watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164265 times)

chichi143

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #460 on: November 24, 2013, 05:07:05 pm »
condolence sis merian...
buti pa yung dog mo na yun mahilig sa pusa, yong sakin, mortal enemy nya yong mga pusa na tambay sa terrace namin

LeallianFaye

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #461 on: December 04, 2013, 09:26:08 pm »
Meron kaming aso dati, kakamatay lang nya last year and grabe iyak namin ng little sis ko kasi sobrang affectionate ng aso namin na yun. Aki yung pangalan nya, aspin lang sya walang breed. Sobrang talino at ang bilis nya makaintindi.

Twing may umiiyak samin nilalapitan nya tapos dinidilaan nya yung muka, akala mo hinahalikan ka. Hehe, pag nakita nya na hindi ka pa humihinto ikikiskis nya yung pisngi nya sa pisngi mo tapos ilalagay nya yung paws nya sa pisngi mo. Nakatingin din sya sayo kaya para bang alam talaga nya yung ginagawa nya at yung nangyayari sayo.

Paminsan pag may ginawa syang nakakahiya tapos tatawa kami, bigla nalang babae yung tenga nya tapos mag aamo akala mo talagang napahiya sya. hahaha. Pag pinapagalitan mo naman sya akala mo bata na nagtatampo nagtatago yun sa mga sulok, nag eemo. Paminsan nag hahanap ng kakampi yun.

kakamiss din magka aso.

lovely_carrot

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #462 on: December 18, 2013, 10:46:26 am »
Yung street namin, meron kami dun "aso ng bayan", yung owner nya parang tinakwil na sya kasi nga andami nyang garapata ng tuta, eh since may baby sila sa house, pinabayaan na si Maya.

She's now 6-7 mos old, kung san san bahay sya nakikitulog, all of us na mabait sa kanya pitch in to feed her. Lagi sya nasabay sa akin maglakad pag papasok ako. One time, nakita ko sya dun sa kanto namin, you know what she's doing? Nakikiusyoso sya dun sa 2 kambing na nagsusuwagan. As in para syang referee. I tried calling her kasi baka masuwag ayaw lumapit sa akin tapos panay ang tahol. Ewan if that's animal code for boxing.

Then a few weeks later, papasok din ako nun, andun na naman sya sa kanto, kasama yung mga tropa nya din na aspin, they were bullying this goat. 3 sila bale, they'd take turns nipping and barking, syempre magagalit yung kambing, parang hahabulin sila, yung 3 aso lalayo saglit pero pagtalikod ng kambing ayun na naman ganun ulit.

Its just too funny to watch. Baliw na aso..  ;D 


nettai

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #463 on: December 18, 2013, 11:11:26 am »
Since it can be any pet, we have sugar gliders here. They're exotic, but totally cute, as in CUTE. :D

Ang sweet nila pag natutulog sila sa kamay namin ng boyfie ko. Nakakangalay pero ang cute <3
Mas bonded din sa boyfie ko mga gliders namin; pag hawak ko sila mag-ga-glide sila papunta sa kanya. Haha!

Yun nga lang, they treat us as toilets. Hindi sila magpu-poop or magwi-weewee unless nakasampa sila sa akin.
« Last Edit: December 18, 2013, 11:18:42 am by nettai »

sugardrop

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #464 on: December 18, 2013, 12:17:55 pm »
Yung dog ko, parang sumasagot and nagrereason out, pati yung tone ng bark nya parang "arararf". Pag tinanong ko sya na "ano ginawa mo?" sasagot sya ng ganun sabay baba ng tenga. Every morning, when I greet her, she greets me back with a "nose" (her nose poking mine). Kaso minsan, kailangan ko pa sabihin yung "pahawak" before sya magpa-pet sa head. Suplada ang peg minsan.

sugardrop

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #465 on: December 19, 2013, 03:57:18 pm »
Another thing, naiinis sya pag naka-off yung fan nya.

px17

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #466 on: April 19, 2014, 03:11:58 pm »
I was out for 4 days tapos paguwi ko yung cat ko nasa sala lang nung nakita niya ko sinigawan niya ko sabay lapit sakin. ang sweettt lang! tapos sabi ng brother ko hindi daw umaakyat sa room ko nasa tapat lang ng pinto the whole time. aalis lang daw dun kapag kakain at gagamit ng litter box. :)

sugardrop

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #467 on: April 20, 2014, 11:55:56 pm »
Pag yung treat nya eh hindi nya abot like under the bed because hindi nya nasalo with her mouth, she'll look at me, run back to where the treat is, then run back to me, titingin dun sa treat nya as if telling me na iabot ko sa kanya or kunin ko. She understands "Nasan?" and "turo mo". That's exactly what she'll do. Then pag inabot ko, she'll poke her nose against mine muna before getting the treat from my hand as if she's saying thank you. :)

lirpa

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #468 on: May 03, 2014, 06:21:59 am »
sobrang bad naman ng neighbor nyo. dapat sa mga ganyan kinukulong eh..

so sad naman nun huhuhu...i hate your neighbor ha, dapat nireport nyo para madeport!

merian

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #469 on: May 03, 2014, 12:39:16 pm »
My dog sleeps in my room pag nasa bahay ako. My mom usually opens my room para lumabas alaga ko, late kasi ako nagigising. Well this one time, my mom had to go out really early kaya hindi niya napalabas dog ko. Tas late na siya bumalik. Gulat ako, ginising ako ng dog ko. As in nasa side siya ng bed ko tas tinatap niya kamay ko. Hehe. He doesn't bark kasi pag may gusto siya. Iikot ikotan ka niya or lalapit nalang sayo.

sugardrop

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #470 on: May 03, 2014, 02:41:51 pm »
^
I wish my dog's like that. She'll keep barking with matching damba if she wants something.

airwaterfire

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #471 on: June 03, 2014, 12:04:53 pm »
^^ sis merian how old is your dog? anong breed?

kittenchi17

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #472 on: June 03, 2014, 03:16:13 pm »
Yung cat ko named Shasha, living alarm clock. Mag isa lang kasi ako sa bahay pag nag alarm yung cellphone ko gigisingin na nya ako minsan ita-tap nya yung paw nya sa kamay ko, mukha ko or sa buhok, bigla din niyang ilalapit yung mukha nya parang iki-kiss ka niya sabay MEOW o kaya hihiga sya sa tiyan mo. Hangga't hindi ka bumabangon hindi siya titigil hehe. Tapos pag weekends or walang pasok make sure na naka off ang alarm mo kung hindi gigisingin ka talaga nya, kung holiday naman at wala kang pasok dapat the night before sabihan mo rin sya na Sha wala akong pasok bukas ha. Para sure na mahaba ang tulog mo at hindi ka gigisingin.

One time maaga ako nagising mga a few minutes na lang bago mag alarm nakita ko nakatingin sya sa cellphone ko tapos biglang tumunog na yung alarm ang ginawa nya tinap nya [textspeak!] cellphone ko sabay tingin sakin. Ang ginawa ko kunwari tulog pa rin ako nag observe lang muna ako sa kanya tapos ayon ginawa nya yung routine nya ng pag gising sakin.

merian

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #473 on: June 03, 2014, 09:52:55 pm »
^^One year and two months na siya. Half shihtzu/half minpin. Mukha daw terrier as per my friends na nakakita na sa kanya sa personal. Hehe.

Ngayon nga, dahil super init, once na pumasok ako sa room ko at nakita niya na nakaelectric fan ako, lalapit sakin at magpapaakyat sa kama tas tatabi sa akin tas hihilata at makikielectric fan.  Kaya pinapa-groom na ulet ni mommy sakin. Para less daw ang init. Eh may nabasa ako na yung hair nila acts as insulator both sa heat at sa lamig. Siguro next month na or pag hindi natatakan na ng hair niya ang eyes niya ko siya ipapagroom.

^Ang sweet naman ng cat mo. You won't have problems with oversleeping. Hehe.

nenmaroon

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #474 on: June 07, 2014, 10:17:45 am »
yung aso namin dati, lagi ako hinihintay sa gate gabi-gabi tapos pinepet ko siya bago pumasok

ngayon naman yung 1 cat ko habang nagcocomputer bigla nalang siyang pupunta sa lap ko at magpupurr at magknead-knead sa shorts ko tapos matutulog (hirap lang gumalaw, hehe). yung naman isa pag ginigising ko nagpupurr agad at magmemeow tsaka pala pag natutulog labas dila at nakahilata (?) yung kita yung tiyan.

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #475 on: June 10, 2014, 08:30:29 am »
Yung mga tzus ko love having their teeth brushed.  Si Luckie, yung panganay ko,  pag kita na sa toothbrush at toothpaste nya, lumalabas na agad ang dila and kahit di ko pa nilalapit yung toothbrush sa kanya, inaabot nya with her tongue.  Si Chichi naman, my bunso,  super excited sya magtoothbrush.  Tapos pag hawak ko yung toothbrush nya and sabihin ko toothbrush ka na, show your teeth,  she would smile in a while na kita talaga yung teeth nya sa ilalim.  Ganun sya everytime, she would really show her lower teeth.  Pero pag walang toothbrush, dedma sya sa command na yun. 

Ireneeeeee

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #476 on: June 16, 2014, 10:10:54 am »
Yung cat ko named Shasha, living alarm clock. Mag isa lang kasi ako sa bahay pag nag alarm yung cellphone ko gigisingin na nya ako minsan ita-tap nya yung paw nya sa kamay ko, mukha ko or sa buhok, bigla din niyang ilalapit yung mukha nya parang iki-kiss ka niya sabay MEOW o kaya hihiga sya sa tiyan mo. Hangga't hindi ka bumabangon hindi siya titigil hehe. Tapos pag weekends or walang pasok make sure na naka off ang alarm mo kung hindi gigisingin ka talaga nya, kung holiday naman at wala kang pasok dapat the night before sabihan mo rin sya na Sha wala akong pasok bukas ha. Para sure na mahaba ang tulog mo at hindi ka gigisingin.

One time maaga ako nagising mga a few minutes na lang bago mag alarm nakita ko nakatingin sya sa cellphone ko tapos biglang tumunog na yung alarm ang ginawa nya tinap nya [textspeak!] cellphone ko sabay tingin sakin. Ang ginawa ko kunwari tulog pa rin ako nag observe lang muna ako sa kanya tapos ayon ginawa nya yung routine nya ng pag gising sakin.

ang sweet! so ganun pala silang cats? Ganyan din kasi ginagawa ng cat ni SO sa kanya. Kapag magkasama kami, minamassage ako ni kittie cat. Ang sarap kasi ang lambot ng paws nya haha! I have a shih tzu na super sweet din. Kasi may bagong dollface kitten kami sa bahay. Mahilig magliwaliw si kitty at minsan hindi namin mahanap. Nakakatawa kasi yun bro ko pinapahanap sa shihtzu si kitty tapos hahanapin naman ni doggie. tatahol sya kapag nakita na nya si kittie. ankyoooot! :D

candygrenade

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #477 on: June 16, 2014, 08:36:44 pm »
When cats bring their catch, mostly dead roaches and other vermin, on your lap or on your toes while in bed :o :P ;D Shocking and repulsive at first, but it’s as if they are proudly telling you “Mommy look oh, I killed an ipis for you. Galing ko, no? Nyahahaha!” ;D Touching yun for me kasi I feel like mother-child kami and when you compare it to a human parent-child relationship, kids do the same thing. Sometimes, ang dungis ng mga anak natin swathed in sweat beads and UGH god-knows-what from playing or working on something and then they’d show it to us and matutuwa ka lang forgetting how actually dirty/smelly they’ve been ;)

devilish_einjel

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #478 on: September 01, 2014, 05:55:35 am »
yung dog ko naman meron kaming trick na "where's your toy?" pag sinabi ko yun hanapin niya yung burger niya na toy.. kahit san ko nga itago minsan nakikita niya pa din basta yung within reach niya syempre.. funny minsan kasi pag tinatamad na siya or pagod na to play the game yung nguso lang niya ipantuturo niya.. haha kulet

zxcvbn

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #479 on: September 06, 2014, 06:19:36 pm »
Giving me their kill (e.g. centipede, lizard, spider). I'm weird.

My dogs do this all the time too! Usually lizards and mice.  ???

 

Latest Stories

Load More Stories
Close