We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
Pag nagkaroon ako ng ganyan kalaking halaga, papahukay ko yung tomb ng kuya ko sa Zamboanga City, papa cremate ko yung bones nya tsaka ishi-ship to Manila, ililibing sa libingan ng mama at ate ko. Kawawa naman kasi yung kuya ko dun e, wala na syang kasamang kapamilya nya, wala nang nag-aalaga sa kanya. Tapos, ikukuha ko ng kahit maliit lang na bahay yung tatay ko pati yung 2nd family nya, basta sa kanila na yung bahay, tapos kahit ako magbayad ng tubig at kuryente. Yung iba naman, ikukuha ko ng educational plans yung mga half sibs ko para naman makapag-aral na sila. My dad's 66yo, hindi na sya nakakapagtrabaho kasi 2x na syang na stroke, kaya ngayon, tulong-tulong kaming magkakapatid sa mga pangangailangan nila. Kung ano man ang masave ko pa, yun na lang ang para sa akin. Honestly, kahit hindi na malaki mapunta sa akin, basta makatulong sa mga nangangailangan. Matagal ko nang pangarap yung mga yun. Kaya nga nagsisisi ako bakit hindi ako kumuha ng course na gustong-gusto ko dati e, sana natapos ko pa. Kaya pursigido akong sumali sa mga raffle-raffle e, pati na sa Deal Or No Deal, kaso nagpahinga na sila't lahat, di pa rin ako natatawagan. Siguro nga hindi ako swerte sa mga ganyang bagay...