watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164355 times)

barbwire

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #240 on: January 07, 2010, 04:35:25 pm »
there was a time na nag away kami ng ate ko over the phone. sumisigaw ako sa galit, tapos si snow (cat) tumakbo papunta sa akin and he looked straight to my eyes habang nag-memeow. after ko ibaba ang telepono umakyat ako sa room ko at umiyak, sumunod si snow sinamahan niya ako dun at nag-memeow. nag stop lang siya nung nag-stop na ako umiyak.

another story, si snow pa din. before kami matulog binulungan ko siya na gisingin niya ako ng maaga para hindi ako ma-late sa work. edi yun natulog na kami. tapos nung madaling araw naramdaman ko bumaba siya sa bed, nagpunta malapit sa head ko at nag meow ng several times. tapos sabi ko "good morning snow" nung marinig niya ako magsalita, bumalik na siya sa bed tapos natulog siya ulit. ako gumising na at tinignan ko ang time, 4:00 am. :)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #241 on: January 10, 2010, 10:53:18 am »
daming touching stories dito ng mga pets nila, kakatuwa.  :)

ako naman si nigella may shih tzu, pag aakyat na ako sa taas (bedroom) kasunod ko na yun kasi gusto nya magkaratig kami sa pagtulog. sa 5 kong aso sya lang ang ganon, tapos hanggang dipa ako nagising di rin sya nagising. hehe

si nigella din nag babantay sa puppies ng isa ko pang dog na si nikita (japanese spitz) as in karatig nya, at naka-higa sa leeg nya yung pups. hehe sa lahat ng aso ko si nigella lang ang allowed na dumikit sa puppies ni nikita. btw, si nikita nga pala ang alpha dog ko, kaya respetado lahat sya ng dog ko. pero si nigella lang nakakapasok sa bahay ni nikita at nagbabantay sa puppy nya.  ;D

adamkiewicz

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #242 on: February 16, 2010, 11:17:04 pm »

my pitbull Maxx never fails to comfort me when I'm crying. sa sobrang consistent niya, my brother and I would always fake a fight (yung may bugbugan) tas Maxx will run towards us tas dadambahan either ako or brother ko. wala lang, ang cute kasi na parang tao yung nabili naming dog at hindi pitbull.

Paisley is a stuffed dog na bigay sakin ng sister ko and one time, i acted like Paisley was biting me (tas ginagalaw galawa ko yung toy para mukang nilalapa ako).  Tas I'm crying habang sinasabi kong "No, Paisley!".  LOL, to the rescue lagi si pangit. grabe natatawa ako. 

ngayon, everytime I'm calling Paisley, he'll always get up, and would go upstairs sa bedroom ko where that stuffed animal is stashed. init dugo niya dun.

^Vain_Chiq^

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #243 on: February 20, 2010, 10:10:16 pm »
Everything that my chi does is touching.Sinasalubong nya kami everytime na dumating kami kahit na ilang minutes lang me lumabas he's the first one to welcome us and he makes sure na bubuhatin mo sya and ikikiss or else hindi sya titigil sa pagsunod and pagkahol sayo.And pag nakahiga me he will sleep beside me.Basta lagi need namin sya katabi.He sleeps beside my sister every night and pag di mo sya binuhat  he will really make a way para mapansin sya and buhatin. Everybody in the house loves him kasi super malambing talaga...I always tell him I love him...

~ ka [3] na ~

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #244 on: February 21, 2010, 07:04:34 pm »
1. Everytime na dadating ako or any of our family members kinakalampag nya na yung door as a sign na palabasin daw siya. =)

2. There was a time na super sad and natatakot yung dog ko and kahit san ako pumunta sumusunod siya na para bang gusto magpakarga tapos pagiindian sit ako sa floor uupo siya sa lap ko kahit tumayo ako and lumipat ng place ganun ulet gagawin nya.

3. First time kong mawala ng almost a week since i got my puppy bec. we went to hongkong so nung pagdating ko and umakyat ako agad sa 2nd floor. umakyart bigla yung dog ko eh hindi naman yung marunong umakyat ng hagdan. =)

chicnsassy

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #245 on: March 15, 2010, 11:44:00 am »
everytime lalabas kami at may pupuntahan, gusto lagi ni Cutey (our pet, Shih Tzu) na sumama sa car, at lagi nya ako ginigising sa umaga, umaakyat sya sa bed at dinidilaan nya face ko....at nung umalis ako for the States, iyak daw ng iyak sa door ng room ko inaantay ako lumabas, andun daw sya lagi inaantay ako sabi ng Mama ko, binuksan daw ng Mama ko room, tumalon daw agad sa bed at hinahanap ako, lagi daw nya ako inaantay kahit almost 6mos ko na sya di nakikita...aww!!! naalala ko yung movie na hachiko: a dog story, para syang si cutey pero sa door ko ng room ko or sa window ng sala siya lagi antay, watch nyo yun sis.

PS pag umaalis kami dati na di siya kasama iyak ng iyak sa window parang nagmamakaawa na sumama. awww!

cuteapril_1215

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #246 on: March 15, 2010, 12:53:05 pm »
share ako ginawa ng 2 pet nmin  :)

1st (Odie)
Napunta kami ng Clark, at kelangan iwan si Odie sa house ng kaptid ni mama. Nung paalis na kami, bgla siya tumakbo at nauna pang pumasok sa car namin...
2nd (Pepper)
Pepper (shih Tzu) was our pet for 9 years, before he passed away  :(
one of the most memorable & touching experience i had with Pepper was when i was so broken hearted...ako lang mag-isa sa bahay nung time na yun...iyak ako ng iyak, tapos lumapit si pepper at pinipilit niya tanggal hands ko sa face...nung tinanggal ko hands sa face, bigla niya ako dinilaan sa face...na-touch ako kaya hinug ko siya mahigpit...

~ ka [3] na ~

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #247 on: March 15, 2010, 01:44:25 pm »
kelan lang pala. since marunong na yung pet ko umakyat ng hagdan pag morning umaakyat siya tapos pumupunta sa room ko tapos dinidilaan ako para magising. tapos pag andyan na yung sasakyan and nasa labas na ako ng gate, bigla yung pupuslit na makalabas sa garage (sa loob lang kasi siyang house) at sumusunod sa taxi. it is amazing how dogs can take your stress away.

icysunitz

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #248 on: March 25, 2010, 11:57:40 pm »
this happend more than 10 years ago.  We had 2 dogs, jenny and dugan.  Every night, pinapalabas namin cla ng gate para d naman cla nabobored sa loob ng house, but balik rin cla pag nag sawa na.

One night, d na bumalik c dugan, jenny came back.  I asked her where is dugan, syempre, d sumagot c jenny.. hehe.. but she ran back and parang hinanap nya si dugan, balik cya uli after nyang nag hanap.
We thought dugan just wandered out and babalik sa morning, nung morning gusto lumabas ni jenny, so we let her out, but walang dugan cyang kasama bumalik.  =( it was really sad, napa iyak nlng ako dahil wala na isang pet namin and sa efforts ni jenny to find him.

bheiibaby

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #249 on: March 26, 2010, 08:45:59 am »
Hello!

Halos same lang din yung sakin. Sinasalubong ako pag dadating ako, ni-wait nya ako sa may gate namin hanggang sa bumalik ako.. stuffs like that, pero may isang weirdo na incident na toush ako, here it goes.

si koko (my shih) bigla nalang lumapit sakin. i dont know why. then ginawa ko nilagay ko sya sa bed ko, still ayaw pa din nya dun gusto nya lang sakin. so na weirdo-han naman ako.. then i notice some smell, amoy poop sya, then i checked his arse, to my surprise may poop pa pala sya na naiwan, hahaha.. then binaba ko sya, ayaw talaga. So what i did is hinugasan ko sya then pinunasan ko sya.. after that nagulat ako lumapit sya ulit. Binuhat ko sya and he barked once then ni-lick nya yung face ko ng maraming beses. sabi ng bf ko, baka daw nag thank you sakin. hehhe ayun, after he licked my face umupo na sya sa tabi ko. then i saw his tail wagging that time.. :)

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #250 on: March 31, 2010, 11:20:46 pm »
hiniram ko pamangkin ko sa pinsan. he was barely a year old. napakalikot!

dinala ko siya sa kuwarto ko sumama si jigz (aso ko). nilapag ko si kirby (baby) sa kama ko, si jigz nakasampa sa kama ko na parang nagseselos. hindi umaalis si jigz sa ganung posisyon. binaba ko si kirby sa sahig, nakasalampak kami, naglalaro si kirby, tumihaya si jigz sa tabi ni kirby. malay ba naman ng bata kung mangangagat ang aso di ba? nilamutak nya yung mukha ni jigz, mukha ngang nasaktan si jigz eh, pero hindi sya umalis sa tabi ni kirby, nakatihaya pa rin siya. hinahampas na ni kirby, hindi pa rin umaalis si jigz. naisip ko, napakabait ng asong ito. sana kapag ako nagka baby, buhay pa si jigz. matanda na kasi sya eh, he was born last february 2001 pa. 

wuvshoe

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #251 on: April 03, 2010, 12:22:52 am »
I just have to share this kasi sobrang na-touch ako...

May abandoned dog dito sa parking lot na pinapakain ko minsan... let's call him "Orig". Hindi ko naman siya pwedeng kunin kasi bawal pets sa unit :( Anyway, just tonight nakita ko siya na may kasamang new dog (abandoned rin, let's call him "New")... first time kong nakita si New but naisip kong pakainin na rin.

Bumili muna ako ng 2 canned dog food sa convenience store... nung bumalik na ko sa parking lot, wala na si New... So pinakain ko na lang si Orig nung 1 can...

Habang kumakain si Orig, kinakausap ko siya "where's your friend? is he hungry? why don't you call him?" tapos tumitingin ako sa paligid. alam nyo ba, parang naintindihan nya ko... tumingin-tingin rin siya sa paligid tapos half lang yung kinain nya... then tinulak nya yung plate at nagtatatahol na siya... 

Biglang may reply na tahol... maya-maya dumating na si New... gutom na gutom talaga siya... as in! Kinain nya yung natirang half... nung ubos na, binuksan ko yung 2nd can at pinakain ulit si New... nakakaawa talaga kasi gutom na gutom siya. 1/4 na lang siguro nung 2nd can yung natira bago siya nabusog... Nung umalis na si New, tsaka na lang ulit kumain si Orig... sinimot ni Orig yung plate kasi mukhang gutom rin talaga siya...  :-[

Na-touch talaga ako sa ginawa ni Orig... Hindi siya selfish at talagang naisip nya na gutom na gutom si New. Si New kasi older dog siya and may sakit na... nagwi-wheeze na siya kaya awang-awa rin ako... pero hindi ko naisip na pati ang stray dog na gutom na gutom like Orig, marunong mag-sacrifice for a fellow dog... ka-touch talaga! awww i love dogs talaga...

(add ko lang... pareho silang may breed: Orig is a sheep dog while New is a beagle... nakakainis yung mga owners na ina-abandon na yung dog pag lumaki na...  >:( both dogs seem to have issues tuloy... takot sila sa sudden movement at ayaw nilang malapit ka habang kumakain sila kasi that's the time na hindi sila nakatingin at baka i-attack... :'( poor babies...)

~ ka [3] na ~

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #252 on: April 04, 2010, 11:19:09 pm »
Yesterday nasa subic kami, medyo madilim na mga around 6pm siguro, pinatong ko muna si Hershey (my shih tzu pet) sa table para makaswimming ako sandali. habang papalayo ako nagbabaybye ako sa kanya, nung medyo malayo na ako naririnig ko yung iyak nya, iyak siya ng iyak akala nya siguro di na ako babalik tapos dahil mataas yung table and iyak siya ng iyak binaba siya ng mom ko tapos ayun biglan tumakbo and hinug ako. =)

Tinanong nga ako ng kuya ko kung halimbawa daw naiwan kami ni Hershey sa isang island tapos kaming 2 lang talaga and gutom na gutom daw ako at walang makain, tinanong nya ako kung kakainin ko daw si hershey, sabi ko dibale na sabay na lang kami mamatay kesa patayin ko siya.

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #253 on: April 06, 2010, 02:39:32 am »
^^ sis wuvshoe, that was very touching indeed

do you have any pets na magkaiba pero they do not fight? like cats and dogs?

i have a cousin who has a dog and lots of cats. her dog loves her cats. nakakatuwa na hindi nagaaway mga alaga nya

nelle21

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #254 on: April 06, 2010, 02:59:51 am »
Scooby (our male askal in the 90's) and Muning (female pusakal same circa).

When muning got pregnant and gave birth, she abandoned her kittens. Si Scooby  ang nag-alaga since day 1 and he let the kittens suck his dede...

Super bait ni Scooby and super malambing...bading yata! :D

Miss ko tuloy si Scooby!!!!

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #255 on: April 07, 2010, 12:35:11 am »
^natawa ako sa comment mo on Scooby na bading ata. hehe

meron ding aso tita ko, hindi sya nagagalit kapag kumakain yung mga muning sa kainan nya. cutieee

greyish

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #256 on: June 11, 2010, 06:35:41 am »
my 12 years old cat, si p***y. died last week. she gave up her life. naniniwala kasi kami na pag namatayan ka ng pet, ibig sabihin inako nila ang sakit na dapat sa amo nila. same day, last thurs, june 3, i went to the hospital kasi nagspotting ako, then pagbalik ko ng hapon, she died. although ilang araw na syang matamlay, at hindi ko alam na spotting na pala ako ilang araw na..

as in hagulgol ako. and iniisip ko, she gave up her life for my baby. hay kasad...hindi ako pwedeng magmourn ng sobra kasi baka maapektuhan ang baby ko.

this is the most memorable act for the last time ng pusa ko for me...

greyish

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #257 on: June 11, 2010, 11:15:20 am »
kala ko kami lang naniniwala sa ganun...

hay kasad talaga...

siguro yung dog nilang si Roxy was just waiting for your uncle..

cherub.rock

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #258 on: June 18, 2010, 06:17:41 am »
from my ex-maltese dog, everytime i arrive home at 4 in the morning, he always barks from his cage kasi he can really sense i have arrived already. he recognizes the car, to think ang layo2x tlaga ng garage from his cage. kaya even if i turn off the headlights (kasi madilim pa pagdating ko) and i don't want to wake up the neighbors from his barking, he still knows. so everyday, madaling araw kami magbonding ng dog ko na yun. i have no choice but to always let him out of the cage when he arrives kasi gusto nya makigpaglaro sa akin. after an hour, i just return him so i can sleep (nightshift eh) and he would just keep silent na. i miss him..

cherub.rock

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #259 on: June 18, 2010, 06:22:36 am »
from the same maltese dog i had before, one time umuwi ako crying cause nag-away kami ng bf ko. what he did was nakipagkulitan siya sa akin with matching puppy eyes and "smiley face" (he has this certain expression na parang nag-ssmile talag) as if to cheer me up. hay nakuuu.. nakalimutan ko na nag-away kami ni bf sa sobrang kulit ng dog. hehe. instead of lying and crying in bed the whole night, i stayed up and played with my dog, tapos watch tv after. sabi ko "buti kapa doggy, you always give me joy." but now wala na siya..

this was the dog.. that made me love dogs. nuon takot talaga ako sa dogs. but eversince i had him, i love dogs na. i felt what they meant with dogs are man's bestfriend. so now, i have a great dane na. bigger dog  na. hehe.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close