watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164268 times)

budzwhiz

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #440 on: August 22, 2013, 03:14:28 pm »
My late shih tzu, KC.. I miss her so much. :(
Bata pa ko nun, nasa floor sya and ako nasa kama tapos niloko namin sya kunwari may nangyari sakin tapos nagpalaglag ako sa kama ala deads na. Tapos she started sniffing and then bit the pillow, tried to remove it from my face. Awww I miss her. There was also one time na nakakuha sya nga buto ng mangga, we were eating kasi tapos nalaglag ata. Ayaw nya talaga ibigay. Yung kuya ko tapos sister ko pag sila kumuha nag-ggrowl sya.. And then yung ako humingi e binigay nya. (: hehe

Tapos yung dog ko naman ngayon super funny nya. Hahaha he's a peke pup. Pag tumatakbo sya para salubungin or habulin ako, super nakataas yung face nya. hahaha. And anywhere I go, kahit pumunta lang sa dresser or cabinet, susunod talaga sya kahit nakahiga or natutulog pa sya. You can see his eyes still half closed and still sleepy. Kaya minsan pag gagalaw ako, try ko super tahimik nalang para di sya magising. Kapag nakikita nya naman na bababa ako, he would bark na tapos iiyak. Super cuuuute talaga! (:

jhenpretty

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #441 on: August 22, 2013, 03:46:25 pm »
^ same with my bunso yung peke pup mo.. Kakatuwa sila.. ^_^

angeLven

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #442 on: August 22, 2013, 06:27:18 pm »
hay ang bebe ko... Lately lang, I finally was able to buy a crate for him. Napapansin ko, walang kapaguran naman itong alaga ko. Naisip ko, well beagles are really energetic especially puppies. Takbo ng takbo. Kaso Apat na oras na ganun? hindi ba siya napapagod? Ayun paglalagay ko sa crate nya, plakda. hahaha nahuli ko pa nung minsan, pinipigil talaga niya antok nya, then napapikit siya at yung ulo nya unti-unting bumabagsak hanggang sa hindi na niya kayang pigilan. naku pasaway. kaya ngayon, I take note of his behavior, kapag nagstart na siyang magchew sa mga bawal i-chew, it means antok na siya pero nagpipigil lang. ilalagay ko na siya sa crate nya.

And another thing, this happened kahapon. Yung crate nya nasa kitchen area (we live in a 1 bedroom apartment) inilagay ko na siya dun dahil nagiging makulit na naman siya. Ako nagpunta sa kwarto to sort out my closet and hanap ng pwedeng idonate na clothes. Nag-iingay ng nag-iingay ang bebe ko. ayaw tumigil. Naisip ko, baka nawiwiwi kasi ganun siya kapag nawiwiwi. Took him out and nagwiwiw nga siya. I played with him a little then back to his crate nya kasi oras na talaga para sa nap nya. Pagpunta ko ng kwarto, tahol na naman siya ng tahol. Hindi ko na siya maintindihan. Nag-iisip ako kung ano kaya ang problema, then napansin ko yung electric fan (nya) hindi siya masyadong nahahanginan. Ayun, itinapat ko sa kanya at hindi na niya ako ginulo hanggang sa maayos ko ang closet ko (around 3 hours). SPOILED BRAT! tsk tsk tsk

px17

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #443 on: August 22, 2013, 07:33:46 pm »
Yung baby girl ko obsess na sakin! haha Gusto niya lagi kami magcucuddle. Gusto ko rin naman kaso minsan hindi ko na magawa yung dapat ko gawin.

Kapag hindi ko pinapansin didilaan ako ng didilaan. Gaspang pa naman ng dila ng cat. :) at ayaw niya ko palapitan sa iba kong cats. Selosa ang peg! Pero kahit na ano pa man love na love ko siya. :) kakawala
ng stress.

P.S One hand typing ako. yung isa kong kamay hinigaan niya at akap niya :) cutieeee.

Ireneeeeee

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #444 on: August 23, 2013, 02:52:46 pm »
i forgot if i posted this here already but if there's one incident na masasabi ko nakakatouch na ginawa ni Gino (3yo tzu) for me, is nun nagbreak kami ng ex ko (daddy nya na bumili sa kanya for me), eh kinomfort nya ako when i was crying and down during that time. Paano nya ginawa? Whenever he sees or hears me crying or basta sad lang, lapitan nya ako tinitigil nya talaga kahit ano ginagawa nya. lalapit sya tapos papapansin like i-lick nya kamay ko o paa tapos nakatingin lang sya na parang nagwoworry. tapos magwhine sya parang sinasabi "huwag ka na sad mommy..im here for you." :'> kapag tumigil na ako and magsmile, mag-wawag yun buntot nya tapos tatalon talon sya tapos maglalaro na kami ng catch. That's when i realized, dogs are truly man's bestfriend!!! :))

ngayon i have someone new na. May bago na syang daddy. nakakainis lang nga kasi nanggigigil si SO sa kanya e kapag nanggigil yun, hindi nya mapigilan batukan si Gino. Pero touched naman ako kasi at least may driver na kami kapag papagroom sya or puntang vet. in fairness, binili nya rin ng playpen si Gino. Minsan babatukan sana nanaman nya si Gino aba nagalit na si Gino at muntik na sya kagatin. Buti nga. Palaban na furbaby ko. Kaya nagtruce na sila at civil naman sila ngayon ;D
« Last Edit: August 23, 2013, 03:04:57 pm by Ireneeeeee »

twelve5

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #445 on: August 27, 2013, 10:49:54 am »
- my pogi can't sleep without a pillow under his head. Madalas uunahan ka pa nya sa pillow mo maski may sarili syang pillow sa bed.  >:(

- if he wants you to turn on the a/c, he will stare at it. Tina-try ata mag telekinesis para sya mismo mag on.  ;D

Pink_Sugar

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #446 on: August 28, 2013, 09:58:46 pm »
Natawa lang ako dun sa 2 kong aso (isang matabang shih tzu at isang japanese spitz), pag may masarap silang kakainin like lechon or any karne pag may handaan sa bahay. Pag inaayos ko na food nila at ilalagay ko na sa bowl nila, aba natulo ang laway! Lol nanonood kasi sila pag nilalalagay ko na sa bowl nila, tapos sabay sabay dapat sila kakain.

chichi143

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #447 on: September 01, 2013, 11:25:59 am »
^^ omg ganito din puppy ko! hahaha
pag aalis na ko for work kahit natutulog siya, tatayo siya punta sakin tapos parang gustong sumama! as in pag naglakad na ko sa pinto sunod din siya. haha
tapos one time, sinama siya ni papa sa paghatid sakin, and after ko daw lumabas ng kotse, he was wailing and wanting to go out the car. makulit!

px17

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #448 on: September 01, 2013, 11:53:50 am »
^na alala ko yung ginagawa ng pusa ko twing aalis ako. Hinaharangan yung pinto ng kwarto tas ngawa ng ngawa. haha tapos minsan pa kinakagat ([textspeak!] kagat na parang nangdadampot) yung paa ko para hindi ako lalayo sa kama. Cute cute.


thirtylicious

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #449 on: September 01, 2013, 07:05:41 pm »
My dog cuddles me when i cry or angry.. emphatize sya talaga. Pag away kami ni hubby ttabi sya sa akin pati pagtulog! Ttouch ako. May kakampi ako. Hihi

abuanddiego

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #450 on: September 03, 2013, 05:05:53 am »
yung shih tzu kong abnoy, pag iniwan ko/sinaran ng pinto whether may kasama sya or wala, di aalis sa likod ng pinto at aamoy-amoy with matching kaskas sa sahig hanggang dumating ako. di daw natitinag sabi ng mga nakakita, hihintayin talaga ang nanay nya kahit ilang oras ako mawala  ;D

pag kumakain din sya, nagpaupause sya para uminom ng tubig. bigla syang magsisit tapos after ko painumin balik sa pagkain parang tao lang na nahirinan  ;D

twelve5

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #451 on: September 03, 2013, 02:15:29 pm »
^ hay. Yan yung nakaka guilty eh. Yung nag aantay sila sa gate/door/window. Di umaalis sa pwesto at di rin natutulog.

Minsan nga isip ko sana magsira nalang sila ng furniture para di ako ma guilty. Bwahaha.

Dahil dyan naging homebody ako.  :P

lawrence01

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #452 on: October 18, 2013, 02:25:11 am »
Yun pom ko ang trip nun takbo then talon towards me tipong I-bump lang ako. Hilig ioffer un paa nya para mag shake hands kame. Pag playtime mood gusto nibble feet ko kahit medyo madiin na un ngipin. ;D

abuanddiego

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #453 on: October 18, 2013, 09:07:58 am »
^uy train mo sis ng shake hands! give him a treat pag inoffer yung paw, then associate the word shake. bumping naman is a sign of dominance. yung bago kong shih tzu mahilig din mangbump pag naglalakad ako, kinakagat pa paa ko lagi, ginagawa ko sinisipa ko siya haha! yung isa ko naman nambabalya pag gutom na, aba aba di pwede sakin yan, tinutuhod ko naman sya hahaha!

twelve, natatawa ako sa mga shih tzus ko, pag naglakad ako papuntang door naguunahan silang dalawa, kailangan ko pa isahan para makatakas haha! pero wise na ayaw na paiwan, nagkukumahog sila. yung isa nauuna pa minsan bumaba sakin ng hagdan ;D pero minsan nagwawait sya sa go signal ko, until di ako nagnonod or nagsasabi ng "tara!" nakasit lang sya ;D

eto pa funny, pag papasok ako sa room lagi nauuna yung younger tzu, at pag narealize na wala ang ama nya, binabalikan sabay bump ng head or kalabit sa daddy nya, parang sinasabi, tara na! tawag na tayo ni mommy! at di sya totally magenter sa room hanggat di pumapasok yung isa sa baby gate, talagang hinihintay nya. ang cute para silang mga bata ;D

lawrence01

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #454 on: October 19, 2013, 01:00:14 am »
^ im going to need an expert tips to train my dog. Newbie lang ako when it comes to dog eh. Trying to learn from the show dog whisperer.

Ganyan din sken nambabalya. Pwede ka ma out of balance. I can tell mahilig ka sa aso. Ano ba dapat alamin pag first timer? Gusto ko pa kalbo medyo panget buhok

abuanddiego

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #455 on: October 20, 2013, 04:03:33 am »
^anong breed ng dog mo sis? pwede naman pakalbo lalo kung may mats na.

sa web lang din ako naghahanap ng tips. yung mga vids sa youtube ginagaya ko lang hehe. ang important is to be consistent, ignore the bad behavior and reward the good ones. tapos dapat calm and assertive ang energy na ipoproject natin. wag ka lagi maggive-in sa gusto nila, set schedules/rules habang bata so madali sila macontrol pag lumaki na.

yung bulldog ko kahit stubborn natrain ko ng sit, down, shake, high-five, spin. food-obsessed sya kaya madali sumunod pag may hawak kang treat. pero matagal din bago natuto, madami syang engot moments haha. yung shih tzu ko naman di ganun katakaw more on attention ang gusto so combination of treats and praises sya. ang sabi depende rin kung ano nagmomotivate sa dogs natin, kung matakaw, food ang gawing treat, pero pwede rin toy or praises or combination. basta kung san sila obsessed make use of it during the training session. make the sessions short pero gawin nyo for a couple of times per day.

sugardrop

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #456 on: November 13, 2013, 11:42:41 am »
I always get a good morning kiss from her. Sa cheeks lang syempre.

seven82

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #457 on: November 13, 2013, 01:10:43 pm »
our pet rabbit kisses us kapag sinabihan mo ng kiss kiss =) and he follows us around specially me kasi alam niya na ako nagbibigay ng food sa kanya. nakakatuwa lang na he responds kapag tinatawag name niya tapos may mga words din na naiintindihan niya like jump, eat and run run.

kapag umuwi kami after mag grocery makiki inspect siya sa mga plastic bags and kapag nakita na niya yung plastic with goods for him, half of him e nasa loob na ng plastic at ngumunguya na ng veggies.

he loves bananas so much!   :D

merian

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #458 on: November 21, 2013, 09:03:01 pm »
Share ko lang, in memory of my pet who recently died  :'(.

We had 3 dogs and 2 cats before. Yung 2 cats mga stray lang na napulot ng kapatid ko. Inadopt niya na. Yung isang cat bulag sa isang mata. Pinadoctor ko nga kasi nagkainfection yung mata niya na bulag. Yung isa naman sinundan mom ko sa bahay. At yun inadopt na rin namin. Yung isang dog namin, super kulit at gusto niya makipagharutan sa mga cats. Ganun siya talaga, kahit sa ibang dogs. Eh feeling siguro niya pwede siyang makipagharutan din sa mga cats. Hehe. Kaya yung isang dog namin na super bait, pag nakikita niyang nilalapitan na  nun yung cats, pupunta siya at haharangan niya. As in she'll guard the cats para hindi maharot nung isa. Tas minsan nga, pag nakahiga siya, nakikita namin na yung cats nakahiga sa kanya. Parang nanay lang nila. Tas inaaway niya yung isa pag super makulit. Parang nanay na nagdidiscipline sa anak niya. hehe. At nung minsan na inagawan siya ng blanket nung isang cat, hindi niya alam gagawin niya. Hindi niya mapaalis yung cat. Tas nung umalis yung cat, kinuha niya na yung blanket at nilayo niya. Hehe.

Ngayon na wala na yung dog naming yun, nanghihinayang ako na i didn't take more pictures. At hindi rin ako nakapaggood bye sa kanya.  :'( She's the first one na bumabati sakin pag uwi ko sa bahay. At laging naghahanap ng lambing yun. Haist... really missing her now...
« Last Edit: November 21, 2013, 09:05:31 pm by merian »

Prunella

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #459 on: November 22, 2013, 07:08:23 pm »
Giving me their kill (e.g. centipede, lizard, spider). I'm weird.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close