watch now

Author Topic: funny, amusing, touching things your pet does  (Read 164155 times)

saxecouborg

  • Guest
funny, amusing, touching things your pet does
« on: March 12, 2007, 02:24:17 am »
sabi nga nila nakakatanggal ng stress pag may alaga kang pet.
share naman kayo ng mga experiences nyo na natouch kayo sa ginawa ng pet/s nyo. ;D

saxecouborg

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #1 on: March 12, 2007, 02:55:02 am »
share ko lang yung experience ng mama ko sa pitbull namin.

may tampuhan kasi mama't papa ko.that time yung pitbull(martha)lang namin yung kasama ng mama ko sa bahay.umiiyak yung mama ko sa kama nya narinig siguro sya ni martha tapos bigla daw umakyat sa kama si martha kiniss sya sa batok(nakaharap yung mama ko sa wall),nakakapagtaka lang dun kasi basta nakahiga kami sa kama at nakita kami nun gagawin nun dadambahan kami tapos mangungulit na pero that time kinikiss lang daw sya sa batok.

tapos diba nakaharap sa wall si mama ang ginawa ni martha pinagkasya nya yung pagkalaki laking nyang katawan sa harap ng mama ko tapos nung nakita nya may tumutulong luha si mama ang ginawa ba naman eh dinilaan nya yung luha.tapos tuwing may papatak ulit ganun nanaman ginawa nya(as if parang pinapahid nya talaga luha ni mama).sabi nga ng mama ko embis na nag eemote sya nun natawa tuloy sya.kasi parang kinocomport talaga sya ni martha.

tapos hindi talaga nya iniwan yung mama ko dun,nakatulog na sila pareho.kaya yun pagdating namin sa bahay kinuwento ni mama samin yung nangyari.na touch lang ako,may pag ka bully kasi si martha sobrang kulit kay di ko lang inexpect na ganun gagawin nya.

at ngayun ayun back to normal ulit si martha sa pagiging pasaway.LOL ;D

Nelh

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #2 on: March 12, 2007, 03:07:34 am »
ako naman yung pusa ko si Pao-pao, kahit na pusakal lang siya( pusang kalye ;D)sobrang love ko yun...

everytime na malungkot ako lagi siyang uupo sa harap ko tapos nakatingin lang siya sa'kin na parang bang may sinasabi (kung nakakabasa lang ako ng isip ng mga hayop  ;D)...yung bang "huwag-ka-ng-malungkot" look...ewan ko but everytime na ginagawa niya yun gumagaan ang pakiramdam ko tapos iha-hug ko sya. :)

minsan naman pag nanonood ako ng tv aayak yun sa lap ko tapos doon na siya matutulog, parang bonding moments na namin yun

lastly, simula pa nung college hanggang ngayon everytime na uuwi ako ng bahay from work sasalubungin niya agad ako. Dati nga tatalon pa yun eh tapos sasabit sa pants ko(kaya tuloy butas-butas yung mga pants ko nung college dahil sa kakakapit nya, hehe! ;D)...pero ngayon itinigil na niya, narealize nya na siguro na masyado na siyang mabigat para lumambitin sa pants ko  ;)

springblossom

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #3 on: March 12, 2007, 07:42:37 am »
everytime me and my husband come home from work, sinasalubong nya kami. talagang mapi-feel mo that she's so happy to see us. talagang nakakawala ng stress and its a very nice feeling. para na rin kaming may baby talaga. :)

cum laude

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #4 on: March 14, 2007, 03:31:10 am »
May inodopt akong kitten, si Jumong..super bait din niya at lambing..as in gusto niya nasa leeg ko siya pag matutulog na kaming 2..at kahit ilagay ko siya sa labas ng kuwarto,magpupumilit siyang pumasok at aakyat sa bed ko at talagang hinahanap nya ang leeg ko para tulugan...hayyyy...nakakamiss tuloy gusto ko ng umuwi...

queen mai

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #5 on: March 14, 2007, 04:07:39 pm »
Heehee yung isa pa naman na aso na si Hazel lagi kami hinahatid ng tanaw pag papasok na kami ng bahay.

schizoprano

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #6 on: March 14, 2007, 05:06:43 pm »
yung first cat ko sobrang sweet talaga nun. Dati kasi depressed ako kaya tuwing naiiyak ako lagi ako nun tinatabihan tas mmeow ng meow parang may sinasabi or tinatanong.. then yung wife and child nya (naks) sila na lang natira sa kin ngayon, tuwing mag-isa lang ako at nagpapakesenti --may music sa background-- lagi yun tumatabi sa akin sa kama then dun sa tabi ko matutulog (which they don't normally do. pansin ko lang tumatabi lang sila pag malungkot ako..) Pusakal din sila lahat.. :D Sweetness and kindness spans breeds, I guess.

tanya

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #7 on: March 15, 2007, 10:24:22 am »
one time, yung shih tzu ko (si chuchay) natulog sha sa room ng parents ko. e yung mom ko may pinaglalamayan na trabaho, so madaling araw na, di pa rin sha natutulog, nandun pa rin sha sa work area nya. etong dog ko, biglang hinugot (using her teeth) yung plug ng lamp na ginagamit ng mom ko. parang gusto niyang sabihin sa mom ko na better get some sleep first, tama na muna yang pagtrabaho. wala lang, ang sweet lang. kaya natulog na di mom ko after nun. hehe.  ;D

cynth22

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #8 on: March 15, 2007, 10:25:54 am »
waaaaahhh...kiniss ako ng pet ko  :-*

soulontap

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #9 on: March 15, 2007, 01:28:11 pm »
Opposite ng touch.

I kicked the dog out because I wanted to use her aircon room. She went to my room, jumped up to my bed and pee on it.

That was the last time I kicked her out of her room.


baby_corey

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #10 on: March 17, 2007, 04:46:18 am »
yung namatay kong pitbull, sobrang sweet yun. everytime naglalaro sila ng isa pa naming aso (beagle) and kapag nakita nya akong umupo sa chair malapit sa kanila, he will stop playing talaga and approach me tapos aakyat na yun sa lap ko (kahit ang bigat bigat nya na), he's so sweet, mahilig talaga syang magpa cuddle sa amin.  :)
tapos mahal na mahal nya yung beagle namin, palagi nya yun hina-hug...may nakuha pa nga akong pic nila na niyayakap nya ang beagle namin. *sigh* i miss him so much :(

mildfire

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #11 on: March 18, 2007, 10:59:18 am »
my spitz sobrang natouch ako when me and my mom is making harot, kala ng aso ko pinapalo ako ng mother ko,ayun punta agad sya tapos hinila nya kamay ng mom ko, to our surprise talaga! :D buti na lang maliit sya so kahit sumampa pa sya my mom wasn't hurt naman

Rollenes27

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #12 on: March 27, 2007, 09:32:13 am »
yun pet naming si buknoy very sweet and mapagmahal...palagi namin siya kasama sa bed namin pagnatutulog then pag nag sasabi ako sa kanya ng I LOVE YOU he always kiss me..as if nag I LOVE YOU 2 siya to me...

ladyluck

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #13 on: March 27, 2007, 10:25:15 am »
Nakaka-touch naman mga stories ninyo. :-[ Eto naman sa akin:

With my cat Loki (who died many years ago) – tuwing uuwi ako galing work, lagi niya akong sinasalubong. Tapos pag umakyat na ko sa stairs para tanggalin shoes ko at ilagay sa shoe rack, susunod siya at kakandong na sa akin. Tapos magcu-cuddle kami sa stairs then pag magbibihis na ako, susunod siya sa room. Magkukulong lang kami sa room until we get bored, haha. Naging ritual na namin ito simula kitten pa lang siya hanggang sa namatay siya.

With my kitty Jayla (who happens to be a boy) – pagkagaling namin ni hubby ng work, didiretso kami usually sa room namin. Si Jayla, uunahan kami lagi papunta sa room, as in kakaripas ng takbo, minsan nauuntog siya sa bilis ng takbo kasi madulas ang sahig. Pag nagkataon na di niya kami nakitang pumasok sa room, o pag nasaraduhan namin siya ng pinto, kakamutin niya yung hamba na parang kumakatok. Tapos pag binuksan namin yung door, papasok na siya at makikipag-lambingan. Minsan nga umuwi in-laws ko from the province tapos nagtaka sila kung bakit kinakaskas ni Jayla yung door, sabi ng maid namin “akala po niya nasa kuwarto sina ate, kumakatok po siya.”

Lahat ng cats namin sa house malambing talaga (we have 3 adults and 2 kittens). Pag malungkot din ako, papasok sila sa room at maglalambing, minsan pag umiiyak ako tatabihan ako o kaya hindi lalabas ng kwarto hanggat di ako lalabas. Minsan kinakausap ko sila kasi alam ko naiintindihan nila ako. They always seem to make me feel better after. :)

wolfs_rain

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #14 on: April 03, 2007, 11:20:36 pm »
our daughter who's only 3yrs old that time slipped facing down on the floor and she cried out loud.. since our lab was the one closest to her she quickly ran to her and tried lifting our daughter using her head and sniffed on her face to check if she's alright then our lab inctinctly looked to me and my wife as if telling us about the situation. when we went to help our daughter stand up and brought her to the sofa, she stayed beside her all the time and would follow her wherever she went.. so sweet.. and so bratty that dog.. hehe!

ubay

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #15 on: April 04, 2007, 04:43:04 am »
all of my pets are sweet, sobrang adorable.
nagseselosan pa nga pag sumasalubong eh, hehe
pag dumadating kami, laging kala mo ilang taon na kami hinde nagkikita. they are very cheerful pag andun kami sa bahay. nasesense naman nila pag aalis kami. everyday, before kami umalis, lagi na nakatabi, animo nagmamakaawa wag kami aalis. pag nakita nya malaki ang bag, alam din nilang matagal kami mawawala. yung jap spitz namin, lakas tahol na may kasamang iyak. nilalabas pa yung ulo nya makita para makita nya kaming makalayo.

before we sleep, kiss kami ng toy poodle namin. sa morning naman, kiss nya ako sa leeg... madalas pa cheek to cheek kami. basta gusto nya nasa leeg ko sya, parang scarf ko, hehe... isang nakakatuwa sa kanila pag morning na gusto nila mag-pee, [textspeak!] sila titigil nang kakakiss hangga't hinde kami tumatayo para buksan yung door para makawiwi sila :)

a_y_e_n

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #16 on: April 07, 2007, 11:39:50 am »
tahimik [textspeak!] na nkikinig saken pag may problema ako. :)

rizzie1026

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #17 on: April 09, 2007, 04:57:28 am »
yung shih ko everytime i come from work nasa gate pa lang yung car sobrang excited na sya.kinukutkot nya yung screen door to the point na nao open na nya para lang salubungin kami nung hubby. tapos talon sya ng talon di sya titigil hanggat di namin kine carry tapos kiss.
pag umiiyak din ako dinidilaan nya tears ko.
pag nag co computer din ako (like ngayon)gusto nya nasa lap ko sya.
nung holy week, nag subic kami. kasama sya. pag nasa beach kami iniiwan ko sya dun sa house. dun lang daw sya sa ibabaw ng bag or damit ko may tumutulong luha.

travelholic

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #18 on: April 13, 2007, 07:19:19 am »
pag lumalapit sa kin ang shih tzu ko at humihiga sa tabi ko parang baby. tsaka tumatabi sa kin pagtulog at nagpapakarga pa sa bed. cutie.

krasivaya

  • Guest
Re: ginawa ng pet nyo na sobrang na touch kayo
« Reply #19 on: April 22, 2007, 08:32:36 am »
i remember one time nahulog ako sa stairs namen ( ;D nakakahiya) as in sobra kumalabog talaga,eh super early pa nun,i heard my lab sobra nagmamadali tumayo,eh obese siya so hirap niya buhatin yung katawan niya..then nagmadali siya puntahan ako na nakaupo pa sa stairs sa sobra sakit..inamoy amoy niya ko and super kiss,parang she was checking on me if im ok..tapos nung tumayo na ko,pababa ng stairs,eh ang bagal ko kase ang sakit ng thighs ko,sunod din siya pero one step at a time lang din, parang to escort me lang...how sweet... :) 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close