^ sorry sis, hindi ko pala nasagot tanong mo what to do, dahil sa inis ko sa situation.
What to do? Suggestion ko - once na mas nagmellow down ka na ng konti, yung inis mo hindi na sobra sobra, perhaps after a few days, you need to have a heart to heart talk with your BF.
Kung ako ikaw - ito sasabihin ko sa kanya -
1) Kung may iba na syang nagugustuhan, bitawan na nyako para at least puede pako sumaya sa piling ng ibang nararapat. Kaya ko naman nang wala sya.
2) Fidelity - pinaka importanteng ingredient sa relasyon at ang definition ko ng fidelity ay hindi lang yung pakikipagrelasyon/GF sa ibang babae, pero pati narin yung makitext/chat nang matagalan or worse, nilalandi ng guy yung girl or inaallow ng guy lumandi sa kanya yung girl. Dapat hindi sya passive. Dapat HINDI OK na may umaaligid sa kanya. Dapat alam din nya ipaglaban ang relasyon ninyo by shoo-ing away the other women.
Kung hindi nya kaya gawin iyan, kasi nga totoo naman nakaka flatter at nakaka enjoy, that only shows na hindi pa sya dapat nag GF kasi he still enjoys the thrill of flirting with different women - which is unfair for the GF.
I guess TS, ang importante siguro eh magkausap kayo (nang walang sumbatan or sigawan or galit). Yung totoong usap. hindi yun sinabi lang nya na wala yun. Then tapos na. Yung usap ba na mag-agree kayo sa concept ng pag-protect ninyo sa relationship ninyo by simply not getting too close with another person in the opposite sex. Hindi lang sa case nya, kahit sayo din. Kung may lumalandi na guy, deadma at di mo papansin.
Tapos both of you have to make it known to everyone that both of you are taken, both of you are in a serious relationship at hindi fling lang, kaya hindi na possible na meron pang puedeng sumingit. It is the responsibility of each one of you to make that known to the people around you. Hindi yung tatahimik ka lang at deadma kung tinutukso ka ng mga officemates mo.
Iiwasan na daw talaga ni bf si girl.
Hindi sa pag iwas lang e. BF should be man enough to say no. Something like - kung kaya ng girl magpost ng "new bf?" sa FB, puede isagot ni BF sa same forum.... NOT... coz I am super taken na, pero marami pang single dyan na puede mo landiin.

Tingnan natin kung hindi sya ma offend at tumigil. hehe
Ano kaya pwede gawin kay girl. Ignore ko na lang o kausapin ko din? The pics were with his co workers na ka area ni girl. Sumasama si girl sa kanila... And inaakyat nyq talaga un bf ko sa unit...
Ikaw, just ignore.
Si BF, he has to really do something to tell everyone na he is very much taken, and not interested.
Ang pag iwas kasi can mean, gusto na nagpapahabol or nahihiya lang. It can also give mixed signals so it is not enough.
Pero syempre, di mo sya puede utusan or pilitin. Dapat kusa nya gawin ang dapat.