We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Yung dati naming aso, sinasamahan parati sister ko hanggang kanto pag naglalakad siya papuntang school, kasi yung dati naming bahay, nasa loob ng magandang subdivision pero katabi ng squatters area (kainis nga eh, sumulpot na lang sila bigla). So yung aso naming yun, talagang mega tahol sa squatters para di lapitan kapatid ko. Araw-araw niyang ginawa yun hangga't buhay pa siya. Eh yung asong yun, di amin, kinupkop lang namin kasi mukhang may breed pero napabayaan. Mukha siyang Yorkshier Terrier talaga, promise. Mahilig yung matulog sa ilalim ng puno sa labas ng bahay kaya pinapakain na lang namin, and dahil siguro dun kaya na-attach na siya samin sobra kaya eventually namahay na siya sa garahe namin. Pero hindi talaga sa amin yun. So hindi namin siya tinatali, and pwede siyang maglabas pasok sa gate kasi kasya sya sa grills. Mahilig yung umikot sa subdivision pero uuwi at uuwi din yun ng 5 pm kasi alam niya pag 5:30 pm uuwi na kapatid ko from school. Eh maingay yung asong yun, palatahol kasi aligaga and palaging excited lalo na pag may umuuwi sa bahay. So ayun, nairita yung kapitbahay naming Amerikano sa mga tahol nung aso kaya pinapatay niya. Akala ng parents ko lumabas lang sandali yung aso kaya walang sumalubong sa kanila paguwi nila nung gabing yun (walang paltos din yun sa pagsalubong sa van namin eh), yun pala patay na. Sobrang sama pa talaga ng pagpatay sa kanya. Hinuli siya sa sako and he was beaten to death. Sobrang galit ng dad ko nun sa kapitbahay namin. Wala lang kaming laban kasi hindi samin yung aso talaga.Grabe yung iyak ko nun sa asong yun. Hindi ako mahilig sa pets kasi, and so siya pa lang ang pet na minahal ko talaga, and alam kong minahal niya rin kami ng todo.His name was just Doggie, but I really did love him. This happened eight years ago pa pero naiiyak pa rin ako pag naalala ko.