during our childhood days, sa chapel lang kami nagkikita... Knights of the Altar siya at member naman ang ako ng Junior Choir... he has his own set of barkada and i have my own set, too... medyo close din naman ako sa ibang knights pero never kaming nagkaroon ng chance na magkakilala talaga at maging close... kahit pa nga we both live in a same Barangay and serve in the same Chapel... but we are not neighbors... dun sila nakatira sa kabilang kalsada... kaya talagang sa Chapel lang kami nagkikita or sa may waiting shade...
dumaan ang panahon... nag-highschool... nag-college... nagkaroon ng mga kanya-kanyang karelasyon... pero walang nabago sa sitwasyon namin... magkakilala pa rin kami sa mukha lang... hindi ko nga alam ang pangalan man lang niya eh at hindi rin daw niya alam ang pangalan ko... ang alam lang namin we have one thing in common ---> si Dyey, isang kaibigan.
sixteen years ago, sa compound kung saan sila nakatira nakabili kami at ang kapatid ng mama ko ng property... naunang nakapagpatayo ng bahay ang tita ko at agad silang lumipat. close ako sa tita ko at sa buong mag-anak niya kaya every now and then eh nandun ako sa kanila at nakatambay. madalas, nagkakasabay kami sa paglabas or pagpasok sa compound... minsan naman ay nagkakasalubong din kami... pero hanggang tanguan lang talaga... eh kasi may girlfriend siya noon at my boyfriend naman ako.
hanggang sa dumating na nga ang panahon na kami naman ang nakapagpatayo ng bahay sa property na nabili namin... that was more or less, eleven years ago... magi-expire na kasi ang contract namin sa bahay na tinutuluyan namin noon at ayaw na naming mag-renew ng contract.
mismong gabi ng paglilipat namin, natiyempo na may house party ata sa kanila... bahay muna kasi nila bago ang bahay namin... isang bakanteng lote lang ang pagitan namin... nandun ang mga barkada niya, they are having a drinking session... mga barkada niya na halos mga kakilala ko rin ang karamihan... mga dati ring sakristan... at isa nga doon si Dyey...
Dyey formally introduced us... ganun lang... no fancy thing or whatever... medyo may tama na rin ata kasi silang lahat nung time na iyun while ako naman eh medyo mugto pa ang mata sa kakaiyak dahil sa mga paalaman namin ng mga barkada kong iniwanan sa dati naming lugar (akala mo naman eh out of the country eh isang tawiran lang naman... he-he)
after that night, pag nagbabatian na, may dialouge na... hindi na simpleng tanguan or ngitian lang... it was august 6 when we transferred to that place... a week before mag-fiesta sa kabilang Barangay, sometime September of the same year, in-approach nila ako ni Dyey and invited me for an overnight swimming daw... dun lang naman daw sa malapit sa place namin... nagkataon na when they invited me eh i was with a girl friend na type si Dyey... magpapakipot sana muna ako kaso ang kulit nung girlfriend ko, ikinumprumiso na agad ako... i just broke up with my recent boyfriend then kasi kaya parang ayoko muna sanang lumabas.
September 23, from work, sa amin na rin tumuloy yung girlfriend ko... sa bahay na rin kami sinundo nila Dyey... pagdating sa venue, it turned out na nagkaroon ng kanya-kanyang lakad yung iba... kaya tuloy naging foursome ang nangyari... no regret naman... nag-enjoy naman akong kasama silang tatlo... panandalian kong nakalimutan yung sitwasyon ko ng mga panahong iyun... inuman, kuwentuhan, swimming, kulitan... hanggang almost 1am ata iyun... hanggang sa inantok na si Dyey at yung girlfriend ko... pero kami ni Dada, tuloy pa rin sa kuwentuhan sa labas ng cottage... may swing kasi neaby our cottage at doon namin piniling magkuwentuhan na lang... masaya naman siyang kausap at naging kumportable agad ako sa kanya. nagawa ko na ngang i-confide un situation ko sa kanya... nalaman ko rin na kabi-break up lang din pala nila ng recent girlfriend niya... it was almost 5am then, when he proposed something... tutal naman daw we were both on a rebound, bakit daw hindi muna maging kami, trial and error... parang MU pero a level higher than that... and i agreed, bakit nga ba hindi, kami pag magkasama pero hindi pag ibang grupo ang kasama, i can still entertain suitors at puwede pa rin siyang maghanap... no strings attached... i find it fair enough so we sealed it with a kiss... he-he... pilya ko ba?
so mula nun, naging madalas na siya sa bahay... lalo na kung day shift ako... he still go out on dates sa mga inirereto sa kanya ng mga barkada niya... nagi-entertain pa rin ako sa bahay ng suitor, in fact isa doon eh neighbor namin sa compound na iyun... yung isa naman eh kapatid ng barkada niya...
until maramdaman ko na naiinis na ako pag nagkukuwento siya tungkol sa ex girlfriend niya... without my knowledge na nagngingitngit na rin pala siya pag may nakikita siyang mga guys na nagpupunta sa house... pero walang gustong umamin sa isa't isa... sa takot na baka mapahiya.
January 18, 1996... was at work when my supervisor informed me na i have a phone call... akala ko ex ko na naman na nangungulit... siya pala... he was asking if we can meet up daw at Tropical Hut, sa may Q-Plaza... i asked him kung bakit... sabi niya may importante lang daw siyang sasabihin and it's urgent daw... to make the story short, i got there at 5pm... nandun na siya at naghihintay sa akin... kumain muna kami habang nagkukuwentuhan ng kung [textspeak!]-ano... maya-maya, ako na ang nangulit kung ano ba [textspeak!] totoong dahilan kung bakit hindi na siya makapaghintay na magkita na lang kami sa compound... i can still remember his exact words, "Medyo nahihirapan na kasi ako sa sitwasyon natin eh... di ko pala kaya yung ganitong set-up... ang hirap eh..." yung dibdib ko nun, parang kinakabog... parang lumaki ulo ko... feeling ko, nahihirapan akong huminga... baka kasi kako iyun na ang kinatatakutan ko, ang kumalas na siya dahil may nakita na siyang girlfriend material talaga... "puwede bang..." ibinitin pa niya kaya tinanong ko na siya kung ano ang puwede na gusto niyang mangyari, "puwede bang maging tayon na officially?" OMG!!! muntik na ata akong himatayin ng mga oras na iyun... nakuha ko pa ngang magbiro... sabi ko pag-iisipan ko muna... sagot ba naman ng, "sige, kung negative ang sagot mo, huwag mo na lang sabihin, basta tumayo ka na lang at iwanan na lang dito... hayaan mo na lang akong umuwi mag-isa habang nag-iisip kung ano ang dahilan kung bakit ka tumanggi"... gosh! konsiyensiyahin ba ako??? "sira ka ba? mahal na rin kaya kita" sagot ko sa kanya... talaga naman, at ang bilis pong nagpalit ng facial expression... paulit-ulit pa akong tinanong kung tama ang narinig niya... na mahal ko na siya... kasi daw mahal na mahal na mahal na rin daw niya ako
to make the story short, siyempre diretso date na kami... feeling ko nasa cloud nine ako... sabi niya, ganun din daw siya... taking the risk lang daw talaga siya pero abut-abot daw ang dasal niya na sana maging positive ang sagot ko... eh kasi nga naman, come to think of it, naging mabilis lahat ang pangyayari...
we went home together that night, holding hands while walking at pa-sway sway pa... he-he.. yung mga taong nadadaanan namin mula sa kanto hanggang sa makarating kami sa entrance ng compound namin, napapatingin na lang sa amin... hindi ko alam kung sobrang happy lang kami that time na nagre-reflect sa mga itsura namin or what.
from then on, naging masaya ang bawat sandaling magkamasa kami... wala kaming hindi pinagkasunduan... nagkakaroon ng tampuhan paminsan-minsa, pero naayos agad sa magandang usapan... he always claim na ako daw ang nakapagpatino sa kanya... pero feeling ko naman, ako ang napatino niya.
naisip tuloy namin, we're really meant for each other... tapos sa lahat ng mga naging boyfriend ko, siya lang ang pinakiharapan ng maayos ng father ko... eh yun yung sign na hinihingi ko kay Lord... hindi naman sa bastos ang father ko... pero since laging panakaw ang oras niya for us, mas pinipili niyang pumasok agad sa kuwarto than to mingle with my boyfriend, and since hindi ko nga naipapakilala ng maayos, hindi rin niya ito nakikilala ng maayos at hindi nakikilala pag nakakasalubong sa kalsada... pero hindi kay Dada, imagine, pumapayag pa siyang mag-bless sa kanya si Dada sa kalsada? ang galing, di ba?
mula nang naging kami, pati mga barkada niya isa-isa na ring tumino ang naging one-woman-man... hanggang sa pati kaming mga girls eh naging magkakabarkada na rin... from HOMEVHOIZ to HOMEVHOIZ plus (the girls)
October 11, 1996, during my bday celebration, he gave me a ring as his bday gift... sa ilalim, naka-engrave ang name niya and the January 18, 1996 as the date... may ka-partner din na para sa kanya... name ko naman ang naka-engrave... gosh! super happy ako nung isinusuot niya sa akin yung ring... tapos ganun din ang ginawa ko sa kanya... then we made a vow na we'll love each other truly, madly, deeply... he-he..
it was sometime in the year of 1997 when we started making plans for our wedding... year 1998 sana namin gusto coz we are after the number 8 of 1998... unfortunately, my father passed away last February, 1998 kaya kinalimutan muna namin ang mga plano namin... naging very much understanding naman siya na kailangan ko munang unahin ang family ko bilang panganay sa aming magkakapatid... pero sabi nga, pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.
October 11, 1999, when he asked my Mom's permission na mamanhikan na sa amin the next day... nabigla man ng kaunti ang Mama ko, pumayag naman siya... sabi pa nga ni Mama, kahit pala ini-expect mo na, iba pa rin pag nandiyan na talaga... panic ang Mama ko, ipatawag ba lahat ng kamag-anak namin? Hindi daw niya kasi alam ang gagawin... first time eh... kaso nagkataon, sa aming magpipinsan, ako pa lang ang babaeng pormal na pamamanhikanan... kaya lahat eh nag-panic lalo... sort of Darling of the Clan kasi ako eh.
During the pamamanhikan, wala nang nai-demand ang partidos ko... kasi kusa nang ipinangako ni Dada yung mga posibleng ipakiusap ng family ko, preferably ng Mama ko... kaya naman lalo na akong na-in love kay Dada.
January 29, 2000, 2pm, we got married and live happily ever after....
SUMMARY!
it was August 8, 1995 when we were formally introduced... September 23, 1995 when we agreed to play around... January 18, 1996 when we became officially sweethearts and the rest is history...
Wednesday, January 18, 2006... we celebrated our 10th year anniversary of togetherness!!!!
Next year, 12th year of togetherness na and 8th wedding anniversary na namin... yipee!!!!