watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164387 times)

Paintings Galore

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #360 on: August 19, 2011, 07:09:38 pm »
I have dog. Name nya Marti. A mini Daschund... Nabili lang namin sya in a bargain price. 1500.. hahaha!. anyway. Pag umaalis kami mas nauuna pa sya sa car. uupo na sya dun sa passenger seat. hahaha!. Minsan sinasama na namin sya.. dahil dun!. paawa effect sya. And everytime na dumadating kame super happy sya na sinasalubong kmi at the door with matching wiwi pa.. parang super excited.. heheeh!!.. nakakawala ng pagod pag ganun..  :-*

dheive

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #361 on: August 22, 2011, 11:20:17 am »
 my baby is a shih tzu.... and whenever may darating to sa bahay.. sasalubong siya... by standing on his hind legs while jumping.... he wont stop unless kakargahin mo sya... tapos kapag hindi mo kinarga hindi talaga sya titigil jumping on his hind legs hanggat hindi mo sya pinapansin.... tapos sya din [textspeak!] alarm clock ko every morning.... sya yung gigising sa akin every morning...... tapos wherever i go lagi siya susunod... kpaag umakyat ako akyat din sya .... then he sleeps beside me.. resting his head on my arms.... hahahha can't imagine a day without him :D

Ireneeeeee

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #362 on: August 22, 2011, 02:02:56 pm »
ganyan na ganyan din si gino ko.tzu rin sya 8 months. super sunod ng sunod sakin kahit natutulog sya kapag konting kibot ko lang kahit mag ccr.nakakatawa nga eh.

kapag weekdays kasi brother ko nagaalaga dahil nagwowork ako.so gabi na ako nakakauwi at hindi na kami nakakabonding kasi tulog na sya.pero kapag nandyan na ako ayaw na sumama sa brother ko.haha! kahit may treat pa. kaya siguro kapag weekends super dikit naman nya sakin. ang hirap tuloy umalis kung weekends nakakaawa kasi iwan. super sweet kapag nanonood ako ng tv at nakaupo sa floor tatabihan nya talaga ako at ipapatong yun face nya sa lap ko hanggang makatulog sya :)

Naiv25

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #363 on: August 22, 2011, 07:57:17 pm »
^same tayo sis, pag di namin siya pwedeng isama sa lakad namin naiiwan siya sa mom ko, ang kwento ng mom ko bantay sarado raw siya ng baby ko hanggang sa cr. One time daw di niya namalayan naiwan sa kwarto ng mom ko nagtataka nalang siya na parang may umiiyak kung saan nung hinanap niya kung saan galing yun sa kwarto pala niya at naghihintay na palabasin siya. Awang awa talaga siya. Nalalaman nila na kami na yung dumating pag bigla nalang siyang tumakbo sa door kahit di pa kami nakakalabas ng car. She seems to distinguish if its our car, kasi sa dami ng nagpapark ng sasakyan she only reacts pag kami ang parating. Yan din pansin ng mom ko. Not sure na ngayon kasi nagpalit na kami ng car. Pero once na dumating na nga kami di na pinapansin ang mama ko, super hintay pa sakin sa hagdan kahit nakaakyat na ang daddy niya at ako busy pa ako sa baba, pag nagstart na ako umakyat dun lang siya ulit start umakyat ng stairs.
« Last Edit: August 22, 2011, 08:00:35 pm by Naiv25 »

buzzhang

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #364 on: August 23, 2011, 01:38:24 pm »
My pet dog, whenever I sit down on the couch looking like tired and stressed, she always comes over me and lays her head on my lap. As if she's comforting me and telling me something. What a sweet dog... :)

Churvakels

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #365 on: August 25, 2011, 11:50:54 pm »
My ex fiance gave me 2 dogs.  Sabi nila parehong topakin na breed ang Chinese Sharpei (Milo) and Chowchow (Meesha), pero they are both malambing and loving. Si Milo lahat ng bata kilala niya or hindi nakikipag laro siya dati, when my then fiance left me ng biglaan lahat ng dumidikit sa akin galit si Milo. Naging very protective siya, simula noon wala ng nakalapit sa kanya except sa family ko. Sabi ng mga kapitbahay namin salbahe daw si Milo, pero I don't care I find it very sweet of him. Protective talaga hanggang ngayon na 4yrs old na siya.

Lahat ng dogs ko malayo pa lang ako na aamoy na ako kasi sabi ng nanay at ate ko bigla na lang daw tumatayo yung mga yun tapos sisilip sa terrace hanggang sa makita ako. Hindi sila titigil sa pag tahol hanggat hindi ko sila pinupuntahan. Sinasabi pa sa akin ng nanay at ate ko na mag pakita ako sa mga aso para manahimik.

Super love ko sila, kaya noong gusto ni ex na mag hati kami sa mga dogs dati sabi ko mag kakamatay muna tayo. Hindi ako papayag.

katbaradi

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #366 on: October 14, 2011, 10:49:39 pm »
Ganda naman nito. Dami akong nabasa para matuwa sa mga pets. Sana ako rin may makwento na ganyan!

abuanddiego

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #367 on: October 15, 2011, 12:34:03 am »
Yung tzu ko he's very calm and behave sa house, parati lang sya nakahiga at di magkukulit unless laruin sya. Pag nakaupo ako while watching tv or in front of laptop, nakahiga lang sya matutulog tapos pag naramdaman nya akong gumalaw, magigising at lalapit sakin. Titingin sya sakin or tatayo sa legs ko, alam ko na kung ano gusto nya, gusto nya ng karga :-* Tapos once kargahin ko ng parang baby, pipikit sya at try nya matulog ulit, I find that so sweet, parang human baby talaga na naglalambing at nagpapakarga ;D

Yung bulldog naman gustong gusto nya yung nirurub sya, napapapikit sya tapos lawit yung dila haha. Gusto nya yung minamasahe sya tsaka hinahaplos haplos yung face and shoulders nya. He learned din the tricks: sit, down, shake and high five both paws, spin left and right, super bait at behave din nya parati lang sya nakaupo at madalang na madalang tumahol, tatahol lang once makakita ng pagkain. Sabi ng iba parang di sya aso, he rarely scratch his body, he rarely barks, parang tuod lang talaga parati, pero keri lang kasi mas matimbang sakin yung pagiging mabait nya. Malaking bulas sya at ang taba daw na parang baboy na, natatakot yung iba sa itsura nya kasi kulubot yung mukha tapos labas yung pangil, ang di nila alam super bait, sweet at mahiyain niya ;D

zhajhei_08

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #368 on: October 15, 2011, 09:22:48 pm »
taga-gising ko sa umaga, kakalabitin ako, tatanggalin kumot ko...
pag sad ako, at umiiyak, kakalabitin na naman ako tapos didilaan yung luha ko tapos kiss niya ko...

rastagurl11

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #369 on: October 22, 2011, 03:15:29 am »
The night before my khushball Julia died, she went to my room to prolly say goodbye, she had no more vision by then, kaso I was at the office  :'(

geekybride

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #370 on: July 24, 2012, 02:44:08 am »
ang sweet naman ng mga pets ninyo. nakakaencourage! first time ko mag-alaga, kaya bago ko palang nadidiscover ang rewards of taking care of a pet.  hehe.  the terrier is much sweeter to me. pag dumadating ako, as in she goes berserk! paikot ikot, tumatalon up and down and then she jumps at me tapos ikikiss niya ako. tapos pag di ko cia pinapansin, nagmemake cia ng sound, as if umiiyak cia. hehe.  *love her*
« Last Edit: July 24, 2012, 02:41:46 pm by geekybride »

abuanddiego

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #371 on: July 24, 2012, 03:14:21 am »
^yan ang kaibahan ng dogs sa humans pag iniwanan. Ang humans pag iniwan magagalit, magtatampo, pero ang dogs excited pa na makita tayo pagbalik natin, parang walang nangyare ;D Napakarami nating matututunan sa mga dogs if we will just open our hearts to them :)

Yung mga alaga ko pag sumigaw nako, napapayuko at lalayo sa akin, kala mo mga batang pinagalitan. Tapos pag tinawag ko lalapit sakin na parang nahihiya ;D

babykat

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #372 on: July 24, 2012, 08:10:56 am »
Sabi nga nung isang quote i read, "love is when a puppy licks your face...even after you left him alone all day."

L.B.

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #373 on: July 24, 2012, 10:05:48 am »
^ na miss ko tuloy aso ko..naalala ko pag-pauwi nako galing school malayo palang ako nakikita ko na siya sabay takbo sakin, umuungol-ungol payun pag-dinadamba niya ko, ganun siya araw-araw. tapos pag-gabi lagi natutulog yun sa ibaba ng kama ko..kaya nung namatay dahil nakunan at ginawang pulutan nagalit talaga ako! umiyak kaya ako ng ilang araw.. :(

crazylove

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #374 on: July 24, 2012, 02:34:41 pm »
^ na miss ko tuloy aso ko..naalala ko pag-pauwi nako galing school malayo palang ako nakikita ko na siya sabay takbo sakin, umuungol-ungol payun pag-dinadamba niya ko, ganun siya araw-araw. tapos pag-gabi lagi natutulog yun sa ibaba ng kama ko..kaya nung namatay dahil nakunan at ginawang pulutan nagalit talaga ako! umiyak kaya ako ng ilang araw.. :(

^aaww! sis ganyan din yung aso ko..yung buntot niya ang kulit lang..haha

geekybride

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #375 on: July 24, 2012, 02:45:45 pm »
ang hilig pa magpakamot sa tiyan.  hehe. pag tumigil ako, i-ba-bite niya gently yung hands ko, tapos hihiga cia ulit, parang signalling na, "don't stop! more scratch, please?" hehe. *gigil*

abuanddiego

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #376 on: July 24, 2012, 02:55:37 pm »
I used to have a dalmatian nung elem-early college days ko. naalala ko pag lalapit ako sa kanya ilalabas nya yung teeth nya na parang nagagalit, ganun sya everytime lalapitan namin. tapos nito lang nalaman ko na hindi pala galit ang ibig sabihin nun, it's their way of smiling pala. tapos pag may pauwi samin, kahit malayo pa yung kotse, mga 4 houses pa bago samin, tatahol na sya. For years siya yung nagsilbing alarm namin pag may pauwi na. Tapos one time nung college nako, sabi ko bat wala ng tumatahol, pagsilip ko wala na sya sa kulungan, hindi sinabi sa akin na wala na sya, tinago nila sakin kasi alam nila masasaktan ako. I felt so guilty kasi napabayaan ko sya nun, gusto kong umiyak pero mas nangingibabaw yung guilt kaya ipinangako ko sa sarili ko na pag nagkaaso ako ulit ibubuhos ko lahat lahat ng kaya ko para maging maayos ang pagsasama namin.

Huntress Krystle

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #377 on: July 24, 2012, 07:52:32 pm »
I've had a lot of pets in this lifetime, but one story stands out. It's of my favorite pet, a tomcat named Mimi who passed away 6 years ago. Because he saved my life.  :)

A few months before he died, nagka viral infection ako and sobrang taas ng lagnat ko. One morning, nag-cr ako ang I was brushing my teeth. Very light-headed na ako nun. Diko namalayan na nahimatay na pala ako at natumba sa sahig. Nung nagka-malay ako, dun ko lang nalaman na kung di pala kinamot ng kinamot ni Mimi yung pintuan ng banyo, hindi malalaman nung maid namin na antagal ko na sa loob at nahimatay na ako. I would NEVER forget that incident.

And also, on the day of Mimi's death (I'm teary-eyed as I type this kasi vivid pa din talaga yung memory ko although 6 years had passed), katabi ko kasi sya matulog. First time nangyari that while sleeping, humiga talaga sya opposite my back (so back to back kami) na ramdam na ramdam ko yung heartbeat nya na pabagal ng pabagal. Maybe he knows he's dying because he was extra sweet and expressive through actions (masungit/aloof kasi yun and bihira maging malambing sakin). Meow talaga sya ng meow sakin that day at parati nya akong sinusundan kahit hinang-hina na sya. He actually died in my arms. Kalong ko sya habang naghihingalo sya ang I was crying and talking to him. Everytime I asked him a question (such as, "always remember that no one can replace you and i will always love you, ok?"), hinahampas nya yung tail nga sa sahig kahit hinang hina na sya. He was still trying to respond to me. Hanggang sa pumikit na sya at namatay. That's what made him special. I've had a lot of amazing pets but si Mimi lang yung ganun ang level ng intelligence at bond sa akin.

Kaya naniniwala talaga ako that animals have souls eh.

geekybride

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #378 on: July 24, 2012, 10:58:44 pm »
sis Huntress Krystle,

na-teary eyed naman ako sa 'yo. 

nasa height pa kasi ako ng pagka-in love sa mga pets ko, kaya may kurot sa puso yung kwento mo.  :'(

rastagurl11

  • Guest
Re: funny, amusing, touching things your pet does
« Reply #379 on: July 24, 2012, 11:10:13 pm »
geekybride: Naku, ganyan din aso kong si Charlie, may theme song na nga ako sa kanya eh. Sang to the tune of Call Me Maybe, ganito: Hey this is Charlie, and he's crazy, but here's my tummy, so rub my belly.  ;D He wasn't big on belly rubs before but now that he's older, he's come to love it narin. Yan ang pasttime ko whenever he sits beside me watching TV.

Another thing I love about Charlie's antics in when he's bored na sa baba, he'd go up to my room and lay beside me, sometimes he'll make kulit pero when i turn my back on him kasi ayaw ko pa gumising, he'll just stay there. Pero pag close yung door and he can't enter, he'll patiently wait outside my room, minsan i hear little pa-cute wails, pag naaawa ako, i let him enter, minsan i just go back to sleep.  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close