nagbackread ako, eto yung mga nabasa kong pointers ng mga sis natin dito gusto ko din kasi mag-apply diyan matagal na kaso naiintimidate ako pag naririnig ko na yung job experience kasi wala pa talaga ako experience sa trabaho kaya I never tried to work here kaya sad lang pag yan din pamantayan (understood naman) and also yung height ko eh pang petite talaga ayun mas lalo akong naintimidate mag-apply ng trabaho hehe.... pasensya na kayo kung nagtake note na ako dito kaya mahaba na itong post ko....
maria_fides - January is the best month to apply kase minsan may mga bagong ship na nilalabas nila umpisa ng taon. Ako nag-start sa Magsaysay. Ok ang mga ships sa Magsaysay sis kung beginner ka, dun talaga ako natuto. If sa Casino ka naman di importante ang experience pero MAS advantage kung meron May mga trainings din kase sila kung talagang baguhan ka. (December 22, 2007, 10:34:02 am)
chelly_asia - nowadays ang alam ko sa mga training fee nila umaabot ng more than 10k complete training na yun ha. January 01, 2008, 02:33:14 pm
bzmom - yes me height limit atleat 5'4 sa female/5'6 male applicant, height & weight must be proportion, pleasing personality and hotel experience is a big +, following trainings/certs must be obtained if u are interested to apply sa pax ship
1. passport (atleast 15 months validity)
2. bst or bsc w/ pssr (bout 5.5k)
3. upon holding bsc cert u must apply also sbk from marina-rqmnts are bsc, nbi & cav w/c can be obtained frm ur school
4. also u must take crowd & crisis mngt trainig cert (bout 3.5k)
dami ding training centers available, pm me to send u some
also not only magsaysay, dami ding other seabased agencies na open for application only that magsaysay give free trainings if u qualified sa requirements nila
and dont worry very safe po magwork sa cruise ship di cila pwedeng bumiyahe and magsakay ng pax if they dont pass the regulations
some pointers lang po yan to give u ideas on applying on a cruise ship, working din kace ko sa shipping agency
betty - saan puwede mag-apply? singa ship management,dolphin, ptc,magsaysay - February 15, 2008, 02:28:09 pm
betty - paano pag walang job experience?? - training ang kailangan mo kung wala kang job experience related sa hotel industry. meron naman atang art gallery ang ibang ship pero syempre expert na yung mga nandun. - February 22, 2008, 01:55:30 pm
Berna - contact details ng Magsaysay - COntact details :
http://www.magsaysaycareers.com/ContactUs.aspx - (nacheck ko itong link pero wala so try nyo na lang din etong link
http://www.magsaysaycareers.com)
ANdito lahat ->
http://www.magsaysaycareers.com/HomePage.aspxFebruary 22, 2008, 03:41:00 pm
cometkeiss - sisses saan nag aapply for cruise ship jobs? required ba mag undergo ng training sa mga baguhan? - April 21, 2008, 04:37:12 pm
diyohnah - yes..i heard u need to take BSC or Basic Safety Course..does anyone know if it is different from SOLAS (Safety of Life at Sea)? - April 27, 2008, 12:40:24 pm
bzmom - Quote from: sonncza on February 29, 2008, 08:50:33 am
how to apply for magsaysay pala? will i be needing a seaman's book or something? coz my friend told me that i might be needing those requirements a, another one is costa? [textspeak!] mag requirements ba? coz i dont have job experience pa e
maraming agency nag offer ng free training upon your lined up (ibig sabihin pag natanggap ka na) isa na dun yung magsaysay, so its not necessary na kumuha ka agad ng trainings dahil bsc palang is 5k or more depende sa training center pa yun ha, prior ka makakuha ng sbk is to have a bsc training, pag mag apply ka sa magsaysay din sila mag assign kung sang ship ka ilalagay, marami kace silang pax ship eh kasama na dun yung costa - June 19, 2008, 10:02:04 am »
sandraa - for those people who are interested to enroll in magsaysay for housekeeping/f&b/cabin steward i suggest you enroll na lang sa GLS Training Center kasi mas mura. same lang tuturo and duration time ng training. Sabi ng sister ko kasi nag aaral sya sa MICAH(Magsaysay) nasa 50K ang fee ng hospitality course for 2 months yun then after ikaw pa mag hahanap ng hotel mo for OJT. e sa GLS 6 days lecture then 45 days training sa century hotel which is good kasi affiliated na sila sa 5 star hotel which is Century Park Hotel. The fee is 3900 lang for housekeeping/f&b/cabin steward...lahat yun ituturo sa 6 days lecture then after almost 2 months na training sa hotel. mas ok kasi hindi ka na mag aaply sa iba't ibang hotel para mag ojt. hope this help!:) - February 11, 2009, 11:14:26 pm
chrisjbond007 - helow po...bago lang po ako dito
maraming makukuha mga tips dito in working in a cruise ship ngayon ko lang xe na discover 2, me isshare lang po mga sis, gusto xe mag train regarding hospitaility industry nag inquire po ko sa MIHCA ng mga courses mxadung mbbgat fees 50k na pinakamababa ndi biro magbitaw ng ganung pera ngayon kay nag hnap pa ko ng mababa, na discover ko midland plaza dun pala maraming nagoofer ng training, i think mga 4-5 training center napagtatanungan ko dun, nag decide me sa GLS mag enroll bale 3900 fee me 1week lecture at 45 days sa hotel pang 4th day ko po ngayon ok nman lecture xe ang nagtturo mga ex/retired manager mga nagtuturo, plusowner ex hotel employee din kya alm nila ng ang kalakaran ng hotel/ship. nung una nag doubt ako xe unlike mihca kilala na sya no doubt sa credibility nila, pero ngayon na prove ko worthit binitawan kng 3900 good thing ndi after training ndi m na kelangan maghanap ng OJT place xe sila mismo maghhnap pang 4th day ko pa lang me OJT place na sa century park hotel ndi na ko nahrapan magpsa ng resume kng saan saan at mganda pa 5star hotel, [textspeak!] nila mejo mahgpit sa century park sa pagpili ng OJT trainee pero if ever na hndi ka mapili me iba pa silang hotel like manila pavillion at hyatt bsta ang bagsak ng OJT m sa 5star hotel lang ayun,,,.bsta maipasa mo reuirements na kelangan para habang nagllecture ka nkkpagcoordinate na sila sa mga hotel para after lecture dretcho na sa OJT, mga clasm8 ko dun ngayon mga nirefer ng mga nagwowork na ngayon ngayon sa ship kasi dun din sila nagtrainingin, one thing nga pala sila magbibigay ng position mo sa ojt if matangkad sa f na ba eh ako kulang sa height housekeeping ako napunta hehe sana po nakatulong shinare ko - June 12, 2009, 12:42:09 pm
YEHEY meron ako nakitang kapareho ko ng height YIHEEE
^Vain_Chiq^ - I'm only 4'11 and luckily I got in.Assistant waitress me before but i transferred to officers mess kasi super hirap magbuhat ng oval tray na andami daming laman na plates.Anyways I got the usual way,nagpasa lang me ng resume and got interviewd and luckily nakapasa. Usually kasi sa ganyan palakasan satin eh.yung me kakilala ka dapat sa agency.pero proud ako that I got in kasi pinaghirapan ko.The bigger the ship mas grabeng trabaho kaya wag nyo na pangarapin pa magwork sa malalaking ship.By the way asst.waitress dito sa company ko is pumapalo ng 2-3k euros yan mga day ah!Kaso pressure lang talaga kaya diko kinaya. - July 18, 2009, 03:21:06 am
maria_fides - koi: yup,pwede walk in sa Magsaysay,kase walk in lang ako before eh. Basta ang sa admin sis,receptionist yong pinakababa pero it doesn't mean na sobrang baba ang sahod ha,nasa 1K + na yon which is good pay na yon sa mga first timer,pero depende pa rin yon sa cruise line na sasampahan mo,kase iba iba ang rate eh. May mga training officer din naman sa mga cruise ship,mas ok sis pagka nakavisit ka sa mga manning agency mas alam nila kung san ka ippwesto. - December 07, 2009, 04:54:27 pm »
^Vain_Chiq^ - Quote from: iluvescadasport on December 27, 2009, 01:33:18 pm
out of curiosity lang, lahat na nagtratrabaho sa cruise, they have seaman's book and kailangan ba magregister sa POEA since they're working abroad?
Yup.they need seamans book and need din magregister sa POEA.
Regarding dun sa side activites,yes me CCTV camera lahat ng public area pero once naman nagbihis na ang crew ng civilian clothes,di na malalaman ng security kung passenger yan o crew not unless talagang ireview nila.Kung walang magcocomplain na passenger walang magiging problema. - January 01, 2010, 11:44:52 am
strawberryfieldsforever - agencies:CF Sharp - Intramuros infront of Manila Cathedral (mga Norwegian Cruise Lines/NCL)
UPL - Intramuros near fire station (Mga Holland American Line)
PTC - sa Makati near Post Office at Fire Station din (Royal Carribean Cruise Line/RCCL tsaka Celebrity Cruises)
Star Cruises sa tapat ng NAIA terminal 3 near Marriott and
Magsaysay - Kalaw infront of Luneta (dami dito: Princess Cruises/AIDA/P&O UK and Australia/Star Cruises/Costa Crociere)
basta sa passenger maliit lang sahod at 11hours/7days a week ang work pero masaya nakakapagtravel pag break time or 7hours off. isa pa dami temptation kaya ok magwork pag single kasi pag may asawa na baka maagawan pa ng asawa. based from other experience din kasi. nagwork na ako before sa cruise ship e nahirapan ako kasi liit ng sahod hirap pa trabaho. tapos yung ibang waitress nagiging pokpok para lang kumita ng pera (i'm just saying the truth) pero nasa tao naman yan either enjoy it or kapit sa patalim January 15, 2010, 09:17:01 am
kwinchesters - GLS Training contact #- 526-5813Wala talaga sila website sis. By July pako maka-enroll sa kanila kasi dami pako gastos this coming month.
Pwede pa kaya yung age ko as cabin stewardess, im 27 y/o married. No related experience sa housekeeping. February 17, 2010, 03:29:15 pm
maria_fides - Try nyo po sa Magsaysay,kase tumatangap sila ng trainee,medyo mababa nga ang sahod pero magandang experience yon... Reminder lang po: walang placement fee pag sumampa ka sa barko...Merong principal lang na binabayaran ng crew ang airfare nila, yong ibang nghihingi ng placement fee yon yong mga manning agency na patago ang kuha ng pera sa mga paalis na crew..may mga ganon paring agency ngayon pero as per POEA,wala talaga dapat. - April 23, 2010, 06:18:40 pm
....since mukhang busy na yung mga sisses na nagbigay ng mga tips kaya eto ayan na lang galing sa kanila...