nung pinag buksan " andito pala kayo? Akala ko, walang tao, akala ko nag check in kayo" " katok ako ng katok, nakalock ang pinto?"

Mom: oo, natural! Nasa taas kami lahat. Dapat lang naman na naka lock kami sa buong bahay di ba?

Ang engot lang talaga ng MIL! Kung tingin niya walang tao sa kabila, bakit pa siya mag kakakatok? Sino ba ineexpect nya mag bukas nun pinto kung akala nya walang tao? Mag check in man kami or what, pakialam niya? 

snowberry

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #282 on: April 04, 2015, 03:58:13 pm »
I suggest that you ignore them . Kasi pansin ko sa ganyang neighbors habang nagbibigay ka ng information, lalo sila na curious at feeling close. Don't talk to them , magsasawa din sila.

lilsaintsm0m

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #283 on: April 04, 2015, 04:40:14 pm »
^ Tumpak sis  since we just moved here 5 months ago. Hubby and I thought na theyre nice. Mapag malasakit ganun. Kaya kami ni hubby chika chika pa kami sa kanila  Nung nagtagal iba na eh.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #284 on: April 05, 2015, 08:31:35 pm »
^mahirap sis pag ang tsismosa ay ang MIL ng ate mo. Tsismosa an Inggitera pa. Family ni brother in law.how can you ignore those algaes in life that you don't really need?

17glut

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #285 on: April 05, 2015, 08:41:37 pm »
^ang technique lang naman kasi laban sa mga tsismosa at inggiterong kapitbahay ay wag kayo mag disclose din ng masyadong impormasyon lalo na sa mga purchases at mga plans nyo. Pag ganun kasi you're just giving them more reason to gossip about you. Everytime nakaka-encounter ako ng mga ganyang tao pinaiikot ko lang sila.

Usually I don't share or brag about my things out of the blue kahit sa mga kakilala ko na, tahimik lang ako, tapos pag nanghimasok na sila I lie about my answers na lang - for example, I bought home a huge ass TV tapos syempre mapupuna ng mga tao sa inyo yan at most likely magtatanong, ako pa naman medyo hilig ko mang-inis ng tao pag alam kong madali maasar, sasagutin ko na lang "ay, napulot lang namin yan" or "pinatago lang sa min yan" - mga ganung hirit ba.  ;D Pag tinanong ka rin kung san ka pupunta sagutin mo na lang ng "dyan lang sa tabi-tabi" or better yet, total dedma. That way, safe ka.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #286 on: April 06, 2015, 07:31:33 am »
^ we also keep our answers to a minimum sa maid nila ate at tingin namin maypagka.. Madaldal. May feeling kami na sa maid sila nag a ask eh. So, para wala din masabi yung katulong, di kami nag didisclose ng mga where to namin sa katulong, para pag nag ask yung kabila, walang alam yung katulong. Kasi alam namin kung gaano ka tsismosa at inggitera yung family nung asawa ni ate ( na di ko rin feel)

jidhel

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #287 on: July 03, 2015, 12:12:50 am »
Ganyan nga sila, ako neighbor KO kasi si bilas. Nalaman KO na ang dami pala sinasabi sa ibang tao samantalang okay naman kami nuon. Hinde ako nagisip ng masama. Yun pala, lahat ng kilos KO tinatawanan niya. Nagwowork kasi ako noon at Hindi talaga ako masipag sa gawaing bahay at may back problem pa ako. Kung ano lang kaya ko, madalas din kami kumain o bumili sa labas ng food. Siya kasi, house wife talaga, sa kanya na ang korona, wala along balak agawin sa kanya yun, masipag magluto, maglinis. Kinukwento nya sa ibang kapitbahay na tamad KO daw. Alam niya na may back problem ako. Nagwowork ako pero syempre nakaupo lang naman ako sa office at paguwi ko I focus on my kids with their homework kesa naman sa kanya na gawa siya ng gawa sa bahay pero ang anak niya nasa kapitbahay at ang dumi dumi. Well, since nalaman ko yun dumistansya na ako. Inggit nga talaga kasi we should not mind other people if we don't feel such kahit ba araw araw na sa labas kumakain, buhay nila yun e. Haist.

mommykoi

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #288 on: July 08, 2015, 09:06:25 pm »
deadma lang mainggit sila hanggang gusto nila

prettydefined

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #289 on: July 09, 2015, 03:48:58 pm »
Deadma lang sis. Sila naman nagkakaron kasalanan sa ginagawa nila. :) Chin up ka lang always.

chelsea1212

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #290 on: July 09, 2015, 04:05:46 pm »
Ganyan din mga neighbors namin ngayon (lumipat kami ng bahay in hopes na mas ok ang neighborhood, mukhang halos same lang pala). Anyhoo, ilang days palang kami nakakalipat eh ang dami ng tanong nung next door neighbor namin, kesyo nag wwork daw ba kami ng asawa ko since hindi nya kami nakikita umaalis gaano, malaki daw ba sweldo namin, bakit daw ang dami naming gamit, bakit daw 2 lang kami sa house etc. Ok lang naman sana kung nag-ggather lang sila ng info to get to know us or break the ice, pero naman ang mga tanong are mostly about our finances. Kaloka feeling close si tatang at manang (take note they are too old to be my grandparents na pero ganyan sila kung mag usisa). And a few hours ago, nag padeliver ako ng food from kfc, narinig ko na sinabi nung katulong nila na 'ay wow mayaman, may delivery pa' in a matutina way na ansaket sa tenga.  >:(

mikaelavhan

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #291 on: July 09, 2015, 06:18:35 pm »
sa dati namin tinirhan ,wala dedma .hindi kami ngkikita kita ng mga neighbors ko..kaya sanay na dedma lang sa mga kapitbahay.hmm dito naman sa bago naming nilipatan,ewan ko lang din,observe pa ako, hehe.yung napapansin ko, lagi nakatingin yung mga tao.weird lang.

lilsaintsm0m

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #292 on: July 09, 2015, 06:41:58 pm »
Warlaloo na kami ng neighbor namin pagkatapos niyang pakialaman ang bay area ng steps ng bahay namin. Nagsinungaling pa at ang daming negative na sinabi keso daw may nagrereklamo daw at barangay daw nagtambak sa harapan namin. Napaka inconsistent niya lalong obvious na  siya ang salarin. Sinabi na lang ng hubby ko walang may ibang pwede mangialam niyan kundi kami nanahimik siya. Lol. Its much better this way di na siya maka chismis samin nakakatawa lang everytime we go out sinisilip niya kami nakatago siya sa halaman.
Sa mga taong ganyan inggit won't get them anywhere. :)

mysterioza_me

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #293 on: July 14, 2015, 01:50:26 am »
Learn the art of Dedma. Wag pansinin ang chismis lalo na if its not true or maski true pa. Lalo lang lumalaki ang chismis kapag pinatulan. Talo ka pa din naman maski patulan or di mo patulan. Pagpinatulan mo sasabihin defensive ka kasi totoo, pagnanahimik ka sasabihin kaya ka tahimik kasi wala ka masabi dahil totoo. So why waste your energy?! Mamamatay din naman ng kusa yun

mikaelavhan

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #294 on: July 14, 2015, 02:24:53 am »
^haha natawa ako sis, sa"nagtatago pa sa halaman" .bat kaya may mga taong ganyan..

mysterioza_me

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #295 on: July 14, 2015, 06:09:54 am »
#1 Reason diyan e hindi sila busy kaya ibang bagay or tao ang pinagkakaabalahan nila. Dito sa amin 6am pa lang yung mga chismosa nasa labas na ng bahay at dun sila nagkakape. Sabi ko nga sa mom ko nun "wala ba silang dining table at sa gilid ng daan sila kumakain?" Sabi ng mommy ko pupulot lang daw ng chismis mga yun. Nagtataka ako sa mga ganung tao kasi ang daming pwede gawin sa bahay pero sila ang dami nilang freetime. Pati mga bata chismosa na, nahawa na sa mga magulang.

#2 Reason is inggit. Sabi nga nila "Kapag ang PUNO hitik sa BUNGA, binabato" So mas marami silang nakikita sa inyo mas lalo nila kayo pag-uusapan.

cupcakejane

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #296 on: July 17, 2015, 07:23:40 pm »
So far wala naman akong problem with our neighbours, it's their maids that gets on my nerves kasi they like to chika and compare with our maids.  That's the problem when you live in places like ours na we don't have separate gates kasi it's a new compound.

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #297 on: July 21, 2015, 06:07:59 pm »
In my opinion, I'd leave them be :) kasi they're jealous of you for a reason. Let them!

One of our neighbours in the Philippines, my Mum tells me, naiinggit rin daw. Their youngest moved to SG to work recently and nakakatawa kasi out of the blue daw, kinuwento sa kasambahay namin how much she's earning in a month. Natawa na lang kami ng hubby ko... he whispered to me, they might literally turn green then if they find out you make that in (x) days ;D sabay LOL! When we're in Manila kasi, we always go out, always get food delivered (my hubby) so they always see that. Of course we're gonna make the most of it since sandali lang kami nandun! I'm not sure if they think nagyayabang yun or what. Maybe they see shopping bags too when we get home? Hay mga chismosa talaga :P

marami pa kwento Mum ko but seriously, pasok sa isang tenga, labas sa kabila... I don't wanna get stressed :P you can't do anything talaga if naiinggit sila e. So just let them and live your life the way you want to

jsoberano

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #298 on: July 22, 2015, 04:33:50 am »
deadma lang din ako sis.

busy ako sa family at work.  wala lang kase sila ginagawa kaya madami oras magchismis.  as long as hindi naman major impact sa life let it pass.  sayang ang energy at worthless para masira ang araw mo.

seamans.girl

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #299 on: July 27, 2015, 03:43:25 pm »
Deadma lang sis... lalo na kung di naman totoo pinagsasabi nila. :-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close