watch now

Author Topic: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?  (Read 3409 times)

Teenprincess87

  • Guest
Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« on: July 24, 2020, 09:08:37 am »
Hi mga sis! Gusto ko lang sana i-share yung dilemma ko at the moment.

Less than 2 years ago, may na-meet ako online na guy, who is good looking, very neat, responsible, career oriented, God fearing, very close sa family, ma-effort, consistent... wala na ata akong mahihiling pa.. we are engaged and soon to get married in 2 months.. First girlfriend nya ako, I?m 27 years old and he is 34.

He works in Ortigas while I reside in Baguio, we meet each other mga 2-3 times a month only, but regular kaming nag uusap sa phone, mag ka-chat. Wala nman akong issue sa attention, love and care, very consistent sya mga sis..

He is a very active part of a Catholic group/community. I don?t have issues with his religious belief because I, my family and his family are all at the same wavelength. Nagagawa nya pang magkaroon ng religious activities on top of his work.. nag dodorm pla sya sa ortigas dahil doon malapit ang work nya..

Pero, my concern is, I feel that my fiance is a gay man. His photos on social media, show his soft side, may mga posing sya na hindi natural sa isang straight na guy. Another thing, he only have one close friend during his teen ager years, who just went public about being a gay a month ago (but they have not been together anymore for 5 years due to their work location.) I saw their old photos together on his social media account, I am bothered about their close physical contact on most of their pictures. This close friend of my fiance is now in a relationship with another gay, they are very proud of their relationship, which makes my fiance feel uneasy about it.

His playlists includes songs of Mariah Carey.. 😢😓😓

He lives in an apartment with another man, dalawa lang sila sa room, although hiwalay nman na single bed tinutulugan nila. This room mate of his, is also a bachelor, who is already 37 years old, and has never been in a relationship with a girl.

What bothers me about his ?roommate? is nagpapatugtog ng sobrang lakas na music whenever I call my boyfriend, sometimes, galit na galit sya sa background at sumisigaw sa boyfriend ko habang magkausap kami sa phone.

One time, habang quarantine, tumawag ako sa boyfriend ko, may inasikaso sya sa bank, inabot sya ng 2 oras kakapila, dahil sa new normal rules... ngayon sinabi nya sa akin na yung roommate nya daw ay nasa 7-eleven at inaantay sya para sabay na silang umuwi, habang kinikwento nya sa akin iyon sa phone, may na-sense akong kilig sa boses nya... kinilabutan ako mga sis! 😣😣😣 Especially, quarantine, kung tapos ng mamili, diba, dapat umuwi na kaagad dahil, buwis buhay ang mag stay sa labas (para lang antayin ang boyfriend ko at sabay silang uuwi). Normal lang ba ang ganun??

Minsan nag birthday ang ka-room mate nya nag celebrate silang dalawa sa room nila at nag inuman.

Wala pang nangyayari samin, aside from holding my hands he never kissed me yet, kc strong nman [textspeak!] ang mga Catholic to avoid premarital sex.

I am dishearthened dahil sa mga iniisip ko about him, but aside from this issue, napaka bait nyang tao, kapatid, at anak.. maasahan ko sya kapag may problema ako, hindi nya ako iniiwan khit sobrang dami na nming pagsubok na pinag daanan. May plano sya sa relasyon nmin, gusto nyang bumuo kami ng pamilya na sentro sa Lord..
 ganunpa man, sa lahat ng mabubuting bagay na eto paano kung may relasyon sila ng room mate nya.. 3 years ndin sila magkasama sa iisang room.. praning lang siguro ako mga sis..

Sis nag woworry ako [textspeak!] kung gay ba sya at kung magpapatuloy ba ako sa plano naming magpakasal.. dahil sa doubts ko about his sexuality, kaya isang araw,  hindi na ako nakatiis.. tinanong ko sya pero hindi diretsahan, kc ayoko nmang saktan ang damdamin nya.. sabi ko, seryosong tanong bilang kung may dapat ba akong malaman sa pagkatao nya.. sabi nya wala daw at alam ko nman daw ang lahat sa kanya..

Mahal nya daw ako at gusto nya akong makasama sa buhay..

Sis tama ba na i-risk kong magpakasal kahit may mga red flags akong nakita? Or para sa inyo red flags nga ba ang mga yun?


Evolet027

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #1 on: July 24, 2020, 09:38:46 am »
@ 34 first gf ka pa lang nya? weird.

Anyway, ask mo kaya muna kung pwede syang lumipat ng apartment na mag isa sya since di ka comfortable at may naiisip kang ganyang about him.

Then I suggest, tell him what you feel about him, be honest. Kesa puro hinala nasa isip mo, better, sit down with him, clarify things, and i hope, you'll get answers na kailangan mo to decide if you are going to marry him or not.

isa pa, thi will test kung talagang mahal mo sya with or without issue about his sexuality.


TomHansen

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #2 on: July 24, 2020, 01:07:26 pm »
@TS, di kita masisisi kung para sa iyo redflags mga yan kaya nga mas gusto ko talaga mag-live in muna mga magpartners bago magpakasal para mas makilala mo yung tao lalo na sa lagay niyo na maraming important questions sa pagkatao niya.

Papakasalan mo na yung tao ibig sabihin dapat kampante na kayong magtanong ng personal questions, wag kang mahiya at wag kang matakot. Instead na tanungin mo kung may tinatago siya diretso mo na tanungin kung bakla siya, or bi dahil malalaman at malalaman mo rin ang totoo kapag isang bubong na kayo kaso mahihirapan ka nang kumalas. Kung isa o dalawang redflags lang na mababaw ok lang sana pero sa kaso niya marami kang nakita kaya di mo pwedeng pakasalan yung tao whose misrepresenting himself. Medyo weird nga rin na di pa siya nagkakagf based sa description mo sa kanya, he's a catch - unless...

Tutal religious siya gamitin mo faith niya sa pagtatanong, "In God's name, bakla ka ba?", na anything na sabihin niyang kasinungalingan parang nagsisinungaling na rin siya or kunwari kasama niyo si God habang naguusap kayo so di siya pwedeng magsinungaling tutal ganun din naman kapag nagpakasal kayo sa harap din naman ni God. Sabihin mo rin na kung may tanong siya para sa iyo itanong niya rin para di niya mafeel na nacocorner siya. I-assure mo rin na mahal mo siya at gusto mo lang malaman ang totoo.


airish_2

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #3 on: July 24, 2020, 02:04:36 pm »
Meron ako trainee before na sobrang lambot as in. Even yung mga ka work mate ko hinala bakla kasi ang lambot magsalita pati sa kilos. Then nag meet kami uli and nagulat ako na may gf siya and ikakasal na kaya nasabi ko talaga na. Akala ko bakla ka not to mock him or what, natawa lang siya at hindi lang daw ako ang nagsabi sa kanya ng ganoon.

Much better mag usap kayo ni bf mo walang masama kung direct to the point question mo para direct answer din ang makuha mo para sa peace of mind mo din 🙂 and para as early as now mas makilala mo siya iyon naman talaga ang process ng pagiging mag bf-gf is yung makilala niyo ang isa't-isa.

Madness

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #4 on: July 24, 2020, 08:22:58 pm »
OMG! Naalala ko may girltalker dito na ganiyan ang kwento. I forgot na. Pero nagpakasal sila tapos nagpa-annul din. So sad

Pero yes, may friend din ako na sobrang lambot. Mayat-maya, aba, naka-buntis! So baka may taong ganun lang talaga, in touch sa feminine side nila.

Tapos na-experience ko din na ligawan ng isang guy. May housemate siya. Best friends daw sila. Maya-maya nalaman ko na ginawa lang pala ako "beard" nung guy. Sila pala talaga huhu. Buti na lang hindi ko ever sineryoso si guy kase may "hunch" na ako. Nag-confess si jowa sa akin. Pero never yung guy. Hindi kase siya out sa family. So ayun lumayo na lang ako. OMG talaga!

Ano ba plano nya, sis, after nyo magpakasal? Iiwan na lang ba niya si roommate?

amethyst028

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #5 on: July 25, 2020, 10:52:25 am »
@TS possible na bisexual siya. not necessarily gay. alam mo naman ngayon dami nang terms sa kanila LGBTQ++ may LGBTQA++ mga ganun parang balak ata sakupin ang buong alphabet. tayo either F or M lang. sila dami na tawag.

anyway, i have a friend na kinasal 2years ago sa 3yrs nila mag jowa never sila nag sex, holding hands at french kiss. on the night of their honeymoon wala daw nangyari sa kanila. but going strong naman and trying to have a baby since last year pa.

don't rule out entirely yung kutob mo. pero pwede naman na mahal ka talaga niya at gusto niya yung traditional family since sabi mo very religous siya and may ugali din kasi tayo na super concern sa sasabihin ng family.

if ever na bi nga siya tanggap mo ba? kasi sa kwento mo parang hindi nga typical straight guy ang fiance mo.

AnnaBananas

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #6 on: July 26, 2020, 07:13:36 am »
Sis, kiss muna kayo ha, bago mo isipin ang kasal.

In fact, suggestion ko is mag-sex muna kayo, bago mo isipin ang kasal. Of course please make sure to use contraception!

Mahirap na to get married to someone when you don't even know if you're compatible sexually. You may end up unhappy or separated later on.

Girltalker2

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #7 on: July 27, 2020, 08:49:46 am »
May classmates din ako Medyo effeminate.
One became a priest while the other one is married now. Not sure if they?re gay. But the other women who got married has 4 Elder sisters kasi. So siguro lumaki sya ng medyo mahinhin pero may family naman sya.

Tsaka sis, regarding his room mate, alam mo ba how it came about na silang 2 lang nagr tent together? I?m sure there?s a background story. Or Basta lang friends sila and lived together?
Can he afford to rent 1 room? Bakit daw kelangan 2 sila? On the other hand naman, mas prefer mo Siguro na guy ang room mate nya kesa girl, Di ba?

I guess close sila ng room mate nya? If yes, pag may gatherings ba kayo sumasama si room mate? Like birthday mo or birthday nya?

crzysxycl

  • Guest
Re: Bakla ata ang fiance ko, what will I do?
« Reply #8 on: July 29, 2020, 03:00:47 pm »
Hi sis TS. May friends din ako na nasa 30's na pero no gf since birth. Hindi naman sila malambot.. pero nung nabanggit mo yung mga pose sa IG na hindi gawain ng straight guy, ramdam ko yan. Yung alam mong hindi talaga aawra ng ganon ang straight.

Ang weird din na pag kausap ka ng bf mo, nagpapatugtog ng malakas si roommate at may sigaw sigaw pa. Obvious ata na nagseselos si ateng.

Mas makakabuti kung sabihin mo sa kanya ng diretso sis yung doubts mo, or atleast yung nararamdaman mo. Kasi ibang iba na kapag kasal na kayo. Hindi rin madali ang magpa annul kaya as much as possible, lahat ng pwede idiscuss at malaman, pag-usapan nyo na, nasa huli ang pagsisisi. Ito yung mali ko, hindi namin nadiscuss lahat bago kami nagpakasal ng husband ko, pero hindi sya gay.. iba lang issues nya.

Kaya mo yan sis! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close