@ato - hi! naiinitindihan ko yung gusto mong sabihin, sisingit lang ako hehe. kung nag-mail na yung bf mo ng papers nya, 6-8 weeks lang may result na yun. ganun kasi sa kin dati, after 2 months may schedule na ko for interview. yung medical and interview after a month pa naman. after the interview, yung visa ko dumating after 2 days. 6 months lang valid yung visa. so sa case ng bf mo, kung walang delay, let's say by april may sched na sya for interview on may or june.
so hindi kayo pwedeng magpakasal kasi yung catergory nya unmarried. dapat pag dating nya sa u.s. single pa rin sya. mabilis naman yung green card pagdating nya dito, kahit after 1-2 months pwede na syang bumalik dyan basta may green card and ssn na sya. pwede na kayong magpakasal by that time. balik sya ulit dito para i-file yung petition. yung citizenship kasi after 5 years pa pwede yun. dapat dito sya nakatira at least 3 years out of 5 years of residency.
tama yan, konting research and tanong ka lang dito. mahirap mag-rely sa sabi-sabi. siguro mas ok i-move nyo muna yung wedding. sayang kasi yung magagastos nyo. ok rin try mo mag-apply ng tourist visa. basta wag mong sasabihin na may bf ka na resident o balak nyong magpakasal. good luck.
hi sis misao, thanks a lot for your reply. Naku na sad ako, ganun ba? So sis sa tingin mo, sa case ni h2b, within the year kaya e safe na sabihin na push na namen yung wedding? MGa kailan kaya safe and best ilipat yung schedule? Ang akala kasi niya, base sa sinusundan niya sa processing ng petition ng parents niya before, after nya maipasa yung biographic, by march mabibigyan na siya ng schedule ng interview. (Ilang beses ba ang interview sis?) Tapus medical na siya. After niya makuha visa niya, lipad agad siya dun for 2-3 weeks lang daw siya dun para lang daw ma test ba niya o talagang i validate yung status nya dun as immigrant. After so, balik na siya dito which really ang target namen talaga ma push yung june 4 wedding. Why? KAsi 32 na ako sa august

and really wanted to have a baby na, alam mo naman sis yung risk pag nag 30 na ang babae, ang talagang gusto na namen. Linawin ko lang sis, pasensiya na, hirap na hirap kame talaga kumuha ng sagot sa mga tanung namen, I hope ma tulungan ako ng mga sis dito with the same case o kaya naman may knowledge on this.
1. pag dating na pagdating nya ng US can he file na agad yung green card application nya at ssn? kaya nya ba yun maayos at makuha in 3 weeks? Or pwede ba na dito na niya sa manila antayin yung pag grant nung green card at ssn nya?
2. Sabi mo sis, 6 months ang validity ng visa niya, so meaning dapat lipad siya within the validity period, e kung 3 weeks lang muna siya dun at babalik siya ule ng manila, gaano katagal siya pwede mag stay dito sa manila bago uli pumunta dun? sorry sis a, I feel so stupid, talagang wala akong alam po e. MAlaki kasi ang responsibility ni h2b sa office, siya kasi ang general manager so hindi rin ok na basta niya iiwan.
3. So meaning sis pwede lang niya i file ang spouse petition niya after nya makuha yung green card at ssn niya? Hinde uubra na pag lipad niya dun nung 3 weeks e i file na din niya agad yung petition?
4. Sis, gaanu po ba katagal ang processing ng spouse visa petition kung immigrant o green card holder lang ang petitioner? MAy nabasa ko 4-6 years daw, tama ba yun? Is there anyway mapabilis ang processing?
5. Last po for now, sorry talaga. Kung immigrant siya, pwede naman siya na mag work sa us, anung allowed months of stay niya sa us at sa manila if ever gusto niya mag uwian muna habang inaantay namen na makasama na ako sa kanya. Tapus if ever pagbigyan kame ni Lord na magka baby agad, hiwalay pa ba yung petition ko at ng bata?
Thank you so much sis, well appreciated po talaga sa mga magiging sagot niyo. Bahala na po si Lord mag sukli sa kindness niyo.