watch now

Author Topic: Pet Peeve sa kalye  (Read 134455 times)

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #280 on: August 23, 2011, 12:01:47 pm »
^ wala rin akong choice sis eh, kahit pigain ko naman yung manong alam kong wala ring mangyayari, much as I want to teach him a lesson alam kong ako lang ang mapeperwisyo pa lalo and masasakitan ng ulo. 

Actually madami naman naghahabol din sa kanila and madami ding responsable naman to pay, pero yung mga medyo feasible din lang for them. Hindi na ata magbabago sitwasyon ng kalye dito satin sis, kaya nga importante din talaga na kuhaan ng insurance ang mga sasakyan natin.

strawberry

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #281 on: August 23, 2011, 12:37:54 pm »
talo talaga kapag public utility vehicles ang naka banggaan mo sa daan. altho hindi ko pinalampas ang isang pedicab driver. nahagip nya ang front bumper ko. natanggal kaya!! at ako pa daw ang may kasalanan. buti nalang may pulis along that area. pina access ko ang tama sa bumper ko. tas the pulis advised me to negotiate with the pedicab operator. hindi daw natututo mga pedicab drivers na yan kasi nga hindi sila pinababayad. ambait ng pulis kasi sinamahan pa nya ako to the nearest barangay. tas i settled the issue with the pedicab operator. pinabayad ko ng one thousand. half half nalang kako kami sa gastos. 2k din magpagawa ng bumper noh   :-\

actually, kung umamin lang ang pedicab driver na kasalanan nya at kung nag sorry lang sya, papatawarin ko naman without demanding that he pay me 1k. kaso ako na naperwisyo, ako pa sinisi at ako pa ang gagastos. ano sya, sinuswerte?!?  >:(

tiggerlily

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #282 on: August 24, 2011, 02:39:57 pm »
hay nako. kaya ayaw magdrive dito ng mga taong nakapagdriver na sa ibang bansa e. lalo na yung mga pinoy na dun na natuto magdrive. pagdating dito either mababangga or mahuhuli ng pulis. isipin nyo na lang we are considered the best drivers in the world kasi defensive tayo magdrive.

nakaka-HB paminsan pero nakokontrol ko naman. di na ko pwedeng magmura in the car to let off steam kasi for sure kasama ko ang preschooler ko sa car seat. ginigitgit ko na lang din sila kapag ginitgit ako.

may pedicab din before na nagasgasan yung sasakyan namin. wala daw syang pambayad. in-impound ng papa ko yung pedicab nya. tapos ibinenta namin.

maswerte lang ako at pickup ang sasakyan ko. hindi masyadong nagigitgit kasi malaki rin. kaya kapag kotse ang gamit ko parang nalulunod ako.

annd

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #283 on: September 11, 2011, 01:05:30 pm »
sa sobrang lakas ng busina ko, pinapalit ko kasi, sa 5x a week ako nagdadrive, mga 3/5 ang mura sa akin sa isang linggo.
bakit? dahil pag may biglang motor na sisingit, bubusinahan ko at magugulat sila, ayun, minsan muntik na sila matumba at ang ending minumura ako.
mga jeep na akala mo sila lang ang naghahanap buhay, nung minsan, binusinahan ko siya kasi nasa gitna ng daan para kumuha ng pasahero, ayun, nung nagovertake na ako sa kanya, hinabol nya ako at cut nya ako. nairita ata siya sa busina ko. ganun din mga taxi, madalas ako murahin. naiinis sila pag binubusinahan.

pero ako, aaminin ko na hanggang 40 lang ang takbo ko. mabagal kasi talaga ako magdrive. good thing, wala pa naman major-major accident na nangyari sakin. nakasagasa lang ng aso sa edsa, take note, may aso sa edsa. LOL at nasira bumper ko. yun lang. kaya ayoko na masyado mabilis magdrive. kasi, what if kung tao naman ang masagasaan ko? di ba mas grabe yun. slowly but surely. wala ako care kahit nasa likod ko super busina sya. kung sumingit sya, humanda rin sya sa busina ko.

i dont get it. hindi naman mahirap magpakabait sa daan, at pare-pareho lang tayo naghahanap buhay. kaya sana, maging fair naman.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #284 on: September 11, 2011, 01:59:39 pm »
No offenses meant, but minsan meron din kasing maiingat na mabagal magdrive pero nasa fast lane naman, kaya minsan nakakainis din especially pag andami pang kasunod na sasakyan tapos wala kang room to switch to another lane to overtake.

annd

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #285 on: September 12, 2011, 10:34:55 pm »
^ hi sis, i get you. kaya di ako sa fast lane :) kahit papaano naman, naiintindihan ko naman yung mga na highway. pero kung nasa street lang, hindi siguro kailangan maging mabilis.

babyjapnurse01

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #286 on: September 12, 2011, 11:00:18 pm »
^ depende rin sis, ako i can slow down whenever wala akong kasunod, pero pag meron, its either ill have to speed up too or pauunahin ko na sila. :D Alam ko kasi yung feeling ng naghahabol sa oras hehe! :D and medyo mabilis uminit ulo ko pag binubusinahan ako eh, kaya might as well let them go first hehe!

strawberry

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #287 on: September 12, 2011, 11:14:29 pm »
@annd, marami ding naiirita sa busina ko... masakit kasi sa tenga... but i am not a Busina Queen for nothing.  ;D   kaya kung ayaw nilang mabusinahan, umayos sila di ba? heh heh   :D

ohmgwtf

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #288 on: September 23, 2011, 05:31:55 pm »
Motorcycles weaving in and out like they are the only cars on the street! So hate them!

blackberryqueen

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #289 on: October 16, 2011, 03:05:38 pm »
i'm very soft-spoken and mild-mannered (mahinhin daw  ;D), but when i'm driving, grabe, i'm capable of uttering expletives! lalo pag nasa pinas ako, lahat ng inaral ko sa driving school dito, hindi applicable dyan sa atin.

i'll be going back again soon sa pinas, so ngayon pa lang nire-ready ko na sarili ko sa driving and traffic nightmare dyan.

question guys, when do you use the "hazard" lights? dito kasi, you only use the hazard lights if something's wrong within your car and you need to stop. it's a big NO NO to use the hazard lights on foggy conditions coz it will be confusing for the car behind you.

eh dyan sa atin yata, people turn on the hazard lighs pag me heavy downpour?

[-c-h-a-]

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #290 on: October 18, 2011, 06:12:24 am »
dito naman, here are my pet peeves

Hindi nagsisignal!
Um, ever heard of keep left unless overtaking?! Slow pokes get out of the right lane!
Tailgaters
People cutting you off

ay... naku talaga... I hate people not signalling+cutting us off. ABA! Delikado yun ginagawa nila a! If my husband has slow reflexes, edi nabangga na kami! Mabibilis pa sasakyan dito sa pag may banggaan, major banggaan talaga! Eh kung napano kami sa kacarelessness nya.

HeartHeart

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #291 on: November 08, 2011, 06:06:52 am »
yung humihingi ng tong, kainis!  magticket na lang sila.   :P

ladyarcher

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #292 on: December 15, 2011, 02:43:37 am »
bus sa edsa- naka signal sa right pero going left pala, vice versa

drivers who switched lanes na hindi man lang marunong mag signal. i really hate it!  >:(

tricycle

motorcycles na sumisingit magugulat ka na lang bigla.

freelancer_babe

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #293 on: February 06, 2012, 07:08:07 pm »
Sorry to say, but I find it quite a pet peeve pag may mga taga-baba (usually those from Manila, based on their car plates and their loud sounds) na nagdadrive sa amin dito sa Baguio. Pero hindi ko nilalahat, but there are just quite many to notice.

Many of them like to overtake then signal and cut pa sa harap. Sometimes may kasama pang beep-beep yan. As if nasa emergency sila when they are just taking a vacation up here.

It's just sad, because they leave a bad impression on us locals here.

omnomnom

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #294 on: February 07, 2012, 10:46:05 am »
Ultimate pet peeve:
Bus/Jeeps na tumitigil pa-diagonal sa kalye para magbaba ng pasahero.  Sinasadyang humarang sa daan para di masingitan ng ibang bus/jeeps na parehong route sa kanila.  Badtrip talaga  >:(

ravena

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #295 on: July 02, 2012, 05:09:55 pm »
nakita na naka ilaw yung reverse lights tatanungin pa

"Aatras ba kayo?"

strawberry

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #296 on: July 03, 2012, 09:30:12 am »
isa pang bad trip is kapag aatras or aabante ang isang car na magpapark or aalis sa parking slot. walang paki ang mga tao, sige at daan pa din ng daan, hara hara pa din sa dadaan ng kotseng palabas sa parking slot or magpapark palang. haaaaay nakaw!   ::)

tsutsat

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #297 on: July 03, 2012, 09:35:55 am »
Dito ako sa province. Hate ko yung mga jeepneys na sobrang bagal kasi naghahanap ng pasahero, tapos bibilisan kapag mag-oovertake ka.

mdy

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #298 on: August 19, 2012, 11:30:08 pm »
-PUJs. Mabagal, nagsstop sa gitna ng kalsada.
-Trycyles and mga naka-motor na nakikipag-unahan at mahilig sumingit from nowhere.
-Mga taong super bagal tumawid, akala mo naglalakad sa luneta ::)
-Tailgaters. Give me enough space, my gulay!
-Mga super naka-bright ang headlights sa gabi. Okay lang kung walang kasalubong and poorly lit yun street pero be considerate naman. Kaya nagbbright din ako to let them feel na masakit sa mata ang ginagawa nila.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Pet Peeve sa kalye
« Reply #299 on: August 20, 2012, 01:40:55 pm »
Mga sumisingit tapos hinde naman kaya tapos hihinto bigla OR yung mga kunyari ayaw magpasingit eh hinde din naman pala kaya panindigan, I swear mga mukhang t@nga.

I dont mind kung masyadong dumidikit sa likod ko especially pag heavy traffic (wag lang sya talaga dumikit ng todo) wag lang dumidikit sa gilid ko lalo na if they want to switch to my lane. Ano sila sinuswerte.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close