watch now

Author Topic: DORM LIVING: If you lived or are living in a dorm, please share your experiences  (Read 19050 times)

miss understood

  • Guest
ingatan ang mga gamit. yung sa pamangkin ko, nilimas ng roommate nila ang mga gamit nila: laptops, digicam and other gadgets nung mag-end na ang semester. kaya hindi porke nagkapalagayan na sila ng loob pakampante na.

marichel

  • Guest
I lived in a dorm for 5 years. Kasi 5 years yung course ko. Dorm sa Baguio pala ito.

Okay naman experience sa akin ng pagstay ng dorm. Until 9:30pm ang curfew kaya medyo kampante parents ko dati. Di naman ako pasaway na anak kaya bawas iyon sa worry ng parents ko.

In my first year, every week akong umuuwi sa bahay namin sa province kasi homesick talaga ako. Miss ko yung room ko, parents ko, etc. Isa pa, boring sa dorm namin dati. Wala man lang TV etc. As in aral lang.

On my 2nd year, once a month na lang ako uwi. Hehe.. Neenjoy ko na nito ang Baguio. Isa pa, marami na akong college friends na kasama sa pamamasyal ganun. On my 3rd year until 5th year, madalang na ako umuwi kasi kasama ko na rin yung younger sister ko sa pagdodorm. Sa iisang room lang kami. Isa pa, kakatamad ng umuwi every weekend. Mon to Sat ang pasok namin kaya nakakapagod talagang umuwi sa province. (ang sipag ko pala nung first year kasi every week tlaga  :P)

Marami akong natutunan sa pagdodorm.

Una sa lahat ay natuto akong maging independent. Dito talaga ako natuto ng mga gawaing bahay. Magluto, maglaba, maglinis, maghugas ng pinagkainan, etc. Six kasi kami sa isang room. Then yung style ng dorm namin, bawat room parang apartment stlye. May sariling CR sa room, kitchen, study area, changing rooms. So sa room namin, may sched ng paglilinis. Part na rin yun ng pakikisama. Yun pa pala, dapat pag magdorm ka, marunong kang makisama. Lalo na kung katulad kong marami kayo sa isang room. Ayun nga, may sched kami ng paglilinis. Sa monday toka si ganito na maglinis ng banyo at magkarga ng tubig (hirap kasi ng tubig sa Baguio). Tuwing tuesday si ganito, wed si ganyan, and so on.

Naranasan ko na ring manakawan. So ingat din. May bago kaming roommate then after a week, nawalang parang bula. Dala na yung mga pera namin.

Sa mga roommates ko naman, iba-iba talaga ugali ng tao. So yun nga, makisama ka na lang. May super lakwatsera akong roommate dati. As in yung every night, past midnight uwi at nakainom. Hahaha... Galit na galit tuloy yung nagmamanage ng dorm dahil ito yung naiistorbo sa pagbubukas ng gate at beyond curfew hours na rin. Pag inaaya ako ng roommate kong ito dati ng lakwatsa, tumatanggi na lang ako. Though marunong akong makisama, alam ko naman limits ko at until saan yung pakikisama na gagawin ko. Yun lang, self-control at disiplina din. Pag malayo kasi sa magulang at walang nagbabantay, tendency nito ay sinasamantala ng estudyante ang freedom na ito. Marami akong roommates na ganito. Pinauwi ng magulang sa province kasi nalamang hindi pala nag-aaral. Puro bagsak ang grades. Worst, yung mga perang binibigay pambayad sa tuition at rent ng dorm, di pala binabayad. Naaawa ako sa parents na ganito ang mga anak.  :-\

Natuto din akong magbudget. Kasi my parents will give me allowance weekly then monthly for the utilities and rent. Bahala na ako kung paano ko yung gagastusin. So I learned how to handle money talaga. Magkano grocery ko, for the food, etc.

Masaya magdorm. Dami mo kasi mamemeet talaga. Daming experiences na good for growing and maturing as a person.

mslcgrey

  • Guest
All throughout college i also lived in a dorm. For the first 3 years, dorm na managed by our university so mas strict. 9 pm dapat nasa dorm ka na though pwede kang kumuha ng special pass para pwede hanggang 10pm but for valid reasons lang. On my last year, nag-rent na kami ng room outside ng mga classmates ko. We are already doing our thesis that time so mas late na kami nakakauwi.

Living in a dorm taught me a lot about being independent. I budget my allowance na hindi tumaas sa 4 years na nag-aaral ako. hehe... buti na lang, i have my other allowance fom my scholarship. Actually ako nagbabayad ng dorm ko from my scholarship allowance.

I also learned a lot from my various roommates. Sa dorm kasi every year bago ang roommates mo and iba ibang year kami. So may nung first year, bunso ako then nagiging ate na as the years passes by. I'm very fortunate with the roommates that i had, studious sila and yet they still have time for fun.

Super na-enjoy ko talaga yung time na yan of my life. For parents out there, i know may fear and hindi lahat ng bata eh mas magiging responsible after living in a dorm. Meron iba napapariwara. Siguro habang nasa inyo pa sila, teach them the values ov my life and hopefully kahit saan sila they will carry that.

billy

  • Guest
Grabe, 2011 ko pa pala pinost ito. My daughter is graduating na this March. She had 3 dorms all in all.

agape

  • Guest
Gusto ko sana mag create ng new topic about
Dorm Living for Professionals.
This thread kasi is more on college students eh, usually kasi separate dorms for students
and working people and mejo iba na rin ang rules like no more curfews.
Although meron din nasasama na working tapos studying for their masteral degree.

I checked out some dorms/boarding houses in Makati,
mahal kasi tumira sa Makati to be near your workplace, preferably walking distance na.
Isa pa super traffic sa Makati para mag-uwian ka, during rush hours, more if tag-ulan/baha na.

There were some dorms naman na small lang like 1 room lang of 2-4 bedspacers,
others super daming rooms and bigger rooms have as much as 6, 8, 10 dormers per room.
Some rooms have their own CR in the room naman.

honeybunny

  • Guest
*deleted*
« Last Edit: May 03, 2016, 08:55:45 pm by honeybunny »

imeego

  • Guest
Nag-dorm din ako for more than 5 years din, dami kong naging experiences..
- may mga kumukuha ng gamit, eto talaga di mawawala, mga magnanakaw
- some male helpers may pagkamanyak, naninilip, may time pa na pati picture na nasa table kinukuha
- mga dorm mates na pasaway, ang iingay walang pakialam sa mundo, que tulog ka or nag-aaral wala silang konsiderasyon
- may mga lesbian pa na nagtry manligaw, kasi naman yung ibang dormmates ko may mga karelasyong lesbian haha
- yung food supply na binili mo may times na kinukuha/kinakain ng roommate, sadyang may makapal lang ang mukha
-problema din dati nawawalan ng tubig..sa espana, may oras ang tubig minsan madaling araw nagkakaron so ginagawa namin nag-iimbak kami ng water sa balde..grabe ang hirap
- may curfew although di big deal to for me kasi di naman ako pasaway

But, of course may advantages din..
- dito ako natutong maglaba (di ko pinapalabhan underwears ko)
- dito din ako natuto maglinis, pati cr since my room had its own cr
- i learned how to budget my money, monthly kasi allowance ko so kelangan talaga or else nganga haha
In short, nag mature ako dito, i was only 15 years old then, so yung experiences ko sa dorm living nakatulong din naman talaga

After that, nung medyo matanda na ako pumayag na parents ko na di na ako mag-dorm so i decided to rent my own apt unit na, ako na lang mag-isa plus my yaya..mas tahimik ang buhay, saka nagagagawa ko gusto ko


bellalestrange90

  • Guest
Nagdorm (bedspace) ako for 4 years. Okay naman sya. Swerte kasi kasundo ko lahat ng mga kasama ko. Mahirap lang samin, mga 12 kami sa bahay tapos iisa yung cr pero hindi naman sabay sabay sched kaya okay lang kaya nasanay na din kami na kahit nay naliligo pinapasok namin at kinakatok ang usa't isa. Sa labahan, 1 area lang tapos 2 dorm kaming gumagamit kaya kapag maglalaba ka, make sure nagbabad ka na by 5:30am kasi baka maunahan ka. ang mairereklamo mo labg talaga tung landlady kasi ang tapang. hindi kami pwede magluto, bawal magdala ng appliances or else may dagdag na bayad. 350/month ang laptop kaya meron saming natututo magtago. 1 fone lang ang pwede. Bawal heater, bibili ka sa landlady ng tubig, 2-3php ang isang mug. yes, ganun kamahal! nung 5th year ko na sa manila, lumipat na kami ng apartment nung iba kong dorm mate. laking menos sa gastos kasi nakakapag-luto kami at mura kuryente, 250/month, 3 kami sa bahay. may fan, ilaw, laptop, cp/tab, rice cooker, heater at plantsa. about sa pag-gimik naman, hindi kasi ako gimikera, pagkatapos ng klase derecho bahay, sobrang dalang namin lumabas or mag-mall. may instance pa nga na 3 months akong di nakakapunta sa sm, sm sta.mesa to be exact kasi sya yung pinakamalapit samin.

iwannabeasupermodel

  • Guest
during medschool nagdorm ako. to study kuno lols. but really most of the time i fell to bed and sleep the time away, looking back buti i made it through medschool haha. anyway my dorm is not the usual dorm and i only have one roommate plus we have our own cr. so per "unit" is independent and walang reports of nakawan or what nots. my roommie and i dont interact much to be honest. i'm 2 years her senior. tapos sa last year ko naman i'm doing hospital duties so there are nights na di ako umuuwi. i thought it would be awkward kasi siyempre dapat close kami but i asked around my other friends and ganun din daw sila, di masyado naguusap ng roommie nila. feeling ko nga i'm a bad roommie kasi she'll be studying tapos ako nakikipagusap lang sa boyfie back then. but she's so nice she doesnt complain one bit, i did ask her din if it bothered her and sabi niya sanay na daw siya kasi dati daw mga 8 sila sa dorm niya back in pre med days.

anyway sa dorm natuto ako maging independent that's for sure. natutong magsaing, natutong magtiis ng gutom, gisingin ang sarili and magluto din though not much dun kasi i'll just usually ask my mom to cook large batches of ulam then magdadalam ako sa dorm to microwave later.

ang plus ng dorm (at the very least my dorm), i can stay out really late without being bothersome sa parents ko of course. to be honest, dun ako natuto gumala, makipaginuman etc. and being in the dorm, i have more commmand of my time. like i can eat whenever i want, i can leave really early for school without being a pain to others etc. kasi now that i've moved out and staying at my house, i cant stay out so late. kahit sa mga dates, pag asa dorm ako i can go home whenever i want, pero pag sa bahay kelangan maaga kasi may naghihinatay sa akin. sa last few months ko during clerkship nag-uwian ako, and i know na dagdag hassle ako kina mommy kasi i'll wake up at 4am then be gone by 5am para okay ang commute. and really, nothing beats just walking to your school/workplace.

now that i'll be a senior intern, i'm really set on living near my place of work. i guess i'll have the same mindset/attitude when i'm already a resident. so that i can always just go home to shower or refresh then go back to the hospital to continue working.
« Last Edit: June 01, 2016, 11:16:49 pm by iwannabeasupermodel »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close