Does anyone of you use this type of defense mechanism to protect yourself from disappointments?
Feeling ko kasi sira na ulo ko, kasi sa kabila ng napakaraming blessings na dumadating sa buhay ko, lagi ko naiisip na sa simula lang ito, o hindi din magtatagal, kaya hindi ko magawang totally maging masaya. Gusto ko na minsan mag seek ng professional help dahil sa ugali kong ito. I have had my share of bad experiences in the past na siguro, dahil sa dami nila, hindi na ako sanay na nagkakaroon ng blessings. Kaya palagi ko dinidisregard ang magagandang bagay na dumadating sa akin.
Example, matagal kami nagkahiwalay ng asawa ko dahil sa nagkaron sya ng babae during the time na LDR kami, dasal ako ng dasal noon na maget over ko yun heartaches at mahanap ko pa rin yun happiness na nawala sa akin mula nun iniwan nya ako kahit na hindi na sya bumalik sa akin. For several years, I tried to move on, nagka bf ako, but I still felt empty and unhappy inside. Then after a few years, bumalik sa akin ang asawa ko, nagmakaawa at nanuyo hanggang pinatawad at tinanggap ko ulit. Mga rason kung bakit ko sya tinanggap ulit: 1) dahil hindi naman totally nawala pagmamahal ko sa kanya, 2) hindi ako masaya sa buhay ko kasi wala naman akong nakita na lalaki na nakapagpahappy sa akin gaya ng naranasan ko nung ok ang pagsasama namin 3) nagbakasakali ako na baka magwork naman ulit yun marriage kasi gusto ko maranasan ulit yung pagmamahalan namin gaya ng dati. 4) he has his faults, pero I feel napakabuti naman nyang asawa kung hindi lang ikoconsider ang pagkakamali nya (good provider, malambing, mabait, never ako sinigawan o sinaktan physically, generous, mapagmahal etc.). So tinanggap ko sya ulit, seven years na kami nagsasama ulit ngayon, good boy sya, wala akong reklamo, pero hindi ko magawang maging completely happy kasi lagi ako nagdudwell sa mga nangyari noon. Wala akong rason sa ngayon na maging malungkot, pero pag sobrang saya ko, inihohold ko sarili ko na wag magsaya kasi may fear ako na baka later on, maging unhappy na naman ako ulit. Ang engot lang kasi, pitong taon na akong nag aabang na maghihiwalay kami (there are times na naghahamon na ako pag naaalala ko yun heartaches ko dati, pero niyayakap lang nya ako at inirereassure na it won't happen again) but until now, magkasama pa rin kami, kontento naman and consistent naman sya sa pagmamahal at pag asikaso sa akin. I honestly feel that he has been trying his best to make up for his past mistake, at ramdam ko ang sincerity nya na ayusin ang nasira naming pagsasama. I want to enjoy my moments with him, I want to be completely happy, pero deep inside, pinipigilan ko kasi takot ako na baka one day, bigla mawala na naman lahat ito..
My mom died and my dad has run our business to the ground dahil di naman sya sanay na humawak ng business. Ngayon, in a way, nagiging dependent sya sa support namin ng mga siblings ko kasi ayaw pa rin nya bitawan business kahit luging lugi na. Masakit tingnan na yun dad ko, dati mayaman, ngayon, hirap na at dependent na sa mga anak nya. Ngayon, gusto ko sya tulungan pero di ko magawa kasi wala akong ganun kalaking pera para iinvest ulit sa negosyo namin. Isa pa disappointment ko, hindi ko natapos post-grad schooling ko nung nagkahiwalay kami ng asawa ko hanggang namatay ang nanay ko. Yun iniexpect ko na success na maaachieve ko, hindi nangyari so napilitan ako maghanap ng trabaho na hindi akma sa kursong tinapos ko, basta may ikabubuhay lang. Marami pa mga unfortunate incidents na nangyari sa buhay ko, pero nakakasurvive naman. And instead na mabago attitude ko na maging optimistic dahil despite ng mga misfortunes, nagiging ok pa rin naman, nabaliktad, feel ko palagi, palpak o mapapalpak ang buhay ko.
I want to change my attitude towards life kasi I know this is unhealthy, especially now that I am pregnant. For several years kami nagtry magkababy ng husband ko, then in 2010 nabuntis ako, pero blighted ovum, so nawala din. This year, I got pregnant again, and from the moment I had my positive PT, iniexpect ko na blighted ulit until magpaultrasound ako na nakita na viable naman si beybi. Tapos everytime na nagpapacheck up ako, iniexpect ko palagi na wala maririnig na heartbeat, na sasabihin ng doctor na wala na ang beybi ko. Pero everytime naman ok ang result ng check up ko. Everytime na nagwiwiwi ako, whenever I wipe myself, I always expect na may blood sa tissue. Then ngayon, halfway na ako sa pregnancy ko, iniisip ko, baka may defect si beybi o baka matangle ang umbilical cord sa leeg nya habang nasa loob pa ng tummy ko tapos paglabas nya, dead na sya. Grabe na ang unnecessary worries ko. Hindi ko tuloy maenjoy ang pregnancy ko dahil sa mga worries na to. Add mo pa ang mga panaginip ko na iniwan kami ng asawa ko, na naubos na lahat ng pera at kabuhayan namin, etc. sobra na ako napapraning. Alam ko that this is not solely due to hormones, kasi even before pa ako nabuntis, lagi ko iniisip na may mangyayaring masama sa buhay ko.
Sa totoo lang, my life may not be perfect pero ok naman sya. My husband made me stop working because gusto nya alagaan ko pregnancy ko, kahit ano hingin ko, bigay sya agad, sobrang excited sya kay beybi, ayaw nya na namomroblema ako gaya ng nasira aircon namin sa room, reklamo ako ang init init, bili agad sya. Sobra ako spoiled sa kanya. Grabe ang pag iipon nya para sa delivery ko at sa binyag ni beybi. kung ikumpara sa ibang pregnant dito sa GT, sobrang swerte ko na Pero bakit ang praning ko, hindi ko na lang ienjoy ang buhay? Feel ko napaka ungrateful ko kasi despite all the blessings, di ko magawang maramdaman ang kasiyahan. Lagi ko iniisip na something might go wrong. Am I insane? Gusto ko na mawala ganitong ugali ko kasi kawawa naman ang anak at asawa ko. Kung pwede nga lang me sumapok sa akin para matauhan ako pag inaatake ako ng pessimism ko.

I want to enjoy my pregnancy. I want to enjoy my husband's love. Help!