Hi, I just want to air this out and of course makakuha ng opinions and advices....
Background: My hubby and I been together for 7 years and we have a 2 year old son. Last Nov, i did a wrong move posting a status on Fb airing my sentiments on how my hubby does his responsibility...
Kasi, si hubby lang marunong magdrive, and and we are living on his mom's other house), hindi namin siya kasama si MIL sa bahay, 4 lang kami, me, maid, my son and my hubby... November, laging nagkasakit anak ko, suka, tae, lagnat, in a span of week or 2 weeks, ako and maid lang sa bahay, im a stay at home mom, kasi i stopped working para magka baby kami dahil hirap ako magbuntis and twice na ako nakunan.... the last time, kaya ako napapost sa Fb was, yun hipag ng hubby and his nieces are nasa MIL ko, Sunday afternoon nung nagtae suka pamangkin niya na turning 2... the ff day monday, her mom texted him if he could go on halfday since nagpunta sila sa ospital and advised na kelangan iconfince, dahil taga bataan hipag niya at mga pamangkin at nagbabakasyon lang nun time na yun dito sa MIL ko, ang hubby ko naman todo half day at diretso dun sa mom niya para umalalay at ipagdrive sila maihatid sa bataan para nga naman duon na iconfine... duon ako nagalit-
Why? kasi ilang beses nagkasakit anak namin, same tae, suka, lagnat for more than 3 days, nun ako nagtext na maysakit anak niya ang sagot niya "madami ako tinatapos, madami ginagawa..." "pag umuwi ba ako diyan, gagaling ba yan?" sobrang napikon ako... kaya yun napapost ako sa FB, and then siempre since yun MIL ko may account din nabasa niya, nagkasagutan sila ng kapatid ko hanggang sa lumabas na kesyo inauunder ko daw hubby ko kaya ganun nangyayari... pati yun nakunan ako na di nakipaglamay parents ko kasi sila binurol nila at nilamayan for a night eh pumunta naman parents ko kaso since sa manila sila nakatira at wala tatao sa bahat namin di sila nag overnight, pati yun inilabas ng MIL ko... talagang ewan, pero kun tutuusin, before ako nagpost sa FB, i called my MIL asking for some help na baka may alam siya na problema sa asawa ko kun bakit ganun, kasi sabi ko kun may problema sa akin, di niya dapat idamay ang bata, for 5 times i called asking his mom's help, wala siya sinabing sa tingin niya eh ina under ko anak niya, samantalang tinanung ko siya ang sagot niya was "baka busy lang talaga, intindihin mo na lang" nagpaalam nga din ako na uuwi sana dahil wala naman iniiwan pera anak niya sa aming mag ina, kundi pa mangungutang katulong namin sa kapitbahay di pa mapapacheck up... yun MIL ko, ang sagot "wag daw ako magsabi sa amin kasi baka [textspeak!] isipin at masira daw anak niya sa amin" nirespeto ko yun dahil nga akala ko was okay kami dahil nga ask ako sa kanya kun may problema ba siya nakikita, wala nga daw... tapos nun nagpost ako inilabas niya lahat yun, samantalang ang post ko was buti pa anak ng iba wala pa 24 oras nagkakasakit andun agad, ang anak niya na halos sugat sugat na pwet kakatae at tubig na pag tinext mo galit pang sasagot na pag umuwi ba daw eh gagaling ba daw anak niya.... That's the beginning...
Ngayon, ewan nagdecide ako iimpake lahat ng gamit at ipinahatid ko sa amin sa mom ko, dahil nga sa ayaw ko na din makipagplastikan sa knila... at ayoko makita mom niya dahil baka di ko mapigilan sarili ko na kapag kinausap niya ako eh sasagot talaga ako....
Ngayon, sobrang punong puno na ako, i decided na umupa kami, ibukod niya kami, where in malapit sa ospital, palengke, school basta malapit basic necessities, na tipong di ko kelangan magtaxi... kasi sa ngayon kelangan magtaxi dahil nasa subdivision kami at along Mindanao Ave, NLex exit... ayaw niya umupa, kesyo gastos daw... pero may budget siya to buy a new desktop computer para sa home theater system niya... may budget siya to buy new bed para sa mom niya and ipa upholster sala set nila dto- nun tinanung ko siya dahil sa una my intensyon is di kwestyunin budget niya kundi di ko talaga maintindihan sulat niya... he yelled me and said "bat mo ba pinakekelaman budget ko, pati yan pinakekelaman mo" to think na i never questioned yun mga binibili at plano nya- ngayon lang dahil siguro punong puno na ako... di na ako sumagot pagkasabi niya nun...
tapos eto pa, lahat ng plano, galaw namin at desisyon lagi niya dinedepende sa kilos galaw at plano ng mom o dad niya... like magpapahatid na sana kami ngayon sa amin pero kagabi sabi niya di pa niya alam kun may lakad sila ng mom niya dahil may namatay siyang pamangkin... naiintindihan ko yun, kasi kilala ko naman yun and nawalan din ako ng anak... nun tumingin kami ng uupahan sinabi ko depositohan na niya kasi baka makuha pa ng iba at pwede naman na lumipat kami mag ina ng katapusan, sabi niya tingnan pa niya kasi nga kelangan niya ibili kama mama niya na inutang namin... nun may nahanap kami sa manila na mura since gusto niya mura upahan para di nakakahinayang-ayaw niya kesyo pangit lugar, nun may nakita kami lugar na nagustuhan niya ayaw niya dahil ang mahal... ngayon may nakita kami mura na maganda di pa din dahil wala nga siya pera...
pagkanag yaya ako pumunta sa amin para madalaw mom at dad ko, lagi niya sagot teka tingnan ko muna kasi baka may lakad sila mama niya... lahat talaga ng plano, desisyon galaw- kelangan ipaalam sa kabila- kundi siya kelanganin-saka pa lang kami aasikasuhin o gagawin yun plano para sa amin... mga sis, di ko na talaga alam, suko na ako... ambigat sa loob na andito kame sa bahay ng mom niya tas isang tawag lang ng mom niya anduon agad siya, kesehodang may plano kami as family... kapag sinabi mo sa knya sentimiento ko, ang sasabihin niya, pag nangailangan tayo si mama nagbabayad, kay mama bahay to, si mama naggrocery, si mama si mama.... kapagod at kaka drained na mga sis....
yun mom nga niya, pag ginusto makita makasama anak ko, agad agad dadalhin niya anak ko dun, pero pag kinailangan namin di ka naman pwede magsalita na ganito dapat kasi nga ayaw daw ng mama niya na pinangungunahan sila... gusto sila lagi....
ngayon nga, umalis na naman dahil kelangan siya ng mom niya magdrive para tumingin daw ng mga prutas at bumili at dumalaw duon sa patay niyang pamangkin... kahit na dapat eh ihahatid niya kami ngayon magina sa amin... nagprepare na ako ng sulat, stating all these, tinanggal ko na din sim card ko and inipit sa sulat, plan ko kasi pag alis niya alis na din kami at iiwan ko na lang sulat... gusto ko na muna lumayo...
eto pa pala, di pa kami kasal, malaki sahod niya pero pag mom niya nagsabi na may biniling property at sa kanya pinapabayad tax, agad siya bigay pera... kahit na prior to that siya mismo nagplan na magcivil kami na walang appearance kasi my mom used to work at Manila City hall na pwede gumawa nun... pero wala naudlot kasi, yun bumili ng bagong ref para sa mom niya kasi pag pasko kelangan daw ng mom niya malaking freezer, bumili bago tv kasi luma na yun tv at sira, nagpa upholster ng bagong upuan kasi luma na, ngayon computer... im so tired.... gusto ko lumayo na di niya kami makita o macommunicate, kun talagang di kmi priority niya eh di mas magaan kasi di na ako aasa o maghihintay ng kun ano ano sa knya at isa lang naman anak ko, di naman siguro ganun kahirap magpalaki at magtaguyod ng isang anak... kun marealize niya priorities niya na kami-good for us....
sinabi ko na nga sa kanya yan na posibleng mangayari dahil kapagod eh, lagi kami kelangan mag step back to give way pag kelangan siya duon sa mom niya... bumubulong bulong-para bang tinatake for granted lang lahat....