Sis, I am not sure if you will agree with me, pero maraming ganyan (gold digger, mang aagaw o malalandi) sa Pinas. So once anyone spot your BF, especially he is so open and casual with other girls, di malayo na puede syang maakit.
Sis, napag usapan na ba ninyo how to deal with the opposite sex? Kasi samin it is clear na we try to avoid lunch/dinners with 1 person na opposite ang gender samin, especially if it has nothing to do naman with work. He had some advances before, when it happened once hinatid sya ng girl, the 2nd time naman nagdinner, I did not like it at sinabi ko sa kanya, I don't feel comfortable about it. Alam kong walang malisya at sya pa nga mismo nagkwento sakin, at alam ko rin there is nothing going on, pero para sakin, kung palaging ganun, it can be a start. Diyan lagi nag uumpisa ang mitsa ng mga affairs-affairs. Nung sakin naman, initially colleague ko kasi yun when I had lunch with. Pero nung niyaya nangako ng colleague ko again and again, parang uncomfy narin ako. And my Bf also did not like it, so iwas talaga.
2nd is the physical proximity. Feeling ko I can never be comfortable sa ibang working environments where people hug or nakikipag akbayan na hindi mo alam kung mag GF or BF. Or masyadong touchy or malapit sa isa't isa physically. I don't like that. Kaya sabi ni BF he is fine talaga with that, kasi minsan officemates nya dikit daw ng dikit sa kanya, di naman sya sanay eh lawak lawak naman daw ng nilalakaran nila, di nya maintindihan kapag group lunch, may 2 girls kapag nakikipagkwentuhan, eh nagt touch na yung braso sa braso nya when they are walking. So he is likewise uncomfy pag ganun, kelangan umiwas din.
Call it praning, pero for me, I would rather be safe than sorry. It is not na nagiging hermit kami, we still go out with friends. Iba nga lang kung opposite gender na iisa lang or masyadong malapit. Naalala ko lang yung ex ko before, ganun din nagumpisa yung kabit nya. Magka officemate sila, nag umpisa sa labas labas, inom inom, hanggang sa nagka affair sila. Umpisa, wala talagang malice. Pero while they start to share things, kwento kwento, dun na. Dati kasi hindi ako conscious sa mga ganyan, kaya hinahanayaan ko. Pero hindi pala dapat, at least to my mind. Kahit papano, there should be some distance.