hi sis. mother din ako, my son is 19yo na.
highschool alam ko ang pinaka stressful years, mas kailangan nila ng unawa, support at higit sa lahat yan age ng anak mo na need nya ng kausap, hindi as mom but parang bestfriend.
yan din years na nagta try sila mag rebelde, simple things muna tapos pag nakahanap ng butas mas i deep na nila. kapag naka lusot gagawa ulit ng kaka rebelde nila.
alam mo ba ang reasons bakit nasabi ng anak mo yun gusto ka na nya mamatay, malaki na ang galit nya sayo kapag un na ang binitawan nya salita. pinahiya mo ba sya? may ginawa ka ba na pwede i bully sa kanya sa school o sa barkada nya? nawala kasi ang respeto ng anak mo. ang mga bata kasi, kapag hinayaan mo simula pa lang sumasagot na, masasanay sila sagutin ka.
hindi mo naman need i nag o pagalitan ang anak mo kasi 14 na sya. mas maganda kausapin mo lang sya, kinamusta mo ba sya everyday pag uuwi galing school?, natanong mo ba sya if may prob sya sa school?, may nililigawan na ba?, na compliment mo ba sya sa mga bagay na nagawa nyang tama? nasa age na kasi yan nag hahanap ng identity nya, security, guidance at attention.
sis, heto ang time na need mo lagi sya kausapin, mahabol mo pa yan, matatama pa kung anong mali.. mag usap kayo, usap sis, hindi mo sya pagagalitan, di mo sya sasabihan ng masakit. higit sa lahat wag mo sisigawan. baka papasok pa lang ng bahay pinagagalitan mo na or sinisita mo na?
feeling ko dahil pinararamdam mo sa kanya disappointed ka sa kanya sa school, binabalik din nya sayo. kung ano yun pain nya now, pinararamdaman din nya sayo. gumaganti ba para maintindihan mo sya.
kelan mo ba huling sinabi na mahal mo sya, na andyan ka lang para sa kanya, if may problem sya pwede ka kausapin?
same tayo sis, gradeschool laging nasa top, d nawawala sa honor list, kelan graduating ng elem saka nagluko, hinayaan lang din namin, sinabi na lang namin ni hub sa kanya ok lang yan, pag dating ng college saka ka bumawi, enjoy mo lang. d namin sya kinumpara sa iba, hinayaan namin sya ma realize nya anong mali. binigyan ko sya freedom din mag decision para sa sarili nya, if need nya guidance andito lang ako, sabi ko lang sa kanya, tandaan nya lang.. "you reap what you sow".
iba na mga bata ngayon, kaya di na need pagalitan o saktan, kausapin mo lang direct, pranka, honest, open, mas madali un para sa kanila.