watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164031 times)

bacci

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #60 on: August 19, 2007, 12:16:43 am »
my bf went to the states and wasnt going back for like after 10 years. we have a dog. every night at around 930, my bf comes to my house and stays till almost midnight. the week my bf left our dog was crying every early morning and wont eat properly. one time, at around 930, my dog was like begging me to go out to the patio. i almost cried coz during that time, my bf would come to my house. we'd stay in the patio and play with our dog.

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #61 on: August 20, 2007, 03:09:30 am »
oh my! i love this thread. nakaktuwang isipin na ang mga pets natin, dahil mahal natin sila, they show their love as well in their own little ways.

i have had dogs before. currently, i have 4 dogs. their names are as follows:
wichicko - she was given to me by my suitor in college  ----  deceased
uricko - panganay ni wichicko
jigz - kapatid ni uricko (unano and nakuha ang features ng dad nya na pitbull), 2nd anak ni wichicko
felix - kulay tigre (panganay ni uricko)
panda - black (bunso ni uricko)



here are touching stories of my dogs. please bear with the length

1. hinabol ni wichicko yung nambastos sa akin sa kanto namin. since then, di na ako kinakausap nung mga tambay guys


2. wala na si wichicko nito. namatay kasi siya. last year, may yun, nagkasunog sa area ng malacanang. my bf can't come kasi sa parañaque pa sya manggagaling. so he is just checking me via call sa cellphone. wala akong kasama sa hauz nun. di ko alam kung paano maguumpisa. my dogs were looking out sa window and maybe wondering what's going on. ang ginawa ko, kumuha ako ng kumot, put all clothes na nakahanger sa cabinet at ginawa ko syang bag. tapos i grabbed my big (as in huge) bag where i out all my bags. i grabbed my body bag at nilagay ko lahat ng gadgets ko dun (bahala na kung magkagasgas). tapos naisip ko san ko yun ilalagay in case. eh 4 na yung dogs namin that time: uricko, jigz, felix, and panda. eh 3 lang leash na available, so ang ginawa ko, tinali ko na sina uricko, jigz and felix. panda is left sa hauz. i carried my stuffs (kumot-ala-huge shoulder bag), body bag and my dogs. tinali ko sila sa isang poste sa kabilang street, away from the scene. i left my stuffs with them and i told uricko (pinakamatapang) that anyone who will attempt to touch my things, bite him.
pagbalik ko sa hauz namin, found panda guarding our house. kinuha ko yung kadena na pinaglumaan ni wichicko. kinuha ko cpu ko at iba pang gamit (di ko na matandaan mga kinuha ko). dinala ko na rin si panda sa kabilang street. pagdating ng father ko at alagad nya, bumilib sila sa mga dogs ko. tinawag silang mga heroes....


4.  si jigz ang toy dog namin. he serves as my pillow whenever i like to lay down sa sofa. (our sala set is made of narra kasi). they have their own sofa if in case we have visitors. since jigz is so unano, bininyagan ko sya ng names na "jabbar", "pandak" at "unano". kids outside keep play around with him cause he is soooo lovable.

5. si felix naman, hinabol yung guy na nanliligaw sa akin (tambay sa kanto). kasi inaabangan ako nung guy para ihatid


6. panda is the most playful of the four. once nag alarm na celfone ko, aakyat sa kama ko tapos di aalis hangang sa bumangon ako.


7. balik tayo kay uricko... sa madaling araw, kapag maliligo na ako, papalabasin ko sila para makatakbo naman sila. after just 5 minutes, tatawagin ko na si uricko and sasabihing walang "tao" sa salas... (meaning walang bantay) and she will go home immediately nang hindi nagseselos sa ibang dogs


8. one of the best so far is when my dad was assigned to be in graveyard. mom ko lang naiwan sa hauz at nanaginip sya nang masama na parang binabangungot. jigz and uricko went up the bed and pilit daw syang ginising. grabe, very thankful mom ko sa dalawang to.


9. hinahatid ako nila jigz and felix sa labas ng malacañang sa madaling araw if i need to ride a cab. di sila umaalis hanggat di pa ako nakakasakay sa taxi


10.  i jog with uricko and felix from house to luneta without leash

11.  this happened last april when my mom and dad had a vacation in hundred islands for a week. nakisali ako just for one day lang naman. yung pinagbilinan ko sa mga dogs ko na cousin ko eh laging nagsusumbong na di daw kumakain mga dogs ko at laging nakadungaw sa bintana. when i arrived, i saw them sa bintana na parang gusto akong dambahin sa ibaba ng hauz namin. grabe.... pinakain ko sila at kumain naman sila., when i texted my dad that i am home na (around 12:20 am), he called sa landline namin. i put it on speaker and my dogs were barking as if nagsusumbong.... soooo sweet di ba? when they arrived after their much-deserved vacation, everyone is licking my parents and jumping for joy. grabe... nakakatuwa.... nalulungkot din mga dogs


12.  ito ang pinaka malupit at so far the best. (wala payung sa sunog)., my dad is working for federal government's ammunition department. dinampot lang naman dad ko around 3am. tulog na tulog daw ako at yung mom ko iyak nang iyak. uricko and felix followed the mobile na pinagsakyan sa dad ko. jigz just stared at them and barking non-stop. ginising ako ng mom ko so ako naman, tumwag ako sa embassy at activated my dad's gps tracker. bawal kasi nilang tanggalin yun. di siguro namalayan nang mga pulis na may suot yung dad ko na puting parang relo pero tracker nila yun. embassy personnel went to our house with uricko, felix and my dad! naabutan daw nila sina uricko at felix sa labas ng precinct. sobrang touch ako sa ginawa nang mga aso namin....


sorry ang haba... am so overwhelmed that my dogs, despite being with us in a small house, they let us feel how they love us in return of how we take care of them.
« Last Edit: August 21, 2007, 03:27:53 am by jarjarbinks »

A L L U R E

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #62 on: August 20, 2007, 03:26:58 am »
sobrang nakaka-touch [textspeak!] mga dogs mo sis! parang family na talaga sila,,, ~awwwww~

[textspeak!] dogs nman namin, madami pero kwento ko na muna si Gringo, Bush & Saddam, kinukulong namin sila para hindi pagala-gala then pag gabi na, pinapalabas sila para kumain.  basta pag mga 10pm na, manggugulo na sila para magpalabas (parang alam nila oras ???) kasi ganung time palang namin sila pinapapunta sa store kase wala na masyado tao that time and nagliligpit nalang kami,,, pag 12 midnight na, uuwi na ko, basta nakita nilang binuhat ko na bag ko, mauuna pa sila sakin sa daan tapos hintay nila ako sa gate, pagbukas ko gate, sila mismo papasok na and papasok na rin sa kulungan nila :D
pag 6am nman, magpapatay na lights papa ko, and alam nila, lalabas sila ulit kase sasama sila jogging kay papa sa basketball court,,, umiikot-ikot kase si papa dun,,, sila din, umiikot sa court ;D natatawa nga mga kasamang nagjjogging ng papa ko kase pati sila nakiki-jogging pero pag napagod na sila, nagshshort cut sa gitna ng court.  hihintayin nlang papa ko sa kabilang gitna ;D

hai,,, namiss ko tuloy sila  :'(

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #63 on: August 20, 2007, 04:24:55 am »
kung kwento lang naman, marami sis. pero kung yung mga touching moments lang, yan lang mapopost ko.

sa mga nakaktuwa, nakakalungkot at nakakainis na kwento, marami talaga.

sa panonood pa lang ng TV, ayaw nilang walang electric fan. at mind you, sila ang nasa tapat ng electric fan.

isa pa palang touching story with my dogs pero di involved ang tao ha....

uricko doesnt join other 3 dogs if its chow time. she lets them (the 3 dogs) finish first at yung 3 naman parang may isip na talagang nag iiwan nang konti for uricko. ganun lagi si uricko. nanay na nanay talaga di ba?


Ruhea

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #64 on: August 20, 2007, 03:21:13 pm »
i love the stories sis... ka-touch [textspeak!] :)

minsan nga iniisip ko, are the dogs lucky to have us as their humans or are we lucky to have them as part of the family?  :D

Lynelle

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #65 on: August 20, 2007, 11:00:20 pm »
^I guess it's both :D

^^what breed are your dogs? galeng nila noh :D

A L L U R E

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #66 on: August 21, 2007, 12:34:50 am »
^^^wow, kakatouch nman si uricko :D  ginagawa din ng mga mommy-dogs [textspeak!] kakain sila tapos iluluwa noh? nung first time ko nakita un, parang nandiri pa ko tapos kinakain ng mga puppies tung niluwa,,, tapos nung paulit-ulit nlang nya ginagawa, i realized na tinutunaw pala nya agad for her puppies :D

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #67 on: August 21, 2007, 03:12:44 am »
^^what breed are your dogs? galeng nila noh :D


believe it or not, uricko and jigz came from wichicko (a labrador retriever) and jabbar (a pitbull, not american type).

just imagine how they look. meron silang picture apat na magkakasama and they are behaved when i took that photo. this picture is in a photo frame displayed sa salas namin. (cuteee!)

kuha ni uricko features ng mom nya while jigz got his features from his pit dad.

when i went home early morning kanina, i told them that i posted here stories which i think touches me when they came in our family. nakakatuwa silang tignan na para bang naiintindihan nila.

one more thing pala, for me, nakakatouch yung kapag natutulog ako, lahat sila tahimik din, pero once i go out of the room, tatahol sila ng tatahol tapos dudungaw pa sa bintana na parang ipinagkakalat sa madla na gising na amo nila. hahaha    ;D

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #68 on: August 21, 2007, 03:26:48 am »
^^correct sis.

naulit na naman kagabi when i had my early dinner. i prepared small serving ng food nila and binigyan ko sila ng tig iisang puwet ng manok. tapos when i served their food na, uricko just sat sa isang sofa and watched the three others eating. sabi ko sa tatlong kumakain "tirhan nyo si mommy uricko ha".... kumakawag pa nga buntot nila na parang sinasabi na "opo!". pero bago ako maligo nakita ko si uricko na parang shes checking if the three left something for her pa. wawa naman uricko kasi walang tinira yung mga matatakaw. hahaha... sa halip na magalit, she licked panda pa (bunso)... napaka sweet di ba?

tsaienren

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #69 on: August 22, 2007, 09:58:30 am »
i believe na malakas talga mgsense ang dog lalo na sa owners nila.  There was one time na masyado akong sad na halos umiyak ako at ngkulong sa kwarto.  bigla na lang ako nagulat katabi ko na [textspeak!] dog ko at dinidilaan nya [textspeak!] luha ko. Nung gnawa nga nya un ngstop na akong umiyak at napahug na [textspeak!] ako sa dog ko sabay natawa.

rakirod

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #70 on: August 22, 2007, 06:43:33 pm »
I have 2 stories to tell:
First, nung nakaconfine sa hospital ang father ko (na-comatosed siya) hindi kumakain yung mga aso namin. We have 3 dogs. I believe na nararamdaman nila yung tragedy ng family. Everyone at that time was so down. Yung father ko lagi nag-aasikaso sa kanila. That night after my father died, umuwi ako ng bahay since ako yung bantay kay Papa for 1 week. Pinuntahan ko agad sila sa likod ng bahay. Nakita kong hindi nagagalaw yung  pagkain nila tapos puro sila matatamlay. Kahit halos wala akong boses dahil sa pagod, puyat at lahat-lahat na, pinagalitan ko sila. Sinermunan ko. Sabi ko wala na nga si Papa pasaway pa sila. Sino na magbabantay sa min kung pati sila mawawala?! Tapos hagulgol ako nang hagulgol sa harap ng dog house nila na halos di na ko makahinga at di na nga ko makadilat dahil wala akong tigil kakaiyak for weeks na. Natulala na lang ako ng sabay-sabay silang tumayo tapos kumain at inubos yung pagkain nila. Tapos lumapit sila sa kin na parang kino-console ako. Para kong baliw that time kasi tumatawa ako na umiiyak dahil natuwa at natouched ako sa ginawa nila and at the same time nagulat, hehe. Muntik na nga akong tumakbo papasok!

Tapos recently lang, yung oldest dog namin nagkasakit. Nagkasugat siya sa paa and na-infect kaya nahihirapan siya tumayo. Pag kumakain siya, nakaupo. Parang dinudurog yung puso ko nung nakita ko yun nung pinapakain ko siya. Tapos yung pinakamakulit naming aso, nung una nakaupo lang siya pagkatapos niya kumain pero alam kong tinitingnan nya ko, nung di ko na mapigil at napaiyak na ko bigla na lang siya lumapit at umupo sa harap ko na nakatingin lang siya sa kin. Nagulat ako kasi pag lumalapit kami sa kanya, ang likot-likot niya at gustong magpakarga. Pero that time, she's like a shoulder to cry on, hehe. Ngayon magaling na yung isang dog namin kaya masaya na ko. Yung makulit naming aso naman, ayun back to her kakulitan.

Sabi nga our pets specially dogs give us unconditional love. Kahit sipain mo sila or pagalitan pag-uwi mo ng bahay sila pa rin sasalubong sayo sabay kembot at kawag ng buntot kahit sinaktan mo sila. For me, a simple wagging of their tails when I get home from a stressful day at work, touched na ko and nawawala na pagod ko. Minsan mas okay pa sila kesa sa tao, hehe! I've always love dogs. Although minsan naiisip kong ayoko nang mag-alaga dahil pag nawala sila, hirap na hirap akong maka-move on. Pero that's life.


A L L U R E

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #71 on: August 23, 2007, 01:58:34 am »
^tama ka sa UNCONDITIONAL LOVE sis.  hindi sila nagtatanim ng sama ng loob sa amo nila.  nakaka-guilty pa pag ganun sila na kahit pinalo mo na, after five minutes lang, pag tinawag mo, tuwang-tuwa pa sila lumapit...

jarjarbinks

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #72 on: August 23, 2007, 04:44:32 am »
my mother is my dogs' hitler. just last night pag uwi ko, i saw my dogs sa labas ng hauz namin. sinalubong ako na parang nagsusumbong. yun pala pinagalitan kasi di daw kumain, namimili raw ng food. eh di pnagtanggol ko yung mga dogs ko. di ako kumain hangga't di umuuwi si uricko. tapos mas kumatok na bata sa door namin sabi nasa labas daw si uricko. pagpasok nya, niyakap ko sya agad kasi almost 1 hour ko syang hinihintay na umuwi eh. nagsorry nanay ko sa kanila, grabe, dinilaan nila mukha ng mom ko sabay sabay.... nakaktuwa sila dahil ang daling magpatawad

Ruhea

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #73 on: August 24, 2007, 04:17:46 am »
^I guess it's both :D

^^what breed are your dogs? galeng nila noh :D

sis, lhasa [textspeak!] nasa pic na dog mo no? i have a lhasa too. ang sarap nila maglambing..

@rakirod, naiyak ako after ko basahin [textspeak!] first story mo.  :-[ correct, unconditional love [textspeak!]. naranasan ko na mapagalitan [textspeak!] lhasa ko, pero at the end of the day, katabi ko pa rin sya and pilit nagpapayakap :)

Lynelle

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #74 on: August 24, 2007, 10:22:06 pm »
^ yep lhasa siya 14yo na but very enegetic pa,I have two actually mag-ina sila  malambing but barks a lot :D how abt yours?
« Last Edit: August 24, 2007, 10:24:45 pm by Lynelle »

kryzteta

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #75 on: August 24, 2007, 11:12:10 pm »
My hubby was in HongKong for 2months and 2 weeks before mag expire yung visa nya sumunod ako. Napansin ko na malungkot si Baxi the whole afternoon, tapos that night while I was packing nakatulog sya sa room and I heard him whimpering, nanaginip ata. So I went to him and hugged him. Tapos sabe ko sa kanya "don't worry baby, dada will be with me when I get back."
He was just staring at me.
Sbe ko ulit "What do you want na ubong? I'll bring you lots of treats?"
Nakatitig lang din with a sad look on his face.
Again sbe ko " You don't like that? How about a new toyie toyie?"
Ayun tumahol na sya, parang sinasabing " yeah that one, I like!"

sweetsweet

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #76 on: August 25, 2007, 01:00:06 am »
my favorite cats (who passed away last year), pag nakakahuli sila ng ibon, iniiwan nila sa slippers ko. i find it so sweet, para kasing inaalay nila sa akin :) hay, i miss them tuloy :)

Ruhea

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #77 on: August 25, 2007, 01:06:30 pm »
^ yep lhasa siya 14yo na but very enegetic pa,I have two actually mag-ina sila  malambing but barks a lot :D how abt yours?

nakakatuwa ang energy level nila. :) ihave a 9 month-old lhasa named peanut. am about to get my 2nd one, girl naman, butter ang name nya hehe.

lhasa was the best dog breed so far sa lifestyle ko saka behavior hehe :)

queenie_sum

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #78 on: August 29, 2007, 07:13:12 pm »
super na touch ako when my toy dogs lick me on my face every time they saw me crying. i feel their love and concern for me. very touching and i felt good and calm na because i know that my dogs are there for me.

hitomigurl

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #79 on: September 01, 2007, 03:14:08 pm »
nata-touch ako kapag nililick ng rabbit yung toes or fingers ko...

natouch din ako nung one time natutulog ako sa sofa, nakadapa ako. tapos parang may mabigat sa likod ko. yun pala yung pusa ko dun pumwesto, natulog din. tapos nung gusto na niya gumising, medyo ilalabas niya yung claw niya tapos idiin sa likod ko para magising din ako. hindi naman masakit, actually masarap. parang may nagkakamot sa likod mo... hehe!

ito naman nangyari sa bf ko: binabantayan niya rabbits namin sa sala nila, tapos nakatulog siya. na-alimpungatan siya kasi parang may gumagalaw sa tabi niya. pagkita niya yung rabbit na isa nasa tabi na niya, nakikitulog ito, gusto siyang katabi...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close