watch now

Author Topic: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?  (Read 165729 times)

Ms. Right

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #260 on: January 05, 2015, 12:59:58 am »
Hindi ko sila pinapansin  ;D Pag nasasalubong ko at tinititigan nila ako, tinititigan ko rin sila. Sila naman yung nagkukusang umiwas ng tingin pag ganun. Pag tumataba ako, lagi akong buntis sa mga chismis nila. Mga sadyang wala lang talaga silang magawa sa buhay at wala akong planong gumaya sa kanila.

alice_alice

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #261 on: January 05, 2015, 02:31:56 am »
Hay nako yung kapitbahay namen hobby na magikot sa mga bahay bahay para tsumika mismong yung mga kasambahay na sa ibang bahay ang lumalapit sa mommy ko para isumbong ang mga tsinitsismis nung kapitbahay namen. My goodness!

zelda

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #262 on: January 05, 2015, 06:23:58 pm »
If alam kong chismosa yun neighbor, I don't befriend him/her. Tama na yun casual na batian and kwentuhan (about weather, pets, paglilinis etc) but I never share anything personal.

Alam kong some of them want to know more about my family pero sorry di kasi kami magka-wavelength. hehe

freelancer_babe

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #263 on: January 05, 2015, 08:38:22 pm »
^ Ditto.

Good thing pare-pareho tayo ng approach when it comes to having such neighbors.

I am not really after chismis. Not even in the office. Kahit ako pa pagchismisan I don't really feel affected - except siguro kung damaging ang tsismis. Pero huwag ko naman sana ma-encounter.

traxxex21

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #264 on: January 07, 2015, 06:20:58 am »
1. Kalalaking tao ng kapitbahay namin chismoso, .. laging sa harap ng gate namin nagkakape (we're in a village, katapat lang ng house namin [textspeak!] house nila).
 Deadmatology lang siya sa amin (except for my father, friend nya kasi). As in d namin siya tinitignan at all. :)

PS. Buti nalang wala ako nung nahuli siya ng mother ko na nag iigib sa garage namin kungdi nakatikim siya ng salita..

share ko lang ha.. eto kasi tong ex best friend ko.. kung ano meron ako.. at ginagawa ko.. ganun din sya..komo nga gerd and migraine na meron ako, biglang meron din sya.
2. Si Ex- Best friend na ms. know it all, napahiya ko this new year celeb lang... I was in recruitment before sa isang bpo company and i mentioned na nahihirapan ako minsan mag hanap ng may mga hard to find skills or yung mga six sigma. Si ex-Bessy din daw nahihirapan mag interview ng may six sigma and mag tatake din daw sya nun (she's a call center agent btw). I told her that she is lucky to interview and have a privilege to earn the belt. Then I asked her what specific project level she is interviewing for six sigma... she mentioned 2 belts daw. specialist project level.
Napataas ang kilay ko.. sabi ko nalang diba dapat mga black, green, master black etc? sabi ba naman sakin.. hindi daw nya sure..basta six sigma daw dapat
sabi ko nalang.. that's weird.. mag iinterview ka ng d mo alam kung a no ibig sabhin ng mga belts na yun..

walk out ang lola mo hehe

Ihadelaluna

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #265 on: February 18, 2015, 05:17:02 pm »
i got something really special for those, something that they will never forget.

mommylyn

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #266 on: February 25, 2015, 03:21:34 pm »
ako hindi ko na lang pinansin. pero it hurts kasi hindi namin sya kapitbahay. kasama talaga namin sya sa bahay at kamag-anak pa. Nakasama namin ng ilan taon tapos bigla mo lang malalaman ang dami pa lang sinasabi tungkol sa family namin tas puro hindi pa totoo! kaya pala ganun yun mga tingin ng tao sa paligid namin. kagigil lang! sarap jombagin! grrrr!

FayeP

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #267 on: February 26, 2015, 02:09:29 am »
best way to deal with them? wag sila pansinin...mamatay sila sa inggit at kakachismis...

tjmax

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #268 on: February 26, 2015, 07:18:27 pm »
wag pansinin at inggitin pa lalo. ;D

ghye

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #269 on: February 27, 2015, 09:43:04 am »
I just ignore what they are doing.  Mahilig sila tumambay sa harap ng bahay namin. I just smile to them pag dinadaanan ko sila.

mebpa

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #270 on: February 27, 2015, 09:55:57 am »
practice the art of deadma. if they are asking you something or they want to confirm things with you, just smile.

nicola_juliano

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #271 on: February 27, 2015, 11:11:30 am »
The worst thing is, on the day of my wedding day, she has a face para magtanong sa mom ko about my sister's situation if ganito if ganyan ay ganito ay ganyan. My sister has a complicated relationship right now. Grabe! Walang patawad huh!

freiavida

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #272 on: February 28, 2015, 07:45:20 pm »
Kapitbahay din namin chismosa. At hindi lang chismosa, ganid pa at yung tipong hindi baleng wala siyang mapala basta ikaw wala ka ring mapapala. Ganun mentality niya. Hindi ko alam anong word para dun. At tsaka mayabang sobra.

Hindi ko pa siya nahaharap, kasi mas matanda siya sakin. Mom ko ang me mga subtle revenge sa kaniya haha. Yun bang hindi head on pero yung mga alam niya maiinis yun pero walang magagawa ganon...


vic219

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #273 on: February 28, 2015, 10:33:53 pm »
deadma lang, at higit sa lahat wala akong paki ;D

FayeP

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #274 on: March 04, 2015, 02:37:14 am »
naalala ko may isa ako neighbor last year lang ito nun nagpakabit kami ng cignal TV...

ganito iyon: nagpakabit kasi kami ng cignal, so while the technician was in our garahe, installing the dish, bumili itong si neighbor (let's call her neighbor #1) sa katabi namin na sari-sari...so she asked, "kuya may internet ba yan?"
sagot ng technician, "wala po, cable lang, satellite cable"...she asked me kasi nasa may pinto ako, "magkano kuha mo? 500?", sagot ako, "un plan na 990 kasi may mga cooking channel"...

tapos bigla nya sinabi sa technician, "kuya pagkatapos mo jan, daan ka jan sa kin kabitan mo din ako, jan ako sa unang bahay, color peach na pintura"...so umoo un technician...

Eh di natapos sakin maginstall, at sa kanya naman pumunta un guy...after two hours, humahangos un neighbor namin na isa pa (neighbor #2), taga kabilang side ito....sabi sakin "FayeP, pahiramin mo nga ako ng 3K kasi itong si ate neighbor #1, nanghihiram sakin, nagpakabit ng cignal eh kelangan pala ng installation fee, wala naman ako cash dito"...sagot ko, "nagpakabit si ate neighbor #1 eh di nya tinanong muna kun may babayaran?"...apparently hindi nya tinanong...kaloka wala pala cash pambayad eh mega pakabit....

inggitera kasi un neighbor #1, kun ano meron sa kapitbahay, kelangan cya din...kun may bagong ref, or furniture un isa, bibili din cya di makuntento...

newsoul

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #275 on: March 06, 2015, 12:51:55 pm »
deadma and pray for them  ;)

jidhel

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #276 on: March 07, 2015, 11:26:02 pm »
Ang sarap lalo inggitin ng mga taong ganito. Sarap pang simpleng barahin pag nagtatanong para makasagap ng ikukuwento.

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #277 on: March 08, 2015, 09:19:57 am »
Titingin pa ba ako sa iba? In laws lang nila ate sa kabilang bahay..  Lol!!  Pero tama ang sisterette natin dito. Ang sarap inggitin lalo mga taong inggitera.:) tanong ng tanong sa katulong ang schedule nila ate sa mga lakad. Di mag intay na ikwento ng anak nila sa kanila ang mga gusto nila malaman. Lahat na lang, gusto malaman! Blow by blow account. Kailan ang dating, saan pumunta, kailan ang uwi. Kung di sinabi, magtatanong sa katulong. Di ata naisip na siguro since di sinabi sa kanila, eh... Ayaw ipaalam sa kanila ang lakad na yun? Kailangan lang talagang uriratin ng pamilya ng lalake ang mga lakarin nila.

sweetyrOse

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #278 on: March 10, 2015, 04:07:19 pm »
Para sa mga tsismosa inggitera isama pa ang mayabang for me dedma but sometimes nakakainis din lalo na pag lalabas ka then makikita mo sila nagkukumpulan as in,kaya I prefer magstay sa house kesa makipagfriend ako sa kanila.And I pray also to control my emotion,anyway isipin  ko na lang walang magawa sa life nila so let them be.

Se7en8ight

  • Guest
Re: How do you deal with tsismosa/inggitera na kapitbahay?
« Reply #279 on: March 12, 2015, 10:00:24 pm »
Kapitbahay din namin chismosa. At hindi lang chismosa, ganid pa at yung tipong hindi baleng wala siyang mapala basta ikaw wala ka ring mapapala. Ganun mentality niya. Hindi ko alam anong word para dun. At tsaka mayabang sobra.

Hindi ko pa siya nahaharap, kasi mas matanda siya sakin. Mom ko ang me mga subtle revenge sa kaniya haha. Yun bang hindi head on pero yung mga alam niya maiinis yun pero walang magagawa ganon...



Freiavida, iisa lang kaya tong neighbor na kinaiinisan natin? Hehe. Minsan nate-temp narin akong sabihang, "It's rude to stare, y'know?". :D Di nalang ako lumalabas kasi di ko gusto mga ugali.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close