i meet my soon to be husband sa bus pauwi ako nun from manila.
he let me have his seat na nakakatuwa kasi bihira na yung ganun ngayon.
pero deadma padin kasi im snob talaga.
Nakakatawa lang yung nangyari kasi even na may available na seat na sa bandang harap eh di padin siya umaalis sa tabi ko..
Yun pala hinhintay niyang bumaba yung katabi ko.
Nung magkatabi na kame sa seat eh nagpapapansin na ubo ng ubo na alam mo naman umeemote lang so natatawa na ko sa kanya nun.
Then maya maya bigla syang nagsalita na "miss pwedeng makita yung kamay mo?" so ako naman nabigla na pinakita yung kamay ko, tapos sabi nya na tinitignan nya lang kung may ring na yung kamay ko.
He's just checking out if married na ko.
Ayun di ko naiwasang kiligin.napa-smile talaga ko ng bongga..
After nun he ask random questions na alam kong hindi ako nagbibigay ng personal info lang na nalaman niya is my nickname na nakasulat sa cup ng coffee ko.
I just say that i'm late for work as a volunteer nurse dun sa town ko.
Tinanong nya yung number ko na di ko naman binigay and he tried to offer yung number nya pero di ko din kinuha.
Then ayun bumaba na ko ng bus. natatawa padin ako habang naglalakad pauwi kasi nakukulitan ako dun sa encounter namen.
After couple of days after may co worker texted me na may naghahanap daw sakin na guy, di ako naniniwala sa kanya kasi sa kanya ko lang naikwento yung encounter namen sa bus so ako hindi talaga naniwala baka ginugoodtime lang nya ako.
Pero nung diniscribe na nya yung guy nagulat ako kasi sya nga yun. pero ako talaga denial kasi halos wala naman akong nabigay na masyadong info and may ibang hospital din naman sa lugar namen. Nung pumasok ako kinabukasan kasi kame yung incoming shift eh nagulat ako kasi nag-iwan yung guy ng rose and calling card.
Yung mga ka-work ko parang gusto akong sabunutan kasi sobrang haba daw ng hair ko.
I just texted him to say thank you kasi naman sobra yung effort nya na hanapin ako.
And ayun na ang super kilig na story namen and this feb ikakasal na kame.
dati di ko naniniwala sa destiny pero sa nagyari samen eh talagang naniniwala na ko.
Sobrang unexpected na sa ganun place namen mahahanap ang isa't isa.
And now we're really happy with each other...
