Hi po..ano po ba ang mai advice niyo sa akin..medyo complicated kasi family situation namin ever since.ngayon malapit na ang First Birthday ng baby boy ko.i invite my sister kasama ang husband niya at anak nya..so after a week nabalitaan ko na pati Aunty ko na nakatira kasama ng parents ko nalaman ang invitation at gusto sumama..pero ayoko silang imbitahin kasi magugulo sila at dahil kasama niya sa bahay ang papa ko,naiinis ako at kinakabahan na baka malaman kung saan mag ce-celebrate ng birthday ang anak ko,at pumunta siya at aawayin ako dahil hindi ako nagpupunta sa kanila..nainis ako sa ate ko hndi ko na lang pinaalam sa kanya dahil war freak siya..sana kasi tinanong niya ako kung pwede siya mag invite sa iba namin relatives di ba?kasi alam naman niya na may misunderstanding ang pamilya namin matagal na..ang sinasabi niya makipag bati ako,ipaalam ko kung saan kami nakatira ng asawa ko..ayoko ipaalam yung bahay dahil ugali nila bigla ka pupuntahan at basta hihiram ng pera,tapos pag wala ka napahiram sayo pa galit.yung tatay ko kahit na tatay ko yun,malayo ang loob ko sa kanya..
lagi kasi siya nananakit sa amin noon pa kaya naging rebelde kami mga anak niya..kaya ayoko malaman ng tatay ko yung birtday celebration ng anak ko kasi magulo siya..ganun din tita ko..iniisip nila na dapat tinutulungan sila kasi ako yung medyo naka ahon sa hirap.pero wala naman ako trabaho,asawa ko lang,at umuupa lang kami.sakto lang yung income namin.nakakasawa kasi yung ugali nila na nakalakihan ko..puro negative sila,kahit ako noon ganyan rin kaya madalas kami mag away ng asawa ko noon,,mabuti nabago ko na ugali ko at nagyon ko lang nalaman na napaka pangit ng kinalakihan kong pamilya,super negative,hndi mo pa ginagawa ang isang bagay,para sa kanila ginawa mo na..pag may pera ka,ikaw ang o obligahin na tumulong,,pag di ka naka bigay masama ka..dati nakahiwalay ng bahay ang ate ko sa asawa niya at doon ako nakatira..ayaw rin niyang ipaalam bahay niya at nainis siya na pinupuntahan siya nila papa at biglang hihiram..alam ko naman ngayon kaya lang naman siya kampi sa mga yon dahil wala siyang choice,isang tulay lang ang tatawirin mula sa parents ko nasa bahay ka na ng ate ko at asawa niya..kaya wala siya chance maka tago..
ganun rin ako ngayon,ilang taon na pero d nila alam bahay ko kasi ayoko talaga ipaalam..ayoko kasi isipin nila na may pera kami..dahil wala rin naman...ang problema kasi sa ate ko nagmamagaling,,kung makapag advice sa akin akala mo magkakasundo sila doon sa province nila papa..hindi naman ako nagpa invite para sa meeting de avance..mahirap para sakin na bigla ko papa puntahn lahat ng relative ko sa party after ng halos 8 years na may misunderstanding kami..kaya nga sabi ko sa kanya na siya nga ang una ko iimbitahin kaya sana wag niya muna ipaalam sa iba..kaso pinagkalat agad..kung pwede lang ipabago yung lugar ginawa ko na..kaso nakapag down na kami dun sa jollibee..parang ako pa yung masama..may karapatan naman ako mag demand kung sino gusto ko imbitahin di ba?at sana ni respeto niya yon..kahit na ba sa tingin niya yung pag iimbita ko sa iba pa kamag anak namin ang way para magka bati kami,,dapat pinaalam niya muna sa akin kung pwede di ba?hirap kasi magsalita sa kaniya dahil ka ugali niya tatay ko..sobrang war freak,konting salita mo masama na agad..wala ka ng karapatan mangatwiran..kaya sakal na sakal ako noon sa buhay ko,,pinangako ko sa sarili ko na lalayo ako sa kanila kasi sobrang gulo talaga,,kahit kanino ko ikwento naguguluhan sila..
hindi sumasagot yung ate ko ngayon,sinabi ko sa kanya na nagpa reserve ako 5 seats para sa kanila sa birthday ng baby ko,nagalit kaya siya dahil 5 seats lang pina reserve ko sa kanya?ang hirap kasi pina pangunahan ako..hindi naman niya ako ni respeto sa gusto ko..ano po ba pwede ko sabhin pag pinilit niyang gusto niya isama yung iba namin relatve na ayoko makita dahil nga may misunderstanding kaming lahat?...nirerespeto ko kasi yung family ng asawa ko dahl napaka bait nila at ayoko po mapahiya ako sa parents niya..ayokong makita na ganyan pala yang pamilya ko napaka gulo at pala away ang tatay ko,lagi pa sila nanghihingi..shmepre po pera ng anak nila yung hinihingi sa amin kaya po hindi rin maganda dahil sila hindi naman humihingi sa anak nila..saka hindi naman po lahat ng tao makaka intindi sa ugali ng pamilya ko na sobrang negative..sorry po ang haba ng post ko..