watch now

Author Topic: bf has no time for me  (Read 25304 times)

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #60 on: April 23, 2012, 09:50:11 pm »
thank you sa lahat.  :)

Serena.

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #61 on: April 29, 2012, 05:58:38 pm »
Magpa-miss ka, tignan mo hahanap hanapin ka nyan. And please, wag mo masyadong ipakitang mahal na mahal mo sya, lalaki ulo nyan. I tell you, bawasan mo kahit konti. :)



xo

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #62 on: May 03, 2012, 11:46:27 pm »
thank sa mga nagreply. pero yun nga, sumusuko na ako. hindi naman nya ako mahal, wala na ako magagawa dun. i have a choice and my choice is to move on. kahit masakit, god is with me. alam ko, somewhere out there, may darating pa na mas okay at yung mahal ko. at tanggap ako. pero kung sya pa rin ibibigay ni lord sakin, ok lang. i believe in god's 3 answers, "yes" "not now" "I have something better in mind!" :) masakit naman talaga, pero ganun talaga e. ayoko na rin sya guluhin. ayoko na maging istorbo. ginagawa ko ito kasi mahal ko sya at mas masaya ako kung saan sya mas masaya. yun lang.

JHAZbewithyou

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #63 on: May 29, 2012, 12:01:00 pm »
Tama yun! Magpamiss ka. Kunwari mawalan ka rin ng time sa kanya..

IronLady

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #64 on: June 17, 2012, 06:46:25 pm »
sis, gawin mo para sa sarili mo. hindi dahil para sa kanya. :)

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #65 on: June 18, 2012, 10:10:18 pm »
i just want to update you girls. aminado ako na di pa rin ako makaget over. its been 5 months already and the pain is still there. ewan ko ba, totoo talaga ata yung kasabihan na "habang tumatagal, lalong sumasakit". birthday kasi ng friend ko, and ang akala ko, di siya darating. so ako naman, pumunta kasi ok lang naman. hindi naman kasi siya darating and my surprise kami sa friend ko, ako kasi nagready lahat since her family is wala na dito. so ako na lang talaga yung tinuturing nya na family dito. ayun, lahat kami, walang idea. 2 cars (1 car for boys and 1 car for girls) kasi kami, papunta subic after dinner, direcho na sa subic. ayun, nung nasa resort na kami, sabi ng mga guy friends ko, may pupuntahan lang daw sila. sabi namin, sige. nagpabili pa ako ng mga toiletries kasi may nakalimutan ako. ayun, pagbalik after 30 mins, BBBOOOOOOOMMMMMMMM!!!! kasama siya. 2 of my guy friends went to me and said na hindi nila alam na pupunta sya. sinundo kasi nila somewhere si ex. ayun, nung nakita ko sya, parang bumalik lahat. bumalik lahat ng sakit. parang ang fresh pa at naiyak talaga ako. pero syempre, di ko pinakita kasi ayoko naman gumawa ng eksena dun, and gentleman naman mga kaibigan ko so yung isa, sinabi nya na wag muna pababain si ex kasi nga naiiyak na talaga ako. so ako ok na. parang wala naman ako choice kasi andun na kami sa subic at di pa naman ako nakapagdala ng sasakyan. naghi naman sya, beso-beso, sinabi pa na "ang payat mo na, at ang ganda mo. kumakain ka pa ba?" sabi ko "oo naman no" ayun nangumusta lang sya pero di ko na ulit tinatanong. kasi ayoko na e, alam mo yun. tapos eto na, nung nag-iinuman na, nakipag apir sya sa mga friends ko. syempre, sakin din. 3x then biglang halik sa kamay. sa isip ko, dafuq??? ano problema mo, pero syempre, di naman ako pikon so sige, happy - happy lang. and then 6am came, lahat lasing na, meron kaming friend na sobrang lasing na (girl ito) inalalayan sya nung friend ko na lalake. pano kasi, sa sobrang kalasingan, nagbreakdown at naglabas ng sama ng loob. tapos pinapunta ako nung guy friend namin (anyway, sa kanya pala nag open up yung ex ko before. at siya yung nagsasabi sakin na i should wait and things are going to be okay for us soon) anyway, to cut the story short kasi medyo mahaba na, sinabi nya sakin and sa friend ko na nagbbreakdown "sorry annd ha, pero gagawin na kitang example. eto nga, si annd, nung nagbreak sila ni *toot*, halos maglupasay yan sa harap ko. hindi pa nakainom yun ah. at mas grabe pa ginawa kesa sayo, pero sya tignan mo sya, ang strong nya. di nya alam na darating dito si *toot*, naiyak siya pero nung pagharap ulit ni *toot* ang saya na ulit ng itsura nya. tignan mo, blooming sya, ang ganda nya, kasi alam nya sa sarili nya na kung mag iiyak sya jan at maglalasing ng katulad ng ginagawa mo, walang mangyayari sa kanya." tapos sabi nung friend ko "kasi iba naman si (ex ko)  kay joey" ayun. tapos nung medyo nahimasmasan na yung friend namin, inupo kasi namin. sabi sakin nung guy friend ko habang pinupunasan ko yung friend ko "haba din ng buhok mo no?" sabi ko "bakit?" sabi nya "e kasi, gustong gusto ka nya (ex ko) makita" sabi ko "bakit naman?" sabi nya "miss ka na kasi nya e, tsaka ang saya nya kasi di mo daw pinabayaan sarili mo. ok naman di ba?" sabi ko "oo, ok naman. kailangan maging okay, after all, hindi ko naman birthday party ito." sabi nya "wala nga kami idea na pupunta sya, bigla na lang nagtext samin na andito na daw sya sa olongapo nagpapasundo." sabi ko "ok lang." sabi nya "pareho kayong nangangayayat" sabi ko "ganun talaga e." sabi nya "hindi niyo hiyang ang di magkasama. antay ka lang annd, magiging din lahat sa inyo." sabi ko na lang "if its meant to be, mangyayari mga sinasabi mo. pero kung hindi, god has better plans for me." sabi nya "pero annd, iba ang effort nyang si *toot* (ex ko) biro mo, from manila to olongapo, nagcomute sya just to see you, kahit wala kang sabihin, ok lang. basta makita ka lang nya.  ibang effort din yan, kung ayaw ka makita nyan, di magsasayang ng oras yan pumunta dito, alam lahat natin na nagrereview sya and yet, pumunta dito just to see you. kung ako yan at ayaw ko na talaga sa ex ko, di ako mag aaksaya ng oras na makita ka. at kahit barkada ko pa ang andito. e hindi naman kami kumpletong mga lalake." after this, di na ako kumibo kasi naiiyak na ako at ayoko maniwala sa salita ng mga lasing. sabi ko na lang magswimming na ako kasi kailangan ko ng tubig, hay grabe lang. ang dami na naman tuloy sumasagi sa isip ko. :(
« Last Edit: June 18, 2012, 10:12:56 pm by annd »

dumpee.o13

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #66 on: June 20, 2012, 01:44:41 am »
^ hi sis annd, lamo di ko alam kung tama pero natutuwa ako sa story mo. halos pareho tayong 5 months na after the break-up. and i must admit na, mas okay ako ngayon pero there will come a time na namimiss ko talaga sya. but unlike you, mag-2 months na kaming di nag-uusap nor nagkikita. although gusto ko, pero sya na mismo yung hindi nagpaparamdam e' i think totoo yung sinasabi ng guy friend mo, ang ex kung ayaw na sayo nya. di sya mag-eeffort, di gagawa ng way to see you. just like my ex, alam ko ayaw na nya kasi wala na e' bigla nalang di nagparamdam e okay naman kame, so ayun i decided to let go and to move on (mas mahirap saken kasi 3rd party sa end nya ang reason ng break-up namen). i'm not telling na umasa ka ha? ang akin lang, you can consider it though. ewan ko, kung ako kasi, yun ang gagawin ko as long as mahal ko pa. basta don't jump into conclusion muna, sis. just enjoy what's happening right now. siguro naman kahit pano, kinikilig ka dba? hehe' ayun, pero i wish you luck sis. tama yan, kung talagang kayo. mangyayare ang dapat mangyare. :)

Kriman

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #67 on: July 19, 2012, 06:54:43 pm »
@ Annd

Kung Mahal ka nya talaga dapat di kanya iiwan,  :)
siguro She love someone na kaya kanya iniwan...

Pero dapat kinausap kanya ng masinsinan

plumpolka

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #68 on: August 23, 2012, 12:04:23 am »
Hi sis! Motivate yourself sa pag mmove on mo. I've been there, mas matagal pa nga ako nagmove on kesa sa naging kami. Medyo bitt nga lang yung goal ko nun but it helped me a lot.


Fix yourself, magpaganda ka. Do this, para pag nagkita kayo ulit, iisipin nya na eto pala yung babaeng pinakawalan ko. He may get you back or if wala na talaga, at least you made yourself look better and so you'll feel better. Sa ngayon, kung di mo pa kaya mag move on, wag mo pilitin. Dadating din yan. The more na iniisip mo mag move on, mas maiisip mo yung pain. Sa ngayon, isipin mo na lang muna magpaganda, ayusin mo yung life mo, at baka maisipan nyang balikan ka. At malay mo, after ng bar nya and you're so irresistable na.


Point is: dont make yourself look pathetic. It justifies the break up, parang iisipin ng guy na buti na lang nakipagbreak na ako dyan, nakakaawa.


Anyway, i know it's hard, just focus on yourself and not on the pain. :)

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #69 on: September 17, 2012, 07:58:07 pm »
wow! :) thank you sa mga nagreply. i cannot say that i have moved on totally, but i am thankful na wala na ako sa pwesto ko dati. di ko pa nga naupdate ito pala, last long weekend, august 26 - 27, birthday nung bestfriend ko, and i was expecting na hindi na naman siya pupunta. pero ayun, pumunta siya, although he was invited din. pero nung nakita ko siya, hindi na ako naiyak. siguro naprepare ko na din yung sarili ko and yung pain hindi na siya like before. yes, lagi ko pa rin siya naiisip pero di na kagaya ng dati. eto pa nga yung catch, nung nagpipicture kasi kami nung friend ko, syempre, different poses (alam niyo naman mga girls, dami kaartehan na ginagawa) sabi nya, "baka pwede naman, tayong dalawa sa picture?" sabi ko o sige, lapit ka dito. ayun, lumapit naman siya at nakipicture. kakatuwa lang, parang alam niyo yun, kinikilig pa rin ako. tapos nung sa charades kami, sakto, pareho kami ng team. sabi nung mga kaibigan namin, ang galing daw namin dalawa sa charades kasi lahat nahuhulaan naman. sabi nga nung isang friend nya na kasama din niya pumunta, anyway, sa tagaytay kasi kami. "ang daya nitong dalawang ito, may connection kayo kaya di kayo magkakampi" kasi next game namin, pinoy henyo naman. :) haha pinaghiwalay kami ng team pero hindi rin natuloy kasi lahat lasing na. ewan ko ba, basta, masaya lang ako ngayon. and kung ano man yung nangyari nung birthday, oo, nafeel ko na may pag-asa pero di na ako talaga yung totally na umaasa na magkakabalikan pa kami. its just that, i choose not to be bitter and mad. kasi sa totoo lang, wala naman ako mapapala if yun yung gagawin ko at iisipin. eto, nasabi ko na din ito sa previous posts ko na, if magiging kami, ok lang sakin kasi mahal ko naman siya, if hindi naman, i know that god has better plans for me and alam ko, mas okay yun. sa part ko, no bitterness, as long as maging masaya sa buhay nya. ewan ko, true love na kung true love, at least alam ko sa sarili ko na hindi ako nananakit ng kapwa ko, at kung nasaktan ko man siya, in any way that i know and i dont know, siguro nagbayad na ako dun and i said sorry. sabi nga sa quote, "When two people are meant for each other, no time is too long, no distance is too far, and no one can ever tear them apart" and yung quote na "A heart truly in love never loses hope, but always believes in the promise of love, no matter how long the time and how far the distance" :)

sa mga in love na nagbabasa ng thread ko, im happy for you and dun sa mga brokenhearted, wag tayo mawalan ng pag-asa :)

alex001

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #70 on: September 17, 2012, 09:19:23 pm »
sis annd, isa ka sa mga inaabangan kong story, and im happ for you na kaya mo na :) Godbless sis! pray ka lang lage :)

annd

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #71 on: June 19, 2013, 09:55:41 pm »
just want to update you guys. well, hindi naman kami nagkabalikan. but the thing is, i have finally moved on with whatever feelings i have for him. right now, im dating someone. actually, hindi pa naman kami. he's a friend of mine way back in college and he pursued his studies abroad. btw, hindi siya pinoy. indian siya, pero sobrang hindi siya mukhang indian and he's so pinoy sa values. last march, nagkita kami kasi nag message siya sa facebook na isa-isa nya kami minimeet. and then yun na, for one month,  3x a week kami magkasama. he told me na masaya daw ako kasama and ayun, nung time na babalik na siya sa UK, madalas pa rin kami magmessage. just imagine yung time difference pero sya talaga yung todo effort samin dalawa. :) sobrang happy ko lang. and here's the catch, sabi niya baka daw uuwi siya ng india sa august, kasi ikakasal yung pinsan nya. pero instead, hindi siya nagbook sa india, dito sa philippines sya nagbook. so by august, gagawin ko na official na kami talaga. :) i couldnt ask for more. mas happy ako now.

sa ex ko naman, nalaman ko na nakamove on na ako when i saw him at my friend's party last april. dun ko nalaman na wala na talaga. and then last saturday, birthday ng bestfriend ko. andun din siya kasama mga kapatid nya kasi super close din samin. ako civil lang sa kanya pero yung mga kapatid andun din. tapos ayun, kwentuhan lang kami ng mga kapatid nya. pero kaming dalawa, mag kaiba ng table. okay naman, sabi ko nga, napatawad ko na sya. sana napatawad na rin nya ako sa mga ginawa ko sa kanya noon. tapos pala yung bestfriend nya asked me "may pag asa pa ba?" sabi ko naman "wala na.. happy na ako." tapos sabi niya "sana makapag hintay ka kasi mahal ka niya. iba lang priorities nya sa ngayon." sabi ko naman "iba na rin ang priorities ko ngayon." yun lang, tapos nag end na conversation namin. wala na ako balak pa bumalik sa relationship namin dati kasi sobra ako happy now =)

sana happy din kayo lahat. =)

thank you!

px17

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #72 on: June 20, 2013, 02:41:18 am »
^sis binasa ko talaga mula start story mo. Kinikilig ako sayo! Masaya ako kasi nakamove on ka na. :) At ayan na nga may love life ka na. yeee.  ;D

tapos pala yung bestfriend nya asked me "may pag asa pa ba?" sabi ko naman "wala na.. happy na ako." tapos sabi niya "sana makapag hintay ka kasi mahal ka niya. iba lang priorities nya sa ngayon." sabi ko naman "iba na rin ang priorities ko ngayon." yun lang, tapos nag end na conversation namin.
thank you!
[/quote]

Bet na bet ko tong linya mo na ito! :) Kung mahal ka nga naman talaga niya kahit priority pa niya ang bar exam niya hindi ka niya iiwan. Si bf kasi engineering student pero kahit thesis defense nun kinabukasan nakipagbonding pa sakin. Pinalayas ko lang para wag ako masisi kung di man maganda result ng pag dedefend niya.

Share ko na din..Kami ni bf nag away last saturday kasi nalaman ko na mag prapractice sila ng banda niya sa monthsary namin. Tinopak ako ng bongga at inaway ko talaga. Alam mo ba sabi niya sakin "aalis na ko ako sa pagbabanda para wala na tayo pag aawayan. I like music pero hindi kita kaya mawala" kinilig ako ng sobra at konsensya at the same time knowing na hilig talaga niya yun high school days palang namin. Pero hindi ako nagreply para lang mawindang siya. Tapos nagtext ako sa girl na kabandmate niya na close friend ko (para malaman kung nagpraprac pa sila) stir daw si bf kasi hindi umattend ng practice (nahiya tuloy ako sa friend ko). Pero nung tuesday okay naman na kami away bata lang ang peg.   :)

Ms.Practical.88

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #73 on: June 20, 2013, 01:17:19 pm »
Hi sis Annd, ako din binasa ko lahat, haha, kaloka.. ako din dumaan sa ganyan 4+ yrs kami and iniwan ako for whatever reason pero now move on na move on nako and natatawa nalang ako sa mga iniyak ko dati and i can say na super happy ako sa current relationship ko and i couldn't ask for more.  :D

Everything happens for a reason talaga sis. aja!

Goodluck and Godbless sa new lovelife :D

princeza08

  • Guest
Re: bf has no time for me
« Reply #74 on: June 26, 2013, 12:19:14 am »
sis annd, super natutuwa naman ako sa story mo, ako din back read ko from the start. tama yan ginawa mo sis, at least ikaw minahal mo ang ex mo ng totoo, kahit nasaktan ka, you let him go. nagpaganda ka, inayos mo sarili mo, at tama na minahal mo muna sarili mo, kasi paano ka nga naman makakahanap ng magmamahal sayo kung ikaw mismo hindi mo mahal sarili mo diba , tignan mo ngayon, blooming na blooming ka at pati ang love life mo. naniniwala ako sa destiny, kung talagang kayo, kayo... kasi minsan may mga bagay na hindi natin kontrolado. kahit gaano natin kagusto ang isang bagay kung hindi yun para sa atin eh hindi magiging satin kahit anong gawin natin. keep the faith sis! you deserve to be happy & you deserve a better man :-)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close