watch now

Author Topic: Cruise Ship Jobs  (Read 296401 times)

maria_fides

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #240 on: December 07, 2009, 04:54:27 pm »
koi: yup,pwede walk in sa Magsaysay,kase walk in lang ako before eh. Basta ang sa admin sis,receptionist yong pinakababa pero it doesn't mean na sobrang baba ang sahod ha,nasa 1K + na yon which is good pay na yon sa mga first timer,pero depende pa rin yon sa cruise line na sasampahan mo,kase iba iba ang rate eh. May mga training officer din naman sa mga cruise ship,mas ok sis pagka nakavisit ka sa mga manning agency mas alam nila kung san ka ippwesto.

koi1028

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #241 on: December 07, 2009, 05:33:06 pm »
sis, sa magsaysay, may manning agency sila?
sge... mag walk in ako sa kanila... thanks sis fides!!!!

maria_fides

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #242 on: December 07, 2009, 06:13:24 pm »
Sis koi, Magsaysay is a manning agency. Ok poh,goodluck!

like_bree

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #243 on: December 07, 2009, 06:17:14 pm »


sis maria_fides,

pwede paki-brief kung pano process maging seacruise worker? kasi cpa ako, 15 years na work experience ko..and i want to shift to cruise ship kasi promising ang pay, di ko kikitain dito sa pinas.. thanks in advance.

ms.vanity

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #244 on: December 21, 2009, 01:50:05 am »
I want to apply as a singer sa cruise.. uhh. pano kaya? i'll just go to magsaysay ganun? pa interview and then pag pinalad ok na training na? kelangan ba dun matataas ang grades mo nung college LOL  ;D

chelsee

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #245 on: December 22, 2009, 09:04:26 am »
Pakibigay naman mga name ng agency para mapuntahan...thanks

ms.vanity

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #246 on: December 22, 2009, 02:11:56 pm »
ask ko lang pag mag apply ba nang front desk officer kelangan may experience na agad or mag try na muna kung makukuha den tsaka mag training?  if ever need nang training, anung specific training ang kelangan for front desk officers? thanks sa sasagot

iluvescadasport

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #247 on: December 27, 2009, 12:30:28 pm »
If target ko sa cruise ship, kailangan ba may background? Or they will train you?

Also, may parang placement fee ba or something?
« Last Edit: December 27, 2009, 12:35:00 pm by iluvescadasport »

iluvescadasport

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #248 on: December 27, 2009, 01:33:18 pm »
out of curiosity lang, lahat na nagtratrabaho sa cruise, they have seaman's book and kailangan ba magregister sa POEA since they're working abroad?

stameygirl

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #249 on: December 28, 2009, 09:25:15 pm »

sis betty: may cousins ako na nagwowork before sa barko then nung nagasawa na sila na dun din nila nameet husband nila [textspeak!] na sila nagwork, kwento nya meron daw talaga dun sa sobrang homesick sila sila nalang tuksuhan hangang sa nagkadevelopan, karamihan naman daw ng mga single tinatangap yung offer ng mga guest na extra activity, so extra earning. ;D

Tolerated daw ba ng management yung extra activities kc I'm sure aware ang management. May CCTV sa halos lahat ng public areas ng ship di ba? So alam kung who is entering what room. Or do they have to bribe yung CCTV security not to squeal on them?

^Vain_Chiq^

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #250 on: January 01, 2010, 11:44:52 am »
out of curiosity lang, lahat na nagtratrabaho sa cruise, they have seaman's book and kailangan ba magregister sa POEA since they're working abroad?

Yup.they need seamans book and need din magregister sa POEA.

Regarding dun sa side activites,yes me CCTV camera lahat ng public area pero once naman nagbihis na ang crew ng civilian clothes,di na malalaman ng security kung passenger yan o crew not unless talagang ireview nila.Kung walang magcocomplain na passenger walang magiging problema.

^Vain_Chiq^

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #251 on: January 07, 2010, 08:47:15 am »
Mga sis ko na seafarer katulad me can you suggest me other agencies?OK nman sa agency ko kaso me bago kasi ruling na hindi ko nagustuhan kaya I'm planning to transfer sa ibang company.Gusto ko rin magpalit ng purser position.Thanks.Mwaah!

sweet25

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #252 on: January 07, 2010, 03:33:22 pm »
hi mga sis may age limit ba sa cruise and strict ba sila sa height kahit sa admin/office work ang aaplayan?

strawberryfieldsforever

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #253 on: January 15, 2010, 09:17:01 am »
agencies:

CF Sharp - Intramuros infront of Manila Cathedral (mga Norwegian Cruise Lines/NCL)
UPL - Intramuros near fire station (Mga Holland American Line)
PTC - sa Makati near Post Office at Fire Station din (Royal Carribean Cruise Line/RCCL tsaka Celebrity Cruises)
Star Cruises sa tapat ng NAIA terminal 3 near Marriott and
Magsaysay - Kalaw infront of Luneta (dami dito: Princess Cruises/AIDA/P&O UK and Australia/Star Cruises/Costa Crociere)

basta sa passenger maliit lang sahod at 11hours/7days a week ang work pero masaya nakakapagtravel pag break time or 7hours off. isa pa dami temptation kaya ok magwork pag single kasi pag may asawa na baka maagawan pa ng asawa. based from other experience din kasi. nagwork na ako before sa cruise ship e nahirapan ako kasi liit ng sahod hirap pa trabaho. tapos yung ibang waitress nagiging pokpok para lang kumita ng pera (i'm just saying the truth) pero nasa tao naman yan either enjoy it or kapit sa patalim

^Vain_Chiq^

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #254 on: January 15, 2010, 08:59:36 pm »
^hi sis.thanks for the listing.Anyways,ask ko lang if anybody has taken the NAC here?Pinapakuha kasi me ng agency ko,hingi lang sana me ng tips and advices [textspeak!] ano itatanong.Natatakot kasi ako me mga bumabagsak daw kasi. :(

NurseVaj

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #255 on: January 21, 2010, 12:47:05 pm »
hi ask ko lang... im a nurse and nag train ako to be a maritime nurse under TESDA for 2 months together with SOLAS and everything... im wondering kung may hiring ba na cruise ship that needs a nurse.. usually ba ilang nurse sa isang cruise ship... do u experience na ba na mag karoon ng filipino nurses sa cruise nyo?? i have a hospital experience already 2 yrs at makati medical center pero medical surgical area lang, kasi nakikita ko sa requirements nila kailangan 3 yrs and special area ang kailangan like ICU ER and OR... :'(

super hopeless na kasi ako and i really want to work in a cruise ship pls.. help...

maria_fides

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #256 on: January 22, 2010, 07:49:36 pm »
^hi sis.thanks for the listing.Anyways,ask ko lang if anybody has taken the NAC here?Pinapakuha kasi me ng agency ko,hingi lang sana me ng tips and advices [textspeak!] ano itatanong.Natatakot kasi ako me mga bumabagsak daw kasi. :(

Sis vain,alala ko lang ha,yong NAC ko sa crowd & crisis yong agency ko na ang nagprocess,yong BSC ko naman ganon rin tapos pinapunta nalang kami sa POEA tapos may isang Captain don na nagaask ng question about lang din sa BSC,parang same lang sa mga safety exams sa ship sis,ganon lang...wag ka kabahan,madali lang naman.

maria_fides

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #257 on: January 22, 2010, 07:54:50 pm »
hi ask ko lang... im a nurse and nag train ako to be a maritime nurse under TESDA for 2 months together with SOLAS and everything... im wondering kung may hiring ba na cruise ship that needs a nurse.. usually ba ilang nurse sa isang cruise ship... do u experience na ba na mag karoon ng filipino nurses sa cruise nyo?? i have a hospital experience already 2 yrs at makati medical center pero medical surgical area lang, kasi nakikita ko sa requirements nila kailangan 3 yrs and special area ang kailangan like ICU ER and OR... :'(

super hopeless na kasi ako and i really want to work in a cruise ship pls.. help...

Yes sis karamihan na nurse namin eh mga pinay...Try ka lang apply apply sis, malay mo makalusot ka diba,may experience ka naman, may kilala nga akong nurse onboard na 1yr nga lang experience nya as a nurse,pero ang ginawa nya sis--tip lang--nag-cabin stewardess sya muna,then onboard nag cross training sya sa hospital as a nurse, kaya ayon na-abasorb sya nagustuhan ata yong effort nya...Try & try lang sis..goodluck.

maria_fides

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #258 on: January 22, 2010, 08:04:54 pm »
agencies:

CF Sharp - Intramuros infront of Manila Cathedral (mga Norwegian Cruise Lines/NCL)
UPL - Intramuros near fire station (Mga Holland American Line)
PTC - sa Makati near Post Office at Fire Station din (Royal Carribean Cruise Line/RCCL tsaka Celebrity Cruises)
Star Cruises sa tapat ng NAIA terminal 3 near Marriott and
Magsaysay - Kalaw infront of Luneta (dami dito: Princess Cruises/AIDA/P&O UK and Australia/Star Cruises/Costa Crociere)

basta sa passenger maliit lang sahod at 11hours/7days a week ang work pero masaya nakakapagtravel pag break time or 7hours off. isa pa dami temptation kaya ok magwork pag single kasi pag may asawa na baka maagawan pa ng asawa. based from other experience din kasi. nagwork na ako before sa cruise ship e nahirapan ako kasi liit ng sahod hirap pa trabaho. tapos yung ibang waitress nagiging pokpok para lang kumita ng pera (i'm just saying the truth) pero nasa tao naman yan either enjoy it or kapit sa patalim

50% agree ako sis, pero 50% naman naniniwala ako na marami parin naman matino na seawoman,depende lang talaga sa pagka tao mo at sa takot mo sa Dyos...At sayo ko lang narinig sis na liit lang ang sahod or siguro depende sa position natin,for me kahit magreretire na ako sa pagbabarko sobrang happy ako na naging seafarer ako dahil dito natupad ko lahat ang gusto ko para sa family ko,I started receiving $387 up to reaching $4000+ a month,tyaga lang siguro talaga,coz I believe sa lahat naman ng paghihirap natin may ginhawa talaga...

Kudos to all seawoman na pilit magpakatatag sa loob ng barko! And I'm still encouraging those sisses here na pagpatuloy nyo lang yong paghuhunt ng job to work in cruise ship,kaya nyo yan sis, kaya nga namin diba...kaya go,go,go lang po! hwag madiscourage,kase pinagdaanan rin yan ng karamihan samin..Goodluck!

strawberryfieldsforever

  • Guest
Re: Cruise Ship Jobs
« Reply #259 on: January 23, 2010, 01:58:29 pm »
@NurseVaj: hindi ko pa kasi natatry ibang agency kung tumatanggap sila ng nurse kasi karamihan ng nasa medical center namin british or american. may dentist kaming pinoy at masahista sa spa. try mo sa mga agency kung may hinahanap sila

@maria_fides: oo naman meron namang iba talaga na may dangal at takot sa diyos. ako nagsimula ng $405 bilang cook. kaso hindi na ako makapagsideline kasi ang oras talagang ginto yung break time nilalaan ko na lang sa pagtulog o kaya kung maganda yung port lalabas na lang ako..depende din kasi sa trabaho yan kung waiter/waitress, cook tsaka mga tigahugas ng kaldero at pinggan basta sa galley o resto nagwowork madalang ang pahinga pero pag mga kabinista madalas nakakalabas at may sideline pa yung mga casino dealer gabi lang sila nagtatrabaho kaya buong araw libre sila. pero natutuwa ako kasi yung mga lugar na pangarap ko puntahan napuntahan ko na. gusto ko pa sana magbarko pero ibang line ng work cross-train ng receptionist pero ayaw na ng asawa ko kasi magkakaanak na kami kaya ako na magaalaga ng baby tapos sya barko parin pero sa cargo na bilang chief cook. at least mas malaki kita

 

Latest Stories

Load More Stories
Close