Author Topic: How I met my boyfriend/husband  (Read 140292 times)

FayeP

  • mom of three boys
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1776
  • life's good!
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #560 on: August 30, 2019, 11:07:41 pm »
I met my husband through my cousin....way back June 2008 kasi yun older cousin ko ay mahilig sa mga text clans, tapos she got invited sa isang fiestahan dito lang sa San Juan ng isa nyang kasama sa clan...since hindi nya alam yun lugar, nagpasama siya sa akin at sa isang officemate nya...so the three of us naki-fiesta, mababait naman mga tao dun...tapos na-meet ko dun si hubby...medyo suplado pa nga ang dating nya kasi iba yun mga ka-umpok nya...wala ako BF at that time at si hubby naman mga 8months na ding single...so tinukso kami ng slight during the inuman, though he didn't ask for my number at that time..

after two weeks, nagtext cousin ko na may nag ask daw ng number ko so when I asked who, sabi si Hubby nga daw...so kako sige bigay mo na...pero nagtext lang siya ng isang one liner na di ko makakalimutan, "this is my number, please save and call me for backup in case of emergencies"  yun lang ang text nya, ni walang hi, hello, musta ganun...

since then mga two weeks paisa isa lang text nya, magrereply ako tapos wala na siya reply ulit, after more than two weeks, he asked me out, for coffee lang sa SB sa tapat ng office kasi "napadaan" daw siya sa Makati Med (sa RCBC Plaza kasi ako work at that time). So I agreed, tapos nasundan na yun ng ilan pang coffee dates, puro kami kape...

Nun November 2008 naging kami na, then Feb 2009 kinasal na kami....bilis lang
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

heidzqb

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #561 on: September 11, 2019, 02:18:32 am »
My husband met during college days but we're just classmates and not really friends at all. After graduation, we went to the same company and necame officmates. That's when we started our friendship then friendship turned into lovers and the rest is history.

simang

  • Acts like a lady, thinks like a man.
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 5761
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #562 on: September 11, 2019, 01:58:18 pm »
Nun November 2008 naging kami na, then Feb 2009 kinasal na kami....bilis lang

wow, how did you know that he's the one? :) I'm watching this Christian couple and they always say it will only take 4-6 months to know kung gusto mong pakasalan ang isang tao.

---

Met at a party, sinama sya ng isa kong friend. Date right away and got married 2.5 years later. We're 4 years married in November.
...all adventurous women do.

FayeP

  • mom of three boys
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 1776
  • life's good!
Re: How I met my boyfriend/husband
« Reply #563 on: September 11, 2019, 10:34:23 pm »
^sis, nalaman ko na siya na kasi may nangyari sa dad nya nun Dec 2008, nastroke eh...may "tagpuan" kasi kami nun sa Dunkin Donuts sa gilid ng Quiapo church since lagi kami simba dun...7am dapat kami magkita, nagtaka ako kasi past 8am na wala pa siya at wala din siya text or misscall or anything, samantalang bago ako mag-out sa office ng 6am, nagtext pa siya na aalis na din siya...so inantay ko kahit ang tagal nya na talaga dumating...mga past 9am na ata yun so nakatayo na ko sa labas ng Dunkin kasi nag iisip na ko kung aalis...nakatingin ako sa may gawi ng underpass sa side ng church, nakita ko un cap nya, lagi kasi siya naka-baseball cap, alam mo yun na-feel kong relief na sobrang nakahinga talaga ako ng maluwag nun nakita ko yun cap nya pa lang ha...dun ko naisip na siya na talaga...kasi narealize ko na di pala ako humihinga habang di pa siya dumarating...nun nakita ko na cap pa lang nya, nakahinga na ko ng bongga...

nastroke pala kasi tatay nya sakto nun paalis na siya kaya dinala nila sa ospital at naiwan nya somewhere cp nya...
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

 


Latest Stories

Load More Stories
Close