Author Topic: Husband's family  (Read 2562 times)

airwaterfire

  • Guest
Husband's family
« on: December 01, 2014, 12:58:10 pm »
May concern po ako sa pamangking lalaki ng asawa ko. I believe mas fair dito mag hingi ng opinion and advice. Isa isahin ko nalang from start:

2011- pumunta sa amin ang nephew to watch over my daughter which pinagsisihan ko but had no choice that time kasi wala talaga mahanap magbantay. he offered na siya magpunta but ang nangyari nakunsumi na ako dahil ginawa lang pala rason ang magbantay para makapunta sa aming lugar. Nakahanap din ako ng yaya eventually. Then umuwi hubby ko. That time kasi medyo close pa kami sa nanay niya kaya na open up ko ang topic na what if dito siya mag aral dahil malapit lang ang bahay namin sa school.

2012- march bumalik kasi pa screening kaya lang may butas ang tenga sabi ko before magpunta ipatahi pero nagpunta parin. ending asawa ko nagabuno pang opera at tahiin ulit. di narin binayaran

2012- may-june sabi ni nephew/i mean nakiusap na pwede tuloy siya sa cebu kasi di yata pumasa or may kulang, makiusap siya. sabi din since naghanap ako ng yaya ang mama daw niya magbantay. kaya sabi ko kay hubby, [textspeak!] payag nalang tayo since mama naman niya mag alaga kay andi. ending, di tumupad mama niya at ang mother ko na ang pumunta. naloko ako sa pangako nila which nainis kami ni hubby

2013- august. nagkaroon kami ng conflict ni nephew. kasi nagwala talaga ako sa sobrang galit kasi ang nangyari, sobrang busy ko sa trabaho, every week ako umuuwi sa probinsya kasi iniwan ko anak ko doon dahil umalis bigla ang yaya. so si nephew lang naiwan sa bahay sa city most of the time. uwi lang ako matulog at maligo. pero what happened, ang pinagsaingan ko minsan panis at iniiwanan sa lababo, sobrang kapal ng alikabok sa bintana, sa sahig, sa upuan at lahat. in short sobrang marumi. parang walang tao nakatira. so pinagalitan ko ng bongga ang nephew kasi naman di na pala umuuwi or natulog sa bahay. uuwi lang para maligo mostly 3x a day yan, at dun na magtambay o matulog sa gf niya malapit sa tinirahan namin. confirmed yan dahil marami ang nakakita. kung di ko rin sasabihan ang husband ko na pamangkin niya di pa umuuwi sa gabi kahit lampas ng 11pm di yan uuwi. at ang matinong pamangkin, magaling sumagot sa akin at magaling magsinungaling. di daw totoo na dun siya sa gf, naglilinis daw siya and all. di ko siya pinalayas pero lumayas pa rin sa kunsente ng mama niya. di kami nagkibuan ng pamilya ng husband ko until ng wedding namin, buti nalang pumunta parin sila.

2014-feb, nagkagulo ang buhay ni nephew, sinundo ng papa at kapatid niya kasi na missing in action, di makontak. ng mahanap na, parang wala sa sarili. nahuli pa nila nagpunta pala sa manila sumama sa gf niya at tumigil sa pag aaral. march na un. sabi ko sa sarili ko, ay, nakarma din pala sa pagsagot sagot sa akin. i warned him kasi last aug2013 na unahin ang eskwela di ang gf kasi yan ang purpose ng pagpunta niya sa amin

2014- june. tinawagan ako ng papa ni nephew-bro ni husband. nakiusap kahit isang linggo daw matira si anak niya dahil lilipat din sa dorm kasi lilipat na ang school nila ng location na malayo sa city. wala ako nagawa kasi naawa ako sa papa niya. si husband ako ang pinagdecide. pumayag ako at sa pag aakala din na isang linggo lang. lumipas iilang linggo di parin lumipat. yon pala, di pala matuloy sa dorm. (naloko na naman ako)

end of june, pinakisuyuan ng kaibigan ko since malapit sa pier pakuha ng ticket. tama bang ibang barko ang ticket kaysa sinulat ng kaibagan ko. di pala nagbabasa kung anong office kinuhaan. kung di ko nakita na ibang barko ang ticket, baka ang kaibagan ko at pamilya niya ma shock sa schedule ng nasa isip nila na di pala tama. nako, uminit ulo ko. pinagalitan ko na naman. at ang galing niya sumagot sagot sa akin. di umuwi kinagabihan. nakipaginuman pala sa labas at umuwi kinabukasan, hinamon ako na magprangkahan. ayon, nadiretso ko ng istorya at nagkasagutan talaga kami. wala siyang respeto sa akin.

sabi ng asawa ko huwag ko nalang pansinin. ayon nga, di kami nagpansinan though minsan kinakausap ko lalo na pag naging mabait siya at tumulong pag wala ang yaya ko.

==================
now, buntis ako 6 weeks na at grabe ang paglilihi ko hinanghina talaga ako pero kahit na ganoon, i need to be strong kasi may 4 year old ako at weekends wala ako yaya.
pag saturday 11/29/14- pagkauwi namin sa hapon ng bb ko galing sa dance school at pedia niya, balak ko sana mamalengke. pero iwan ko si bb sa nephew pero ang mabait kong nephew umuwi 6:30pm na galing sa gala. nainis ako pero di ako nagpahalata. ang ginawa ko lang, since di ako nagsaing pero may lugaw ako(di ako makakain maayos kaya lugaw lang) pero ang ulam na tira namin galing sa kain sa labas, nilagay ko sa ref. ang daing sa mesa yon lang kinain niya. nainis kasi ako di maasahan, kaya nagkasubukan talaga kami.

11/30/14- gumising ako wala pa 6am kahit nahihilo ako, nagsaing at naglugaw. hinintay ko na magising ang nephew kasi iiwan ko sana sa kanya niluto ko para mag grocery sa mall malapit sa amin at makabili ng gamot sa anak ko pero ang mabait, nagtulog tulogan, sarap ng tulog. hinintay ko nalang na matapos at nag grocery. di ko parin ginising kasi isip ko baka babangon ito pag makaalis na ako. susko! nakauwi nalang ako tulog parin. ayon, uminit ulo ko kasi naman masama pa pakiramdam ko di man lang ako tinulungan. pinamili ko ako pa naglinis at nagluto. ang anak ko may rehearsal sa 9am di dapat ma late.

pinagalitan ko siya. sabi ko grabe ka nakauwi nalang ako di kaparin bumangon diyan. sobrang tamad mo, di ka talaga marunong tumulong?! ayon sinagot na naman ako, kesyo daw, matakot daw siya tumulong baka magalit ako. huh! sabi ko kahit nga wala ako dito,di kaparin tumulong. nauupo kalang at naghihintay. un talaga gawain niya. maupo sa sala maginternet, babad sa cp, hanggang matapos na lang kami ng helper ko. may assignments yan dati. di  nga mabigat, magpunas ng screen at bintana at mop every other day ang punas, every day ang mop pero matagal ng di ginagawa. in short, di na tumulong.

kagabi nagkasagutan kami sa pinsan niya. di ko nalang pinatulan. pero ang di ko matanggap yong etext ako ng mama niya na gawin ko nalang katulong anak niya tigil nalang sa aral. sus, nag init tenga ko. ayon haba ng reply ko. sabi ko nga paano naging katulong di nga tumutulong yan. tsaka pinarangka ko sila kung di pa dahil naawa ako sa inyo na pinagsikapin niyo paaralin yan, di ako papayag na bumalik yan dito kasi di naman kami magkasundo. ang haba ng mga text ko ng nanay niya. pero naka divert ang cp ko. tumatawag yon pero di ko sinasagot. what for pa?

tiniis ko ang anak nila, kahit nagmamarunong at magaling sumagot. umalis pero di pa dinala lahat ng gamit. ngayong wala na sa poder ko ang anak nila, seguro matuto yong mamuhay ng di tatamad tamad. ang bata pa, maarte kahit wala pera, tamad pa. nagpabili ako ng gasul nagreklamo nga kasi nahihiya siya magbuhat ng tangke at paguwi sumakit daw shoulder niya. alangan naman hintayin ko ang schedule ng taga deliver namin, next day pa around lunch. alangan di kami maghapunan at mag agahan kinabukasan.

stress ako to nth level these days. mga sis and bros, i was wrong din pero di ko rin kaya na makisama sa ganoong ugali.


princessyuri

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #1 on: December 04, 2014, 03:53:18 pm »
Ang hirap talaga sis kapag nagka-conflict tayo sa relatives or family ni hubby. Before kasi I was living with my in-laws din and halos 3 na pinsan niya nakatira sa amin plus my MIL, SIL and nephew pa ni hubby. Sobrang stressed din ako kasi alam mo ang laki ng bills kasi puro nasa bahay lang, imbis na malinis ang bahay kasi maraming naiiwan, kabaligtaran to the point na halos dagain na ang likod bahay namin. Pero never nakipagsagutan sa kanila before, kapag sobrang punong puno na ako, sa kwarto ako inuubos kong hanger namin kakapalo. Bahala na lang sila mag isip if anong nangyayari sa akin or kung makahalata man lang ba. Mga 2 years kaming ganoon before sila bumalik ng province iyong isa kasi nabuntis, iyong isa nakahanap na daw ng work, iyong isa pa pinauwi na lang ng magulang. Akala ko okay na kami sa wakas pero dumating isang pinsan ni hubby na lalaki one night, dala mga gamit niya kasi parang may nakaaway yata sa cavite. And hindi na siya umalis since then. Maghahanap daw ng work. Nakahanap naman ng work pero I heard tatanggalin narin kasi may attitude problem daw.

Siya ang reason why ako umalis ng house ng in-laws ko. May history kasi siya ng drug addiction although sabi nila tapos na nga daw iyon. May times na umuuwi siya around 3am na. May sarili siyang susi kaya walang problem sa kaniya kahit ganoong time umuwi. Nagkaroon kami ng issue sa food na nagkasala-salabat na. Then one night mga past 11 pm na nagdoorbell ang diin nagising baby ko na pinaghirapan ko patulugin kasi may work pa ako kinabukasan ng maaga. Akala ko may naglaro na naman ng doorbell kasi nga may sarili siyang keys, so hindi agad ako bumaba. Tapos narinig ko bumukas ang gate, so naisip ko baka siya. Nagulat na lang maya-maya may kumakatok sa door tapos maya-maya doorbell ulit sunud sunod. Bumaba ako tapos sinabihan ko siya sana tumawag nalang siya kasi maririnig ko na bakit kailangan magdoorbell pa ng ganoon kasi magigising baby. Nagalit sa akin, sabi sa akin pabalang bakit hindi daw ba siya pwede makiusap sabay pasok akyat sa room niya. Ni hindi nagpasalamat. My mom already warned me na huwag makikipagtalo sa kaniya pero dahil super gigil na ako that time, sabi ko aalis na lang kami. Takot din ako actually kasi nakulong na iyong taong iyon, na-salvage narin and nabuhay lang, maraming saksak and may tama ng bala, so naisip ko, tama lang na umalis na lang kaysa maging chop chop lady pa ako di ko pinangarap.

Sa pamangkin ni hubby mo, hindi ko alam talaga if sadyang tamad lang siya, palasagot like sa mga kabataan sa ngayon, or katulad ba siya ng pinsan ng hubby ko na may history na talaga. Mahirap kapag may conflict ka sa family ng asawa mo, pero dahil dumating na kayo sa ganoong point, sabi nga nila nangyari na ang nangyari. Tingin ko, dapat si hubby mo ang mamagitan and mag-ayos ng problema. Hindi ka pwedeng mastressed sa condition mo ngayon, and kung ganyan na kayo baka makasama pa iyan sa iyo. If kaya pa ninyo mag usap ng mahinahon, gawin ninyo bago siya umalis, if ever na aalis nga kaysa dala dala ninyo both ang inis sa isa't isa.

aquacharly

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #2 on: December 04, 2014, 04:05:43 pm »
The best policy talaga:  do not let relatives (yours or your husband's) live with you.

erza0916

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #3 on: December 05, 2014, 05:18:22 am »
As much as possible wag mo nang patirahin yan sa inyo. Siguro naman may enough reasons ka na para tanggihan sila if ever mang hingi ulit ng favor. May mga magulang yang nephew mo at hindi nyo naman responsibilidad yun lalo na kung ganyang walang utang na loob. Isipin mo na lang ang baby nyo kaysa mastress ka dyan

patriciaheart

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #4 on: December 06, 2014, 06:23:34 pm »
Sis I send you a warm hug and cookies, cake and milk (since preggy ka, bawal wine) to ease your inis.

 Grabe, halatang spoiled yan si Nephew sakanila kaya siguro they want him out. Sana binraso ni hubby yung mag pasok nya sa dorm, para pag gutom sya or kagatin sya ng daga sa hinde nya pag linis eh kasalanan nya. Wag ka pumayag na he would live with you, kawawa naman sa kasi sis in the end sya ang talo sa pag ganyan ganyan nya. If they cannot afford to send him to school then help him or have somebody help him to get a job and move out of his parents house. Warning lang ha, extra prayer lang din since baka mapa sama sya sa bad crowd/junkies at totally mapariwara buhay nya, kahit na gaano sya ka bad sainyo nobody deserves a downward spiral of drugs and addiction. PERO since Matapang sya diba, galing nya sumagot diba? edi kaya nya mabuhay mag isa, and with his gall and moxie eh baka mag succeed sya nyan.

airwaterfire

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #5 on: December 07, 2014, 12:48:11 pm »
Thanks all sa advice. Tama dapat sa una palang di ako nagpatira.
Pero nandito na ito.
Bumalik after 2 days. Di ko nalang pinansin. Importante hindi ako ma stress.













quinone

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #6 on: December 07, 2014, 02:13:26 pm »
^sis, advice ko lang, paalisin ninyo na lang siya. yung pag-ignore ninyo sa kanya, temporary relief lang from stress ang mangyayari. isa pa, baka kung [textspeak!] pang ma-acquire na ugali ng anak mo sa kanya.

airwaterfire

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #7 on: December 07, 2014, 07:12:40 pm »
Yan nga sinabi ko ni husband huwag na pabalikin.
Kaya lang sabi niya hintayin ko paguwi niya.

barbillie

  • Guest
Re: Husband's family
« Reply #8 on: December 09, 2014, 10:23:18 am »
Sis, mahirap talaga magpatira ng relatives sa bahay. Minsan, ikaw pa ang mag-aadjust kahit bahay mo yun para pakisamahan [textspeak!] nakikitira kasi baka may masabi pa yung ibang kamag-anak.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close